Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Jul 03, 2024 118 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Magturo ng Ebanghelyo

Si Hesus ba ay Tunay na Naroroon sa Banal na Sakramento?

T – Marami sa aking mga kaibigang Kristiyano ay nagdiriwang ng ‘Komunyon’ tuwing Linggo, at ipinagdidiinan nila na ang Yukaristikong pag-iral ni Kristo ay isang pambanalang paglalarawan lamang.  Ako’y naniniwala na si Kristo ay naroon sa Yukaristiya.  Ngunit mayroon bang paraan upang maipaliwanag ito sa kanila? 

S – Ito’y talagang isang di-kapanipaniwalang paninindigan na sabihin na sa bawa’t misa, ang isang munting piraso ng tinapay at isang kalis ng alak ay nagiging ganap na laman at dugong Kusa ng Diyos.  Hindi isang paglalarawan o palatandaan, ngunit ito’y tunay na katawan, dugo, kaluluwa, at kabanalan ni Hesus.  Paano natin ito magagawang isang paninindigan? 

Mayroong tatlong mga dahilan kung bakit natin pinaniniwalaan ito. 

Una, si Hesukristo ay kusang sinabi ito.  Sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 6, sinabi ni Hesus:  “Tunay, tunay na sinasabi Ko sa inyo, maliban lamang na kakanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang Kanyang dugo, kayo ay walang buhay sa sarili ninyo.  Sinuman ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw.  Pagka’t ang laman Ko ay tunay na kakanin at ang dugo Ko ay tunay na inumin.  Sinuman ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananatili sa Akin at Ako sa kanya.”  Tuwing sinasabi ni Hesus, “Tunay, tunay na sinasabi Ko…”, ito’y isang tanda na ang Kanyang susunod na sasabihin ay may buong payak na kahulugan.  Bilang karagdagan, ginamit ni Hesus ang Grekong salitang trogon na ang pagsalin ay “kumain”—ngunit ang totoong kahulugan ay “ngumuya, ngumata, o himayin ng mga ngipin ng isang tao.”  Ito’y isang maliwanag na pandiwa na magagamit lamang nang santalagahan.  Mandin, bigyang-pansin ang ganting tugon ng Kanyang mga tagapakinig; sila’y nagsilayo.  Isinasaad sa Juan 6: bilang kinauwian nitong [pangaral], marami sa Kanyang mga alagad ay bumalik sa kanilang dating kinagawiang pamumuhay at hindi na nagsiulit na samahan Siya.”Hinahabol ba Niya sila, sinasabing hindi nila naunawaan Siya?  Hindi, sila’y hinayaan Niyang lumisan–sapagka’t Siya’y taimtim tungkol sa Kanyang pangaral na ang Yukaristiya ay ang Kanyang tunay na laman at dugo. 

Ikalawa, naniniwala tayo dahil ang Simbahan ay palagi nang itinuro ito simula sa pinakamaagang mga araw.  Minsan kong tinanong ang isang pari kung bakit walang pagbanggit ng Yukaristiya sa Kredo na ating ihinahayag tuwing Linggo—at sumagot siya na ito’y dahil walang nakikipagtalo sa Kanyang Tunay na Pag-iral, kaya ito’y hindi kinakailangang bigyan ng pangkapunuang kahulugan!  Marami sa mga Ama ng Simbahan ang nagsulat tungkol sa Yukaristiya—bilang halimbawa, si San Justino Martir, nagsusulat sa loob ng ika-150 na Taon ng Panginoon, ay inilagda itong mga salita:  Pagka’t  hindi bilang isang pangkaraniwang tinapay at pangkaraniwang inumin na tinatanggap natin ang mga ito; tayo’y napangaralan na ang pagkain na nabasbasan ng panalangin ng Kanyang diwa, at kung saan nagmumula ang kalusugan ng ating dugo at laman, ay ang laman at dugo ng yaong si Hesus na nagkatawamg-tao.”  Bawa’t Ama ng Simbahan ay sumasang-ayon—ang Yukaristiya ay totoong laman at dugo Niya. 

Pinakahuli, ang ating pananampalataya ay napasisigla sa pamamagitan ng mga himala ng Yukaristiya sa kasaysayan ng Simbahan—mahigit na isang-daa’t-limampung mga himalang natalà nang buong katiyakan.  Marahil ang pinakabantog ay ang naganap sa Lanciano, Italya sa loob ng ikawalong-daang mga taon, kung saan ang isang pari na pinag-alinlangan ang tunay na pag-iral ni Kristo ay nagulantang nang nagtagpuan niya ang Ostiya ay naging malinaw na laman, habang ang alak ay naging bilang malinaw na dugo.  Pagkaraa’y natuklasan ng makaagham na mga panunuri na ang Ostiya ay bahagi ng kalamnan ng pusong nagbubuhat sa isang lalaking tao na may uri ng dugong AB (napaka-karaniwan sa mga kalalakihang Hudyo).  Ang pusong kalamnan ay nabugbog at nagkapasa-pasà nang sukdulan.  Ang dugo ay nagsipagbuo sa limang mga kimpal, nagsasagisag sa limang mga sugat ni Kristo, at ang bigat ng isa sa mga kimpal ay makababalaghang tumutumbas sa bigat ng limang mga kimpal kapag pinagsama-sama!  Ang mga dalub-agham ay hindi maipaliwanag kung paano makatatagal ang laman at dugong ito nang labindalawang-daang mga taon—mandin ay kusang isang di-maipaliliwanag na himala. 

Ngunit paano natin maipaliliwanag kung papaano ito nangyayari?  Tayo’y makagagawa ng pagkakaiba ng pagkakayari (isang bagay na may anyo, amoy, lasa, atbp.) sa kalamnan (kung ano talaga ito).  Noong ako’y musmos na bata, nasa loob ako ng bahay ng aking kaibigan, at nang siya’y umalis ng silid, nakakita ako ng isang galyetas na nasa plato.  Ito’y nag-anyong katakamtakam, may amoy tulad ng banilya, at kaya kumagat ako nito…at ito pala’y sabon!  Ako’y bigong-bigo!  Ngunit ito’y napangaralan ako na ang aking mga pandama ay hindi parating maaninaw ang isang bagay kung ano talaga ito. 

Sa Yukaristiya, ang kalamnan ng tinapay at alak ay nagbabago sa pagiging kalamnan ng katawan at dugo (isang pamamagitang kinikilala bilang banyuhay), habang ang mga pagkakayari (ang lasa, amoy, anyo) ay nanatiling magkatulad. 

Ito’y totohanang nangangailangan ng pananalig upang matanggap na si Hesus ay tunay na umiiral, pagka’t ito’y hindi makikilala ng ating mga pandama, o ito’y isang bagay na mahihinuha ng ating pangangatwiran o pananahilan.  Ngunit kung si Hesukristo ay Diyos at Siya ay hindi makapagsisinungaling, maluwag sa kalooban kong maniniwala na Siya’y hindi isang palatandaan o paglalarawan, ngunit tunay na naroroon sa Pinakabanal na Sakramento! 

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles