Home/Makatawag ng Pansin/Article

Nov 25, 2021 575 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

PAGNANASA NA MAGTITIIS

Si Santa Perpetua ay isang 22 taong gulang na maharlika na may mataas na pinag-aralan, ina ng isang sanggol na lalaki, at nanirahan sa Carthage, Hilagang Africa noong ikalawang siglo. Nuong kapanahunan ng emperador ng Roma na si Septimius Severus na nagbawal ng pagbabalik-loob sa Kristiyanismo, si Perpetua ay inaresto kasama ni Felicity, isang aliping babae na walong buwan nang nagdadalantao. Si Perpetua, Felicity at iba pang mga nagnanasang maging Kristyano ay inilagay sa isang madilim na piitan, at kalaunan ay hinatulan na humarap sa mga mababangis na hayop sa isang ampiteatro sa kaarawan ng emperador.

Habang nasa bilangguan, taglay ni Perpetua ang isang talaarawan ng mga pangitaing ibinigay sa kanya tungkol sa hinaharap. Sa isang pangitain, nakita niya ang isang mataas ngunit makitid na hagdan na patungo sa langit. Nakakabit sa mga gilid ng hagdan ang mga espada, sibat, kawit at punyal at sa paanan ng hagdan ay isang napakalaking dragon.  Dahil ang mga salita ng isa sa kanyang mga kasamahan na nakaakyat na sa hagdan ay nagbigay-buhay sa kanya, walang takot na nakaabot si Perpetua hanggang sa itaas.

Dahil labag sa batas na patayin ang mga nagdadalantao, labis na naligalig si Felicity na hindi siya makakabahagi sa pagtitiis ng kanyang mga kaibigan. Taimtim na nagdasal ang kanyang mga kasama, at dalawang araw bago sa takda ng kanilang kamatayan, nagsilang si Felicity ng babaeng sanggol Sa labis na paghanga ng punong tagapiit sa kanilang pananampalataya, ito ay naging isang Kristiyano.

Sa araw ng pagpatay sa kanila, ang 3 babae ay masayang nagmartsa sa ampiteatro, payapa ang mga mukha. Si Perpetua at Felicity ay itinapon sa harap ng isang bulo upang mabugbog. Nang ihagis ng baka si Perpetua sa lupa, siya ay naupo at tinakpan nya ng tunika ang kanyang katawan, higit na iniisip ang kanyang kayumian kaysa sa sakit na naramdaman. Kalaunan, napagpasyahang kitlan ng buhay sila Perpetua at ang mga kasamahan nito ng isang sundalo. Nang si Perpetua na ang sumunod, kinuha niya ang nanginginig na kamay ng batang sundalo at iginabay ito sa kanyang lalamunan!

Ang gayong pananampalataya ay hindi bihira sa mga sinaunang Kristiyano. Hinahamon tayo ng kanilang kalakasan ng loob na tanungin ang ating sarili kung handa ba tayong isuko ang ating buhay sa halip na itakwil ang ating pananampalataya.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles