Home/Makatawag ng Pansin/Article

Nov 19, 2021 2142 0 Ellen Hogarty, USA
Makatawag ng Pansin

SA GITNA NG UNOS

Ang mga unos ng buhay ay sadyang nakakatakot, subalit kapag ang mga ito ay nagngangalit, hindi tayo kailanman nag-iisa.

Ako ay lumaki sa Hawaii at sa ikatlong taon ko sa mataas na paaralan, lumahok ako bilang isang gurong-mag-aaral sa programa tungkol sa agham-buhay na pandagat kung saan dinala namin ang mga mag-aaral, lulan ng malaking bangka, sa 4 na oras na paglalakbay sa karagatan.  Kasama sa paglalakbay na ito ang pangangalap ng mga ‘sample’ ng latak mula sa ilalim ng dagat, ang pag-aaral ng panimula ng paglalayag, at ang paghahagis ng isang malaking lambat upang tipunin at alamin ang tungkol sa mga nananahanan sa karagatan.

Bahagi ng aming pamboluntaryong gawain ang pagtulong sa mga upahang tauhan na maglayag ng yate sa bawat isla ng Hawaii upang maidulot namin ang mahussy na programang ito sa mga mag-aaral sa buong estado. Buhay na buhay sa aking alaala ang gabing naglakbay kami sa paligid ng isla ng Maui. Dalawa kaming boluntaryo ang nakatanod nang biglang dumating ang isang malaking unos. Ang mga alon ay humampas sa mga gilid ng bangka habang pilit naming iniumang ang manibela sa tamang direksyon.  Ang mga laging-handang tauhan ay dumating at tinulungan kami. Sa lakas ng hangin, kami ay nawaglit sa tamang daan. Upang maiwasang maitapon sa dagat, kailangan naming magsuot ng guwarnes at ikabit ang aming sarili sa barandilyang bakal.  Madaming oras kaming nakipaglaban sa unos bago namin nadating ang katiwasayan ng isang daungan.

Madalas kong maisip ang karanasang ito kapag binabasa ko ang ebanghelyo tungkol kay Jesus at sa mga disipulo na inabot ng unos sa dagat. “Kasunod nyang sumakay sa isang bangka ang kanyang mga alagad. Bigla na lang dumating ang isang marahas na unos sa dagat, kung kaya’t ang bangka ay nasalanta ng mga alon; subalit  siya ay natutulog. Pinuntahan siya at ginising ng mga ito at nagsabing, ‘Panginoon, iligtas mo kami! Nalilipol na tayo! ’Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit kayo natatakot, O kayong may kaunting palataya?’ At siya ay bumangon, pinagsabihan ang hangin at dagat, at nagkaroon ng kapayapaan.  Ang mga kalalakihan ay namangha at nagsabi, ‘Anong uri ng tao ito, na kahit ang hangin at dagat ay sumusunod sa kanya?’ (Mateo 8:23-27).

Ginugol ng mga disipulo ang kanilang buhay sa dagat, at tiyak na alam nilang lahat ang mga taong namatay sa mga bagyo. Alam nila kung gaano kapanganib ang mga biglaang unos na ito at kung gaano kakilabot ang maging lulan ng isang bangkang ibinabalibag ng napakalakas na hangin at mga alon.

Gayunpaman, nakatulog si Hesus! Kailangang gisingin siya ng kanyang mga alagad upang mahingi ang tulong niya at tila nagulat pa siya na sila ay natakot. Panatag niyang hinarap ang mga elemento at naibalik ang kaayusan at kapayapaan sa kalikasan, lahat nito sa labis na pagkamangha ng kanyang mga kaibigan. At nagtaka sila, “Anong uri ng tao ito, na kahit ang hangin at dagat ay tinutupad siya?”

Ano ang matututuhan natin sa pangyayaring ito? Ang taong 2020 ay naging isang bagyo sa maraming paraan: isang Madami ang nasalanta ng pag-aalala at pagkabalisa sa walang katiyakang mga oras na ito, nakadamang ang pundasyon na pinaninindigan natin ay nagbabago at bumibigay na.

Para sa aking pamilya ang hirap ng kawalan ng hanapbuhay na yumanig sa amin. Nawalan ng pagkakakitaan ang kapatid kong babae sa simula ng pandemiya at ang kapatid kong lalaki ay naghahanap na ng trabaho bago pa magsimula ang mga pagsasara. Ang paghahanap ng hanapbuhay ay tila walang pag-asa habang ang mga pangangalakal ay nagsara at nagtanggalan ng mga manggagawa. Ngunit tumawag kami sa Panginoon, “ginising” si Jesus ng aming mga panalangin araw-araw na hinihiling sa Kanya na gawin ang imposible. At narinig ni Hesus ang aming pananangis. Ang aking kapatid ay natanggap sa isang kumpanya ilang araw lamang bago nito maisagawa ang pagpapahinto ng empleyo at nakahanap ang isa ko pang kapatid ng mahusay na pagkakakitaan bilang isang kasangguni.

Ang mga bagyo ay hindi kailanman maginhawa. Sa katunayan, ang mga ito ay lubhang nakakatakot! Ngunit ang Diyos ay kasama natin sa bawat bagyo. Si Jesus ay nasa bangka at hindi umaalis sa ating tabi. Iyon ang pangako niya: “Hindi kita pababayaan o tatalikuran” (Hebreo13: 5), at iyan ang kanyang pangalan: Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama natin.”

Kapag mukhang dadagsaan ka ng mga alon at pakiramdam mo’y ikaw ay nag-iisa at madaling magapi, tumawag sa Panginoon. Patuloy kang tumawag, kahit na parang siya ay natutulog. Sumulyap na may mga mata ng pananampalataya at makikita mo si Hesus sa bangka na kasama mo. Tandaan mo, “Ang Diyos ay walang kawangis … nangingibabaw sa kalangitan upang tumulong sa yo, at sa mga ulap sa kanyang kamahalan. Ang walang hanggang Diyos ay iyong kanlungan, at sa baba ay ang mga bisig na walang hanggan.” (Deuteronomio 33: 26-27).

Kahit ano pang unos.

Share:

Ellen Hogarty

Ellen Hogarty ay isang spiritual director, manunulat at full-time na misyonero sa Komunidad ng Lord's Ranch. Alamin ang mas higit pang gawain nila tungkol sa ginagawa nila sa mga mahihirap sa: thelordsranchcommunity.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles