Home/Makatagpo/Article

Jul 27, 2023 278 0 Colum Mc Nabb, Ireland
Makatagpo

SA MGA BAGWIS NG HIMALA

Isinilang na may autism na hindi makapagsalita at nasuri na may Retinitis Pigmentosa, isang kondisyon kung saan unti-unting nawawala ang paningin, nadama niyang nakulong siya sa isang tahimik na bilangguan ng kawalan ng pag-asa.  Hindi matutong makipag-usap at halos hindi makakita… ano kaya ang magiging buhay ni Colum?  Ngunit may ibang balak ang Diyos para sa kanya…

Ang pangalan ko ay Colum, ngunit sa buong 24 na taon ko, hindi ko pa nabigkas ang sarili kong pangalan dahil hindi ako makapagsalita simula nang isilang.  Nang maliit pa, ako ay nabatid at nakilanlang may katamtamang autism at malubhang kapansanan para matuto.  Ang buhay ko ay nakakainip.  Ipinaglaban ng aking mga magulang ang aking karapatan na matuto, sa pagtatayo ng paaralan kasama ng ibang pang mga magulang ng mga batang otistik, at nakipaglaban para sa pondo upang maipagpatuloy ito.  Ngunit dahil hindi ako makapagsalita, hindi nila alam kung ano ang kaya ng utak ko, at nakita kong ito ay purol.  Akala ng mga tao ay mas masaya ako sa bahay habang nanonood ng mga DVD. Hindi man lang ako nagbakasyon pagtunton ko ng 8 taon.  Hindi ako naniwala na ako ay makakawala kailanman sa aking tahimik na bilangguan ng kawalan-ng- pag-asa at pagdadalamhati.

Pinapanood Ang Iba Na Mamuhay

Dama ko lagi na malapit sa akin si Hesus. Mula sa mga pinakaunang araw ko, Siya ang aking naging pinakamalapit na kaibigan at nananatiling gayon, hanggang ngayon.  Sa pinakamadilim kong sandali, nandiyan Siya para bigyan ako ng pag-asa at kaginhawahan. Napakahirap na ang lahat ay itinuturing ako na parang isang sanggol samantalang matalino sa loob ko.  Dama kong na ang aking buhay ay hindi ko kayang tiisin.  Para akong kalahating buhay bilang isang manonood, nanonood ng iba na nabubuhay samantalang ako ay itsa-puera.  Madalas kong hilingin na ako ay makasali at ipakita ang aking tunay na kakayahan.

Nang ako ay naging13, bumibigay na ang aking paningin, kaya dinala ako sa Temple Street Chjildren’s Hospital para sa isang pagsusuri sa mata na tinawag na electroretinogram (ERG) .  Binigyan ako ng Diyos ng isa pang hamon. Nasuri ako na may Retinitis Pigmetnosa (RP), isang kondisyon kung saan ang mga selda ng retina sa likod ng mata ay namamatay at hindi napapalitan, kaya unti-unting nawawala ang paningin.  Walang medikal na lunas upang ayusin ito.  Ako ay nadurog.  Napakasakit na dagok sa akin at dama kong ako ay nabalot ng lungkot.  May yugto ng panahong na naging matatag ang aking paningin, nagbibigay-pag-asa sa akin na mapanatili ang aking paningin, ngunit habang tumatanda ako ay lumalala ang aking paningin.  Ako ay nabulag na hindi ko na matukoy ang pagkakaiba ng iba’t ibang kulay.  Dumilim ang aking kinabukasan.  Hindi ako makapagsalita, at ngayon ay halos hindi na ako makakita.

Ang buhay ko ay nagpatuloy sa kulay abong kawalan ng pag-asa na lalong mas kaunti ang pagkakapisan at pakikipag-ugnayan.  Naniniwala na dito ang aking ina na kailangan akong maipasok sa institusyon kapag tumanda na ako.  Pakiramdam ko’y pagewang-gewang ako sa gilid ng kabaliwan.  Tanging Diyos lamang ang pumagitna sa akin at sa kahibangan.  Ang pag-ibig ni Hesus ang tanging nagpapanatili sa aking katinuan.  Ang pamilya ko ay walang nalalaman sa aking paghihirap dahil hindi ako makapagpabatid sa kanila, ngunit, sa puso ko, naramdaman kong sinabi sa akin ni Hesus na gagaling ako pagdating ng panahon.

Umiinog Sa Loob

Noong Abril 2014, isang bagay na kamangha-mangha ang nangyari. Dinala ako ng aking ina sa aking unang pagawaab sa RPM (Rapid Prompt Method).  Hindi ako makapaniwala.  Sa wakas ay nakilala ko ang isang taong naniwala sa akin, na naniniwalang kaya kong makipag-usap, at na tutulong sa akin na magsikap kung paano matuto. Napagkurokuro mo ba ang aking kagalakan?  Sa isang iglap, nagsimulang umasa ang puso ko—pag-asa, hindi takot, na ang tunay na ako ay maaring lumitaw.  Ang tulong ay dumating din sa wakas.  Ang Katuwaan sa loob ko ay pumaikot-ikot nang paglingap na may nakakita na sa kakayahan ko.  Nagsimula ang nakakapagpabagong-buhay na paglalakbay sa pakikipag-usap.

Napakahirap na gawain sa simula, na tumagal ng mga linggo ng pagsasanay upang makuha ang motor memory na makabaybay nang wasto.  Ang bawat minuto ay kapaki-pakinabang.  Ang mga damdamin ng kalayaan ay nagsimulang lumago nang mahanap ko ang aking tinig sa wakas. Habang sinimulan ng Diyos itong bagong kabanata sa aking salaysay, ramdam ko’y ang aking buhay ay talagang nagsimula na.  Sa wakas, masasabi ko na sa aking pamilya ang nararamdaman ko at labis akong nagpapasalamat sa Diyos.

Paghagupit At Pangangagat

Lukso sa Mayo 2017.  Sinabi sa amin ng aking lola na nagkaroon siya ng napakamasidhing panaginip ilang taon na ang nakakaraan tungkol kay Pope John Paul II.  Sa panaginip, hinihiling niya sa kanya na ipagdasal ang kanyang mga apo at ito ay napakamabisa kaya isinulat niya ito.  Nalimutan niya ito hanggang sa makita niya ang kuwaderno, at naging inspirasyon niya ito na magsimula ng nobena kay Santo Papa Juan Pablo II para sa akin at sa aking mga kapatid.  Hiniling niya sa isang grupo ng mga tao na magdasal ng nobena kasama namin, simula sa Lunes, ika-22 ng Mayo.  Noong Martes, ika-23 ng mga 9 ng umaga, nanonood ako ng DVD sa aking silid sa labas ng kusina.  Si Itay ay pumasok sa trabaho at si Inay ay nasa kusina nagliligpit.

Biglaan, tumahol ang aso aming ng si Bailey sa may pintuan ng aking silid.  Hindi pa niya ginawa ang tulad noon, kaya alam ni Inay na may may hindi tama.  Nagmamadali siyang pumasok at natagpuan niya akong nasa kalahitnaan ng isang atake.  Lubha iyong nakakasindak para sa kanya.  Nangingisay ako at nakagat ko ang aking dila kaya may dugo sa aking mukha.  Sa kanyang pagkabalisa, nakaramdam si Inay na may nagsasabing, “Magtiwala ka lang.  Minsan lumulubha ang mga bagay bago ito umige.”  Tinawagan niya si Itay na nangakong uuwi.  Hiniling niya sa kanya na kunan ako ng pelikula na naging kapaki-pakinabang nang kami ay dumating sa pagamutan.  Nang tumigil ako sa panginginig, natulala ako ng mahigit dalawang minuto.  Ako ay nawalan ng malay sa pahirap na ito at wala akong maalala tungkol dito, ngunit ipinagdadasal ako ni Inay at minamanmanan upang panatilihin akong ligtas.

Sandali ng Pagtanglaw

Nang sa wakas ako ay matauhan at pasuray-suray na tumindig, wala akong katatagan.  Tinulungan ako nina Mama at Papa na sumakay sa kotse upang magtungo sa pagamutan (UCHG). Sa ospital, sinuri ako ng mga manggagamot at inadmit para sa karagdagang pagsisiyasat.  Dumating ang portero dala ang silyang de gulong para ilipat ako sa Acute Medical Ward Habang tinutulak ako sa pasilyo, biglang nagkaron ng madramang paghusay sa aking paningin.

Paano ko maisasalarawan ang aking nararamdaman sa sandaling iyon?  Ako’y natulala sa ganda ng mga tanawin sa paligid ko. Ang lahat ay naging mukhang kakaiba at napakalinaw.  Nakamamangha! Mahirap ipaliwanag ang naramdaman ko sa sandaling iyon ng pagtanglaw.  Hindi ko maipahayag ang antas ng aking pagkamangha sa pagbabalik sa isang mundo ng kulay at hugis.  Iyon ang pinakamagandang sandali ng aking buhay hanggang ngayon!

Nang tanungin ako ni Inay kung may sasabihin ako, binaybay ko, “Mas mahusay ang mata ko. ” Nagulat si Inay.  Tinanong niya kung may nakikita akong sticker sa isang makina sa labas ng aking maliit na sulok.  Sinabi kong oo.”  Tinanong niya kung nakikita ko ang nakasulat sa itaas ng sticker. ko, “Ako ay malinis”.  Laking gulat niya na hindi niya alam kung ano ang iisipin o kung paano tutugon.  Hindi ko mismo alam kung paano makaramdam sa sandaling ito!

Nang dumating si Itay at ang aking tita, sinabi sa kanila ni Inay ang nangyari. Sinabi ni Itay, “Kailangan nating subukan ito”.  Nagtungo siya sa kurtina sa dulo ng aking kama at itinaas ang isang maliit na bag ng mga dairy-free na chocolate na butones.  Binaybay ko ang nakasulat sa bag.  Sumunod nito ay panandaliang mabilis na pagtatanong habang binibigyan niya ako ng madaming salita upang baybayin sa susunod na mga minuto.  Nakuha ko nang tama ang lahat ng mga salita. Nagulat ang tita at mga magulang ko.

Paano ito mangyayari? Paanong maiisulat ng isang bulag ang lahat ng mga salita nang tama? Ito ay imposible sa agham ng medisina.  Walang sukat ng medikal na paggagamot ang makakatulong sa Retinitis Pigmentosa.  Walang lunas sa agham ng medisina. Tiyak na ang Diyos ay mahimalang gumagamot sa akin sa tulong ni Santo Papa Juan Pablo II. Hindi ito kayang ipaliwanag sa ibang paranan. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos sa pagpapanumbalik ng aking paningin. Ito ay isang gawa ng totoong Banal na Awa. Nagagawa ko na ngayong gumamit ng keyboard para sa malayang pakikipag-usap na may salita na labis na mabilis.

Ang Aking Inang Nagdadasal 

Hayaan mong sabihin ko sa iyo kung paano ko pinanatili ang pananampalataya.  Madaming ulit akong nag-alinlangan tuwing nakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa.  Si Hesus lamang ang nagpanatili sa akin na maging matino.   Nakuha ko ang aking pananampalataya sa aking ina.  Napakalakas ng kanyang pananampalataya.  Siya ang nagbigay sigla sa akin na magpatuloy sa oras ng paghihirap.  Ngayon alam ko na ang ating mga panalangin ay tinutugon.  Natagalan bago ako nasanay sa pagbabalik ng aking paningin.  Ang pagkakalag ng aking utak/katawan ay napakalawak kaya ang utak ko ay hindi maikabit para gamitin ang paningin sa tamang paraan.  Mabuti para sa pag-susuri, subalit mahirap para sa aking utak na gamitin ang kaalaman mula sa aking paningin.  Halimbawa, kahit na nakikita ko, nahirapan pa din akong tukuyin kung ano ang hinahanap ko.  Nadidismaya ako minsan kapag nadadapa ako dahil hindi ko makita kung saan ako patungo kahit na may paningin ako.

Noong Setyembre, bumalik ako sa pagamutan para sa pagsusuri.  Nakakuha ako ng 20:20 na marka para sa aking pagsipat at makulay na paningin, kaya normal na ang aking paningin ngayon.  Gayunpaman, ang retina na larawan ay nagpapakita pa din ng panghihina.  Hindi ito bumuti.  Ayon sa agham medikal, di mangyayaring makakita ako ng malinaw.  Dapat ay natigil pa din ako sa isang madilim at kulay abong mundo.  Ngunit ang Diyos sa Kanyang awa ay pinalaya ako mula sa mapurol na bilangguan at ihinulog ako sa isang magandang mundo ng kulay at liwanag.  Ang mga manggagamot ay naguguluhan.  Naguguluhan pa din sila, pero nagdiriwang ako dahil nakakakita pa din ako.

Ngayon, nakakagawa ako ng madaming bagay na mas mahusay kaysa sa dati.  Kaya kong sabihin kay Inay ang mga bagay-bagay nang mas mabilis ngayong magagamit ko na ang nakalaminang pilas ng alphabeto.  Iyon ay lubhang mas mabilis kaysa sa stensil. Lubos akong nagpapasalamat sa aking matalinong Inay sa pagpupumilit niyang ako ay matuto sa kabila ng mga paghihirap at sa pananalangin nang buong katapatan para sa aking paggaling.

Sa Ebanghelyo, nadidinig natin ang tungkol kay Hesus sa pagpapanumbalik Niya ng paningin ng madaming bulag, tulad ng pagpapanumbalik niya ng sa akin. BSa makabagong panahong ito, madaming tao ang nakakalimot tungkol sa mga himala.  Sila ay nanunuya at nag-iisip na may sagot ang agham sa lahat ng bagay.  Ang Diyos ay hindi isinali sa kanilang mga pagsasaalang-alang.  Kapag ang isang himala tulad ng aking pagpapagaling ay nagaganap, inihahayag Niya na Siya ay buhay na buhay at makapangyarihan.  Inaasahan kong ang kwento ng aking paggaling ay pumukaw sa iyo upang buksan ang iyong puso sa Diyos na nagmamahal sa iyo nang labis.  Ang Ama ng awa ay naghihintay sa iyong tugon.

Share:

Colum Mc Nabb

Colum Mc Nabb is a young aspiring writer. Diagnosed with moderate autism and severe learning disability, he is non-verbal. Yet his deep spirituality is evident as he transpires now that it was Jesus who kept him sane in those years of silence. Column lives with his family in Galway, Ireland.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles