Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 04, 2021 1012 0 Father Augustine Wetta O.S.B, USA
Makatawag ng Pansin

“PAGKUKUNWARI ITO “

Noong bata pa ako, naaalala kong tinanong ko ang aking ama kung talagang kinakailangan ko na mahalin ang kapatid na babae (kahit na ang pagmamahal sa kaaway ay tila mas makatuwiran noong panahong iyon). Siyempre, iginiit ng aking ama na dapat. At naalala ko ang mahabang pagpapaliwanag ko sa kanya na ito ay magiging napakahirap — at halos imposible — dahil sa kasalukuyang mga kalagayan, at marahil ay dapat na naming pag-isipan ang pagbibigay sa kanya sa ampunan para ipaampon. Sabi sa akin ng aking ama, “Jason, maaaring mahirap para sa iyo na paniwalaan ito, ngunit darating ang araw, na matutuklasan mo na mahal mo pala ang iyong kapatid. At pagdating ng araw na iyon, talagang gugustuhin mong maging mabait sa kanya. Pansamantala, gayunpaman … magkunwari ka.”

Sa oras na iyon, ito ay parang isang nakakakilabot na payo, ngunit kung nais nating isagawa ang iniuutos sa atin ni Kristo sa mga Ebanghelyo — na talagang dapat nating ibigin ang ating kapwa tulad ng pag-ibig natin sa ating sarili —kaya nagkakaroon ng mga oras na hindi natin masyadong nararamdaman ang damdaming iyon. Dahil, tanggapin natin ito, ang ilang mga tao ay napakahirap mahalin. Kahit na ang Diyos kung minsan ay mukhang napakalayo kung minsan, pero kung iisipin mo ito, ang mga oras na kailangan nating pilitin ang ating sarili na “magkunwari” sa pagmamahal na ito sa kapwa ay madalas na ito ang pagkakataon na pinaka-taos-puso ang pag-ibig, sapagkat iyon ang mga oras na maaari nating ibigay ang pagmamahal na walang inaasahang gantimpala. At kung ang mga matatalino ay tama, ang kakaibang resulta ng lahat ng mga pagkukunwari sa pagmamahal na ito ay dito nagsisimulang lumago ang pagmamahal na dating walang pagmamahal.

Kaya’t hanggang sa makarating tayo sa puntong iyon kung saan ang pagmamahal sa lahat ay kusang darating, marahil pinakamahusay para sa ngayon ang magkunwari – iyon ay, upang kumilos na parang mahal natin ang iba, totoo man o hindi, at umaasa, pansamantala, na balang araw makikita natin sila sa paningin na may pananampalataya.

Ama sa Langit isinusuko ko ang lahat ng aking mga pakikibaka at pagtitiis ko sa ilang mga tao sa aking buhay. Bigyan mo ako ng lakas at kakayahan na makayanan ko sila ng mahinahon at may pagmamahal kapag gusto ko ng sumuko. Tulungan mo akong maging mapagpasensya, mabait, hindi madaling magalit, at maging maawain. Kapag gusto ko ng maglakad palayo, ipaalala mo sa akin ang biyayang ipinagkaloob mo sa akin noong nasa pinakamababang punto ako ng aking buhay. Hayaan mo akong mahalin sila tulad ng pagmamahal mo sa akin. Sa Pangalan ni Jesus ipinagdarasal ko. Amen.

Share:

Father Augustine Wetta O.S.B

Father Augustine Wetta O.S.B ay isang Benedictine monghe na nagsisilbing chaplain sa Saint Louis Priory School. Siya ang may-akda ng The Eighth Arrow and Humility Rules. Nakatira si Padre Augustine sa Saint Louis Abbey sa Saint Louis, Missouri.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles