Home/Makatawag ng Pansin/Article
Trending Articles
Ngayon na ako ay ikinasal na, akala ko ay maaari na akong magpatuloy na parang walang naganap sa mga pangyayari sa nakaraan at ang sakit ay mawawala; ngunit sa halip, ako ay nagsimulang makibaka sa depresyon at galit …
Ako ay isinilang na pansiyam na anak sa isang malaking Irish na Katolikong mag-anak. Ang aking ina ay tunay na debotong Katoliko ngunit ang pagkagumon ng aking ama sa pag-inom ay nagdulot ng madaming kaguluhan na nagbigay-daan sa akin na maging marupok. Noong ako ay labing-apat, ako ay pinagsamantalahan, ngunit nang ibinunyag ko ito, may nagsabi sa akin, “Hindi mo dapat pinahintulutang mangyari iyon. Ngayon ikaw ay isang kalapating mababa ang lipad.” Kaya, bagamat hindi totoo, iyon ay pinaniwalaan ko hinggil sa aking sarili. Dahil hindi ko nais na maging isang kalapating mababa ang lipad, ako ay nakipagkasintahan. Dahil nadampot ko ang maling kahulugan ng kalinisang-asal mula sa kultura sa paligid ko, naisip ko na okay na makipag sex hangga’t ako ay nasa isang “relasyon”.
Pagdating ko ng labing-anim, nagdalantao kami. Pinilit niya akong magpalaglag para makatapos kami ng mataas na paaralan. Ako ay hapis, lito, takot ngunit nakita ko ito bilang suliranin na kailangang lutasin. Nanginginig ako nang ako’y dalhin niya sa isang klinika para sa pagpapalaglag, kaya binigyan ako ng nurse ng valium upang payapain. At wika niya, “Hwag mong alalahanin yun, dear. Yun ay hindi isang sanggol. Yun ay kumpol lamang ng mga selula.” Ako ay naging ganap na manhid, ngunit ang tawa ng manlalaglag habang siya ay bumulalas ng, “Sa ganyang paraan ko gustong makuha ang mga yan,” ay patuloy pa ding umuusig sa akin. Ramdam ko pa din ang pag-agos ng aking luha, binababad ang papel na hinihigan ko.
Ang unang araw ko ng pagbalik sa paaralan ay nakaukit sa aking alaala. Nakatayo ako sa pasilyo nang may isang batang lumapit sa akin, tiningnan ako nang may pag-aalala at nagsabing, “Eileen, ano ang problema?” Kaagad akong nabalot nitong alon ng pagtanggi at dali-dali akong sumagot, “Wala, Bakit?”
“Hindi ko malaman, kakaiba iba ang iyong anyo.”
Ang buhay ko ay palubog nang palubog. Nagsimula akong uminom at gumamit ng mga droga upang panatilihing manhid ang aking sarili at manalagi sa naturang “relasyon”. Nang ako ay labing-walo, kami ay nagdalantao na muli at nagkaroon ng isa pang pagpapalaglag. Lubha akong binagabag ng karanasang ito kayat wala akong matandaan tungkol dito—kahit na ang kinaroroonan nito. Ngunit natatandaan ng aking kapatid na babae at kasintahan. Hindi ko makayanan ang labis na hapis.
Naghiwalay kami, ngunit nagsimula ako ng panibagong “relasyon”. Kung ilalarawan ko ang aking kaluluwa noon, masasabi kong ito ay nasa lubos na kabulukan ng moralidad, katulad sa kultura na pinahintulutan kong ang aking sarili na mahigop nito.
Nang ako ay dalawampu’t tatlo, ako ay nayanig mula sa aking pagkamanhid ng pinakamasamang pangyayari sa aking buhay. Si Inay ay napatay sa isang sakuna ng sasakyan dahil sa isang lasing na tsuper. Sa kanyang libing, ako ay napako sa insensong papailanlang sa ibabaw ng kabaong. Ito ay isang palatandaan ng aming panalanging paakyat sa Diyos, ngunit nakita ko ito bilang kaluluwa ni Inay patungo sa piling ng Diyos. Si Inay ay isang matapat na babae, kaya natitiyak kong mapupunta siya sa Langit. Nais kong makita siyang muli balang araw, kaya nais ko ding tumungo doon, subalit ang buhay ko ay kailangang magbago. Napaluhod ako noon at tumangis sa Panginoon. Sinimulan kong magbalik sa simbahan, ngunit isang buwan matapos mamatay si Inay, nalaman kong nagdadalantao ako. Nagaroon ako ng napakatinding pakiramdam na alam ni Inay ang lahat ngayong kapiling niya ang Diyos.
Naghanap-buhay ako upang itaguyod ang aking anak na babae, pinabinyagan siya at binigyan ng pagmamahal at pangangalaga na hinanap-hanap ko. Ang Panginoon ay nagdala ng isang mabuting lalaki sa aking buhay, kaya pinaghandaan ko ang aming kasal ng isang mabuting Pagtatapat ng lahat ng aking mga kasalanan, pati na ang mga pagpapalaglag. Nang pinatawad ako ng pari at sinabi sa akin na “Mahal ka ni Jesus”, hindi ako napaniwala dahil nadama ko na ako ay nakagawa ng kasalanang walang kapatawadan. Tinatanggi kong aminin kung gaano katindi ang sakit na patuloy kong dinadala, bagamat naiisip ko ang tungkol dito bawat araw.
Nagkaroon ako nitong haka-haka na ang lahat ay magiging maayos ngayong kasal na ako at maaari kaming magkaroon ng magandang pagsasama na ninais ko noon pa man. Akala ko makakapagpatuloy ako na parang ang nakalipas ay hindi naganap at ang lahat ng sakit ay mawawala na lamang. Sa halip, nagsimula akong makibaka sa lungkot at galit. Tunay akong nahirapan matalik na pakikipag-ugnay sa kapwa. Pakiramdam ko’y hindi ko kayang maging ako at maging totoo sa kanila, kaya nahirapan akong makipagkaibigan at na mapanatili ito. Nagkaroon ako ng pira-pirasong pagkaunawa hinggil sa aking sarili at kahit na iniisip ko pa din ang tungkol sa mga sanggol na ipinalaglag ko bawat araw, hindi ko kailanman pinahayag kanino man ang tungkol sa kanila. Ngunit hindi ako kinalimutan ng Panginoon. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan, si Grace, na nagpakilala sa akin kay Sister Helen, isang madre na may kaloob ng paghilom.
Nang ipinagpanalangin niya ako, nagwika siya ng hinggil sa akin na dapat ay wala siyang kaalaman. Kinilabutan ako. Ang pagpapalaglag ay nakakaapekto sa kababaihan sa iba’t ibang antas at isa sa mga bunga nito sa akin ay ang pagkatakot kay Hesus. Okay lang ako sa simbahan dahil naisip ko na Siya na nasa malayong lugar duon sa Langit. Sa pagkakataong ito ay sinabi niya, “Eileen, hindi ko alam kung ano iyon, ngunit may isang bagay na gusto ni Jesus na sabihin mo sa akin.” Napaluha ako habang nilalahad ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaglag. “Okay naiintindihan ko,” malumanay niyang bulong. “Una, nais kong dasalin mo ito. Hilingin mo kay Jesus ang mga pangalan ng iyong mga anak.” Habang nagdadasal ako, damdam kong winika sa akin ng Panginoon na mayroon akong isang maliit na batang babae na nagngangalang Autumn at isang maliit na batang lalaki na nagngangalang Kenneth. Sila ay magiging bahagi ko sa buong hangganan. Kaya, kailangan kong itigil ang pagtatanggi sa kanila at tanggapin sila. Binigyan ako nito ng pahintulot na kinailangan ko na magdalamhati—maka-babad unan, maka-pilipit sikmurang pighati.
Isang araw, maagang umuwi ang aking asawa mula sa opisina at nadatnan akong baluktot na nakahandusay sa sahig ng silong ng bahay na babad sa luha, dahil sa wakas ay inamin ko na sa aking sarili na nakibahagi ako sa pagkitil sa buhay ng sarili kong mga anak. Marahan akong binuhat ng aking asawa mula sa sahig at tinanong, “Honey, ano ang nangyari?” Nabigyan ako ng biyaya upang sa wakas ay masabi sa aking asawa ang tungkol sa mga pagpapalaglag. Mahigpit niya akong niyakap, bumubulong, “Magiging okay na, mahal pa din kita.”
Nang magbalik ako kay Sister Helen para sa higit pang panalangin sa paghilom, sa aking isipan, nakita ko ang aking sarili na nakaupo sa kandungan ni Hesus habang ang aking ulo ay nakalapat sa Kanyang dibdib. Pagkatapos ay nakita ko ang pinagpalang Ina na yapos ang aking mga sanggol sa kanyang mga bisig. Sila ay dinala niya sa akin at niyakap ko sila nang mahigpit habang sinasabi ko kung gaano ko sila kamahal at labis akong nagsisisi. Nagmakaawa ako para sa kanilang kapatawadan bago ko sila ipinagkatiwalang muli sa mapagmahal na mga bisig ng Mahal na Ina. Ipinangako niya sa akin na Sila at makakasama nila ni Jesus sa Langit sa buong-hangganan. At nang muli akong niyakap nina Jesus at Maria, nadinig ko si Jesus na nagwika, “MAHAL PA DIN KITA.”
Napalakas ang loob ko ng mga taong nagpatotoo sa mapagmahal na awa ng Diyos, kaya ngayon ay nadama kong gawin ang gayon sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng aking kasaysayan, pagtulong sa pagpupulong ng Ubasan ni Rachel para sa mga kababaihan na naghahanap ng lunas sa mga bunga ng pagpapalaglag at maging isang therapist.
Kapag tinatanong ako ng mga tao, “Bilang isang therapist, paano mo pinanghahawakan ang lahat ng kilabot na ito kapag nadirinig mo ang lahat ng mga salaysay ng mga taong ito?” at sinasabi ko sa kanila na hindi ko ito ginagawa nang mag-isa. Si Maria ang gumagawa nito kasama ko. Ako ay nakatalaga sa kanya, kaya ang lahat na ginagawa ko ay para kay Hesus sa pamamagitan ni Maria. Ang pang-araw-araw na Rosaryo at pang-araw-araw na pagtanggap sa Ating Panginoon sa Misa ay nagbibigay sa akin ng lakas na kailangan ko. Doon ay nakakasama ko ang aking mga anak araw-araw dahil ang buong Langit ay bumababa para palibutan ang altar tuwing Misa.
Makalipas ang mahigit na tatlumpung taon, nakipag-ugnay ako sa ama ng aking ipinalaglag na mga anak upang sabihin sa kanya ang tungkol sa aking paghilom at ialok ang pag-asang iyon sa kanya. Pinasalamatan niya ako sapagkat ito ay nagbigay sa kanya ng pananaw kung bakit nadama niyang ang kanyang buhay ay tila walang patutunguhan at nagbigay sa kaniya ng pag-asa na ito ay maaaring mag-iba. Basag ang kanyang tinig nang sabihin niya sa akin, “Ang mga ito ang tanging dalawang anak na mayroon ako kailanman.”
Eileen Craig
Mula sa pagiging malusog na mag aaral sa pamantasan hanggang sa paraplegic, tumanggi akong makulong sa upuang de gulong ... Sa mga unang taon ng Pamantasan, napadausdusan ako ng isang disc. Tiniyak sa akin ng mga doktor na ang pagiging bata at aktibo, physiotherapy, at mga ehersisyo ay makakapagpabuti sa akin, ngunit sa kabila ng lahat ng pagsisikap, araw-araw akong nasasaktan. Nagkaroon ako ng mga talamak na yugto bawat ilang buwan, na nagpapanatili sa akin sa kama nang ilang linggo at humantong sa paulit-ulit na pagbisita sa ospital. Gayunpaman, pinanghawakan ko ang pag-asa, hanggang sa nadulas ako ng pangalawang disc. Doon ko napagtanto na nagbago na ang buhay ko. Galit sa Diyos! Ipinanganak ako sa Poland. Ang aking ina ay nagtuturo ng teolohiya, kaya ako ay pinalaki sa pananampalatayang Katoliko. Kahit na noong lumipat ako sa Scotland para sa Pamantasan at pagkatapos ay sa England, pinanghawakan ko ito nang husto, marahil hindi sa paraang gawin o mamatgay, ngunit palagi itong nandiyan. Ang unang yugto ng paglipat sa isang bagong bansa ay hindi madali. Ang aking tahanan ay naging isang pugon, na ang aking mga magulang ay nag-aaway sa isa't isa sa halos lahat ng oras, kaya ako ay halos tumakas sa dayuhan na lupaing ito. Iniwan ang aking mahirap na pagkabata, nais kong tamasahin ang aking kabataan. Ngayon, ang sakit na ito ay nagpapahirap sa akin na huminto sa mga trabaho at panatilihing balanse ang aking sarili sa pananalapi. Nagalit ako sa Diyos. Gayunpaman, hindi siya pumayag sa aking pagalis. Nakulong sa bahay sa matinding sakit, ginamit ko ang tanging magagamit na libangan—ang koleksyon ng mga relihiyosong aklat ng aking ina. Dahan-dahan, ang mga retreat na dinaluhan ko at ang mga librong nabasa ko ay umakay sa akin na matanto na sa kabila ng aking kawalan ng tiwala, talagang gusto ng Diyos na patatagin ang aking relasyon sa Kanya. Ngunit hindi pa rin ako lubos na nagagalit na hindi pa Niya ako pinapagaling. Sa kalaunan, naniwala akong galit ang Diyos sa akin at ayaw akong pagalingin kaya naisip kong baka madaya ko siya. Nagsimula akong maghanap ng banal na pari na may magandang ‘statistics’ para sa pagpapagaling upang ako ay gumaling kapag ang Diyos ay abala sa paggawa ng ibang mga bagay. Hindi na kailangang sabihin, hindi iyon nangyari. Pagbabago Sa Aking Paglalakbay Katulad nang isang araw sa isang grupo ng panalangin, napakasakit ng pakiramdam ko. Natatakot sa isang nagbabadyang matinding kaganapan, nagbabalak akong makaalis nang tanungin ng isa sa mga kasapi doon kung mayroong karamdaman sa katawan na nais kong padasalan. May dinadanas akong ilang kaguluhan sa trabaho, kaya ang sabi ko ay oo. Habang nagdadasal sila, nagtanong ang isa sa mga lalaki kung may karamdaman ako na kailangang kong ipadasal. Nasa pinakababa sila sa aking listahan ng 'ranggo ng pagpapagaling', kaya hindi ako nagtiwala na makakatanggap ako ng anumang ginhawa, ngunit sinabi ko pa din ang 'Oo'. Nagdasal sila at nawala ang sakit ko. Umuwi ako, wala pa rin. Nagsimula akong tumalon at umikot at gumalaw, at okay pa rin ako. Ngunit walang Kaya, tumigil ako sa pagsasabi sa mga tao; sa halip, nagpunta ako sa Medjugorje upang pasalamatan ang ating Ina. Doon, nakatagpo ko ang isang ginoo na nagre-reiki at ninais na pagdasalan ako. Tumanggi ako, ngunit bago lumisan ay binigyan niya ako ng isang paalam na yakap na nagdulot sa akin ng pag-aalala dahil naalala ko ang kanyang mga salita na ang kanyang dampi ay may kapangyarihan. Hinayaan kong manaig ang takot at maling pinaniwalaan ko na ang damping ito ng kasamaan ay mas malakas pa sa Diyos. Nagising ako kinaumagahan nang may matinding sakit, hindi ako makalakad. Makalipas ang apat na buwang kaginhawahan, nagbalik ang sakit ko nang napakatindi na inisip kong hindi ko na kaya pang makabalik sa UK Nang ako'y magbalik, napag-alaman ko na ang aking mga disc ay sumasanggi sa mga ugat, na nagdudulot ng mas matinding sakit nang ilang buwan. Pagdaan ng anim o pitong buwan, nagpasya ang mga doktor na kailangan nilang gawin ang mapanganib na pamamaraan sa aking gulugod na matagal na nilang pinagpapaliban. Napinsala ng operasyon ang isang ugat sa aking binti, at ang aking kaliwang binti ay paralisado mula sa tuhod. Isang panibagong paglalakbay ang nagsimula doon mismo, isang naiiba. Alam Kong Kaya Mong Gawin Yan Sa pinaka-unang pagkakataon na dumating ako sa bahay na naka-upuang may gulong, takot na takot ang aking mga magulang, ngunit ako ay puno ng kagalakan. Nasiyahan ako sa lahat ng teknolohikal na bagay...sa tuwing may pumindot ng button sa aking upuang may gulong, sabik akong parang bata. Iyon ay makalipas ang Pasko, nang magsimulang umurong ang aking paralisis na napagtanto ko ang lawak ng pinsala sa aking mga ugat. Saglit akong napasok sa isang ospital sa Poland. Hindi ko malaman kung papaano ako mabubuhay. Basta nanalangin ako sa Diyos na kailangan ko ng isa pang pagpapalunas: "Kailangan Kitang makitang muli dahil alam kong kaya Mong gawin ito." Kaya, nakahanap ako ng serbisyo sa pagpapalunas at naniwala ako na ako'y gagaling. Isang Saglit na Ayaw Mong Palampasin Sabado noon at noong una ay ayaw magpunta ng aking ama. Sinabi ko na lang sa kanya: "Hindi mo nais na makaligtaan kapag ang iyong anak na babae ay gumaling." Ang naunang talakdaan ay may misa, na sinundan ng serbisyo ng pagpapagaling kasama ang Pagsamba. Subalit nang kami ay dumating, sinabi ng pari na kinailangan nilang baguhin ang plano dahil ang pangkat na dapat mamuno sa serbisyo ng pagpapagaling ay wala doon. Naaalala kong nag-iisip ako na hindi ko kailangan ng anumang pangkat: "Kailangan ko lang si Hesus." Nang magsimula ang misa, wala akong nadinig ni isang salita. Nakaupo kami sa gilid kung saan may larawan ng Banal na Awa. Tumitig ako kay Hesus na parang hindi ko pa Siya dating nakita. Ito ay isang nakamamanghang larawan. Napakaganda Niya! Hindi ko na nakita pa ang larawang iyon saan man matapos noon. Sa buong Misa, binalot ng Banal na Espirito ang aking kaluluwa. Sinasabi ko lamang sa isip ko 'Salamat sa Iyo' kahit hindi ko alam kung ano ang ipinagpapasalamat ko. Hindi ako nakahiling ng paglunas, at iyon ay nakakasiphayo dahil kinailangan ko ng lunas. Nang magsimula ang pagsamba, hiniling ko sa aking ina na dalhin ako sa harapan, nang mas malapit kay Hesus hangga't maaari. Doon, nakaupo sa harap, naramdaman kong may humihipo, at minamasahe ang likod ko. Nagiging mainit-init at maginhawa na kaya't pakiramdam ko ay matutulog na ako. Kaya, nagpasiya akong maglakad pabalik sa bangko, nakalimutan kong hindi ako ‘makalakad.’ Basta't naglakad ako pabalik at sinundan ako ng aking ina daladala ang aking mga saklay, pinupuri ang Diyos, nagwiwikang: “Naglalakad ka, Naglalakad ka.” Ako ay napagaling, ni Hesus sa Banal na Sakramento. Saglit lang pagkaupo ko, nadinig ko ang isang tinig na nagsasabi: “Ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo” Sa aking isipan, nakita ko ang larawan ng babaeng humipo sa balabal ni Hesus nang Siya ay padaan. Ang kanyang kwento ay nagpapaalala sa akin ng sarili kong kwento. Walang nakatulong hanggang sa umabot ako sa puntong ito kung saan nagsimula akong magtiwala kay Hesus. Dumating ang paglunas nang tanggapin ko Siya at sabihin sa Kanya: “Ikaw ang tangi kong kailangan.” Nawalan nang lahat ng mga kalamnan ang kaliwa kong binti at maging iyon ay nanumbalik sa isang magdamagan. Makahulugan ito sapagkat sinusukat ito ng mga doktor noon, at nakita nila ang isang kamangha-mangha, di maipaliwanag na pagbabago. Isinisigaw Ito Sa pagkakataong ito nang natanggap ko ang paglunas, nais kong ibahagi ito sa lahat. Hindi ako nahiya. Nais kong malaman ng lahat kung gaano kahanga-hanga ang Diyos at kung gaano Niya tayo kamahal. Hindi ako natatangi at wala akong ginawang natatangi upang makatanggap ng kagalingang ito. Gayon din, ang malunasan ay hindi nangangahulugan na ang aking buhay ay naging lubhang maginhawa sa isang magdamagan. May mga paghihirap pa din, ngunit higit na mas magaan. Dinadala ko sila sa Eucharistic Adoration at binibigyan Niya ako ng mga kalutasan, o mga ideya kung paano ko sila haharapin, pati na ang katiyakan at pagtitiwala na haharapin Niya ang mga ito.
By: Ania Graglewska
MoreHindi ko napagtanto ang aktwal na kahulugan ng "pamatok" hanggang sa... Sa pagkakadama ng kabigatan sa umagang ito, alam kong iyon ay malinaw na tawag na mag-ukol ng karagdagang oras sa pananalangin. Sa pagkaalam na ang presensya ng Diyos ang panlunas sa lahat ng karamdaman, namalagi ako sa aking “silid ng pag darasal,” na, para sa ngayon, ay matatagpuan sa aking beranda. Mag-isa, maliban sa huni ng mga ibon at payapang simoy ng hangin na tumatagos sa mga puno, namahinga ako sa mga tunog ng malumanay na tugtuging pangsamba na nagmumula sa aking telepono. Madalas kong naramdaman ang kalayaan na nagmumula sa pagpalis ng aking paningin sa aking sarili, sa aking mga pakikipag-ugnayan, o sa mga alalahanin ng mundo. Ang pagbaling ng aking pansin sa Diyos ay nagpaalala sa akin ng talata mula sa Awit 22: "Ikaw ay banal, nasa trono, pinaparangalan ng Israel" (3). Sa katunayan, ang Diyos ay naninirahan sa mga papuri ng kanyang mga tao. Nagsimula akong makadama na ako'y nakasentro minsan pa, malaya sa mga pasanin na umaaligid sa ating bansa at mundo. Bumalik ang kapayapaan nang maramdaman kong na ang tawag para sa akin ay hindi ang pasanin ang mga ito kundi yakapin ang pamatok na iniaalok ni Hesus sa Ebanghelyo ni Mateo: “Kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha, pumarito kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mababang-loob. At masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.” (11: 28,29). Tatak Ng Kristiyano Kapwa ng mga magulang ko ay lumaki sa mga bukid. Maaaring nakakita sila ng dalawang hayop na pinagsama ng balagbag na kahoy na nakapatong sa kanilang mga leeg, ngunit ako ay hindi. Palagi kong binibigyang-kahulugan ang talatang iyon sa pamamagitan ng paggunita kay Hesus na katuwang natin sa buhay. Siya, na binabalikat ang bigat ng pasan, at ako, na naglalakad katatabi, ginagawa ang dapat kong gawin sa Kanyang tulong at patnubay. Ngunit kamakailan, nalaman ko na ang isang "pamatok" ay isang unang-siglong idiyoma sa hudiyo na nangangahulugan ng isang bagay na ganap na naiiba sa agraryong imahe ng mga baka na magkakakkabit sa kanilang mga leeg. Ang “pamatok,” gaya ng ginamit ni Hesus, ay tumutukoy sa koleksyon ng mga turo ng isang gurong Hudyo. Sa pagpili na sundin ang mga aral ng isang partikular na gurong Hudyo, ang isang tao ay nagiging alagad Niya at pinipiling lumakad na kasama Niya. Sa diwa, sinasabi ni Hesus, “Ipinpaikita ko sa iyo kung ano ang kasintulad ng maglakad kasama ang Diyos.” Ito ay hindi isang tungkulin o isang obligasyon kundi isang tanging karapatan at isang handog! Bagama't nadanasan ko ang "pamatok" ni Hesus bilang isang tanging karapatan at isang handog, ang "mga kaguluhan sa mundo" na ipinangako niya na dadanasain natin ay madalas na nagpapatamlay sa aking kagalakan na siyang tanda ng isang Kristiyano. Sa panalangin ngayong umaga, binuksan ko ang isang aklat, na isinulat ng isang paring Franciscano, halos dalawampu't limang taon na ang nakakalipas, at bumaling sa pahina na parang isinulat ngayon: 'Kapag ang biyaya ay hindi na isang katotohanang nadanasan, tila ang larangan ng kalayaan ay nawala na din...Napakadaling gawing magmukhang demonyo ang kabilang panig. Maliwanag nating nakikita ito sa mga halalan sa bansang ito. Ang alam ng magkabilang partido ay kung paano gawin ay ang pag-atake sa kabilang panig. Wala tayong kahit ano mang bagay na mapapaniwalaan, ano mang bagay na may lubos na kabatiran o masagana, o matindi. Ang di-mabuting pagkakakilanlan, gaano man ito kababaw, ay mas madaling maganap kaysa sa matapat na pamimili. Ang sa totoo, mas madaling maging laban kaysa maging panig. Maging sa Simbahan, madami ang walang mainan na pasulong na napananaw kaya pinangungunahan nila ang paglusob nang paatras o salungat. Pansinin na ang pagkaunawa ni Hesus tungkol sa ‘Paghahari ng Diyos’ ay lubos na positibo—hindi nakabatay sa takot o laban sa sinumang indibiduwal, grupo, kasalanan, o problema.’ (Everything Belongs, 1999). Paunti-unti Ang bigat na naramdaman ko ay sanhi hindi lamang sa kawalan ng pagkakaisa sa ating bansa kundi pati na din sa loob ng sarili kong grupo na, tulad ko ay, tumatawag kay Hesus na “Panginoon,” ngunit tila hindi kayang igalang ang ibang tawag at landas ng kapwa. Sa pagkaalam na naipanumbalik ni Hesus ang dangal sa mga ipinahiya ng lipunan, hindi ba dapat, bilang Kanyang mga tagasunod, ito ang ating hangarin na gawin para sa isa't isa? Kasama, hindi pwera; ang pagtulong, hindi pagtalikod; pakikinig, hindi panunumbat. Ako mismo ay nahirapan dito. Mahirap unawain kung paanong makita ng iba ang mga bagay sa paraang na para sa akin ay tila taliwas sa mensahe ng Kristiyano, ngunit gayun pa man ay nahihirapan silang sumilip sa lente na kung saan ngayon ay namasdan ko ang "pamatok" ni Jesus. Napag-alaman ko ilang taon na ang nakalipas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang espiritong "natuturuan". Madali para sa atin na maramdaman na taglay natin ang tanging katotohanan, samantala, kung tayo ay matatag na mga alagad, patuloy nating mapapalawak ang ating pangitain sa pamamagitan ng hindi lamang panalangin kundi sa pamamagitan ng pagbabasa, pagninilay sa Banal na Kasulatan, at pakikinig sa mga mas matalino kaysa sa ating sarili. Sinoman ang ating pinili upang pahintulutan sa puwesto ng panghihikayat sa atin ay napakamahalaga. Ang mga taong may subok nang pananampalataya at katapatan na namuhay ng "buhay na karapat-dapat sa kanilang pagkakatawag” ay karapat-dapat sa ating pansin. Higit sa lahat, ang halimbawa ng mga huwaran ng pag-ibig, na nagnanasa ng ikabubuti ng lahat, ay tutulong sa na umunlad at magbago sa paglipas ng mga taon. Ang ating pagkatao ay mapapadalisay, unti-unti, habang tayo ay “nagbabagong anyo upang maging kalarawan ni Kristo.” Kung tayo, sa lahat ng ating kaliwanagan, ay nararamdaman pa din na dapat nating sabihin ang katotohanan ayon sa pagkakaunawa natin, kahit na may pag-ibig na kaakibat nito, napakadaling magkamali sa pag-iisip na tayo ang tinig ng Banal na Espirito sa buhay ng isang tao! Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng puso, isipan, at pagtalima ng isang buhay na inalay para sa Kanya. Ang gawain ng Kanyang Espirito at ang tugon ng iba ay hindi natin nasasakupan. Tiyak, ang isang mabuting magulang ay hindi maguturo ng daliri sa isang bata at igiit na kumilos sila tulad ng isang may sapat na gulang. Nauunawaan ng isang mabuting magulang na kailangan ng madaming taon, madaming pagtuturo, at isang magandang halimbawa upang maging ganap na ang isip ng bata. Sa kabutihang palad, mayroon tayong napakabuting Magulang! Muling sumaisip ang Awit 22. Ang mismong salmo na binanggit ni Hesus sa krus, sa gitna ng Kanyang pasakit at pagdurusa, ay nagtatapos sa paalala na ang bawat henerasyon ay magsasabi sa kanilang mga anak tungkol sa mabubuting bagay na ginawa ng Panginoon. Sagana ang biyaya, at kasunod ang kalayaan. Nagpasiya akong muli na ialay kapwa ang sa mga hindi ko maintindihan at hindi makaintindi sa akin. Ang Isa na kasama ko sa pamatok pang-habang buhay ay nagpapakita sa akin ng daan.
By: Karen Eberts
MoreIsinilang na may autism na hindi makapagsalita at nasuri na may Retinitis Pigmentosa, isang kondisyon kung saan unti-unting nawawala ang paningin, nadama niyang nakulong siya sa isang tahimik na bilangguan ng kawalan ng pag-asa. Hindi matutong makipag-usap at halos hindi makakita... ano kaya ang magiging buhay ni Colum? Ngunit may ibang balak ang Diyos para sa kanya... Ang pangalan ko ay Colum, ngunit sa buong 24 na taon ko, hindi ko pa nabigkas ang sarili kong pangalan dahil hindi ako makapagsalita simula nang isilang. Nang maliit pa, ako ay nabatid at nakilanlang may katamtamang autism at malubhang kapansanan para matuto. Ang buhay ko ay nakakainip. Ipinaglaban ng aking mga magulang ang aking karapatan na matuto, sa pagtatayo ng paaralan kasama ng ibang pang mga magulang ng mga batang otistik, at nakipaglaban para sa pondo upang maipagpatuloy ito. Ngunit dahil hindi ako makapagsalita, hindi nila alam kung ano ang kaya ng utak ko, at nakita kong ito ay purol. Akala ng mga tao ay mas masaya ako sa bahay habang nanonood ng mga DVD. Hindi man lang ako nagbakasyon pagtunton ko ng 8 taon. Hindi ako naniwala na ako ay makakawala kailanman sa aking tahimik na bilangguan ng kawalan-ng- pag-asa at pagdadalamhati. Pinapanood Ang Iba Na Mamuhay Dama ko lagi na malapit sa akin si Hesus. Mula sa mga pinakaunang araw ko, Siya ang aking naging pinakamalapit na kaibigan at nananatiling gayon, hanggang ngayon. Sa pinakamadilim kong sandali, nandiyan Siya para bigyan ako ng pag-asa at kaginhawahan. Napakahirap na ang lahat ay itinuturing ako na parang isang sanggol samantalang matalino sa loob ko. Dama kong na ang aking buhay ay hindi ko kayang tiisin. Para akong kalahating buhay bilang isang manonood, nanonood ng iba na nabubuhay samantalang ako ay itsa-puera. Madalas kong hilingin na ako ay makasali at ipakita ang aking tunay na kakayahan. Nang ako ay naging13, bumibigay na ang aking paningin, kaya dinala ako sa Temple Street Chjildren’s Hospital para sa isang pagsusuri sa mata na tinawag na electroretinogram (ERG) . Binigyan ako ng Diyos ng isa pang hamon. Nasuri ako na may Retinitis Pigmetnosa (RP), isang kondisyon kung saan ang mga selda ng retina sa likod ng mata ay namamatay at hindi napapalitan, kaya unti-unting nawawala ang paningin. Walang medikal na lunas upang ayusin ito. Ako ay nadurog. Napakasakit na dagok sa akin at dama kong ako ay nabalot ng lungkot. May yugto ng panahong na naging matatag ang aking paningin, nagbibigay-pag-asa sa akin na mapanatili ang aking paningin, ngunit habang tumatanda ako ay lumalala ang aking paningin. Ako ay nabulag na hindi ko na matukoy ang pagkakaiba ng iba't ibang kulay. Dumilim ang aking kinabukasan. Hindi ako makapagsalita, at ngayon ay halos hindi na ako makakita. Ang buhay ko ay nagpatuloy sa kulay abong kawalan ng pag-asa na lalong mas kaunti ang pagkakapisan at pakikipag-ugnayan. Naniniwala na dito ang aking ina na kailangan akong maipasok sa institusyon kapag tumanda na ako. Pakiramdam ko'y pagewang-gewang ako sa gilid ng kabaliwan. Tanging Diyos lamang ang pumagitna sa akin at sa kahibangan. Ang pag-ibig ni Hesus ang tanging nagpapanatili sa aking katinuan. Ang pamilya ko ay walang nalalaman sa aking paghihirap dahil hindi ako makapagpabatid sa kanila, ngunit, sa puso ko, naramdaman kong sinabi sa akin ni Hesus na gagaling ako pagdating ng panahon. Umiinog Sa Loob Noong Abril 2014, isang bagay na kamangha-mangha ang nangyari. Dinala ako ng aking ina sa aking unang pagawaab sa RPM (Rapid Prompt Method). Hindi ako makapaniwala. Sa wakas ay nakilala ko ang isang taong naniwala sa akin, na naniniwalang kaya kong makipag-usap, at na tutulong sa akin na magsikap kung paano matuto. Napagkurokuro mo ba ang aking kagalakan? Sa isang iglap, nagsimulang umasa ang puso ko—pag-asa, hindi takot, na ang tunay na ako ay maaring lumitaw. Ang tulong ay dumating din sa wakas. Ang Katuwaan sa loob ko ay pumaikot-ikot nang paglingap na may nakakita na sa kakayahan ko. Nagsimula ang nakakapagpabagong-buhay na paglalakbay sa pakikipag-usap. Napakahirap na gawain sa simula, na tumagal ng mga linggo ng pagsasanay upang makuha ang motor memory na makabaybay nang wasto. Ang bawat minuto ay kapaki-pakinabang. Ang mga damdamin ng kalayaan ay nagsimulang lumago nang mahanap ko ang aking tinig sa wakas. Habang sinimulan ng Diyos itong bagong kabanata sa aking salaysay, ramdam ko'y ang aking buhay ay talagang nagsimula na. Sa wakas, masasabi ko na sa aking pamilya ang nararamdaman ko at labis akong nagpapasalamat sa Diyos. Paghagupit At Pangangagat Lukso sa Mayo 2017. Sinabi sa amin ng aking lola na nagkaroon siya ng napakamasidhing panaginip ilang taon na ang nakakaraan tungkol kay Pope John Paul II. Sa panaginip, hinihiling niya sa kanya na ipagdasal ang kanyang mga apo at ito ay napakamabisa kaya isinulat niya ito. Nalimutan niya ito hanggang sa makita niya ang kuwaderno, at naging inspirasyon niya ito na magsimula ng nobena kay Santo Papa Juan Pablo II para sa akin at sa aking mga kapatid. Hiniling niya sa isang grupo ng mga tao na magdasal ng nobena kasama namin, simula sa Lunes, ika-22 ng Mayo. Noong Martes, ika-23 ng mga 9 ng umaga, nanonood ako ng DVD sa aking silid sa labas ng kusina. Si Itay ay pumasok sa trabaho at si Inay ay nasa kusina nagliligpit. Biglaan, tumahol ang aso aming ng si Bailey sa may pintuan ng aking silid. Hindi pa niya ginawa ang tulad noon, kaya alam ni Inay na may may hindi tama. Nagmamadali siyang pumasok at natagpuan niya akong nasa kalahitnaan ng isang atake. Lubha iyong nakakasindak para sa kanya. Nangingisay ako at nakagat ko ang aking dila kaya may dugo sa aking mukha. Sa kanyang pagkabalisa, nakaramdam si Inay na may nagsasabing, “Magtiwala ka lang. Minsan lumulubha ang mga bagay bago ito umige." Tinawagan niya si Itay na nangakong uuwi. Hiniling niya sa kanya na kunan ako ng pelikula na naging kapaki-pakinabang nang kami ay dumating sa pagamutan. Nang tumigil ako sa panginginig, natulala ako ng mahigit dalawang minuto. Ako ay nawalan ng malay sa pahirap na ito at wala akong maalala tungkol dito, ngunit ipinagdadasal ako ni Inay at minamanmanan upang panatilihin akong ligtas. Sandali ng Pagtanglaw Nang sa wakas ako ay matauhan at pasuray-suray na tumindig, wala akong katatagan. Tinulungan ako nina Mama at Papa na sumakay sa kotse upang magtungo sa pagamutan (UCHG). Sa ospital, sinuri ako ng mga manggagamot at inadmit para sa karagdagang pagsisiyasat. Dumating ang portero dala ang silyang de gulong para ilipat ako sa Acute Medical Ward Habang tinutulak ako sa pasilyo, biglang nagkaron ng madramang paghusay sa aking paningin. Paano ko maisasalarawan ang aking nararamdaman sa sandaling iyon? Ako'y natulala sa ganda ng mga tanawin sa paligid ko. Ang lahat ay naging mukhang kakaiba at napakalinaw. Nakamamangha! Mahirap ipaliwanag ang naramdaman ko sa sandaling iyon ng pagtanglaw. Hindi ko maipahayag ang antas ng aking pagkamangha sa pagbabalik sa isang mundo ng kulay at hugis. Iyon ang pinakamagandang sandali ng aking buhay hanggang ngayon! Nang tanungin ako ni Inay kung may sasabihin ako, binaybay ko, "Mas mahusay ang mata ko. " Nagulat si Inay. Tinanong niya kung may nakikita akong sticker sa isang makina sa labas ng aking maliit na sulok. Sinabi kong oo." Tinanong niya kung nakikita ko ang nakasulat sa itaas ng sticker. ko, "Ako ay malinis". Laking gulat niya na hindi niya alam kung ano ang iisipin o kung paano tutugon. Hindi ko mismo alam kung paano makaramdam sa sandaling ito! Nang dumating si Itay at ang aking tita, sinabi sa kanila ni Inay ang nangyari. Sinabi ni Itay, "Kailangan nating subukan ito". Nagtungo siya sa kurtina sa dulo ng aking kama at itinaas ang isang maliit na bag ng mga dairy-free na chocolate na butones. Binaybay ko ang nakasulat sa bag. Sumunod nito ay panandaliang mabilis na pagtatanong habang binibigyan niya ako ng madaming salita upang baybayin sa susunod na mga minuto. Nakuha ko nang tama ang lahat ng mga salita. Nagulat ang tita at mga magulang ko. Paano ito mangyayari? Paanong maiisulat ng isang bulag ang lahat ng mga salita nang tama? Ito ay imposible sa agham ng medisina. Walang sukat ng medikal na paggagamot ang makakatulong sa Retinitis Pigmentosa. Walang lunas sa agham ng medisina. Tiyak na ang Diyos ay mahimalang gumagamot sa akin sa tulong ni Santo Papa Juan Pablo II. Hindi ito kayang ipaliwanag sa ibang paranan. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos sa pagpapanumbalik ng aking paningin. Ito ay isang gawa ng totoong Banal na Awa. Nagagawa ko na ngayong gumamit ng keyboard para sa malayang pakikipag-usap na may salita na labis na mabilis. Ang Aking Inang Nagdadasal Hayaan mong sabihin ko sa iyo kung paano ko pinanatili ang pananampalataya. Madaming ulit akong nag-alinlangan tuwing nakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa. Si Hesus lamang ang nagpanatili sa akin na maging matino. Nakuha ko ang aking pananampalataya sa aking ina. Napakalakas ng kanyang pananampalataya. Siya ang nagbigay sigla sa akin na magpatuloy sa oras ng paghihirap. Ngayon alam ko na ang ating mga panalangin ay tinutugon. Natagalan bago ako nasanay sa pagbabalik ng aking paningin. Ang pagkakalag ng aking utak/katawan ay napakalawak kaya ang utak ko ay hindi maikabit para gamitin ang paningin sa tamang paraan. Mabuti para sa pag-susuri, subalit mahirap para sa aking utak na gamitin ang kaalaman mula sa aking paningin. Halimbawa, kahit na nakikita ko, nahirapan pa din akong tukuyin kung ano ang hinahanap ko. Nadidismaya ako minsan kapag nadadapa ako dahil hindi ko makita kung saan ako patungo kahit na may paningin ako. Noong Setyembre, bumalik ako sa pagamutan para sa pagsusuri. Nakakuha ako ng 20:20 na marka para sa aking pagsipat at makulay na paningin, kaya normal na ang aking paningin ngayon. Gayunpaman, ang retina na larawan ay nagpapakita pa din ng panghihina. Hindi ito bumuti. Ayon sa agham medikal, di mangyayaring makakita ako ng malinaw. Dapat ay natigil pa din ako sa isang madilim at kulay abong mundo. Ngunit ang Diyos sa Kanyang awa ay pinalaya ako mula sa mapurol na bilangguan at ihinulog ako sa isang magandang mundo ng kulay at liwanag. Ang mga manggagamot ay naguguluhan. Naguguluhan pa din sila, pero nagdiriwang ako dahil nakakakita pa din ako. Ngayon, nakakagawa ako ng madaming bagay na mas mahusay kaysa sa dati. Kaya kong sabihin kay Inay ang mga bagay-bagay nang mas mabilis ngayong magagamit ko na ang nakalaminang pilas ng alphabeto. Iyon ay lubhang mas mabilis kaysa sa stensil. Lubos akong nagpapasalamat sa aking matalinong Inay sa pagpupumilit niyang ako ay matuto sa kabila ng mga paghihirap at sa pananalangin nang buong katapatan para sa aking paggaling. Sa Ebanghelyo, nadidinig natin ang tungkol kay Hesus sa pagpapanumbalik Niya ng paningin ng madaming bulag, tulad ng pagpapanumbalik niya ng sa akin. BSa makabagong panahong ito, madaming tao ang nakakalimot tungkol sa mga himala. Sila ay nanunuya at nag-iisip na may sagot ang agham sa lahat ng bagay. Ang Diyos ay hindi isinali sa kanilang mga pagsasaalang-alang. Kapag ang isang himala tulad ng aking pagpapagaling ay nagaganap, inihahayag Niya na Siya ay buhay na buhay at makapangyarihan. Inaasahan kong ang kwento ng aking paggaling ay pumukaw sa iyo upang buksan ang iyong puso sa Diyos na nagmamahal sa iyo nang labis. Ang Ama ng awa ay naghihintay sa iyong tugon.
By: Colum Mc Nabb
MoreNaaaninag ko ang ulo at balikat ng isang lalaki na hanggang balikat ang buhok, at may matulis na bagay sa itaas ng kanyang noo Gabi na noon. Naupo ako sa gawa-gawang kapilya na itinayo namin para sa taunang pagninilay ng mga kabataan sa diyosesis. napagod ako. Pagod at upos mula sa pag-oorganisa ng katapusan ng linggo sa aking tungkulin bilang isang manggagawa ng ministeryo ng kabataan, bukod pa sa pagiging nasa unang tatlong buwan ng pagdadalantao. Ako ay nagboluntaryo para sa oras na ito ng Yukaristikong Pagsamba. Ang pagkakataon para sa 24 na oras na pagsamba ay isang malaking atraksyon ng pagninilay. Laging nakapagpapatibay na makita ang mga kabataan na gumugugol ng oras sa ating Panginoon. Ngunit napagod ako. Alam ko na dapat akong magpalipas ng oras dito subalit, lumipas ang mga minuto. Hindi ko maiwasang pagalitan ang aking sarili sa kawalan ko ng pananampalataya. Nandito ako sa presensya ni Hesus, at ako ay lubhang pagod upang makagawa ng kahit anuman maliban sa mag-isip kung gaano ako kapagod. Ako ay nasa sunod sunuran lang at nagsimula akong magtaka kung ang aking pananampalataya ay higit lamang sa pag-iisip. Iyon ay isang kalagayan ng kung ano ang alam ko sa aking isip, hindi kung ano ang alam ko sa aking puso. Agad Na Magbago Ng Pag-iisip Sa pagbabalik-tanaw, hindi ito dapat maging isang sorpresa. Noon pa man ay may pagkaademiko ang pag-iisip ko—nais kong matuto. Ang pagbabasa at pagtalakay sa mas mahahalagang bagay sa buhay ay isang bagay na pumukaw sa aking kaluluwa. Ang pakikinig sa mga iniisip at opinyon ng iba ay palaging nagbibigay sa akin ng dahilan upang tumigil at magsaalang-alang, o muling isaalang-alang ang mundong ating ginagalawan. Ang mismong pagmamahal na ito sa pag-aaral ang nagbigay-bunga sa aking mas malalim na pagbababad sa pananampalatayang Katoliko. Nag-aalangan akong tawagin itong 'pagbabalik' dahil hindi ko kailanman iniwan ang pagsasagawa ng pananampalataya, ngunit tiyak kong ako ay isang tunay na Katoliko mula pa sa duyan. Noong unang taon ko matapos sa mataas na paaralan, biglang nagbago ang takbo ng aking buhay. Isang orden ang pumalit sa aking parokya noong bata pa ako at ang kanilang kasigasigan para sa katekesis at ebanghelisasyon—sa kanilang mga homiliya at kanilang regular na pag-uusap—ay humamon sa inaakala kong nalalaman ko tungkol sa pagiging Katoliko. Kaagad, ako ay naging gutom at mausisang mag-aaral ng Katolisismo. Habang ako ay madaming natututunan mas napagtanto kong kailangan kong matuto. Pareho ang mga itong nagpakumbaba at nagpasigla sa akin. Dinagdagan ko ang mga pang-araw-araw na Misa at regular na Pagsamba at nagsimulang dumalo sa mga pagninilay, na humantong sa pagdalo sa isang pandaigdigang Araw ng Kabataan. Ikinatuwa ko nang labis ang mga seremonya ng ordinasyon ng mga pari, ang Misa ng mga Langis, at iba pa. Mas madalas kaysa sa hindi, ako ay dumalo sa mga ito nang mag-isa. Ang Nawawalang Kawing? Lumago ang kaalaman ko sa aking pananampalataya at naunawaan ko ang tawag sa ministeryo—sa pamamagitan ng pamamahayag at ministeryo ng kabataan. Nagpalit ako ng mga titulo sa pamantasan, nakilala ang ngayo'y asawa ko na, at nagsimula ng isang bagong bokasyon, ang pagiging ina. Subalit, limang taon matapos kong simulan ang aking 'pagbababad', ang aking pananampalataya ay mas akademiko kaysa makatotohanan. Ang kaalamang natamo ko ay hindi pa nagsisimulang tumagos sa aking kaluluwa. Ginawa ko ang dapat gawin, ngunit hindi ko ‘naramdaman’ ang matinding pagmamahal sa Diyos sa aking puso. Kaya, nandoon ako. Ginagawa ang kinailangang gawin. Walang lakas dahil sa pagod, ginawa ko ang dapat kong gawin sa simula pa lang. Humingi ako kay Hesus ng tulong. Tulungan ang aking pananampalataya, ang aking pag-ibig para sa iyo, na maging totoo at nahahawakan, nanalangin ako. Ang mga anino ay humaba, at ang mga kandila ay nagkislapan sa magkabilang gilid ng magarbong gintong sisidlan ng Yukaristiya. Tinitigan ko ang Ating Panginoon, sinusubukang panatilihing nakatuon ang aking isip sa Kanya lamang. Nakabilad sa Kanyang Presensya Habang umuunat ang mga anino sa sisidlan ng Yukaristiya, nagsimulang lumitaw ang isang larawan sa kanang bahagi ng salamin na nagkanlong sa Ating Panginoon. Ito ay tulad ng pagtingin sa isa sa mga lumang Victorian profile picture, mga anino ang lumikha ng imahe ng isang mukha sa anyo. Naaninag ko ang ulo at balikat ng isang lalaki, nakayuko ang ulo, nakatingin sa kaliwa. Ang ilan sa mga anino sa likuran ay lumikha ng hindi malinaw na mga hugis ngunit walang duda na ang lalaking ito ay may hanggang balikat na buhok at may matulis na bagay sa itaas ng kanyang noo. Siya Iyun. Sa Kanyang pagkakapako sa krus. Doon, sa sisidlan ng Yukaristiya , na sinasapawan ng Tunay na Presensya, ay ang anino ng anyo ng Aking Tagapagligtas, na ibinubuhos ang Kanyang pagmamahal sa akin sa Krus. At hindi ko Siya kayang mahalin nang higit pa. Nakaugat Sa Pag-ibig Ako ay labis na nalupig at labis na nabigla na gumugol akong ng mas mahabang panahon sa Kanya kaysa sa nakatakda. Nawala ang aking pagod at ninais kong magbilad sa Kanyang Presensya. Hindi ko kailanman kayang mahalin si Hesus gaya ng pagmamahal Niya sa akin, ngunit ayaw kong mag-alinlanganan Siya sa pagmamahal ko sa Kanya. Nang gabing iyon, labinlimang taon na ang lumipas, ipinakita ni Hesus ang isang mahalagang katotohanan tungkol sa ating pananampalataya: hindi ito magiging mabunga kung hindi ito nakaugat nang matatag sa pag-ibig sa Kanya. Bagama't, kahit sulit na gawin ang mga bagay dahil tama ang mga ito, mas mabuting gawin ang nasabing mga bagay nang dahil sa pag-ibig sa Diyos. Kahit na hindi natin ito ‘ramdam'.
By: Emily Shaw
MoreKapag dumarating ang mga problema, gaano kabilis nating iniisip na walang nakakaintindi sa ating pinagdadaanan? Sa halos lahat ng simbahan, may nakikita tayong krusipiho na nakasabit sa itaas ng altar. Ang larawang ito ng ating Tagapagligtas ay hindi nagpapakilala sa Kanya na pinutungan ng mga hiyas na nakaupo sa isang trono, ni bumaba sa isang ulap na dala ng mga anghel, kundi bilang isang tao, sinugatan, tinanggalan ng pangunahing dignidad ng tao, at nagtiis sa pinakanakahihiya at pinakamasakit na anyo ng pagpatay. Nakikita natin ang taong nagmahal at nawalan, nasaktan at pinagtaksilan. Nakikita natin ang isang taong katulad natin. At gayon pa man, sa harap ng ebidensyang ito, kapag tayo mismo ang nagdurusa, gaano tayo kabilis managhoy na walang nakakaunawa sa atin, walang nakakaalam kung ano ang ating pinagdadaanan? Gumagawa tayo ng mabilis na mga pagpapalagay at lumulubog sa isang lugar ng paghihiwalay at nakagapos ang windang na puso sa kalungkutan. Isang Pagbabago ng Daan Mga ilang taon na ang nakalilipas nabago ang buhay ko ng walang hanggan. Ako ay palaging isang malusog na bata, isang mananayaw na balete na may mga pangarap na nasimulan ko na napagtanto ko ng ako ay mag-12. Palagian akong nag-aaral sa Lingguhang eskuwela at nadama kong naaakit ako sa Diyos ngunit wala akong ginawa tungkol dito, kaya nagpatuloy ako sa pagsasaya sa aking buhay, sa aking oras na kasama ang mga kaibigan, at sa pagsasayaw ng mga pangunahing papel sa mga nangungunang paaralan ng balete. Kontento na ako sa buhay ko. Alam kong nandiyan ang Diyos, ngunit sa dako roon. Nagtitiwala ako sa Kanya, ngunit hindi ko Siya masyadong iniisip. Gayunpaman sa ikawalong baitang, sa kasagsagan ng aking kabataang karera sa pagsasayaw, ang aking kalusugan ay nagsimulang bumagsak, at makalipas ang apat na taon ay hindi pa rin ako gumagaling. Nagsimula ang lahat isang linggo pa lamang pagkatapos kong magtanghal sa isang balete sa Metropolitan Opera House, isang araw pagkatapos kong matanggap ang sakramento ng Kumpirmasyon, at dalawang linggo bago ako dumalo sa isang tag-araw na masidhi na pangalawang pinakaprestihiyosong paaralan sa pagsasayaw sa Amerika. Ang isang masamang pagkapuwersa ng aking litid sa aking paa ay nagpalubha ng isang hindi pa natutuklasang bali sa buto ng aking bukung-bukong na ngayon ay nangangailangan ng operasyon. Pagkatapos ay nagkaroon ako ng apendisitis, na nangangailangan ng isa pang operasyon. Ang dalawang sunod-sunod na operasyon ay nagdulot ng matinding pinsala sa aking neurolohiya o may kinalaman sa sistema ng nerbiyos at panglabang mga sistema at siyang nagpapahina sa akin hanggang sa punto na walang doktor ang maaaring makagamot o kahit na ganap na makaunawa ng aking sitwasyon. Habang patuloy kong itinutulak ang aking katawan para ipagpatuloy ang balete, sumuko ang aking katawan at nabali ang aking gulugod, na nagtapos sa aking karera sa balete. Sa kabuuan ng taon bago ang aking Kumpirmasyon, naranasan ko si Hesus sa mga paraang hindi ko pa nararanasan noon. Nakita ko ang Kanyang pagmamahal at awa na pinalinaw sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga Ebanghelyo at pagtalakay sa Kanyang ministeryo. Nagsimula akong magsimba tuwing Linggo at naranasan ang kapangyarihan ng Eukaristiya. Bago ang mga klase sa kumpirmasyon kasama ang aking kura paroko, walang sinuman ang nagturo sa akin nang malinaw tungkol sa pag-ibig ni Jesus sa akin. Ang kanyang pagtuturo ay nagpalinaw sa aking lumalagong pagkaunawa sa kung sino talaga ang Diyos. Si Jesus, na noon pa man ay kilala ko na bilang aking Tagapagligtas, ngayon ay ang aking pinakamamahal na kaibigan at naging aking pinakadakilang pag-ibig. Hindi lang siya isang estatwa na nakasabit sa simbahan, isang karakter sa mga kuwento; Siya ay totoo, at Siya ang sagisag ng Katotohanan, Katotohanan na hindi ko alam na hinahanap ko. Sa taong iyon ng pag-aaral, nagpasya akong ganap na mamuhay para kay Jesus. Wala akong ibang hinangad kundi ang maging higit na katulad Niya. Magmula ng ako ay mapinsala, ang aking kalusugan ay nagpabago-bago pabuti at pasama at inialis ako nito sa landas na inaasahan kong tatahakin magpakailanman, nahirapan akong manatiling umaasa. Nawalan ako ng balete at kahit na ilang mga kaibigan. Halos hindi na ako makaalis sa kama para pumasok sa paaralan, at kapag nakarating na ako, hindi ko na kaya ang manatili ng buong araw. Ang buhay na dati kong kilala ay gumuho at kailangan kong maunawaan kung bakit. Bakit kailangan kong magdusa ng husto at mawalan ng labis? May nagawa ba akong mali? Ito ba ay hahantong sa isang magandang bagay? Sa tuwing nagsisimula akong gumaling, may bagong isyu sa kalusugan na lumilitaw at muling nagpapatumba sa akin. Ngunit kahit sa mga pinakamababa kong punto, palagi akong hinihila ni Jesus pabalik upang tumayo sa aking mga paa, at pabalik sa Kanya. Paghahanap ng Layunin Natutunan kong ialay ang aking pagdurusa sa Diyos para sa kapakanan ng iba at nakita kong binago nito ang kanilang buhay para maging mas mabuti. Habang nawawala ang mga bagay, nagkaroon ng puwang para sa mas magagandang pagkakataon. Halimbawa, ang hindi ko magawang sumayaw ng balete ay nagbigay sa akin ng puwang upang kunan ng larawan ang mga mananayaw sa eskuwelahan ng aking balete at ipakita ang kanilang talento. Sa wakas ako ay nagkaroon ng bakanteng oras upang dumalo sa mga laro ng putbol ng aking kapatid at nagsimulang kumuha ng mga larawan niya sa aksyon. Di-nagtagal, nakuhanan ko ng litrato ang buong koponan, kabilang ang mga batang lalaki na walang sinumang lumabas para panoorin silang maglaro, lalo na ang pagkuha ng kanilang mga kasanayan sa isang larawan. Kapag halos hindi na ako makalakad, umuupo ako at gumagawa ng mga rosaryo para ibigay sa iba. Nang magsimulang sumama ang aking pangangatawan, gumaan ang puso ko dahil binigyan ako ng pagkakataon na mabuhay ng hindi lang para sa sarili ko, kundi mamuhay para sa Diyos at makita ang Kanyang pagmamahal at habag na gumagana sa iba at sa sarili kong puso. Nakikinig kay Hesus Ngunit hindi laging madali para sa akin na makahanap ng mabuti sa pagdurusa. Madalas kong makita ang aking sarili na nagnanais na mawala ang sakit, na nagnanais na mamuhay ako ng normal na walang pisikal na paghihirap. Ngunit isang gabi noong Marso ay nakatanggap ako ng malinaw na pananaw sa aking walang hanggang mga tanong. Ako ay nasa pagsamba noon, nakaupo sa matigas na kahoy ng bangko ng simbahan, nakatingin sa krus na may malabong liwanag ng kandila at sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi lang ako nakatingin sa krus—talagang nakikita ko ito. Nanakit ang buong katawan ko. Ang aking mga pulso at bukung-bukong ay pumipintig dahil sa sobrang sakit, ang aking likod ay masakit dahil sa pinakahuling pinsala, ang aking ulo ay nanlalambot dahil sa isang talamak na sakit sa ulo, at madalas, isang matinding sakit ang tumusok sa aking mga tadyang at ako ay natumba sa lupa. Sa harap ko, si Jesus ay nakabitin sa krus na may mga pako sa Kanyang mga pulso at mga bukong-bukong, mga sugat mula sa mga latigo na tumatagos sa Kanyang likod, isang korona ng mga tinik na masakit na itinusok sa Kanyang ulo, at isang sugat sa pagitan ng Kanyang mga tadyang kung saan ang sibat ay tumusok sa Kanyang tagiliran–isang sibat. na sinadya upang matiyak na Siya ay patay na. Malakas na sumagi sa isip ko, na muntik na akong matumba sa upuan. Bawat sakit na naramdaman ko, kahit ang pinakamaliit na pagdurusa, naramdaman din ng aking Tagapagligtas. Ang sakit ng likod ko at sakit ng ulo, maging ang pananalig ko na walang ibang makakaintindi, naiintindihan Niya ang lahat dahil naranasan din Niya ito, at patuloy na tinitiis kasama natin. Ang pagdurusa ay hindi isang parusa, ngunit isang kaloob na magagamit natin para mas mapalapit sa Diyos at hubugin ang ating pagkatao. Bagama't sa pisikal ay marami ang nawala sa akin, natamo ko ito sa espiritwal. Kapag nawala na ang lahat ng iniisip nating napakahalaga, doon natin makikita kung ano talaga ang mahalaga. Nang gabing iyon sa pagsamba habang tinitingnan ko ang mga sugat ni Jesus na katulad ng sa akin, napagtanto ko na kung tiniis Niya ang lahat para sa akin, kaya kong tiisin ang lahat para sa Kanya. Kung gusto nating maging higit na katulad ni Hesus, kailangan nating lakbayin ang parehong paglalakbay na ginawa Niya, Krus at lahat. Ngunit hinding-hindi Niya tayo pababayaan na lumakad nang mag-isa. Kailangan lang nating tumingin sa Krus at alalahanin na nariyan Siya sa tabi natin sa lahat ng ito.
By: Sarah Barry
MoreNalulula ka ba sa mga kawalan ng katiyakan sa buhay? Lakasan mo ang iyong loob. Minsan ko ring pinagdaanan yan—ngunit ipinakita sa akin ni Jesus ang landas para makalabas. Mahigit tatlumpung taong gulang na ako, naglalakad sa bayanan sa damit na gustong-gusto ko, sa isang mahangin na bughaw na kalangitan. Sa palagay ko nabola ako ng hugis nito, kaya madalas ko itong isinusuot. Nang walang ano-ano ay bigla kong nasulyapan ang repleksyon ko sa isang bintana ng tindahan. Nagulantang ako, at sinubukan kong higuping paloob ang aking tiyan. Pero di ko mahigop. Wala itong mapuntahan. Mga umbok kung saan-saan. Sa ilalim ng laylayan, ang aking mga binti ay parang mga hamon. Naiinis ako sa sarili ko. Walang pakialam Ang aking pagkain at timbang ay bumubulusok paitaas ng walang kontrol; at higit pa doon, ang buong buhay ko ay isang hanay ng pagkawasak. Kamakailan lamang ay ginutay-gutay ng diborsiyo ang aking maikling kasal. Sa panlabas nagkunwari akong maayos ang lahat, ngunit sa loob ako ay durog na durog. Nag-iisa sa likod ng mga pader ng katabaan, ibinahagi ko ang aking dalamhati sa walang sinuman. Para mapawi ang sakit na nararamdaman ko, uminom ako ng alak, nagtrabaho, at kumain—nang sobra-sobra. Ang sunud-sunod na mga pagtatangka sa pagdidiyeta ay bumabagsak lamang sa akin sa isa pang siklo ng pagkahumaling, awa sa sarili, at mapilit na pagmamalabis. At, sa ilalim ng lahat ng mga pagkadurog na iyon, ang mga espirituwal na problema ay lumala. Tinawag ko pa rin ang aking sarili na Katoliko, ngunit namuhay ako bilang isang ateista. Para sa akin, ang Diyos ay 'nasa itaas', ngunit malayo at walang pakialam sa aking mga paghihirap. Bakit ako magtitiwala sa Kanya kahit kaunti? Nagpapakita lang ako sa Linggong Misa kapag bumibisita ako sa aking mga magulang, para linlangin sila sa paniniwalang tapat pa rin ako. Sa totoo lang, ginugol ko ang aking mga araw nang hindi iniisip ang Diyos at nagpatuloy sa paggawa ng anumang gusto ko. Ngunit ang nakakagigil na alaala ng aking repleksyon sa bintanang iyon ay sumasalamin sa akin. Isang bagong kabagabagan ang bumalot sa aking kaluluwa. Kinakailangan ang pagbabago, ngunit ano? Wala akong ideya. Ni wala akong ideya na ang Diyos Mismo ay kumikilos sa sandaling iyon, sinimulang ilantad ang sakit sa aking puso gamit ang Kanyang magiliw na mga daliri. Nakikipaglaban kay Goliath Isang babae sa trabaho ang nagpahayag ng panghihina ng loob tungkol sa kanyang pagkain at timbang, at kami ay naging konektado. Isang araw ay binanggit niya ang isang labindalawang hakbang na grupo na sinimulan niyang daluhan. Iginiit ng grupo na ang hindi maayos na pagkain ay nauugnay sa ating emosyonal at espirituwal na buhay, ang pagbabawas ng timbang at pag-alis nito ay kailangang tugunan din ang mga bahagi nito. Ang pinagsamang diskarte na ito ay umakit sa akin. Sa kabila ng aking pang-aalipusta sa mga grupo, sinubukan kong dumalo sa ilang mga pagpupulong. Di-nagtagal, nawili ako, regular na akong dumadalo, at kahit na bihira akong magsalita sa mga pulong, pagkatapos ay nag-eeksperimento ako sa ilan sa mga ideyang narinig ko. Medyo gumana ang diskarteng ito, at pagkaraan ng ilang buwan ay natuwa ako nang magsimulang bumaba ang aking timbang. Gayunpaman—bagama't hindi ko ito sinasabi kahit kanino—nakikipaglaban ako sa isang mabagsik na Goliath, isa sa nagbanta na sirain ang aking pag-unlad. Habang ako ay nasa trabaho araw-araw, sinusunod ko ang isang plano sa pagkain na nagpapahintulot sa akin na kumain ng katamtaman at para mabawasan ang mga tukso. Ngunit pagsapit ng 5:00 ng hapon sa bawat araw ay nagugutom ako. Nagmamadali ako sa pag- uwi at humahangos at padaluhong, pinupuno ko ang aking bibig nang pagkain ng walang tigil hanggang sa bumagsak at magkandatulog ako sa kama. Walang kapangyarihan para sa halimaw na ito, at sa takot na ang timbang ay muling tumaas, naiinis ako sa aking sarili. Ano ang dapat kong gawin? Wala akong ideya. Ang madilim na tularan ay patuloy na kumaladkad, at ang kawalan ng pag-asa ay nakasunggab sa akin. Isang Ideya ang Lumitaw At sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumasok sa aking isipan ang pinaka kakaibang kaisipan. Sa halip na dumiretso sa bahay mula sa trabaho, maaari kong abutan ang 5:15 na Misa sa hapon. Iyon ay makapagpapaliban at mababawasan ng isang oras ang aking pagmamalabis. Sa una ang ideyang ito ay tila kalunus-lunos. Hindi ba dapat ito ay tigil-tigilan at kalokohan? Ngunit, nang walang ibang mga pagpipilian na nakikita, ang desperasyon ay nagtulak sa akin na subukan ito. Hindi nagtagal ay dumadalo na ako sa Misa at tumatanggap ng Banal na Komunyon araw-araw. Ang aking isang layunin ay upang mabawasan ang aking pagmamalabis. Tila, sapat na iyon para kay Hesus. Tunay na naroroon sa Kanyang Katawan at Dugo, Siya ay naghihintay para sa akin doon, at natutuwa na nakabalik ako. Nang maglaon ay napagtanto ko na mayroon din Siyang adyenda para sa lahat ng ito: isang hindi maarok na mas mataas, mas malawak, at mas malalim kaysa sa akin. Alam niya kung ano ang kailangan ko at kung paano ito ibibigay. Sa magiliw na pag-aalaga, ginamit niya ang aking kawalan ng pag-asa upang ilapit ang aking nanghihinang mga paa sa matatag na lupa at sinimulan ang isang mahabang proseso ng pagpapagaling sa aking puso at ang paglalapit nito sa kanyang sarili. Sa Misa araw-araw, pinapakain Niya ako ng Kanyang sariling Katawan at Dugo, sinimulan Niyang lunasan ang aking mga karamdaman, pinaliguan ako ng mga kahima-himalang biyaya, nagbibigay ng liwanag sa aking kadiliman, at binibigyan ako ng lakas upang labanan ang mga kasamaan na nagbabanta sa akin. Kalayaan sa Wakas Ang Kanyang mga grasyang Eukaristiya ay nagpa-alab at nagpasigla sa akin, at pinataas ko ang aking pakikilahok sa programa sa isang bagong antas. Kanina ako ay nakipag-siksikan; ngayon ay tumalon ako gamit ang dalawang paa sa pagpasok, at sa paglipas ng mga araw, natagpuan ko ang dalawang regalo na napatunayang kailangang-kailangan: isang matulungin na komunidad na nananatili sa akin sa magaganda at masasamang araw, at isang arsenal ng mga praktikal na estratehiya. Kung wala ang mga ito, nawalan na ako ng loob at sumuko. Ngunit sa halip—sa mahabang panahon, nang matutunan kong hayaan si Hesus na maging Tagapagligtas na Kanyang kinamatayan, habang ang aking labindalawang hakbang na pakikipagkaibigan ay nagpayabong at nagpalakas sa akin, at habang ginagamit ko ang mga kasangkapan at karunungan na ibinigay sa akin, natagpuan ko, ang kalayaan mula sa aking hindi maayos na pagkain at ang isang matatag at pangmatagalang plano sa paggaling na nagpapatuloy hanggang sa araw na ito. Sa prosesong ito, ang pananampalataya na minsang nasa aking isip lamang ay lumipat sa aking puso, at ang aking huwad na imahe ng isang malayong walang malasakit na Diyos ay gumuho at nagkawatak-watak. Si Hesus, ang Pinagpalang Tagapagligtas na patuloy na naglalapit sa akin sa Kanyang sarili, ay ginawang matamis ang aking mapait. Hanggang ngayon, habang nakikipagtulungan ako, patuloy Niyang binabago ang iba pang mga hukay at mga basurang lupain na pumipigil sa akin sa pag-unlad. ikaw naman? Anong mga imposibleng hadlang ang kinakaharap mo ngayon? Ikaw man ay nababagabag tungkol sa iyong pagkain, nagdadalamhati tungkol sa isang mahal sa buhay na umalis sa pananampalataya, o nadurog ng iba pang mga pasanin, lakasan mo ang iyong loob. Yakapin si Hesus sa Banal na Eukaristiya at sa pagsamba. Hinihintay ka niya. Dalhin mo sa Kanya ang iyong sakit, ang iyong kapaitan, ang iyong mga kaguluhan. Nananabik Siyang tumulong sa iyo tulad ng pagligtas Niya sa akin sa lahat ng aking mga paghihirap. Walang problemang napakalaki o napakaliit para dalhin sa Kanya.
By: Margaret Ann Stimatz
MoreInakyat ni Padre Fio ang makapal na pader ng kawalan nang pag-asa, at nakadanas na kung paano sumusulat ng matuwid ang Diyos sa baluktot na mga guhit Sa gulang na labing siyam, matapos ang dalawang taon sa kolehiyo, sumali ako sa pagsasanay ng Jesuit sa Mumbai, at pagdaan ng apat na taon, matapos ng aking pag-aaral sa relihiyon, pinabalik ako sa St. Xavier's College upang magtapos ng kaalaman sa kimika. Masaya at ipinagmamalaki ko ang magiging karera ko bilang propesor sa kolehiyo! Nag-aral ako nang mabuti at naging maaayos ang mga paunang pagsusulit. Subalit, sa huling pagsusulit noong 1968, biglang nablangko ang aking isip, at wala akong matandaan na salita sa aking napag-aralan! Malayo sa pagiging matagumpay o kahanga-hanga, nailagpak ko ang pagsusulit! Nadama ko ang pagkalito at pagkahiya, at galít. "Paano ito magagawa sa akin ng Diyos?", itinanong ko. Gayunman, may mas masahol pa na naghihintay sa akin. Nagdasal ako at nag-aral nang mas tahasan at humarap muli para sa pagsusulit sa kimika paglipas ng ilang buwan. Naging maayos ang lahat sa panahon ng aking paghahanda, ngunit sa bulwagan ng pagsusulit ay naging blangko ang isip ko gaya ng dati at nabigo ako sa pangalawang pagkakataon! At ngayon ay pinasok ko na ang isang tunay na oras ng kagipitan sa pananampalataya. Tinanong ko ang aking sarili, “May Diyos ba talaga? Kung Siya ay isang mapagmahal na Diyos, paano Niya ito magagawa sa akin?” Dahan-dahan, nagsimula akong bumitaw sa pagdadasal. Ang aking relihiyosong pamumuhay ay nasa panganib at sinimulan ko ang makamundong buhay. Pagtama Sa Pader Samantala, noong 1970, naghanda ako para sa ikatlong pagtatangka sa pagsusulit sa kimika. Bago ako pumasok sa bulwagan, bumulong ako, “Diyos ko, alam kong hindi mo ako mahal, kaya walang saysay ang paghingi ko ng tulong sa iyo. Ngunit sana ay mahal mo pa din ang aking ina, kaya't mangyaring sagutin Mo ang kanyang panalangin!" Ngunit sa pangatlong pagkakataon ay ganoon din ang nangyari, at nabigo ako. Matapos nuon ako ay ipinadala sa isang dalubhasang Jesuit psychologist na nagbigay sa akin ng madaming pagsubok at sa kalaunan ay nasuri ang aking karamdaman na may "nakaharang na sikolohikal na sagabal sa kimika." Ngunit walang sinuman sa kanila ang makapagsabi sa akin kung paano mapupuksa ang sagabal! Dalawang taon matapos ang pangatlong kabiguan, at matagumpay na nakatapos ng mga pag-aaral sa relihiyon sa pilosopiya, habang ako ay naghahanda para sa ikaapat na pagtatangka sa pagsusulit sa kimika, isang "kamangha-manghang biyaya" ay di inaasahang dumaloy sa akin mula sa mga kamay ng dakila at mabait na Diyos na hindi ako sinukuan! Noong ika-11 ng Pebrero 1972, sa aking silid biglang parang may nagtulak sa akin na lumuhod sa harap ng aking krusipiho-ng-mga-panata upang isuko ang aking buhay sa Diyos. Mula sa kaibuturan ng aking kadukhaan at kawalan, natagpuan ko ang aking sarili na sumisigaw: “Panginoon, wala akong maiialay sa iyo! Ako ay isang bigo, at wala akong hinaharap! Ngunit kung mayroon Kang balak para sa aking buhay, kung magagamit Mo ako sa anumang paraan para sa Iyong Kaharian, heto ako!” Iyon ang sandali ng aking pagsuko sa pagka-Panginoon ni Hesu-Kristo at ng pagiging “binyagan sa Espirito Santo.” Wala na ako sa upuan ng tsuper ng aking buhay na nagsasabi sa Panginoon kung ano ang gagawin para sa akin; sa halip, hiniling ko sa Kanya na gawin sa akin ang loobin Niya. Ang Sandali na Nakakapagpabago Ng Buhay Ang tugon ng Diyos ay kagyat! Kahit na nakaluhod ako doon, malinaw kong nadinig ang Diyos na nagwika sa akin, “Fio, ikaw ang mahal Kong anak na lubos Kong ikinalulugod!” Yaong mga huling salitang iyon, "lubos Kong ikinalulugod!," ay walang saysay kahit anuman sa akin! Kung pinagalitan ako ng Diyos sa lahat ng mga buwan ng kawalan ng pananampalataya, sa pagtalikod sa panalangin, atbp., maiintindihan ko sana ito. Subalit upang itaguyod, ang malugod na tanggapin nang buong pagmamahal ay kalabisan na para maunawaan ng aking maliit na isip! Gayunpaman, sa kaibuturan ng aking puso, nadama ko ang matinding kagalakan na umuusbong, isang banal na pampalubag-loob. Sa sandaling iyon, napuno ako ng labis na kagalakan anupat sumigaw ako nang malakas, “JESUS, BUHAY KA, ALLELUIA!” Ito ay sa panahon na ang Charismatic Renewal ay hindi pa umabot sa India. Ang madanasang pagwikaan ng Panginoon ng mga salita ng pagmamahal sa akin ay ganap na nakapagpabago ng aking buhay. Naiintindihan ko na ngayon na bago matupad ang mga balak ng Diyos para sa akin, kailangang mabuwag ang aking kayabangan. Ginawa ito ng aking nakapagtatakang mga pagkabigo sa pagsusulit! Binigyan ako ng Diyos ng bagong pag-iisip at doon ko lang masisimulang pahalagahan ang hindi sapilitan na katangian ng kaligtasan kay Kristo. Ang masaganang pag-ibig ng Diyos para sa bawat isa sa atin ay isang handog, sapagkat tayo ay nailigtas ng biyaya, sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi ng ating mga kabutihan. Ang takbo ng buhay ko ay agad na nagbago! Matapos kong maipasaá sa wakas ang mga pagsusulit sa kimika at matanggap ang aking katibayan sa agham nang may karangalan, ang aking pinuno ay gumawa ng isang nakakagulat na pahayag: "Fio," sabi nila, "hindi ka na namin nais na maging isang Tagapagturo sa aming Kolehiyo! Nagkaroon ka ng di-pangkaraniwang karanasan na pang- espirituwal; ibahagi mo ito sa mundo!" Maiisip mo ang aking pagkamangha sa banal na kabalintunaan ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa aking buhay. Kung naipasá ko kaagad ang mga pagsusulit na iyon, sa buong buhay ko bilang pari ay araw-araw akong pupunta sa lab ng kimika upang turuan ang mga mag-aaral sa kolehiyo kung paano paghaluin ang hydrogen at sulfide...at pagkatapos ay langhapin ang amoy na iyon! Tunay ngang may plano ang Diyos sa buhay ko. Sa loob ng 30 taon, biniyayaan Niya ako ng isang papel ng isang pangunahing pinunong-tagapaglingkod sa Catholic Charismatic Renewal sa India at sa buong mundo, kasama na duon ang nakakalugod na walong taon sa Roma. Sa nakalipas na dalawampung taon, ginamit ako ng Diyos sa pastoral-biblical na ministeryo bilang isang mangangaral at manunulat. Sa pamamagitan ng kamangha-manghang biyaya ng Diyos, masaya kong naipahayag ang Mabuting Balita sa mahigit na walumpung bansa sa daan-daang libong tao na sabik sa salita ng Diyos. Nakapagsulat ako ng labingwalong aklat tungkol sa espirituwalidad ng Bibliya, madami sa mga ito ay isinalin sa wika ng India at iba pang wikang banyaga. Lahat ng ito ay bunga ng aking nakakahiya at makasirang-loob na kabiguan. Ngunit ang Diyos ay matuwid na nagsusulat sa mga baluktot na linya!
By: Father Fiorello Mascarenhas SJ
MoreAko'y nabigla sa paanong paraan si Jesus ay nagpakita noong isang araw ng Hunyo Isang mabigat na terno de lana at may tabas ng balahibo ay hindi karaniwang sinusuot ko sa panahong may inip na siyamnapu't-limang sukat, lalo na sa sasakyan na walang erkon. Ngunit naroon ako, isang mainit at nakapamamawis na hapon sa Michigan, hindi lamang nakasuot ng terno, pati mga bota, isang balbas na simputi ng niyebe, at makapal na sambalilong yari sa lana. Tila ang pakiramdam ay sa loob ng sauna na may mga gulong, ngunit hindi ko talaga binigyan ng pansin. Ito ay hindi isang karaniwang araw, at ako’y hindi karaniwang tao: ako’y si Santa Klaws, na may layuning magbahagi ng awa sa isang batang babae na nag-aagaw-buhay gawa ng lukemya sa isang malapit na pagamutan ng mga bata. Ako’y namamasukan bilang isang kapelyan sa isa pang pedyatrikong pagamutan—isang tungkulin na madalas akong napalulublob sa mga pagdurusa at mga dalamhati ng mga mag-anak na nakikipaghamok sa karamdaman at pagkamatay ng isang minamahal na bata. Kapag ang Pasko ay parating, ako rin ay may panliwanag-na-buwang hanapbuhay bilang Santa Klaws sa iba’t-ibang tindahan at pagtitipon, kabílang ang taunang parada ng J. L. Hudson tuluy-tuloy sa Detroit. Ang dalawang mga tungkulin ay maaari sanang may higit na pagkakaiba, bagama’t ang bawa’t isa ay pagkakataon upang ihatid ang pag-ibig ng Diyos sa iba. Kapwa bilang Santa at kapelyan ng pagamutan, ako’y madalas na magkaroon ng pagkakataong makita ang Diyos na pumapasok sa mga buhay at mga puso ng mga tao sa mga di-inaasahang paraan. Ang Pag-ibig ng lsang Lolo Sa naiibang hapon na ito, ang aking dalawang mga tungkulin ay nagkatapatan. Habang ako’y namamawis sa pagpasok sa pagamutan, hiniling ko sa Panginoon na gamitin ang aking pagdalaw upang libangin ang apat na taóng gulang na si Angela (hindi kanyang tunay na ngalan) at mapagaanan ng loob ang namimighati niyang lolo. Siya ang nakipag-ayos para sa “Pasko sa Hunyo” na ito matapos niyang malaman na si Angela ay may limang nalalabing mga linggo na lamang na mabuhay. “Ano ang aking magagawa?” tinanong niya ang Diyos. “Paano ko mailalagay ang mahabang buhay na pagmamahal sa puso ng aking maliit na apo?” Habang siya’y nakaupo na humihigop ng kape sa isang hapag ng silid-kainan, napansin niya ang larawan ng Santa Klaws na ginuhit ng krayola ni Angela na nakadikit pa rin sa kahang palamigan. Ginunita niya kung ano ang minsanang hiniling ng apo sa kanya, nang sila ay magkasamang nanonood ng parada ng Pasko sa Detroit: “Bakit dapat na matapos ito, Lolo?... Nais ko ang Pasko'y maging magpakailanman!” Hindi kaginsa-ginsa, nalaman niya ang tumpak na magagawa. Si Santa ay Gumawa ng Isang Paghinto Sa pagdating ng pagamutan, ako’y nabigla nang makita kong maraming tagatulong na nakaabang kay Santa sa pangunahing pasukan—isang manggagamot na ladlad ang sambalilo ni Santa, mga nars, mga social worker, at mga boluntaryo na nakapalamuti bilang mga dwende ng Pasko. “Maligayang ika-nuwebe ng Hunyo!” ang malakas na bati nila. “Lahat ay handa na! Kami ay nagagalak na lumuwas ka mula sa North Pole upang dalawin ang mga bata.” Mabilis kong nakuha ang pahiwatig na ang lahat ng mga pasyente sa pedyatrikong yunit ng mga may kanser ay handa nang magtamasa ng biglaang pagsasaayos na isinaalang-alang kay Angela. Habang pumaparoon nang may saya sa bulwagan, ako at sampu ng aking piling mga kasama ay nagsiksikan sa elevator. Kagalakan ay nagsitumpukan nang nagawa naming pataas tungo sa lapag ng oncology. Nang bumukas ang pintuan, isang mahiwagang pangitain ang bumati sa amin. Ang silid ay lumalagablab ng mga pampistang ilaw at napupuno ng tunog ng Pamaskong awit. Ang bulwagan ay pinalamutian ng mga koronang bulaklak, na mayroong apat na mga Pamaskong puno na nakatayo nang kariktan. Isang masiglang Frosty the Snowman ay naroon upang malugod kaming salubungin, na nagsasambulat ng niyebe sa pamamagitan ng pambuga na nakasundot sa kanyang pang-ibabaw na sambalilo. Ang mga hiyawan ng saya ay sumunod na dumating, nang si Santa ay natuntunan ng anim o pitong mga batang may sapat na lakas na makagamit ng mga upuang de gulong. Ako’y huminto upang batiin ang bawa’t isa, matapos ay dinalaw ko ang ibang mga bata mula sa isang silid hanggang sa mga sumunod. Samantala, ang lolo ni Angela ay nakatayong pinanonood ako na may ngiti. Maluwalhating Kapayapaan Nang ako’y ganap na nakarating sa gilid ng higaan ni Angela, dalawang malalaking bughaw na mga mata ay sumisilip palabas sa ibabaw ng kumot. “Angela!” sinabi ko. Ang bughaw na mga mata ay bumukas pa nang higit na malapad. Isang tingin na may kaunting saya ang dumating sa kanyang mukha. Kasama ng buong kawani na nagsidagsang palibot upang manood, dumukot ako sa aking bagahe at ipinakita ang handog na napili ng lolo niya; isang bughaw na bagong damit na matagal nang ninanais ni Angela. Mayroong isang manyikang anghel na patnubay na may pulang mga sapatos na panlaro at magandang mais na buhok—katulad ng kay Angela bago siya magkimoterapya. Isang maliit na retrato mula sa kartamoneda ng lolo niya ay sariwa pa rin sa aking alaala. “Siya’y kahawig na kahawig mo,” aking napuna. Mayroong isang munting buton na ikinabit ni Santa sa kanyang pampasyenteng damit na mababasang, “Ika ni Santa ako’y mabuting Bata!” Nang may napakasayáng lagay ng loob, nagbunsod kami ng mga kilalang awiting Pamasko—“Jingle Bells,” “Rudolf the Red-Nosed Reindeer,” at “Santa Claus is Coming to Town.” Pagkaraa'y sinimulan ko ang isa sa mga kinagigiliwan kong awit, “Silent Night.” Sa katotohanan ay walang mga salita akong makapaglalarawan ng kung ano ang naganap sa pagkanta namin ng yaong huling awit. Ang masasabi ko lamang ay halos isang marubdob na kapayapaan ang bumaba sa silid. Sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, si Jesus ay naroon. Walang kinalaman kung ang aming pagdiriwang ay wala sa panahon ng taon, o kahit ang iba sa mga nagsipag-awit ay maaaring hindi napagtanto ang ginawa ng Diyos sa sangkatauhan sa yaong isang banal “silent night.” Sa kabila ng lahat ng ito, ang walang-hanggang Anak ng Diyos na ipinakita ang Kanyang sarili sa mga maralitang pastol bilang isang sanggol sa sabsaban ay ginagawa Niyang nasa kasalukuyan ang sarili sa ibang walang katiyakang pangkat sa loob ng ibang walang katiyakang tagpo. Tulad ng kadalasan, kapag ako’y naparangalan na makasaksi ng mga ganitong pangyayari, ako’y humayong gulát at napahanga sa kung paano ang Espiritu Santo ay lumilikha—ngunit kahit papaano'y hindi ako nagtataka na Siya’y dumating. Ang Tunay na Ispirito ng Pasko Si Angela ay pumanaw pagkaraan lamang ng sampung araw. Tumawag ang kanyang lolo upang sabihan ako, pagkaraan ng kanyang libing sa ibang bahagi ng estado. “Ako’y hindi magkukunwari na ako’y may magaan na loob ngayon,” ang sabi niya. “Bago kita tinawagan, ako’y may isang mabuting iyak.” Ngunit pagdaka'y tinuloy niyang ginunita ang isang karanasan niya sa bahay-punerarya. “Ako’y nakatingin sa aking munting apo na nakahimlay sa loob ng puting ataul—suot ang kanyang bagong bughaw na baro, na may manyika ng anghel na patnubay sa kanyang tabi, at suot ang buton na ibinigay mo sa kanya na nagsasabing: ‘Ika ni Santa ako’y isang mabuting Bata!’ Ang hapis ay halos hindi ko na mapasan. “Ngunit noon din, nang nadadama ko ang hapdi nang sukdulan… hindi ko ito maipaliwanag, ngunit aking nadama ang biglang malalim na kapayapaan, pati isang kaligayahan. Sa yaong tagpo, nalaman ko na si Angela ay nasa piling ng Diyos at na kami’y magkakasamang muli nang walang hangganan.” Isang damá ng pagtataka ay bumalot sa akin habang nakikinig ako sa kanyang salaysay. Ito’y naganap nang muli! Tulad ng nadama namin na si Jesus ay naroroon sa tabi ng higaan ni Angela, ang lolo niya ay muling natagpuan Siya sa kanyang ataul. Ang Liwanag na dumating sa mundo noong mahigit na dalawang-libong taon nang nakaraan ay muling pinag-umapaw ang kanyang puso, nagdadala ng pag-asa at ligaya sa dako ng pighati at kamatayan. Ito ang tunay na “ispirito ng Pasko”—hindi isang damá na dumarating nang minsanan bawa’t taon, ngunit ang kaalaman kay Kristo na dumarating sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang totoong Espiritu ng Pasko—ang Ikatlong Tao ng Trinidad—ay matatagpuan sa tatlong-daan-at-anim na mga araw bawa’t taon, kapag ang ating mga puso't mga buhay ay ibinubukas lamang natin sa Kanya. Kaya, “Paskong Magpakailanman” ay hindi lamang panaginip ng isang munting batang babae, ngunit isang matibay na katotohanan—sa Hunyo, Disyembre, at buong taon.
By: Father Joseph Bernie Marquis
MoreSa mga nagdaang taon, si Margaret Fitzsimmons ay tiniis ang sukdulang pasakit at kahihiyan hanggang narinig niya ang apat na mga salita na ibinago ang kanyang buhay magpakailanman. Nasirang Kamusmusan Ako’y dumating sa mundo sa taong 1945, noong ang digmaang-wasak na Alemanya ay nakikipaghamok sa napinsalang mga gusali at libu-libong mga tao na walang matirhan. Ang aking ina ay ipinalaki ako bilang isang magulang at tumahak ng sunud-sunod na pakikipag-ugnayan. Upang makabayad ng upa, kailangan niyang gampanan ang mga karagdagang tungkulin tulad ng pagwawalis ng mga hagdan ng gusali na sa ilalim nito ay tinirhan namin, at ako’y paroroon na may pandakot upang tumulong. Ang itinatangi kong naturing na ama ay isang pulis. Sila’y nakapagbuntis sa pagsasama nila, ngunit ayaw ng inay ang bata, kaya siya’y kusang nagpalaglag, pagkatapos ay nilisan yaong samahan at nagsimulang mamasukan sa mga otel. Habang si Mama ay nanunungkulan sa baba at nakikipag-inuman sa mga mananangkilik, ako’y nag-iisa sa silid-tulugan sa taas ng kisame. Kung siya’y lasing, ang ina ko'y sumpungin at naghanap ng mali na walang katuturan kapag siya’y umuwi. Laging iniwanan niya ako ng mahabang listahan, ngunit hindi ko ito nabuo sa kanyang kaluguran. Naging masahol ang mga bagay at isang gabi ay humantong siya sa bilangguan matapos makipag-away sa bagong kasintahan ng pulis. Mula Masama Patungong Higit na Masama Pagkatapos na mangibangbansa ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki sa Ostralya, ang aking lolo ay inisip na mabuti kapag kapwa ang aking ina at tiyo ay nasa bansang yaon. Kaya sinundan namin siya sa Ostralya noong 1957 at tumira kaming kasama siya nang maikling panahon. Si Mama ay nakapaghanap-buhay bilang tagapagluto, at hinugasan ko ang lahat ng mga kaldero at mga kawali. Kung nadakip niya akong hindi pinapagbuti ang aking gawain, hinahagisan niya ako ng mga bagay, tulad ng pang-ihaw na sambat. Dahil ako’y labindalawang gulang pa lamang at madalas na nagkakamali, ako’y nagkaroon ng mga peklat sa buong katawan. Kapag siya’y manhid sa panginginom, ito’y lumalala. Sinimulan kong kamuhian siya. Kami ay nakatira sa isang bahay-panuluyan sa panahong yaon, at siya’y nakipagkilala na sa maraming taong nagigiliwang magmaneho patungo sa kabukiran at magsisi-upo sa lilim ng mga puno upang mag-inuman. Ako’y halos na nasa ikalabintatlong gulang noon, kaya ayaw niya akong iwanan na mag-isa sa bahay, ngunit siya’y pumaparoon sa talahiban at iiwanan akong nakaupo kasama ng kung sino man ang naroroon. Isa sa mga yaong gabi, ginahasa ako ng mga magkakabarkada, ngunit ako’y napakatakót na ipaalam ito kay Mama. Isa pang gabi, habang nagmamaneho sa daang-bayan, isang sasakyan ay paulit-ulit kaming nilalagpasan, at sa huli’y napahinto kami sa tabi. Lumitaw na ito pala ay sikretang pulisya. Dinala nila kami sa himpilan ng pulis at bawa’t-isa kaming tinanong. Nang nalaman nilang ako’y napagsamantalahan, dumating ang isang manggagamot upang suriin ako. Binigyan nila si Mama ng patawag ng hukom para sa isa o dalawang araw nang matapos ito. Ngunit nang kami ay nakauwi, siya’y nagsimulang mag-impake at naabutan namin ang sumunod na tren paalis ng bayan. Kami ay napadpad sa isang munting bayan na kung saan siya muling namasukan bilang tagapagluto, at ako’y naatasan bilang katulong. Ito’y mahirap na buhay, ngunit natuto akong makaraos. Gipit sa Pag-asa Si Mama ay kumabit sa lalaking nagngangalang Wilson, at kami ay nanirahan na kasama siya. Si Wilson ay nagmula na sa pagamutan ng may mga sakit sa isip matapos pumanaw ang unang asawa niya. Malaot-madaling sinuhulan siya ni Mama, at nagsimula silang mag-away kapag lasing na sila. Kinamuhian kong mamagitan sa kanilang awayan. Nang si Mama ay nagbuntis, sinabi niya, “Dalhin natin ang sasakyan ni Wilson at pumaroon sa Sydney at magsimula ng bagong buhay. Hindi ko talaga nais makasal o maisilang itong sanggol.” Ako’y kinilabutan. Sawa na akong mag-isa at nagnais na akong magkaroon ng lalaki o babaeng kapatid nitong mga taon. Kaya ako’y pumunta at sinabihan si Wilson. Matapos niyang harapin ang aking Mama, natuloy silang magpakasal, ngunit tinuring niya itong kagagawan ko. Inatasan niya akong arugain ang bata pagkat ito’y hindi niya ninais. Ang aking batang kapatid na babae ay ang aking mundo hanggang makilala ko si Tom. Ako’y sawa na sa lahat ng mga bakbakan at pinangakuhan ako ni Tom na pakasalan pagkarating ko ng sapat na gulang. Inakala kong ang buhay ay magiging masaya pagkaraan nito, ngunit hindi. Ang ina ni Tom ay kaibig-ibig. Talagang sinikap niya na pangalagaan ako, ngunit si Tom ay magpapakalasing, pagkatapos ay uuwi at pagmamalabisan ako. Palagi siyang nalalasing at nasisibak sa bawa’t pinasukan na hanapbuhay, kaya kami'y parating lumilipat. Kami ay nakasal, at ako’y nanalig na siya’y magpapakaayos at pakikitunguhan ako nang mabuti-buti, ngunit patuloy niya akong sinasaktan at ang pakikipagkalaguyo sa iba. Minarapat kong takasan itong dusa, kaya ako’y nag-alsabalutan at lumipat sa Brisbane kung saa'y namasukan ako bilang tagapaghugas. Isang malalim na gabi, nang ako’y nanaog mula sa bus, nakakita ako ng isang tao na nakatayo sa kabila ng daan. Alam kong ito’y si Tom. Bagama’t ako’y nangilabot, ako’y nanatiling malapit sa liwanag kung sakaling mag-akma siyang gumawa ng kaungasan. Sinundan niya ako, sinabihan ko siya na ayaw kong makipagbalikan at nais kong makipaghiwalay. Isang Bagong Simula Nang ako’y nakauwi, inimpake ko ang mga bagahe. Ako’y lumulan ng tren patungo sa Sydney, at sumakay ng bus palabas ng bayan. Sa mga sumunod na mga buwan, ako’y nagkaroon ng mga masasamang panaginip na hinahabol niya ako. Ako’y nagpatibay ng sarili at nakatagpo ng hanapbuhay bilang katulong sa ospital kung saa’y nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Mayroong isa pang dalagita na nahihirapan sa wikang Ingles na katulad ko sa maraming bagay. Kami ay malugod na nagkakasundo at magkasama kaming nagsimula sa pag-aaral ng nursing, at namasukan kami sa ospital nang matapos ang pagsasanay. Siya’y may kilalang lalaki na nasa Pambansang Paglilingkod ng sandatahang hukbo. Nang inanyayahan niya ang lalaki sa isang sayawan, isinaayos niya ako sa isang blind date upang kami ay magkatagpo. Hindi ko nahangaan ang pagtagpuan, ngunit ito’y isang paraan upang makalabas. Isa sa mga tagapagtustos ng kakanin na kasapi sa hukbo ay nagsimulang bigyan ako ng pansin. Inakala ko siyang higit na mainam sa blind date, kaya kami’y sumayaw nang iilang ulit at nagkaigihan. Madalas kaming nakipagkita sa isa’t-isa, ngunit pagkaraan ng iilang linggo sinabi sa akin ni Peter na siya’y ipadadala ng hukbo para sa pag-aaral ng abiyasyon. Ako’y sukdulang nabalisa. Nakapagbahagi na kami ng mga salaysayin sa isa’t-isa, kaya alam niya kung anong nagaganap, ngunit hindi niya ako tinalikdan at patuloy siyang nakikipagbigay-alam. Habang nakikilala ko nang lalo ang katauhan niya, lalo ko siyang kinagiliwan, ngunit hindi ko nais na muling magpakasal, pagkaraan ng unang kasawian. Sa huli, pinakilala niya ako sa kanyang kamag-anakan, at nagkaroon kami ng kasunduan bago niya natapos ang kanyang pagsasanay. Siya ay inilagay sa Townsville kung saan kami nanirahan ng dati ni Tom. Bagama’t hindi ko nais na madalaw muli ang mga lagim ng nakaraan, hindi ako makatanggi kay Peter. Nagsama kami ng halos dalawang taon bago kami makasal na sang-ayon sa batas. Si Peter ay napalaking Katoliko ngunit huminto sa pagsasabuhay nito gawa ng masidhing pangkawal na pagsasanay, kaya kami ay ikinasal sa likod ng aming bakuran. Mga Salitang Nakapagbago ng Lahat Paminsan-minsan ay nalulungkot ako kapag si Peter ay napapalayo upang maglingkod sa pag-ayos ng mga elikoptero sa palapagan. Ako ay nakahanap ng mapapasukan sa mataas na paaralan bilang kawani sa laboratoryo, ngunit napagtanto namin na mayroong isang bagay na nawawala sa aming buhay. Mayroon kami ng lahat na kinakailangan, ngunit mayroon pa ring kawalan ng laman. Iminungkahi ni Peter, “Pumunta tayo sa simbahan.” Sa mga kauna-unahang ulit, kami ay umupo sa likod ng mga bangko, ngunit nang mabuksan ang aming mga puso sa piling ng Panginoon, kami ay lalong napasaloob. Nakarinig kami ng Marriage Encounter sa katapusan ng linggo at nagpalista. Ito ay tunay na pangmulat ng mga mata sa aming dalawa. Ang mga puso namin ay nabigyang-sigla. Sa katapusan ng yaong linggo, natutunan namin na makipag-usap sa paraan ng pagsusulat ng mga bagay. Matagal ko nang hindi magawang mailagay ang aking nadama sa pananalita. Si Mama ay palagi akong sinasabihan na tumahimik, kaya ako’y natutong hindi magsalita at magawang ipamahagi ang aking mga damdamin. Nang unang marinig ko ang mga salitang, “ang Diyos ay hindi lumilikha ng basura,” alam kong yaong mga salita ay nauukol sa akin. Isang alon ng damdamin ang gumapi sa akin. ‘Ako’y ginawa ng Diyos. Ako’y maayos. Ako’y hindi basura.’ Lahat ng yaong mga taon, pinupulaan ko ang aking sarili, sinisisi ang aking sarili sa mga masasamang bagay na nangyari—ang pagkagahasa, ang pagpapakasal sa isang lasenggo na dapat na napag-isipan ko ng mabuti, ang paghihiwalay, ang panlalabis ng aking ina… Ako ay bumalik sa pagkabuhay. Ang puso ko ay nagbabago nang higit pa tuwing dumadalo ako ng Misa o isang pulong ng panalangin. Ako’y lubos na napamahal sa Diyos at aking asawa. Pinapalitan ang Poot ng Pag-ibig Hanggang sa tagpong ito, wala pa akong napatawad kahit sinoman. Ikinubli ko ang lahat ng aking dinaramdam sa likuran at ikinulong ko ang mga ito nang palayo na tila hindi nangyari ang mga ito. Nang kami ni Peter ay nagkaroon ng kasunduang magpakasal, nais kong malaman ito ni Mama. Ako’y nagpadala sa kanya ng mga sulat ngunit isinauli niya ang mga ito “sa nagpadala,” kaya ako’y tumigil na lang. Napanagimpan ko ang aking ina na nakasabit mula sa isang punongkahoy. Ang kanyang matingkad na bughaw na mga mata ay dilát at nakatitig sa akin. Tumingala ako sa kanya nang may habag at sinabi ko, “O Diyos, kinasusuklaman ko siya, ngunit hindi gaano.” Kahit papaano, ang yaong panaginip ay pinayuhan akong huwag magalit. Kahit na sukdulan kong kinamuhian ang ginawa ng isang tao, ang poot ay mali. Pinatawad ko si Mama nang lubusan, at ito’y nagbukas sa ibang mga pintuan ng biyaya. Ako’y nagpakahinahon at muling nakipag-abót sa aking ina hanggang siya’y muling sumagot, at kami’y nanatiling kasama siya ng dalawang araw. Nang ang aking kapatid na babae ay tumawag upang sabihan ako na siya’y biglaang namatay ng atake sa puso, ako’y sumambulat ng mga luha. Pagkaraan ng kanyang pagpanaw, pakiramdam ko’y hindi ko pa napatawad si Mama nang wasto, ngunit ang pagpapayo at mga dalangin kasama ng isang mabuting pari ay nakatulong sa pagbalik ng aking kapayapaan. Nang binigkas ko ang mga diwa ng kapatawaran, ang Banal na Ispirito ay lumagos sa aking katauhan, at nalaman kong napatawad ko na siya. Ang pagpapatawad kay Tom ay isang bagay na paulit-ulit kong ibinalik sa panalangin. Ito’y inabot ng kahabaan, kinakailangan kong sabihin nang malakas nang higit sa isang ulit na pinatatawad ko si Tom para sa mga panahon na pinagmalabisan niya ako, sa kanyang mga pangangaliwa, at sa kanyang hindi wastong pakikitungo sa akin. Alam ko na napatawad ko na siya. Hindi maaalis nito ang mga gunita, ngunit maaalis nito ang pasakit. Pinupunasan ang Pisara nang Malinis Ang pagpapatawad ay hindi pang-isahang ulit na bagay. Kailangan nating magpatawad kapag ang mga hinanakit ay nanunumbalik. Dapat nating ipagpatuloy ang pagtigil sa pagnanais na magtanim ng mga sama ng loob at ipaubaya ang mga ito kay Jesus. Ito ang panalangin ko, “Jesus, ipinauubaya ko sa Iyo ang bawa’t bagay, alintanahin Mo ang bawa’t bagay.” At ginagawa Niya. Nadadama ko ang lubos na kapayapaan kapag idinasal ko ito ng makailang ulit. Inabot ng mahabang panahon bago ako nagkalakas upang maidala ang nakahihilom na pagpatawad sa panggagahasa. Ito’y itinulak ko lamang sa tabi. Di ko nais na kahit pag-isipan Ito. Ngunit kahit yaon ay nahilom nang ihinarap ko ito kay Kristo at pinatawad ko ang aking mga manamantala. Ito’y hindi na ako ginagambala. Ito’y pinunasan ng Diyos nang malinis, dahil hiniling ko sa Diyos na sumapit at pawiin ang anumang hindi nararapat sa Kanya. Ngayon, ihinahabilin ko ang mga bagay sa Diyos habang ang mga ito ay nagaganap, at ang kapayapaan ay humuhugas sa akin. Tayo ay may isang Diyos na kahanga-hanga, na nagpapatawad, umaga, tanghali, at gabi. Anumang kadiliman ang nasa ating buhay, ang Diyos ay naghihintay para sa atin na magsisi at humiling ng Kanyang tawad, upang tayo ay malinisan Niya at magawang buo.
By: Margaret Fitzsimmons
MoreNaghahangad na madama ang pagmamahal ng Diyos sa kaibuturan ng iyong puso? Ang kinakailangan mong gawin ay ang magtanong Nadinig ko ang pagdating ng trak ng aking anak sa daanan ng sasakyan. Dagli kong pinigil ang aking mga luha, pinunasan ng manggas ang aking mukha at lumabas sa garahe upang salubungin siya. "Hello, Ma," sabi niya sabay ngiti. “Hi, honey. "Ano ang nagdala sa iyo dito ngayong umaga?" tanong ko. “Sabi ni Dad nakatanggap ako ng pakete. Kukunin ko ito bago ako tumuloy sa opisina,” aniya. "Ah, okay," sagot ko. Kinuha niya ang pakete at sinundan ko siya palabas sa kanyang trak. Niyapos niya ako. "Ayos ka ba, Ma," tanong niya. "Okay ako," kibit balikat kong sagot. Pinihit ko ang aking mukha upang ikubli ang aking luha. "Dumadanas lang siya ng isang mahirap na pagsubok. Iige din sya,” malumanay niyang wika patungkol sa kapatid niyang babae. "Oo, alam ko. Ngunit mahirap. Talaga lang napakalungkot. Ang kanyang kalungkutan ay sadyang napaka bigat para sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit mula pagkabata ay napapaikutan na ako ng mga taong nakikibaka sa kalungkutan. Ito lang ba ang kapalaran ko sa buhay?" Patanong siyang nagtaas ng kanyang kilay. "O baka," patuloy ko, "may isang bagay dito na kailangan kong makita." “Maaari. Nandito ako, Ma, kung kailangan mo ako," sabi niya. Malagim Na Alaala "Ang pagkalungkot ay maaaring maging bahagi ng isang kalagayan ng pamilya," sabi ng aking manggagamot. "Ikaw at ang iyong anak na babae ay napakamalapit sa isa't-isa, ngunit kung minsan ang pakikipag-ugnay ay maaaring maging bitag. Ang ibig kong sabihin ay kailangang magkaroon ng hangganan, isang malusog na pagbubukod para sa pag-unlad at pagiging malaya.” “Pakiramdam ko, nagsikap akong mabuti para makagawa ng mga pagbabago ngunit sa totoo lang, hindi ko matanggap ang kanyang, kalungkutan,” tugon ko. "At ang maliliit na bagay ay parang napakalaki. Tulad ng gabi ng Pasko ng Pagkabuhay. Matapos ang hapunan, tinanong ng anak kong babae kung maaari siyang dumalaw sa kanyang kasintahan. Habang minasdan ko siyang palabas ng daanan ng sasakyan lumaganap bumalot sa akin ang pangamba at taranta. Alam kong ang kanyang paglisan ay hindi tungkol sa akin, ngunit nakadama ako ng labis na kahihiyan,” sabi ko. "Matatandaan mo ba nang una mong naramdaman ang ganoong uri ng paagkataranta at pangamba," tanong ng manggagamot? Sinimulan kong ibahagi ang malalim na alaala na agad na lumantad. "Lahat kami nuon ay nasa silid-tulugan ng aking magulang," sabi ko. “Si Itay ay galit. Si Inay ay hapong-hapo. Tangan niya ang bunso kong kapatid at sinisikap niyang huminahon ang ama ko, pero galit na galit siya. Naghahanda na kaming ipagbili ang aming bahay para makalipat sa panibago. Si Itay ay nanggagalaiti dahil ang bahay ay 'wala sa ayos' ayon sa pagkakasabi niya." "Ilang taon ka nuon?" "Mga pito," sabi ko. "Bumalik tayo sa silid na iyon sa iyong alaala at gumawa ng ilang bagay," sabi niya. Habang tinatalakay namin ang alaala, natuklasan kong nakatuon ako sa damdamin ng aking mga magulang at mga kapatid ngunit hindi sa aking sarili. Nang sa wakas ay naka-ugnay ko na ang aking nararamdaman, bumukas ang mga pintuan. Mahirap pigilin ang pag-iyak; may labis na kalungkutan. Pinaniwalaan ko na ang kaligayahan ng bawat isa ay pananagutan ko. Nang tanungin ng aking manggagamot kung ano ang makakatulong sa akin na makadamang ligtas at pinangangalagaan sa karanasang iyon, natanto ko kung ano ang kailangan ko ngunit hindi ko natanggap. Inako ko ang pananagutan para sa sugatang pitong taong gulang na nakapaloob sa aking pagkatao. Kahit hindi pa niya natanggap ang kinailangan niya noon, tinutugunan ng adulto kong sarili ang mga pangangailangang iyon at iwaksi ang kasinungalingan na siya ang may pananagutan sa pagpapasaya ng iba. Nang kami ay matapos, sinabi ng aking manggagamot, "Alam kong mahirap iyon. Ngunit tinitiyak kong ito ay magbubunga. Nakita ko ang madaming magulang na lumunas sa mga paghihirap ng kanilang mga anak." Mapanghilom Na Pagtatagpo Di-nagtagal matapos ang aking sesyon, di inaasahan na tumawag, ang kaibigan kong si Anne. "Gusto mo akong makita sa healing Mass ngayon," tanong niya. "Oo naman," sabi ko. Matapos ang Misa, isang linya ng mga taong naghahangad ng mga dasal sa paghilom ang nabuo. Naghintay ako at dagli, ginabayan ako ng dalawang babaeng tagapamahala sa pang-espirituwal. "Ano ang nais mong hilingin Kay Jesus?" Na hilumin ang mga sugat ng aking pagkabata," sabi ko. Sinimulan nila akong ipagdasal nang tahimik. Nang matapos, isa sa mga babae ay nagdasal nang malakas, “Hesus, pagalingin Mo siya sa mga sugat ng kanyang kabataan. Isa lamang siyang maliit na batang babaeng nakatayo sa gitna ng lahat ng galit, pagkalito, at kaguluhang Iyon, kuyum ang damdaming siya'y nag-iisa at wala nang pag-asa pa sa ginhawa. Hesus, alam namin na hindi siya mag-isa. Alam namin na kasama Mo siya. At alam namin na palagi Mo siyang kasama, buong buhay niya. Salamat, Hesus sa kanyang paglunas at sa pagpapalunas ng kanyang mag-anak.” Sa mata ng aking isip ay nakita ko si Hesus na nakatayo katabi ko. Tinitigan niya ako ng malalim, nang may pagmamahal at pagkahabag. Naunawaan ko na ang kalungkutan at kirot ng aking mga magulang at mga kapatid ay hindi ko pasanin kailanman, at si Hesus ay lagi kong kasama nakikibahagi sa bigat ng aking kalungkutan at sákit. Isinaayos Niya ang tamang sandali kung kailan ang mga nakakublng bahagi sa aking puso ay mapupuno ng Kanyang mapanglunas na pagmamahal at awa. Tahimik akong tumangis. Lumayo akong may pagkamangha. Ang panalangin ng ale ay ganap na nagsalarawan ng aking nadanasan napakatagal na ang lumipas. Ang matalik na pakikipagtagpo kay Hesus ay hindi kapani-paniwalang mapanghilom. Tinugon Na Panalangin Kaagad kong napagtanto na ang aking pagnanais na pasiglahin ang ibang tao at matugunan ang kanilang mga pangangailangan ay, sa isang banda, isang walang kamalayang pagnanais na matugunan ang sarili kong mga pangangailangan at maghilom. Habang pasan ko ang bigat ng kalungkutan ng ibang tao, hindi ko namalayan ang karagatan ng kirot na hindi ko kailanman naipahayag. Kamakailan, sinabi sa akin ng anak kong babae na nakonsensya siya sa kanyang kalungkutan, at pakiramdam niya'y isa siyang pabigat siya sa akin. Kinilabutan ako. Paanong siya ay makadama ng ganuon? Pero naintindihan ko naman. Hindi siya, kundi ang kanyang kalungkutan ang naging pabigat. Nakadama ako ng pagkagipit na paigihin siya upang gumaan ang aking pakiramdam. At dahil doon siya ay nakonsensya. Ang paghilom ko ay nagdulot sa akin ng kaginhawahan. Sa pagkakaalam na si Hesus ay kasama ng anak kong babae, inaayos ang kanyang paggaling, ay nagpapalaya sa akin na mahalin siya bilang siya. Sa biyaya ng Diyos, ipagpapatuloy kong gampanan ang pananagutan sa magandang buhay na ibinigay sa akin ng Diyos. Hahayaan ko Siyang magpatuloy na ako ay hilumin upang maging isang bukal na sisidlan para pagdaluyan ng pag-ibig ng Diyos. Minsan kong tinanong isang matalinong tagapayo, “Alam kong si Hesus ay palagi kong kasama at na maaari akong magtiwala sa Kanyang kabutihan na alagaan ako, ngunit madadama ko ba iyon sa aking puso?” "Oo, madadama mo," tugon niya. "Gagawin niya iyon." Amen. Siya nawa.
By: Rosanne Pappas
MorePabalik na si Padre Jerzy sa Warsaw matapos mag-alay ng Misa. Pinahinto ng tatlong opisyal ng serbisyo sa seguriday ang sasakyan, kinuha ang susi, at kinaladkad siya palabas. Marahas siyang pinaghahampas ng mga opisyal, ikinulong sa likudan ng sasakyan, at rumagada na kasama siyang nasa loob. Ang tsuper ay tumakbo sa lokal na simbahan upang ipaalam sa mga may- kapangyarihan ang pangyayari. Samantala, nagsimulang sumigaw si Jerzy at muntik nang mabuksan ang likudan. Nang mapuna ang panganib, agad na inihinto ng mga mama ang sasakyan upang isara ang likudan, ngunit nakatakas siya at tumakbo sa kakahuyan. Sinundan siya at nahuli sa bandang huli, pagkatapos ay nagtungo sa imbakang-tubig ng Vistula River kung saan si Jerzy ay mahigpit na itinali. Ang mga damit ay ipinalaman sa kanyang bibig at nakaplaster ang ilong. Matapos itali ang kanyang mga paa sa isang bag ng mga bato, itinapon nila siya sa imbakang-tubig. Ito ang pangalawang pagtatangka sa kanyang buhay sa loob ng anim na araw. Ang Polish na paring ito ay inordenan noong ika-28 ng Mayo 1972, sa katindhain ng rehimeng Komunista. Ang unang larawan ng kanyang Misa ay naglahad ng di malilimutang mga salita: "Ipinadala ako ng Diyos upang maipangaral ko ang Ebanghelyo at pagalingin ang mga pusong sugatan." Ang kanyang buhay-pagkapari ay tunay na saksi ng mga salitang ito. Tinaguyod niya ang mga naaapi at nangaral ng sermon na nagpapaliwanag sa mga umiiral na mahirap na kalagayang pampulitika sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Ebanghelyo, na kaagad ay naging isa sa mga pangunahing asinta ng pamahalaan. Ang mga pagtatanong, maling paratang, at pagdakip ay nangyari nang madaming ulit, ngunit kahit na sa kanyang huling pangaral, ang pasiya niya ay ang"magdasal upang tayo ay malaya sa takot, pananakot, at higit sa lahat, pagkauhaw sa paghihiganti at karahasan." At kasama nito, buong tapang siyang lumakad patungo sa kanyang pagkamartir nang walang takot o galit! Sampung araw matapos ang pangyayari, noong Oktubre 29, ang kanyang halos hindi na makilalang katawan ay natagpuan sa ilog .Noong ika-2 ng Nobyembre, nang ang kabataang mandirigmang ito na sa wakas ay inihimlay, humigit-kumulang na 800,000 katao ang dumating upang magpaalam sa kanya. Siya ay taimtim na hinayag na Santo sa harap ng kanyang 100-taong-gulang na ina noong 2010, at inalala bilang "isang pari na tumugon sa mga tanda na natanggap mula sa Diyos at sa loob ng madaming taon, ay naging nahinog sa edad para sa kanyang pagiging martir.” Nawa'y ang martir na ito, na matatag na nagtanim ng Katolisismo sa kanyang sariling bayan, ay magbigay ng inspirasyon sa atin na mag-alab para sa Kaharian ng Diyos, hindi lamang sa kamatayan kundi maging sa buhay.
By: Shalom Tidings
MoreAng Pasko ay sinasamahan ng pagkakaroon ng mga handog para sa bawa’t isa, ngunit ang handog ba ang talagang may kinalaman? Palakdaw-lakdaw na nag-uusisa noong mga taóng lumipas sa isang tindahan ng Kristiyanang mga aklat kasama ng aking kasintahan ng panahong yaon, ang mga mata namin ay lumapag sa iisang larawan nang sabayan sa yaong tagpo. Ito’y isang malaki't makulay na paglalarawan ni Hesus na pinamagatang The Laughing Christ; na may ulo Niyang di-gaanong nakatapong pabalik, nakalugaygay nang kaunti ang madilim na kayumangging buhok na kumukulot, mga matang nangingislap sa tuwa! Ito’y ganap na kabigha-bighani! Nakita namin ang aming sarili na nakatitig sa di-gaanong tuwid na ngiti sa ilalim ng paksa ng kaakit-akit na tanaw ng larawan. O, sadyang nakaaanyaya! Sadyang nakatatanggap! Pagkaakit-akit! Sa pagsulyap mula sa pagkakawig na ito tungo sa isa’t isa, napamahagi namin ang pananabik na nadama ng isa’t isa sa pagtuklas nitong kakaibang pagpapakita ng tao na kapwa naming nakilala at napagkakatiwalaan sa huling mga ilang taon. Kaming dalawa'y napalaki nang may mga estatwa at mga larawan ni Hesus sa aming kinaukulang mga tahanan, ngunit Siya ay palaging naisasalarawan na bilang taimtim, tila nakahiwalay sa buhay na karaniwan alam namin. Bagama’t pinaniwalaan namin na ang taong ipinapakita sa mga larawang ito ay tunay na nanahan sa lupang ito at mandi’y nagdasal sa Kanya kapag mayroon kaming pangangailangan, ang panarili naming mga pananampalataya ay kamakailan lamang ay naging napakatunay… napakabuháy, pati. Itong sapantaha ng pintor ay napaaninag na paano ang Panginoon sa kapwa naming pagtuklas ay magiging sino Siya sa aming mga buhay—isang taong kasama naming mapagbabahaginan ng aming buhay, isang taong nagmahal sa amin sa paraang hindi pa namin nalalaman noong dati, isang taong nagpahayag ng Kanyang sarili nang kami’y nagdasal. Bilang kinahinatnan, ang aming pag-unawa ng Diyos ay nagbago mula sa pawang pangkatalinuhang pagsang-ayon ng Kanyang pag-iral tungo sa isang karanasan ng isang buháy, tumutugon at kahanga-hangang kaibigan; aming pinakamabuting kaibigan. Kahit sa paglisan namin ng tindahan pagkalipas ng ilang sandali, ang aming masiglang pag-uusap ng paglalarawang ito ay nagpatuloy. Ginapi nito ang aming mga puso, kahit wala sa aming dalawa ang nag-akmang bilhin ito. Matapos akong makauwi, nalaman kong dapat na balikan at bilhin ko itong larawan. Lumipas ang ilang mga araw, yao'y alinsunod na ginawa ko, maingat na ibinalot ito, at sabikang naghintay para sa pagsapit ng Pasko. Handog ng Karangalan Ang mga araw ay lumipas hanggang sa wakas, Bisperas na ng Pasko. Kasama ng mga pamaskong awit sa paligid, umupo kami sa sahig katabi ng masukal na huwarang pamaskong puno na inialay sa akin ng ina ko. Nang ibinigay ko ang aking handog sa aking sinisinta, naghintay ako nang may pag-aasam na marinig ang pagkalugod niya habang kanyang tinitiktikan ang bagong relo, ito’y inilagay ko sa paa ng pinalamanang maliit na munting laruang aso na listong magdadala ng orasan. Isang paungot na 'salamat' ang narinig kong sagot lamang. Hindi bale, hindi yaon ang handog na alam kong magiging ganap. Ngunit dapat munang buksan ko ang kanyang handog sa akin. Habang inaabot ko upang tanggapin ito, ako’y bahagyang natuliro. Ito’y napakalaki, parihaba, at patag. Nang sinimulan kong buksan ito, hinihila ang pambalot na papel paalis mula sa regalo, nakita kong biglaan ang… aking larawan?! Kagaya ng binili ko nang palihim para sa kanya? Oo,yaon nga ito! The Laughing Christ. Ang larawang naibigan ko nang labis ngunit sa halip na maging galak, ako’y nabigo. Ito ang dapat na regalo niya. Ang tanging alam kong ganap na ninais niya. Sinubukan kong itago ang aking pagkabigo, lumalapit upang bigyan siya ng halik habang pinahahayag ko ang aking paghahalaga. Pagkaraa'y inilalabas ko ang aking regalong naibalot ko nang maingat na ikinubli ko sa puno, ibinigay ko ito sa layon ng aking pag-ibig. Binuksan niya ito, pinipilas nang mabilis ang papel, ipinakikita ang laman ng pakete. Ang mukha niya ay may-pagkamasaya… o hindi ba? O kaya ito'y bahagyang yukayok tulad ng hitsura ng aking mukha kung hindi ko ito pinaghirapang ikubli sa pagkabigo ko mula sa kanya noong pagkakataon ko nang buksan ang isang handog? Ay naku, kusa naming winika ang tamang mga salita, mangyari pa, ngunit kahit papaano ay natanto namin na ang mga handog na tinanggap mula sa isa’t-isa’y hindi makahulugang napalapit sa aming inaasahan. Ang paghahandog ng yaong regalo ang kapwa naming pinaghandaan nang lubusang pag-aabang. Ipinaaninag nito ang Kristo na kapwa naming naranasan at ang aming hangad na ipamahagi kung sino ang bawa’t isa sa amin na narating upang makilala. Yaon ang kung saan natagpuan ang ligaya, hindi sa pagkakaroon ng pagtatagpo ng mga nais, ngunit ang pagtutupad ng mga nais ng iba. Sa takdang panahon, ang ugnayan ko sa binatang yaon ay nagwakas. Habang ito’y masakit, ang maligayang larawan ni Hesus ay patuloy na sumakop sa isang bahagi ng karangalan sa aking pader. Ngayon, ito’y higit pa bilang isang paglalarawan, at lalong higit pa sa isang lalaki lamang. Ito’y nananatili bilang isang tagapaalala ng Isa na kailanma’y hindi ako lilisanin, ang Isa na may pakikipag-ugnayan sa akin, ang Isa na magpapawi ng mga luha ko nang maraming ulit sa mga taóng dumaraan. At higit sa yaon, ang Isa na gayong pagmumulan lagi ng tuwa sa aking buhay. Matapos ang lahat, Siya ang buhay ko. Yaong mga matang lukot ay nakilala ang mga akin. Pagkaraan, yaong nakakaakit na ngiti ay inanyayahan ang mga sulok ng aking bibig na humilang pataas. At sa ganoon lamang, ako’y tumatawa katabi ng aking Pinakamabuting Kaibigan.
By: Karen Eberts
MoreHindi ko alam ang kanilang wika o ang kanilang emosyonal na dinaramdam...Paano ako makikipag-ugnay sa kanila? Noong Huwebes, Pebrero 22, 2024, ay ang isang araw na hindi ko malilimutan. Ika- 05:15 ng umaga, kasama ang ilan sa aking mga kasamahan sa Catholic Social Services, hinintay ko ang pagdating ng 333 mga takas mula sa Ethiopia, Eritrea, Somalia, at Uganda. Ang Egyptian Airlines ay pinagkatiwalaang ilipad sila sa Entebbe, Uganda, patungong Cairo, Egypt, at sa wakas sa kanilang Canadian punto ng pagpasok , Edmonton. Bigla, ang mga pinto sa kabilang dulo ay bumukas at ang mga pasahero ay nagsimulang magsilakad patungo sa amin. Hindi malaman kung paano magsalita ng kanilang mga wika, nakaramdam ako ng matinding kahinaan ng loob. Paano kaya mangyaring ako, na isang may kakayanan, na isinilang sa Canada, isang hindi kailanman gumugol ng isang sandali sa isang kampo ng mga takas , ay makakayang batiin ang pagod, umaasa, at nangangambang mga kapatid na babae at lalaki sa paraang makapagsasabing: "Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan" ...? Tinanong ko ang isa sa aking mga kasamahan na nagsasalita ng limang wika: “Ano ang masasabi ko?” "Sabihin mo lang, Salam, sapat na iyon." Habang sila'y papalapit, sinimulan kong sabihin: "Salam" habang may ngiti sa aking mga mata. Napansin ko na madami ang yuyuko at ilalagay ang kanilang kamay sa tapat ng kanilang puso. Sinimulan kong gawin ang kaparis. Habang papalapit ang isang kabataang mag-anak na may 2-5 anak, yumuko ako kapantay ng kanilang taas at nag-alok ng tanda ng kapayapaan. Kaagad, tumugon sila ng isang malaking ngiti, ibinalik ang tanda ng kapayapaan, tumakbo sa akin, tumingala gamit ang kanilang napakarilag na kayumangging mga mata, at niyakap ako. Kahit na sa pagkukuwento ko sa mga mahahalagang sandaling ito, naluluha ako. Hindi kailangan ng isang tao ang wika upang mailahad ang pagmamahal. "Ang wika ng Espirito ay ang wika ng puso." Pag-aabot Ng Kamay Matapos maipila ang lahat sa Bulwagan ng Adwana nagsibaba ang aming pangkat at nagsimulang mamigay ng mga bote ng tubig, granola bar , at mga dalandan. Napansin ko ang isang nakatatandang babaeng Muslim, marahil 50-55 taong gulang, na nakayuko sa kanyang troli, sinusubukang itulak ito. Nilapitan ko siya at binati ng 'Salam' at ngumiti. May pa-senyas , sinubukan kong magtanong kung maari ko bang tulungan syang itulak ang troli. Umiling siya: “Hindi.” Anim na oras ang lumipas, sa labas ng Bulwagan ng Adwana , ang mga tao ay nakaupo sa iba't ibang dakong nakakordon; 85 na lang ang matitira sa Edmonton at naghihintay ng pamilya o mga kaibigan para sila'y salubungin at maiuwi. Ang ilan ay sasakay ng bus upang dalhin sa ibang mga lungsod o bayan, at ang iba ay magdamag sa isang hotel at lilipad sa kanilang huling paroroonan kinabukasan. Para doon sa mga isasakay sa bus patungo sa ibang mga lungsod sa Alberta, apat hanggang pitong oras na biyahe ang naghihintay sa kanila. Ang nakatatandang babaeng Muslim na nakita ko sa Bulwagan ng Adwana , natuklasan ko, ay lilipad patungong Calgary kinabukasan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, at ang buong mukha niya ay nagningning. Habang papalapit ako sa kanya,sabi niya sa putol-putol na Ingles: "Mahal mo ako." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, tumingin sa kanyang mga mata, at sinabi: "Oo, mahal kita at mahal ka ng Diyos/Allah." Ang babaeng katabi niya, na natuklasan kong anak nya, ay nagsabi sa akin: “Salamat. Ngayon ay masaya na ang ina ko." May luha ang mga mata, pusong puno ng kagalakan, at pagod na pagod na mga paa, nilisan ko ang Edmonton International Airport, lubos na nagpapasalamat sa isa sa pinakamagagandang karanasan ng aking buhay. Maaaring hindi ko na siya makakatagpong muli, ngunit lubos akong nakakatiyak na ang ating Diyos na ang sagisag ng magiliw, mahabagin na pag-ibig ay ginawa itong nakikita at nasasalat para sa akin sa pamamagitan ng aking magandang kapatid na Muslim. Noong 2023, mayroong 36.4 milyongmga takas na naghahanap ng bagong tinubuang-bayan at 110 milyong tao ang lumikas dahil sa digmaan, tagtuyot, pagbabago ng klima, at higit pa. Araw-araw, nakakadinig tayo ng mga komento tulad ng: "Magtayo ng mga pader," "Isara ang mga hangganan," at "Ninanakaw nila ang aming mga trabaho." Umaasa ako na ang aking salaysay, sa maliit na paraan, ay makakatulong sa mga tao na higit na maunawaan ang eksena ng Mateo 25. Tinanong ng mga matuwid si Hesus: “Kailan, Panginoon, Diyos, namin ginawa ang lahat ng ito para sa Iyo?” at sumagot Siya: “Sa tuwing inyong ginawa sa isa dito sa Aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ginawa ninyo ito sa Akin.”
By: Sr. Mary Clare Stack
MoreNagdatingan ang mga krus nang sunod-sunod, ngunit ang awa ng Panginoon ay hindi kailanman nabigo sa mag+anak na ito! Nagsilang ako sa aking panganay sampung taon na ang lumipas, at kami ay tuwang-tuwa! Naaalala ko pa ang araw; tuwang-tuwa kaming malaman na ito ay isang sanggol na babae. Hindi ako makapagpasalamat ng sapat sa Panginoon para sa Kanyang mga pagpapala sa aking mag-anak. Tulad ng bawat ina, pinangarap kong bumili ng mga nakatutuwang baro, ipit, at booties para sa aking maliit na manika. Pinangalanan namin siyang ‘Athalie,’ ibig sabihin ay ‘Ang Diyos ay dakila.’ Pinupuri namin ang Diyos dahil sa Kanyang magandang regalo. Lingid sa aming kaalaman na di magtatagal ang kagalakan namin ay mauuwi sa matinding kalungkutan o na ang aming panalangin ng pasasalamat ay mapapalitan ng mga pagsamo sa Kanyang awa para sa aming pinakamamahal na sanggol. Sa apat na buwang gulang, siya ay nagkasakit ng malubha. Sa dami ng pagsalakay ng seizure, iiyak siya ng ilang oras at hindi makatulog o makakain nang maayos. Matapos ang madaming pag-eksamen, nasuri siyang maykapansanan sa utak; nagdurusa din siya sa isang pambihirang uri ng malubhang childhood epilepsy na tinatawag na 'West Syndrome,' na lumiligalig sa isa sa bawat 4,000 na bata. Pabalik-balik Na Bagyo Ang pagsuri ay lubhang nakakagitla at nakakasugat ng puso para sa amin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bagyo. Ninais kong maging manhid ang aking puso sa kirot na dinadanas ko. Madaming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko. Ito ay simula pa lamang ng isang mahaba at mahirap na paglalakbay na kailanman ay hindi ako nakahandang akuin. Ang aking sanggol na babae ay patuloy na dumadanas ng mga seizure sa loob ng halos dalawa at kalahating taon. Sinubukan ng mga doktor ang madaming gamot, masakit na turok, at araw-araw na pagsusuri ng dugo. Ilang oras siyang iiyak at ang tanging magagawa ko lamang ay humiling na ipataw ng Diyos ang Kanyang awa sa aking anak. Pakiramdam ko ay wala akong magawa dahil hindi ko siya mabigyang-ginhawa sa anumang paraan. Ang buhay ay parang isang malalim at madilim na hukay ng paghihirap at kawalan ng pag-asa. Ang kanyang mga seizure sa kalaunan ay humupa, ngunit siya ay dumanas ng madaming pagkaantala sa pag-unlad. Habang umuusad ang paglalapat-lunas sa kanyan, isa pang nakakasindak na balita ang bumalot sa aming mag-anak. Ang aming anak na si Asher, na may pagkaantala sa pagsasalita at mga isyu sa pag uugali, ay nasuri na may mataas na gumaganang autism sa gulang na tatlo. Kami ay nasa bingit ng kawalang pag-asa; ang buhay ay naging napakabigat para sa amin bilang mga bagong magulang. Hindi maiintindihan o mararamdaman ng isa ang sakit na aming pinagdadaanan. Nakadama kami ng lungkot at pagka-aba. Gayunpaman, ang panahong ito ng kalungkutan at ang mapighating mga araw ng pagiging ina ay nagpalapit sa akin sa Diyos; Ang Kanyang Salita ay nagdulot ng kaginhawahan sa aking pagod na kaluluwa. Ang kanyang mga pangako, na binabasa ko ngayon nang may mas malalim na kahulugan at mas buong pang-unawa, ay nagpaganyak sa akin. Sulat-kamay Na May Patnubay Ng Espirito Iyon ay sa masalimuot na panahon ng aking buhay na hinayaan ako ng Diyos na magsulat ng mga blog na puno ng pananampalataya at nakakaganyak para sa mga taong dumadanas ng mga hamon at paghihirap na katulad ng sa akin. Ang aking mga artikulo, na sumibol mula sa mga pang-araw-araw kong debosyon, ay nagbahagi ng mga hamon ng kakaibang pagiging magulang at naglakio ng mga karanasan at pananaw ko sa buhay. Ginamit ng Diyos ang aking mga salita upang pagalingin ang madaming namimighating kaluluwa. Ako ay tunay na nagpapasalamat sa Kanya sa pagpaikot sa aking buhay na maging isang kapaki-pakinabang na sisidlan para sa Kanyang pag-ibig. Sasabihin ko na ang desperasyon sa karamdaman ng aming anak na babae ay nagpatibay sa pananampalataya ng aming mag-anak sa Diyos. Habang kami ng aking asawa ay nakipagsapalaran sa di- batid na landas ng naiibang paglalakbay na ito bilang magulang, ang kinailangan naming panghawakan ay ang mga pangako ng Diyos at ang pananampalataya sa aming mga puso na hindi kami iiwan o pababayaan ng Diyos. Ang dating tila mga tambak ng abo ay nagsimulang maging ganda ng kalakasan habang iniabot ng Diyos ang Kanyang biyaya, kapayapaan, at kagalakan sa amin sa panahon ng napakasakit at madilim na panahon ng aming buhay. Sa pinakamalungkot na sandali, ang paggugol ng oras sa Kanyang paanan ay nagdulot sa amin ng panibagong pag-asa at lakas ng loob upang sumulong. Tinugon Na Mga Panalangin Matapos ang mga taon ng paggagamot at walang katapusang mga panalangin, umayos na ngayon ang mga kombulsyon ni Athalie, ngunit patuloy siyang nagkakaroon ng malubhang anyo ng cerebral palsy. Hindi siya makapagsalita, makalakad, makakita, o makaupo nang mag-isa at lubos na umaasa sa akin. Kalilipat kamakailan lang sa Canada mula India, ang aming mag-anak ay kasalukuyang tumatanggap ng pinakamahusay na paggagamot. Ang malaking kaunlaran sa kanyang kalusugan ay ginagawang mas makulay ang aming buhay. Si Asher ay nasa labas na ng pagbukod-bukod, at siya ay ganap nang nakahabol sa kanyang pananalita. Matapos ang unang pagtanggi sa kanya ng madaming paaralan dahil sa kanyang kawalan ng sigasig, siya ay nag-aral sa bahay hanggang ikalimang baytang. Bagama't nagpapakita siya ng ilang tanda ng ADHD, sa awa ng Diyos, nakalista na siya ngayon sa ika anim na baytang sa isang pribadong paaralang Kristyano. Isang mahilig sa aklat siya ay nagpapakita ng kakaibang interes sa solar system. Nais na nais niyang matuto tungkol sa iba't ibang bansa, sa kanilang mga bandila, at mga mapa. Bagama't ang buhay ay puno pa din ng mga hamon, ang pag-ibig ng Diyos ang nagtutulak sa amin na maging magulang ng aming mga anak nang may pagmamahal, tiyaga, at kabutihan. Sa patuloy na pagyakap sa pananalig namin kay Hesus at pagtahak ng kakaibang landas na ito ng espesyal na pangangailangan ng pagiging magulang , naniniwala ako na may mga pagkakataon na mayroong mga dagliang sagot sa aming mga panalangin, at ang aming pananampalataya ay nagsisilbi at nagdudulot ng mga bunga. Ang mga panahong iyon, ang lakas at kapangyarihan ng Diyos ay ipinahayag sa ano mang ginagawa Niya para sa amin—ang tiyak na sagot sa aming mga panalangin. Sa ibang mga pagkakataon, ang Kanyang lakas ay patuloy na tumatanglaw sa amin, tinutulungan kaming matiis ang aming dinaramdam nang may katapangan, hinahayaan kaming madanasan ang Kanyang mapagmahal na awa sa aming mga paghihirap, ipinapakita sa amin ang Kanyang kapangyarihan sa aming mga kahinaan, tinuturuan kami na paunladin ang kakayahan at karunungan na tanggapin ang mga tamang hakbang, binibigyan kami ng kapangyarihan na magkuwento ng Kanyang lakas, at hinihikayat kaming saksihan ang Kanyang liwanag at pag-asa sa gitna ng mga paghamon.
By: Elizabeth Livingston
More