Home/Makatagpo/Article

Feb 22, 2023 449 0 Father Joseph Bernie Marquis
Makatagpo

PASKONG MAGPAKAILANMAN

Ako’y nabigla sa paanong paraan si Jesus ay nagpakita noong isang araw ng Hunyo

Isang mabigat na terno de lana at may tabas ng balahibo ay hindi karaniwang sinusuot ko sa panahong may inip na siyamnapu’t-limang sukat, lalo na sa sasakyan na walang erkon.  Ngunit naroon ako, isang mainit at nakapamamawis na hapon sa Michigan, hindi lamang nakasuot ng terno, pati mga bota, isang balbas na simputi ng niyebe, at makapal na sambalilong yari sa lana.

Tila ang pakiramdam ay sa loob ng sauna na may mga gulong, ngunit hindi ko talaga binigyan ng pansin.  Ito ay hindi isang karaniwang araw, at ako’y hindi karaniwang tao: ako’y si Santa Klaws, na may layuning magbahagi ng awa sa isang batang babae na nag-aagaw-buhay gawa ng lukemya sa isang malapit na pagamutan ng mga bata.

Ako’y namamasukan bilang isang kapelyan sa isa pang pedyatrikong pagamutan—isang tungkulin na madalas akong napalulublob sa mga pagdurusa at mga dalamhati ng mga mag-anak na nakikipaghamok sa karamdaman at pagkamatay ng isang minamahal na bata.  Kapag ang Pasko ay parating, ako rin ay may panliwanag-na-buwang hanapbuhay bilang Santa Klaws sa iba’t-ibang tindahan at pagtitipon, kabílang ang taunang parada ng J. L. Hudson tuluy-tuloy sa Detroit.

Ang dalawang mga tungkulin ay maaari sanang may higit na pagkakaiba, bagama’t ang bawa’t isa ay pagkakataon upang ihatid ang pag-ibig ng Diyos sa iba.  Kapwa bilang Santa at kapelyan ng pagamutan, ako’y madalas na magkaroon ng pagkakataong makita ang Diyos na pumapasok sa mga buhay at mga puso ng mga tao sa mga di-inaasahang paraan.

Ang Pag-ibig ng lsang Lolo

Sa naiibang hapon na ito, ang aking dalawang mga tungkulin ay nagkatapatan.  Habang ako’y namamawis sa pagpasok sa pagamutan, hiniling ko sa Panginoon na gamitin ang aking pagdalaw upang libangin ang apat na taóng gulang na si Angela (hindi kanyang tunay na ngalan) at mapagaanan ng loob ang namimighati niyang lolo.  Siya ang nakipag-ayos para sa “Pasko sa Hunyo” na ito matapos niyang malaman na si Angela ay may limang nalalabing mga linggo na lamang na mabuhay.

“Ano ang aking magagawa?” tinanong niya ang Diyos.  “Paano ko mailalagay ang mahabang buhay na pagmamahal sa puso ng aking maliit na apo?”

Habang siya’y nakaupo na humihigop ng kape sa isang hapag ng silid-kainan, napansin niya ang larawan ng Santa Klaws na ginuhit ng krayola ni Angela na nakadikit pa rin sa kahang palamigan.  Ginunita niya kung ano ang minsanang hiniling ng apo sa kanya, nang sila ay magkasamang nanonood ng parada ng Pasko sa Detroit: “Bakit dapat na matapos ito, Lolo?…  Nais ko ang Pasko’y maging magpakailanman!”

Hindi kaginsa-ginsa, nalaman niya ang tumpak na magagawa.

Si Santa ay Gumawa ng Isang Paghinto

Sa pagdating ng pagamutan, ako’y nabigla nang makita kong maraming tagatulong na nakaabang kay Santa sa pangunahing pasukan—isang manggagamot na ladlad ang sambalilo ni Santa, mga nars, mga social worker, at mga boluntaryo na nakapalamuti bilang mga dwende ng Pasko.

“Maligayang ika-nuwebe ng Hunyo!” ang malakas na bati nila.  “Lahat ay handa na!  Kami ay nagagalak na lumuwas ka mula sa North Pole upang dalawin ang mga bata.”  Mabilis kong nakuha ang pahiwatig na ang lahat ng mga pasyente sa pedyatrikong yunit ng mga may kanser ay handa nang magtamasa ng biglaang pagsasaayos na isinaalang-alang kay Angela.

Habang pumaparoon nang may saya sa bulwagan, ako at sampu ng aking piling mga kasama ay nagsiksikan sa elevator.  Kagalakan ay nagsitumpukan nang nagawa naming pataas tungo sa lapag ng oncology.  Nang bumukas ang pintuan, isang mahiwagang pangitain ang bumati sa amin.  Ang silid ay lumalagablab ng mga pampistang ilaw at napupuno ng tunog ng Pamaskong awit.  Ang bulwagan ay pinalamutian ng mga koronang bulaklak, na mayroong apat na mga Pamaskong puno na nakatayo nang kariktan.  Isang masiglang Frosty the Snowman ay naroon upang malugod kaming salubungin, na nagsasambulat ng niyebe sa pamamagitan ng pambuga na nakasundot sa kanyang pang-ibabaw na sambalilo.

Ang mga hiyawan ng saya ay sumunod na dumating, nang si Santa ay natuntunan ng anim o pitong mga batang may sapat na lakas na makagamit ng mga upuang de gulong.  Ako’y huminto upang batiin ang bawa’t isa, matapos ay dinalaw ko ang ibang mga bata mula sa isang silid hanggang sa mga sumunod.  Samantala, ang lolo ni Angela ay nakatayong pinanonood ako na may ngiti.

Maluwalhating Kapayapaan

Nang ako’y ganap na nakarating sa gilid ng higaan ni Angela, dalawang malalaking bughaw na mga mata ay sumisilip palabas sa ibabaw ng kumot.  “Angela!” sinabi ko.  Ang bughaw na mga mata ay bumukas pa nang higit na malapad.  Isang tingin na may kaunting saya ang dumating sa kanyang mukha.

Kasama ng buong kawani na nagsidagsang palibot upang manood, dumukot ako sa aking bagahe at ipinakita ang handog na napili ng lolo niya; isang bughaw na bagong damit na matagal nang ninanais ni Angela.  Mayroong isang manyikang anghel na patnubay na may pulang mga sapatos na panlaro  at magandang mais na buhok—katulad ng kay Angela bago siya magkimoterapya.  Isang maliit na retrato mula sa kartamoneda ng lolo niya ay sariwa pa rin sa aking alaala.  “Siya’y kahawig na kahawig mo,” aking napuna.  Mayroong isang munting buton na ikinabit ni Santa sa kanyang pampasyenteng damit na mababasang, “Ika ni Santa ako’y mabuting Bata!”

Nang may napakasayáng lagay ng loob, nagbunsod kami ng mga kilalang awiting Pamasko—“Jingle Bells,” “Rudolf the Red-Nosed Reindeer,” at “Santa Claus is Coming to Town.”  Pagkaraa’y sinimulan ko ang isa sa mga kinagigiliwan kong awit, “Silent Night.”

Sa katotohanan ay walang mga salita akong makapaglalarawan ng kung ano ang naganap sa pagkanta namin ng yaong huling awit.  Ang masasabi ko lamang ay halos isang marubdob na kapayapaan ang bumaba sa silid.  Sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, si Jesus ay naroon.  Walang kinalaman kung ang aming pagdiriwang ay wala sa panahon ng taon, o kahit ang iba sa mga nagsipag-awit ay maaaring hindi napagtanto ang ginawa ng Diyos sa sangkatauhan sa yaong isang banal “silent night.”  Sa kabila ng lahat ng ito, ang walang-hanggang Anak ng Diyos na ipinakita ang Kanyang sarili sa mga maralitang pastol bilang isang sanggol sa sabsaban ay ginagawa Niyang nasa kasalukuyan ang sarili sa ibang walang katiyakang pangkat sa loob ng ibang walang katiyakang tagpo.

Tulad ng kadalasan, kapag ako’y naparangalan na makasaksi ng mga ganitong pangyayari, ako’y humayong gulát at napahanga sa kung paano ang Espiritu Santo ay lumilikha—ngunit kahit papaano’y hindi ako nagtataka na Siya’y dumating.

Ang Tunay na Ispirito ng Pasko

Si Angela ay pumanaw pagkaraan lamang ng sampung araw.  Tumawag ang kanyang lolo upang sabihan ako, pagkaraan ng kanyang libing sa ibang bahagi ng estado.  “Ako’y hindi magkukunwari na ako’y may magaan na loob ngayon,” ang sabi niya. “Bago kita tinawagan, ako’y may isang mabuting iyak.”  Ngunit pagdaka’y tinuloy niyang ginunita ang isang karanasan niya sa bahay-punerarya.

“Ako’y nakatingin sa aking munting apo na nakahimlay sa loob ng puting ataul—suot ang kanyang bagong bughaw na baro, na may manyika ng anghel na patnubay sa kanyang tabi, at suot ang buton na ibinigay mo sa kanya na nagsasabing: ‘Ika ni Santa ako’y isang mabuting Bata!’ Ang hapis ay halos hindi ko na mapasan.

“Ngunit noon din, nang nadadama ko ang hapdi nang sukdulan… hindi ko ito maipaliwanag, ngunit aking nadama ang biglang malalim na kapayapaan, pati isang kaligayahan.  Sa yaong tagpo, nalaman ko na si Angela ay nasa piling ng Diyos at na kami’y magkakasamang muli nang walang hangganan.”

Isang damá ng pagtataka ay bumalot sa akin habang nakikinig ako sa kanyang salaysay.  Ito’y naganap nang muli!  Tulad ng nadama namin na si Jesus ay naroroon sa tabi ng higaan ni Angela, ang lolo niya ay muling natagpuan Siya sa kanyang ataul.  Ang Liwanag na dumating sa mundo noong mahigit na dalawang-libong taon nang nakaraan ay muling pinag-umapaw ang kanyang puso, nagdadala ng pag-asa at ligaya sa dako ng pighati at kamatayan.

Ito ang tunay na “ispirito ng Pasko”—hindi isang damá na dumarating nang minsanan bawa’t taon, ngunit ang kaalaman kay Kristo na dumarating sa pamamagitan ng Espiritu Santo.  Ang totoong Espiritu ng Pasko—ang Ikatlong Tao ng Trinidad—ay matatagpuan sa tatlong-daan-at-anim na mga araw bawa’t taon, kapag ang ating mga puso’t mga buhay ay ibinubukas lamang natin sa Kanya.

Kaya, “Paskong Magpakailanman” ay hindi lamang panaginip ng isang munting batang babae, ngunit isang matibay na katotohanan—sa Hunyo, Disyembre, at buong taon.

 

 

 

Share:

Father Joseph Bernie Marquis

Father Joseph Bernie Marquis is the pastor of Sacred Heart Byzantine Catholic Church and founder of the Saint Nicholas Institute. He lives in Livonia, Michigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles