Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 19, 2023 461 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

PAANO KO MAGAGAPI ANG PAG AALALA?

T – Ako’y laging napupuspos ng pag-aalala–tungkol sa pamilya ko, kalusugan ko, pananalaping katayuan ko, hanap-buhay ko.  Kahit pati ang tungkol sa kung ako’y ligtas sa wakas o hindi ay ikinababalisa ko.  Papaano ako makatatagpo ng kapayapaan ng puso sa lahat ng mga takot na ito?

S – Makabuluhan na ang kasabihang “Huwag kang matakot” ay isinasaad nang 365 na ulit sa Bibliya—isa para sa bawa’t araw ng taon.  Batid ng Diyos na kakailanganin natin ang pangkaarawang mga paalala na Siya ang namumuno at maihahabilin natin ang ating mga takot sa Kanya!

Maaaring mahirap na paniwalaan na ang bawa’t tagpo sa ating buhay ay napasasakamay na ng isang lubusang mapagmahal na Diyos.  Ngunit kapag titignan natin ang katapatan ng Diyos at hindi ang ating mga suliranin, biglaan nating mauunawaan kung paano makapagdadala Siya ng kabutihan na manggagaling sa bawa’t bagay.

Bilang halimbawa, basahin mo ang mga Kasulatan at masdan kung paanong naging tapat ang Diyos sa dakilang mga bayani ng Bibliya!  Sa Lumang Tipan, si Jose ay ipinagbili sa pagkaalipin sa Ehipto at itinapon sa bilangguan.  Ngunit ipinagbago ng Diyos ang kapahamakan na ito bilang pagkakataon sa ikauna upang si Jose ay umalsa sa pamahalaan ng Ehipto at kasunod ay upang mailigtas ang kanyang mag-anak sa pagkakagutom na puminsala sa bayan.  O, sa Bagong Tipan, si Pablo ay nabilanggo, at ang kanyang buhay ay pinagbantaan nang ilang ulit, at sa bawa’t ulit, ang Diyos ay sinagip siya mula sa kanyang mga kaaway.

Masdan mo ang mga buhay ng mga santo—pinabayaan ba sila ni- minsan ng Diyos?  Isipin mo si San Juan Bosco—maraming mga tao ang tumutugis sa buhay nitong banal na pari, ngunit sa bawa’t panahon ay naghandog ang Diyos ng kahima-himalang patnubay—isang malaking aso na kulay-abo ang nagpapakita sa bawa’t tagpo upang siya’y bantayan!  Isipin mo si San Francisco, siya’y nabihag sa digmaan at nabilanggo nang isang taon—at ang yaong taon ay naging karanasan ng kanyang pagbabagong-loob.  Isipin mo si Biyato Carlo Acutis, ang binatang namatay ng lukemya sa gulang na labinlima at papaano nakinabang ang Diyos sa dakilang kabutihan ng yaong maagang pagpanaw pagka’t milyon-milyong mga tao ay napukaw ng kanyang salaysay at halimbawa.

Maisasabi ko sa iyo na ang aking pinakamagulong tagpo—noong ako’y pinaalis ng eskuwela at pinayuhang talikdan ang aking pangarap na pagpapari—ay nagwakas bilang isa sa mga pinakabiniyayaan at pinagpalang karanasan ng aking buhay, nang binuksan nito ang pintuan sa pagpapari, sa ibang higit na mabuting diyosesis na magagamit ko ang mga handog at mga biyayang naibigay sa akin para sa Kanyang luwalhati.  Ito’y nasa pagbabalik-tanaw lamang na nabatid ko ang pakikipaglahok ng Diyos sa buhay ko.  Ngunit ang mga paraan na pag-iingat ng Diyos at pag-akay nang higit na malapit sa Kanya noong nakaraan ay nagdulot sa akin ng tiwala na Siya na matapat noon ay magiging matapat sa kinabukasan.  At ngayon, lumingon ka sa sarili mong buhay.  Paano mo na nakita ang Diyos na pumapasaloob sa iyo?

Pagtampulan mo kung ano ang ipinangako ng Diyos sa Kasulatan.  Siya’y hindi nangako sa atin ng maginhawang buhay—Siya’y nangako na kailanma’y hindi Niya tayo pababayaan.  Ipinangako Niya na “walang mata ang makakakita, walang tenga ang makaririnig ng ano ang inihanda ng Diyos sa mga nagmahal sa Kanya.”  Siya’y ni-kailanma’y nangako na ang buhay ay mananatiling makinis, ngunit nangako Siya na “lahat ng mga bagay ay magsisilbi nang pangmatagalan para sa mga umiibig sa Kanya” (Romano 8:28).  Ito ang mga pangako na maisakakatiwala natin ang ating mga buhay.

Bilang wakas, idasal mo ang Litanya ng Buhay.  Ang mga Sisters of Life sa Nuweba Yorka ay isinulat itong magandang litanya na nag-aanyaya sa atin na ihabilin natin ang ating mga pag-aalala sa Diyos.  Isinasaad nito nang bahagya:

Mula sa pag-aalala, iadya mo ako, Hesus.
Mula sa mabagabag na pansariling paghahanap, iadya mo ako, Hesus.
Mula sa pagkawalang-tiwala sa Iyong pag-ibig at Iyong pag-iral, iadya mo ako, Hesus.

Patuloy mong idasal ang maikling panalangin:  Hesus, nananalig ako sa Iyo!  At mapupuno Niya ang iyong puso ng kapayapaang nakahihigit pa sa lahat ng katalinuhan.

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles