Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 24, 2022 315 0 Rosanne Pappas, USA
Makatawag ng Pansin

PAG-IBIG NA NAKAKAHILOM

Naghahangad na madama ang pagmamahal ng Diyos sa kaibuturan ng iyong puso? Ang kinakailangan mong gawin ay ang magtanong

Nadinig ko ang pagdating ng trak ng aking anak sa daanan ng sasakyan. Dagli kong pinigil ang aking mga luha, pinunasan ng manggas ang aking mukha at lumabas sa garahe upang salubungin siya.

“Hello, Ma,” sabi niya sabay ngiti.

“Hi, honey.

“Ano ang nagdala sa iyo dito ngayong umaga?” tanong ko.

“Sabi ni Dad nakatanggap ako ng pakete. Kukunin ko ito bago ako tumuloy sa opisina,” aniya.

“Ah, okay,” sagot ko.

Kinuha niya ang pakete at sinundan ko siya palabas sa kanyang trak.

Niyapos niya ako.

“Ayos ka ba, Ma,” tanong niya.

“Okay ako,” kibit balikat kong sagot.

Pinihit ko ang aking mukha upang ikubli ang aking luha.

“Dumadanas lang siya ng isang mahirap na pagsubok. Iige din sya,” malumanay niyang wika patungkol sa kapatid niyang babae.

“Oo, alam ko. Ngunit mahirap. Talaga lang napakalungkot. Ang kanyang kalungkutan ay sadyang napaka bigat para sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit mula pagkabata ay napapaikutan na ako ng mga taong nakikibaka sa kalungkutan. Ito lang ba ang kapalaran ko sa buhay?”

Patanong siyang nagtaas ng kanyang kilay.

“O baka,” patuloy ko, “may isang bagay dito na kailangan kong makita.”

“Maaari. Nandito ako, Ma, kung kailangan mo ako,” sabi niya.

Malagim Na Alaala

“Ang pagkalungkot ay maaaring maging bahagi ng isang kalagayan ng pamilya,” sabi ng aking manggagamot. “Ikaw at ang iyong anak na babae ay napakamalapit sa isa’t-isa, ngunit kung minsan ang pakikipag-ugnay ay maaaring maging bitag. Ang ibig kong sabihin ay kailangang magkaroon ng hangganan, isang malusog na pagbubukod para sa pag-unlad at pagiging malaya.”

“Pakiramdam ko, nagsikap akong mabuti para makagawa ng mga pagbabago ngunit sa totoo lang, hindi ko matanggap ang kanyang, kalungkutan,” tugon ko. “At ang maliliit na bagay ay parang napakalaki. Tulad ng gabi ng Pasko ng Pagkabuhay. Matapos ang hapunan, tinanong ng anak kong babae kung maaari siyang dumalaw sa kanyang kasintahan. Habang minasdan ko siyang palabas ng  daanan ng sasakyan lumaganap bumalot sa akin ang pangamba at taranta. Alam kong ang kanyang paglisan ay hindi tungkol sa akin, ngunit nakadama ako ng labis na kahihiyan,” sabi ko.

“Matatandaan mo ba nang una mong naramdaman ang ganoong uri ng paagkataranta at pangamba,” tanong ng manggagamot?

Sinimulan kong ibahagi ang malalim na alaala na agad na lumantad.

“Lahat kami nuon ay nasa silid-tulugan ng aking magulang,” sabi ko. “Si Itay ay galit. Si Inay ay hapong-hapo. Tangan niya ang bunso kong kapatid at sinisikap niyang huminahon ang ama ko, pero galit na galit siya. Naghahanda na kaming ipagbili ang aming bahay para makalipat sa panibago. Si Itay ay nanggagalaiti dahil ang bahay ay ‘wala sa ayos’ ayon sa pagkakasabi niya.”

“Ilang taon ka nuon?”

“Mga pito,” sabi ko.

“Bumalik tayo sa silid na iyon sa iyong alaala at gumawa ng ilang bagay,” sabi niya.

Habang tinatalakay namin ang alaala, natuklasan kong nakatuon ako sa damdamin ng aking mga magulang at mga kapatid ngunit hindi sa aking sarili. Nang sa wakas ay naka-ugnay ko na ang aking nararamdaman, bumukas ang mga pintuan. Mahirap pigilin ang pag-iyak; may labis na kalungkutan.

Pinaniwalaan ko na ang kaligayahan ng bawat isa ay pananagutan ko. Nang tanungin ng aking manggagamot kung ano ang makakatulong sa akin na makadamang ligtas at pinangangalagaan sa karanasang iyon, natanto ko kung ano ang kailangan ko ngunit hindi ko natanggap. Inako ko ang pananagutan para sa sugatang pitong taong gulang na nakapaloob sa aking pagkatao. Kahit hindi pa niya natanggap ang kinailangan niya noon, tinutugunan ng adulto kong sarili ang mga pangangailangang iyon at iwaksi ang kasinungalingan na siya ang may pananagutan sa pagpapasaya ng iba.

Nang kami ay matapos, sinabi ng aking manggagamot, “Alam kong mahirap iyon. Ngunit tinitiyak kong ito ay magbubunga. Nakita ko ang madaming magulang na lumunas sa mga paghihirap ng kanilang mga anak.”

Mapanghilom Na Pagtatagpo

Di-nagtagal matapos ang aking sesyon, di inaasahan na tumawag, ang kaibigan kong si Anne.

“Gusto mo akong makita sa healing Mass ngayon,” tanong niya.

“Oo naman,” sabi ko.

Matapos ang Misa, isang linya ng mga taong naghahangad ng mga dasal sa paghilom ang nabuo. Naghintay ako at dagli, ginabayan ako ng dalawang babaeng tagapamahala sa pang-espirituwal.

“Ano ang nais mong hilingin Kay Jesus?”

Na hilumin ang mga sugat ng aking pagkabata,” sabi ko.

Sinimulan nila akong ipagdasal nang tahimik.

Nang matapos, isa sa mga babae ay nagdasal nang malakas,

“Hesus, pagalingin Mo siya sa mga sugat ng kanyang kabataan. Isa lamang siyang maliit na batang babaeng nakatayo sa gitna ng lahat ng galit, pagkalito, at kaguluhang Iyon, kuyum ang damdaming siya’y nag-iisa at wala nang pag-asa pa sa ginhawa. Hesus, alam namin na hindi siya mag-isa. Alam namin na kasama Mo siya. At alam namin na palagi Mo siyang kasama, buong buhay niya. Salamat, Hesus sa kanyang paglunas at sa pagpapalunas ng kanyang mag-anak.”

Sa mata ng aking isip ay nakita ko si

Hesus na nakatayo katabi ko. Tinitigan niya ako ng malalim, nang may pagmamahal at pagkahabag. Naunawaan ko na ang kalungkutan at kirot ng aking mga magulang at mga kapatid ay hindi ko pasanin kailanman, at si Hesus ay lagi kong kasama nakikibahagi sa bigat ng aking kalungkutan at sákit. Isinaayos Niya ang tamang sandali kung kailan ang mga nakakublng bahagi sa aking puso ay mapupuno ng Kanyang mapanglunas na pagmamahal at awa.

Tahimik akong tumangis.

Lumayo akong may pagkamangha. Ang panalangin ng ale ay ganap na nagsalarawan ng aking nadanasan napakatagal na ang lumipas. Ang matalik na pakikipagtagpo kay Hesus ay hindi kapani-paniwalang mapanghilom.

Tinugon Na Panalangin

Kaagad kong napagtanto na ang aking pagnanais na pasiglahin ang ibang tao at matugunan ang kanilang mga pangangailangan ay, sa isang banda, isang walang kamalayang pagnanais na matugunan ang sarili kong mga pangangailangan at maghilom. Habang pasan ko ang bigat ng kalungkutan ng ibang tao, hindi ko namalayan ang karagatan ng kirot na hindi ko kailanman naipahayag.

Kamakailan, sinabi sa akin ng anak kong babae na nakonsensya siya sa kanyang kalungkutan, at pakiramdam niya’y isa siyang pabigat siya sa akin. Kinilabutan ako. Paanong siya ay makadama ng ganuon? Pero naintindihan ko naman. Hindi siya, kundi ang kanyang kalungkutan ang naging pabigat. Nakadama ako ng pagkagipit na paigihin siya upang gumaan ang aking pakiramdam. At dahil doon siya ay nakonsensya.

Ang paghilom ko ay nagdulot sa akin ng kaginhawahan. Sa pagkakaalam na si Hesus ay kasama ng anak kong babae, inaayos ang kanyang paggaling, ay nagpapalaya sa akin na mahalin siya bilang siya.

Sa biyaya ng Diyos, ipagpapatuloy kong gampanan ang pananagutan sa magandang buhay na ibinigay sa akin ng Diyos. Hahayaan ko Siyang magpatuloy na ako ay hilumin upang maging isang bukal na sisidlan para pagdaluyan ng pag-ibig ng Diyos.

Minsan kong tinanong isang matalinong tagapayo,

“Alam kong si Hesus ay palagi kong kasama at na maaari akong magtiwala sa Kanyang kabutihan na alagaan ako, ngunit madadama ko ba iyon sa aking puso?”

“Oo, madadama mo,” tugon niya. “Gagawin niya iyon.”

Amen. Siya nawa.

 

 

 

Share:

Rosanne Pappas

Rosanne Pappas is an artist, author, and speaker. Pappas inspires others as she shares personal stories of God’s grace in her life. Married for over 35 years, she and her husband live in Florida, and they have four children.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles