Home/Makatawag ng Pansin/Article

Oct 17, 2023 408 0 Karen Eberts, USA
Makatawag ng Pansin

PAG-USAD SA MASAGANANG LUPANG DI TINAMNAN

Hindi ko napagtanto ang aktwal na kahulugan ng “pamatok” hanggang sa…

Sa pagkakadama ng kabigatan sa umagang ito, alam kong iyon ay malinaw na tawag na mag-ukol ng karagdagang oras sa pananalangin.  Sa pagkaalam na ang presensya ng Diyos ang panlunas sa lahat ng karamdaman, namalagi ako sa aking “silid ng pag darasal,” na, para sa ngayon, ay matatagpuan sa aking beranda.  Mag-isa, maliban sa huni ng mga ibon at payapang simoy ng hangin na tumatagos sa mga puno, namahinga ako sa mga tunog ng malumanay na tugtuging pangsamba na nagmumula sa aking telepono.  Madalas kong naramdaman ang kalayaan na nagmumula sa pagpalis ng aking paningin sa aking sarili, sa aking mga pakikipag-ugnayan, o sa mga alalahanin ng mundo.  Ang pagbaling ng aking pansin sa Diyos ay nagpaalala sa akin ng talata mula sa Awit 22: “Ikaw ay banal, nasa trono, pinaparangalan ng Israel” (3).  Sa katunayan, ang Diyos ay naninirahan sa mga papuri ng kanyang mga tao.

Nagsimula akong makadama  na ako’y nakasentro minsan pa, malaya sa mga pasanin na umaaligid sa ating bansa at mundo.  Bumalik ang kapayapaan nang maramdaman kong na ang tawag para sa akin ay hindi ang pasanin ang mga ito kundi yakapin ang pamatok na iniaalok ni Hesus sa Ebanghelyo ni Mateo: “Kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha, pumarito kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.  Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mababang-loob.  At masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.” (11: 28,29).

Tatak Ng Kristiyano

Kapwa ng mga magulang ko ay lumaki sa mga bukid.  Maaaring nakakita sila ng dalawang hayop na pinagsama ng balagbag na kahoy na nakapatong sa kanilang mga leeg, ngunit ako ay hindi.  Palagi kong binibigyang-kahulugan ang talatang iyon sa pamamagitan ng paggunita kay Hesus na katuwang natin sa buhay.  Siya, na binabalikat ang bigat ng pasan, at ako, na naglalakad katatabi, ginagawa ang dapat kong gawin sa Kanyang tulong at patnubay.

Ngunit kamakailan, nalaman ko na ang isang “pamatok” ay isang unang-siglong idiyoma sa hudiyo na nangangahulugan ng isang bagay na ganap na naiiba sa agraryong imahe ng mga baka na magkakakkabit sa kanilang mga leeg.

Ang “pamatok,” gaya ng ginamit ni Hesus, ay tumutukoy sa koleksyon ng mga turo ng isang gurong Hudyo.  Sa pagpili na sundin ang mga aral ng isang partikular na gurong Hudyo, ang isang tao ay nagiging alagad Niya at pinipiling lumakad na kasama Niya.  Sa diwa, sinasabi ni Hesus, “Ipinpaikita ko sa iyo kung ano ang kasintulad ng maglakad kasama ang Diyos.”  Ito ay hindi isang tungkulin o isang obligasyon kundi isang tanging karapatan at isang handog! Bagama’t nadanasan ko ang “pamatok” ni Hesus bilang isang tanging karapatan at isang handog, ang “mga kaguluhan sa mundo” na ipinangako niya na dadanasain natin ay madalas na nagpapatamlay sa aking kagalakan na siyang tanda ng isang Kristiyano.

Sa panalangin ngayong umaga, binuksan ko ang isang aklat, na isinulat ng isang paring Franciscano, halos dalawampu’t limang taon na ang nakakalipas, at bumaling sa pahina na parang isinulat ngayon:

‘Kapag ang biyaya ay hindi na isang katotohanang nadanasan, tila ang larangan ng kalayaan ay nawala na din…Napakadaling gawing magmukhang demonyo ang kabilang panig.  Maliwanag nating nakikita ito sa mga halalan sa bansang ito.  Ang alam ng magkabilang partido ay kung paano gawin ay ang pag-atake sa kabilang panig.  Wala tayong kahit ano mang bagay na mapapaniwalaan, ano mang bagay na may lubos na kabatiran o masagana, o matindi.  Ang di-mabuting pagkakakilanlan, gaano man ito kababaw, ay mas madaling maganap kaysa sa matapat na pamimili.  Ang sa totoo, mas madaling maging laban kaysa maging panig.  Maging sa Simbahan, madami ang walang mainan na pasulong na napananaw kaya pinangungunahan nila ang paglusob nang paatras o salungat. Pansinin na ang pagkaunawa ni Hesus tungkol sa ‘Paghahari ng Diyos’ ay lubos na positibo—hindi nakabatay sa takot o laban sa sinumang indibiduwal, grupo, kasalanan, o problema.’ (Everything Belongs, 1999).

Paunti-unti

Ang bigat na naramdaman ko ay sanhi hindi lamang sa kawalan ng pagkakaisa sa ating bansa kundi pati na din sa loob ng sarili kong grupo na, tulad ko ay, tumatawag kay Hesus na “Panginoon,” ngunit tila hindi kayang igalang ang ibang tawag at landas ng kapwa.  Sa pagkaalam na naipanumbalik ni Hesus ang dangal sa mga ipinahiya ng lipunan, hindi ba dapat, bilang Kanyang mga tagasunod, ito ang ating hangarin na gawin para sa isa’t isa?  Kasama, hindi pwera; ang pagtulong, hindi pagtalikod; pakikinig, hindi panunumbat.

Ako mismo ay nahirapan dito.  Mahirap unawain kung paanong makita ng iba ang mga bagay sa paraang na para sa akin ay tila taliwas sa mensahe ng Kristiyano, ngunit gayun pa man ay nahihirapan silang sumilip sa lente na kung saan ngayon ay namasdan ko ang “pamatok” ni Jesus.  Napag-alaman ko ilang taon na ang nakalipas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang espiritong “natuturuan”.  Madali para sa atin na maramdaman na taglay natin ang tanging katotohanan, samantala, kung tayo ay matatag na mga alagad, patuloy nating mapapalawak ang ating pangitain sa pamamagitan ng hindi lamang panalangin kundi sa pamamagitan ng pagbabasa, pagninilay sa Banal na Kasulatan, at pakikinig sa mga mas matalino kaysa sa ating sarili.  Sinoman ang ating pinili upang pahintulutan sa puwesto ng panghihikayat sa atin ay napakamahalaga. Ang mga taong may subok nang pananampalataya at katapatan na namuhay ng “buhay na karapat-dapat sa kanilang pagkakatawag” ay karapat-dapat sa ating pansin.  Higit sa lahat, ang halimbawa ng mga huwaran ng pag-ibig, na nagnanasa ng ikabubuti ng lahat, ay tutulong sa na umunlad at magbago sa paglipas ng mga taon.  Ang ating pagkatao ay mapapadalisay, unti-unti, habang tayo ay “nagbabagong anyo upang maging kalarawan ni Kristo.”

Kung tayo, sa lahat ng ating kaliwanagan, ay nararamdaman pa din na dapat nating sabihin ang katotohanan ayon sa pagkakaunawa natin, kahit na may pag-ibig na kaakibat nito, napakadaling magkamali sa pag-iisip na tayo ang tinig ng Banal na Espirito sa buhay ng isang tao!  Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng puso, isipan, at pagtalima ng isang buhay na inalay para sa Kanya.  Ang gawain ng Kanyang Espirito at ang tugon ng iba ay hindi natin nasasakupan.

Tiyak, ang isang mabuting magulang ay hindi maguturo ng daliri sa isang bata at igiit na kumilos sila tulad ng isang may sapat na gulang.  Nauunawaan ng isang mabuting magulang na kailangan ng madaming taon, madaming pagtuturo, at isang magandang halimbawa upang maging ganap na ang isip ng bata.  Sa kabutihang palad, mayroon tayong napakabuting Magulang! Muling sumaisip ang Awit 22.  Ang mismong salmo na binanggit ni Hesus sa krus, sa gitna ng Kanyang pasakit at pagdurusa, ay nagtatapos sa paalala na ang bawat henerasyon ay magsasabi sa kanilang mga anak tungkol sa mabubuting bagay na ginawa ng Panginoon.  Sagana ang biyaya, at kasunod ang kalayaan.  Nagpasiya akong muli na ialay kapwa ang sa mga hindi ko maintindihan at hindi makaintindi sa akin.

Ang Isa na kasama ko sa pamatok pang-habang buhay ay nagpapakita sa akin ng daan.

Share:

Karen Eberts

Karen Eberts is a retired Physical Therapist. She is the mother to two young adults and lives with her husband Dan in Largo, Florida

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles