Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 09, 2021 788 0 Teresa Ann Weider, USA
Makatawag ng Pansin

SABIHIN MO SA KANILA NA MAHAL KO SILA

Ang Diyos ba ay marunong magpatawa? Oo, Ikaw at ako ay buhay na patunay nito!

Higit Pa Sa Mga Salita

Ang mga salita ay nakapaligid sa atin at ginagamit upang tayo ay makaramdam at tumalima sa mga bagay at kaganapan. Ang mga salita ay makapangyarihang gamit upang iangat tayo o ibaba. Sa mabilis na pag-inog ng internet na gamit sa komunikasyon ay mas mahalaga kailanman ang makahanap ng mga salitang nagbibigay inspirasyon at nagbibigay ng pag-asa. Maraming taon na ang nakalipas ang mga unahan ng sasakyan ay may etiketang nakadikit na nagsasaad ng “John 3:16.” Wala akong ideya kung ano ang tinutukoy ng mga salitang ito. Isang araw, ipinaliwanag ng aking kaibigan na ito ay isang berso sa bibliya. Sa wakas nahanap ko ang berso, sa totoo lang ang mga salitang nabasa ko ay pinaka mabisang pampasigla sa lahat ng nabasa ko. Ang banal na kasulatan na ito ay naging napakasikat at maraming tao ang nakakabigkas ng mga salita nito ng hindi binabasa dahil natatandaan at nasa isip na. Bakit maraming tao ang nagsa-ulo ng talatang ito at inilimbag ang payak na sanggunian nito sa mga pang publikong lugar? Ito ay dahil sa ang mensahe ng mga salitang ito ay puno ng pag-ibig, pag-asa at kaligtasan.

Sinabi sa atin ni Juan sa kanyang ebanghelyo na minahal ng Diyos ang sanlibutan at ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang naniniwala sa Kanya ay hindi mapahamak bagkus ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.       Ang talatang ito ay hindi lamang nagbibigay pag-asa para sa ating kaligtasan, ito ay isang mensahe ng lubos na pag-ibig. Basahin muli… mahal na mahal ng Diyos ang mundo! Isiping mabuti iyon sa ilang sandali. Mahal tayong lahat ng Diyos at lahat ng bagay na nilikha niya sa mundo. Ito ay isang makapangyarihan at mahalagang mensahe na hindi dapat na bale-walain, ngunit kailangan kong balikan sandali upang ipaliwanag ang kalaliman ng Juan 3:16 na inihayag sa akin sa sariling sulok ng aking mundo.

Isang umaga maraming taon na ang nakalilipas, ang asawa ko ay umalis na upang magtrabaho, at ang aming mga anak ay pumasok na sa eskwelahan, at ang bahay ay TAHIMIK! Habang ako ay nakapantulog pa, naupo ako sa aming lamesa sa kusina na may hawak na isang tasa na may mainit na tsaa, nagplano na makipag-ugnayan sa aking malambing na Panginoon upang kumpletuhin ang lingguhang aralin sa bibliya. Isang malamig at maginhawang tag-lamig ng araw na iyon sa California. Uulan sandali pagkatapos ay sisikat ang araw mula sa likuran ng mga ulap hanggang sa maging makislap ang lahat bago umulan uli ng isa pang mabangong alon ng ulan. Ang indayog ng ulan at araw sa hilagang California ay lumilikha ng isang kasiya-siyang bahaghari na nagpapaalala sa akin ng kasunduan sa atin ng Panginoon. “Siya ang ating Panginoon at tayo ay kanyang mga tao. Siya ang aking Panginoon at Ako ay sa Kanya… (masayang buntung-hininga!).”Isang kalugod-lugod na paraan upang magsimula sa pag-aaral ng bibliya.

Sa Pagsikat ng Araw

Narinig ko na ang Diyos ay marunong magpatawa, ngunit kaninang umaga wala ako sa kundisyon na pagbigyan ang kanyang pagpapatawa. Binuksan ko lahat ang aking mga libro, at naghanda ng panulat, at humigop ng kaunting tsaa ng maramdaman ko ang isang madamdaming paghimok. Biglang tumigil ang ulan at ang araw ay lumitaw. Sinubukan kong huwag pansinin ang matinding pag-uudyok, pero lalo itong tumindi. “Ngunit Panginoon” ang daing ko” Nakapantulog pa ako!.” May dalawa kaming maliliit na aso at pakiramdam ko nais ng Panginoon na magmadali akong magbihis, talian ang mga aso at ilakad sila habang sikat ang araw. Hindi ako nagdala ng anumang bagay. Nakaramdam ako ng mapayapa ngunit matinding pamimilit. Nasa labas na ako ng pintuan sa loob ng ilang minuto.Palagay ko binigyan ako ng Panginoon ng maikling sandali upang magbabad sa araw dahil nasuri ako ng doktor kamakailan lang na kulang ako sa bitamina D. Sikat ng araw ang makakatulong at makapagbabago nito ang sabi niya sa akin. Ngunit hindi ko inaakala na ang Panginoon ay may pangangasiwaan na isang natatanging uri ng pag-aaral ng bibliya.

Sa dulo ng bilog na putol na daan ng aking kapit-bahay ay may pasukan na nakakalitong mga daanan. Pagdating ko sa pasukan, napansin ko ang isang malaking puting hindi markadong pang kargamentong sasakyan na nakaparada sa unahan. Bagama’t nagsimulang manikip ang aking sikmura tulad ng inaasahan, parang inuudyukan ako ng Panginoon na tumuloy. May nakatayong armadong opisyal ng bilangguan sa tabi ng Van na nakahanda. “Panginoon, ano ang balak mo? Hindi ito nakakatuwa,” naisip kong kumilos ng kaswal habang dumadaan sa harap ng bantay. Tinanguan ko siya habang patuloy sa naglalakad.

Pagpindot sa Buton ng Takot

Sa hanay ng mga lakaran, may isang sapa na napupuno ng tubig kapag umuulan. Pagtingin ko sa ibaba ng sapa nakita ko ang 6-8 mga lalaking nakasuot ng kulay orange na jumpsuits, ang uri na isinusuot ng mga preso sa mga lokal na bilangguan. Kamakailan lang 2 beavers ang nagpasya na tabunan ang sapa at naging dahilan ng problema sa agusan ng tubig. Ang mga kalalakihang naka orange jumpsuits ay may mga hindi mahigpit na bantay at sila ay ipinadala upang linisin ang mga basura sa sapa. Gayunpaman, sila ay may mga bantay na armado. Mahigpit kong hinawakan ang aking rosaryo habang patuloy sa paglakad.

Ang mga bilanggo ay tumigil sa pagtratrabaho sa aking pagdaan at ilan sa kanila ay nag komento tungkol sa aking mga maliliit na aso na bahagya mong maririnig. Sa pagkakataong iyon, isa sa mga aso ko ay nagpasyang sagutin ang tawag ng kalikasan. Tumigil siya sa lugar na kita siya ng lahat ng manggagawa. Biglang may isang opisyal ng bilangguan na lumitaw na hindi ko alam kung saan nanggaling at nilapitan ako at ang aking aso. Sa anumang kadahilanan nakaramdam ako ng kasalanan sa paghihintay, ngunit nasa awa ako ng aso kong nataon sa pangangailangan. Ang gusto ko na lang ay makapagmadali sa pag-alis.

Habang papalapit sa akin ang pangalawang armadong opisyal lalong tumindi ang aking kaba. Ngunit narinig ko ang sarili kong nagtatanong, “Ano ang ginagawa nyo?” Nagulat ako na marinig ang sarili kong tinig na bumasag sa katahimikan. Alam ko naman ang ginagawa nila. Saan ba nanggaling ang tanong na iyon? Kinumpirma ng opisyal ang aking palagay at nagpalitan kami ng ilang mabilis na katuwaan. Nilinis ko ang lugar at ako ay nagpatuloy sa paglalakad.

Halik sa pisngi

Habang naglalakad nagtataka ako, kung bakit ako ay gusto at pilit na pinalalabas ng bahay ng Panginoon. Naisip kong muli ang tungkol sa sikat ng araw bilang regalo sa akin at nagpasiyang maglakad ng payapa. Ang presensya ng Panginoon ay nasa buong paligid ko at nalulugod ako sa kanyang presensya, nakapagpasya ako na maglakad ng mas mahaba kaysa dati. Ang rosaryo sa aking kamay ang aming naging pag-uusap habang dinarasal ko ang mga misteryo para sa araw na iyon. Nang nasa ikalawang dekada na ng rosaryo, nagsimulang lumakas ang hangin at isang malamyang ambon ang humalik sa aking mukha na tila ang mga labi ng Panginoon ay marahang dumampi sa aking mga pisngi. Ang mahinang ambon, gayunpaman, ay biglang naging malakas na pagbuhos ng ulan na bumabad sa akin at sa aking mga aso. “Sobrang nakakatawa…” Naisip ko. Hindi ako nakapagdala ng payong.” Sinabi mo sa akin na huwag magdala ng kahit ano!” Natawa ako sa pagpapatawa ng Panginoon, at nagpasalamat din para sa ulan at nagmamadaling umuwi. Ngunit hindi pa tapos ang Panginoon.

nandoon pa kaya ang mga guwardiya at mga bilanggo? Paglapit sa labasan napansin ko ang puting Van. Sa kung anumang dahilan, nakaramdam ako ng kaluwagan na hindi pa sila nakakaalis. Nagtataka pa rin, naniniwala akong kailangan ko silang bigyan ng anuman. Pero ano? Tubig? mga Cookies? Ano? Anong meron ako? Tumakbo ang isip ko. Nagluto nga pala ako ng tinapay saging na pinalalamig ko sa ibabaw ng patungan sa kusina. Tama, iyon nga… nagmamadali… pumasok ako sa loob at inisip na pagputol-putulin  ang tinapay! lalo kong naramdaman ang pagmamadali. Huwag mataranta! may gumagabay sa akin. Dali-dali kong pinutol ang tinapay, inilagay sa plato, tinakpan at at madaling lumabas ng bahay habang dumadaan sa aking daanan ang puting van na pang preso.

Isang MakaDiyos na Ngiti

Bilang isang hudyat, kinawayan ko ang tsuper na may ngiti. Nakilala niya ako at maingat na huminto. Iniabot ko ang tinapay na parang isang alay. Ibinaba niya ang bintana at sinabi kong “Baka gusto mo itong ibigay sa kanila. Napakarami nilang ginawa,” Hindi pa man natatapos ang aking salita, ang opisyal ay ngumiti at tumango na tinanggap ang aking ibinibigay. Hindi ko makita ang kanilang mga mukha, ngunit narinig ko ang tinig ng isang lalaki sa may hulihang upuan na nagsabi ng “Aah” Kinuha ng opisyal ang tinapay at bago niya naitaas ang bintana, isang bilanggo ang sumilip at inilabas ang ulo at walang ipin, na may maka diyos na ngiti at sinabing “Salamat! Salamat!” din ang sabi ko. “Pagpalain ka ng Diyos” at bawat isa ay isa-isang nagsisagot sa akin. Habang papalayo na sila, dahan-dahan akong naglakad pabalik sa bahay at humikbi ng may luha sa tuwa. Ako ay pinagpala.

Naniniwala ako na ang lahat ng nangyari ng umagang iyon ay nangyari ng may dahilan. Ang bawat salita ay may layunin. Bawat segundo ay may bilang. Ang ulan at sikat ng araw ay nangyaring hudyat. Maging ang nakatutuwang mga aso ko at tawag ng kalikasan ay may papel. Itinakda ng Diyos ang entablado at binigyan ako ng papel na gagampanan sa isang makapangyarihang pag-aaral ng bibliya na nagpapaalala sa akin na mahal Niya tayong lahat at hindi Niya kailanman nakakalimutan ang sinuman sa atin. Mahal Niya tayong lahat saan man tayo naroon, anuman ang ating hitsura o anuman ang ating nagawa. Minahal Niya ako, minahal Niya ang maawaing opisyal, minahal Niya ang mga bilanggo, minahal Niya ang mga aso ko, minahal at nakipaglaro pa siya sa hangin, sa araw, sa ulan, at sa bahaghari sa araw na iyon.

Maaaring hindi ko na makitang muli ang mga kalalakihang iyon sa buhay na ito. Binigyan ko sila ng tinapay na saging upang malamnan ang kanilang tiyan kahit sandali, ngunit dahil sa sobrang pagmamahal sa kanila ng Diyos ipinagkaloob Niya ang kanyang bugtong na anak, ang tunay at walang hanggang tinapay mula sa langit. Ng isinugo ng Diyos ang kanyang Anak para sa ating kaligtasan, dahil ito sa kanyang pagmamahal! Mahal Niya ang lahat ng kanyang nilikha. Lahat ng nilikha ng Diyos ay may pagmamahal Niya at sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesukristo ay pagkakalooban Niya tayo ng buhay na walang hanggan. Hindi ko napagmasdan ang Juan 3:16 ng gaya ng dati simula ng araw na iyon. Nakikita ko na ang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng bagay ngayon. Nakahiligan ko na rin ang ekspresyon na “Magmadali habang ang araw (Anak) ay nagliliwanag.” Ngunit idinagdag ko dito ang isang bagay: “dahil hindi mo nais na makaligtaan ang mga aralin at biyaya ng Diyos!”

Mapagmahal na Ama pinupuri at pinasasalamatan kita sa pagmamahal mo sa akin ng walang sukatan. Sa bawat sandali ako ay nasa iyong paningin at alam mo pati ang kaibuturan ng aking puso. Sa araw na ito matatag at ipinangangako na mamuhay kasama ka ng buong puso at hindi kailanman titiwalag mula sa ilaw ng iyong walang hanggang pagmamahal.

Amen!

Share:

Teresa Ann Weider

Teresa Ann Weider ay naglingkod sa Simbahan sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng kanyang aktibong pakikilahok sa iba't ibang ministeryo. Nakatira siya kasama ang kanyang pamilya sa California, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles