Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 23, 2023 600 0 Sarah Barry
Makatawag ng Pansin

PAGBABAGO NG MGA NAWALA SA MGA NATAMO

Kapag dumarating ang mga problema, gaano kabilis nating iniisip na walang nakakaintindi sa ating pinagdadaanan?

Sa halos lahat ng simbahan, may nakikita tayong krusipiho na nakasabit sa itaas ng altar. Ang larawang ito ng ating Tagapagligtas ay hindi nagpapakilala sa Kanya na pinutungan ng mga hiyas na nakaupo sa isang trono, ni bumaba sa isang ulap na dala ng mga anghel, kundi bilang isang tao, sinugatan, tinanggalan ng pangunahing dignidad ng tao, at nagtiis sa pinakanakahihiya at pinakamasakit na anyo ng pagpatay. Nakikita natin ang taong nagmahal at nawalan, nasaktan at pinagtaksilan. Nakikita natin ang isang taong katulad natin.

At gayon pa man, sa harap ng ebidensyang ito, kapag tayo mismo ang nagdurusa, gaano tayo kabilis managhoy na walang nakakaunawa sa atin, walang nakakaalam kung ano ang ating pinagdadaanan? Gumagawa tayo ng mabilis na mga pagpapalagay at lumulubog sa isang lugar ng paghihiwalay at nakagapos ang windang na puso sa kalungkutan.

Isang Pagbabago ng Daan

Mga ilang taon na ang nakalilipas nabago ang buhay ko ng walang hanggan. Ako ay palaging isang malusog na bata, isang mananayaw na balete na may mga pangarap na nasimulan ko na napagtanto ko ng ako ay mag-12. Palagian akong nag-aaral sa Lingguhang eskuwela at nadama kong naaakit ako sa Diyos ngunit wala akong ginawa tungkol dito, kaya nagpatuloy ako sa pagsasaya sa aking buhay, sa aking oras na kasama ang mga kaibigan, at sa pagsasayaw ng mga pangunahing papel sa mga nangungunang paaralan ng balete. Kontento na ako sa buhay ko. Alam kong nandiyan ang Diyos, ngunit sa dako roon. Nagtitiwala ako sa Kanya, ngunit hindi ko Siya masyadong iniisip.

Gayunpaman sa ikawalong baitang, sa kasagsagan ng aking kabataang karera sa pagsasayaw, ang aking kalusugan ay nagsimulang bumagsak, at makalipas ang apat na taon ay hindi pa rin ako gumagaling. Nagsimula ang lahat isang linggo pa lamang pagkatapos kong magtanghal sa isang balete sa Metropolitan Opera House, isang araw pagkatapos kong matanggap ang sakramento ng Kumpirmasyon, at dalawang linggo bago ako dumalo sa isang tag-araw na masidhi na pangalawang pinakaprestihiyosong paaralan sa pagsasayaw sa Amerika. Ang isang masamang pagkapuwersa ng aking litid sa aking paa ay nagpalubha ng isang hindi pa natutuklasang bali sa buto ng aking bukung-bukong na ngayon ay nangangailangan ng operasyon. Pagkatapos ay nagkaroon ako ng apendisitis, na nangangailangan ng isa pang operasyon. Ang dalawang sunod-sunod na operasyon ay nagdulot ng matinding pinsala sa aking neurolohiya o may kinalaman sa sistema ng nerbiyos at panglabang mga sistema at siyang nagpapahina sa akin hanggang sa punto na walang doktor ang maaaring makagamot o kahit na ganap na makaunawa ng aking sitwasyon. Habang patuloy kong itinutulak ang aking katawan para ipagpatuloy ang balete, sumuko ang aking katawan at nabali ang aking gulugod, na nagtapos sa aking karera sa balete.

Sa kabuuan ng taon bago ang aking Kumpirmasyon, naranasan ko si Hesus sa mga paraang hindi ko pa nararanasan noon. Nakita ko ang Kanyang pagmamahal at awa na pinalinaw sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga Ebanghelyo at pagtalakay sa Kanyang ministeryo. Nagsimula akong magsimba tuwing Linggo at naranasan ang kapangyarihan ng Eukaristiya. Bago ang mga klase sa kumpirmasyon kasama ang aking kura paroko, walang sinuman ang nagturo sa akin nang malinaw tungkol sa pag-ibig ni Jesus sa akin. Ang kanyang pagtuturo ay nagpalinaw sa aking lumalagong pagkaunawa sa kung sino talaga ang Diyos. Si Jesus, na noon pa man ay kilala ko na bilang aking Tagapagligtas, ngayon ay ang aking pinakamamahal na kaibigan at naging aking pinakadakilang pag-ibig. Hindi lang siya isang estatwa na nakasabit sa simbahan, isang karakter sa mga kuwento; Siya ay totoo, at Siya ang sagisag ng Katotohanan, Katotohanan na hindi ko alam na hinahanap ko. Sa taong iyon ng pag-aaral, nagpasya akong ganap na mamuhay para kay Jesus. Wala akong ibang hinangad kundi ang maging higit na katulad Niya.

Magmula ng ako ay mapinsala, ang aking kalusugan ay nagpabago-bago pabuti at pasama at inialis ako nito sa landas na inaasahan kong tatahakin magpakailanman, nahirapan akong manatiling umaasa. Nawalan ako ng balete at kahit na ilang mga kaibigan. Halos hindi na ako makaalis sa kama para pumasok sa paaralan, at kapag nakarating na ako, hindi ko na kaya ang manatili ng buong araw. Ang buhay na dati kong kilala ay gumuho at kailangan kong maunawaan kung bakit. Bakit kailangan kong magdusa ng husto at mawalan ng labis? May nagawa ba akong mali? Ito ba ay hahantong sa isang magandang bagay? Sa tuwing nagsisimula akong gumaling, may bagong isyu sa kalusugan na lumilitaw at muling nagpapatumba sa akin. Ngunit kahit sa mga pinakamababa kong punto, palagi akong hinihila ni Jesus pabalik upang tumayo sa aking mga paa, at pabalik sa Kanya.

Paghahanap ng Layunin

Natutunan kong ialay ang aking pagdurusa sa Diyos para sa kapakanan ng iba at nakita kong binago nito ang kanilang buhay para maging mas mabuti. Habang nawawala ang mga bagay, nagkaroon ng puwang para sa mas magagandang pagkakataon. Halimbawa, ang hindi ko magawang sumayaw ng balete ay nagbigay sa akin ng puwang upang kunan ng larawan ang mga mananayaw sa eskuwelahan ng aking balete at ipakita ang kanilang talento. Sa wakas ako ay nagkaroon ng bakanteng oras upang dumalo sa mga laro ng putbol ng aking kapatid at nagsimulang kumuha ng mga larawan niya sa aksyon. Di-nagtagal, nakuhanan ko ng litrato ang buong koponan, kabilang ang mga batang lalaki na walang sinumang lumabas para panoorin silang maglaro, lalo na ang pagkuha ng kanilang mga kasanayan sa isang larawan. Kapag halos hindi na ako makalakad, umuupo ako at gumagawa ng mga rosaryo para ibigay sa iba. Nang magsimulang sumama ang aking pangangatawan, gumaan ang puso ko dahil binigyan ako ng pagkakataon na mabuhay ng hindi lang para sa sarili ko, kundi mamuhay para sa Diyos at makita ang Kanyang pagmamahal at habag na gumagana sa iba at sa sarili kong puso.

Nakikinig kay Hesus

Ngunit hindi laging madali para sa akin na makahanap ng mabuti sa pagdurusa. Madalas kong makita ang aking sarili na nagnanais na mawala ang sakit, na nagnanais na mamuhay ako ng normal na walang pisikal na paghihirap. Ngunit isang gabi noong Marso ay nakatanggap ako ng malinaw na pananaw sa aking walang hanggang mga tanong. Ako ay nasa pagsamba noon, nakaupo sa matigas na kahoy ng bangko ng simbahan, nakatingin sa krus na may malabong liwanag ng kandila at sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi lang ako nakatingin sa krus—talagang nakikita ko ito.

Nanakit ang buong katawan ko. Ang aking mga pulso at bukung-bukong ay pumipintig dahil sa sobrang sakit, ang aking likod ay masakit dahil sa pinakahuling pinsala, ang aking ulo ay nanlalambot dahil sa isang talamak na sakit sa ulo, at madalas, isang matinding sakit ang tumusok sa aking mga tadyang at ako ay natumba sa lupa. Sa harap ko, si Jesus ay nakabitin sa krus na may mga pako sa Kanyang mga pulso at mga bukong-bukong, mga sugat mula sa mga latigo na tumatagos sa Kanyang likod, isang korona ng mga tinik na masakit na itinusok sa Kanyang ulo, at isang sugat sa pagitan ng Kanyang mga tadyang kung saan ang sibat ay tumusok sa Kanyang tagiliran–isang sibat. na sinadya upang matiyak na Siya ay patay na. Malakas na sumagi sa isip ko, na muntik na akong matumba sa upuan. Bawat sakit na naramdaman ko, kahit ang pinakamaliit na pagdurusa, naramdaman din ng aking Tagapagligtas. Ang sakit ng likod ko at sakit ng ulo, maging ang pananalig ko na walang ibang makakaintindi, naiintindihan Niya ang lahat dahil naranasan din Niya ito, at patuloy na tinitiis kasama natin.

Ang pagdurusa ay hindi isang parusa, ngunit isang kaloob na magagamit natin para mas mapalapit sa Diyos at hubugin ang ating pagkatao. Bagama’t sa pisikal ay marami ang nawala sa akin, natamo ko ito sa espiritwal. Kapag nawala na ang lahat ng iniisip nating napakahalaga, doon natin makikita kung ano talaga ang mahalaga. Nang gabing iyon sa pagsamba habang tinitingnan ko ang mga sugat ni Jesus na katulad ng sa akin, napagtanto ko na kung tiniis Niya ang lahat para sa akin, kaya kong tiisin ang lahat para sa Kanya. Kung gusto nating maging higit na katulad ni Hesus, kailangan nating lakbayin ang parehong paglalakbay na ginawa Niya, Krus at lahat. Ngunit hinding-hindi Niya tayo pababayaan na lumakad nang mag-isa. Kailangan lang nating tumingin sa Krus at alalahanin na nariyan Siya sa tabi natin sa lahat ng ito.

Share:

Sarah Barry

Sarah Barry is a student at the University of St Andrew’s in Scotland pursuing a degree in Biblical Studies. Her love of writing has allowed her to touch souls through her Instagram blog @theartisticlifeofsarahbarry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles