Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 432 0 Lyrissa Sheptak
Makatawag ng Pansin

Natutunaw na Puso

Pakiramdam mo ba ay hindi ganap?

Ang Panginoon ay ganap ang pagmamahal sa iyo!

Ikaw ba ay hindi sakdal?

Ang Panginoon ay sakdal ang pagmamahal sa iyo!

Sumunod sa Paraang Tinalaga ng Panginoon

Gusto ko mang isipin na ako ay Katoliko sarado at sumusunod sa utos ng Panginoon , alam ko na ako ay nagkukulang , lubos na nagkukulang .  Labis na napakahirap sa akin na maipakita ang pagmamahal sa mga taong nakasakit ng aking damdamin.  Subukan ko man paulit ulit na patawarin ang mga taong nakasakit sa akin, (mas mahigit pa sa dami ng 70×7) , sa aking puso ay hindi taos sa puso ang pagpapatawad at pagmamahal.

Ang bilin ng Panginoong Jesus ay mahalin ang ating mga kabitbahay katulad ng pagmamahal sa ating sarili.  Sinabi ng Panginoong Jesus na mahalin lahat ng tao na dumating  sa ating buhay; kahit na ang mga taong hindi tama ang pagtingin sa atin, mga taong hindi nagmamahal sa atin; mga taong hindi inaasahan ang paghingi ng patawad sa kanilang pagkukulang sa atin. Nauunawaan ko ang dahilan ng utos ng Panginoong Jesus kahit na ang pakiramdam ko ay mahirap magampanan.  Ang ating buhay ay hindi lamang para sa atin at sa ating kagustuhan.  Hindi naman ipinangako ng Panginoong Jesus na ang ating buhay ay magiging madali at patas na kalagayan.   Ang ipinangako ng Panginoong Jesus ay hinding hindi niya tayo tatalikuran.  Ang Panginoong Jesus ay parating nasa ating pamumuhay.

Mas mabuting sundin ang bilin ng Panginoong Jesus, hindi lamang para matupad ito kundi pagsunod sa kanyang bilin na taus sa ating puso.  Kung gusto natin makita ang Panginoong Jesus na nakangiti sa atin, at makatanggap ng salita mula sa kanya na katulad nito, “ napakaayon ng iyong pagpapatawad at pagmamahal, Aking magaling at matapat na anak “ , sundin natin ng taus puso ang bilin ng ating Panginoong Jesus.

Masakit Bang Magmahal?

Mahal na mahal tayo ng Panginoon kaya siya ay naging isang kaugnay natin, nag daan sa dusa at ibinigay ang kanyang buhay para sa atin. Ang pagmamahal niya sa atin ay walang kundisyon at hinihiling niya sa atin na gawin din ang ganitong pagmamahal sa ibang tao.  Hindi natin maituturing na tayo ay Katoliko kung tayo ay namimili lamang ng utos ng Panginoon ng gusto nating sundin. Nagiging mapag pakumbaba tayo kapag tayo ay lubusang  masunurin sa utos ng Panginoon.

Natagpuan ko sa aking sarili na para mawala ang hadlang sa pagmamahal sa ibang tao, ay payagan ko ang Panginoon na mahalin niya ako. Ngunit ako ay makasalanan, walang tiwala sa aking sarili.  May mga araw na ako ay galit at puno ng sakit sa aking kalooban.  Mamahalin kaya ako ng Panginoon kung ganito ang kalagayan ko?

Mahal na mahal ako ng Panginoon lalong lalo na sa aking kahinaan. Ang isang hakbang para ito maganap ay ang pagsuko ng buong puso, lahat ng sakit at pagmamalaki sa aking buhay.  Mahirap man gawin , katulad ng sabi ni Mother Teresa ng Calcutta  “  Ang pag-ibig para maging totoo , ay nangangailangan ng katumbas, nagdudulot na masaktan,at nangangailangang linisin ang ating puso ng walang kabuluhan”

Ipaubaya Sa Panginoon

Kapag patuloy natin itatago ang ating kahinaan sa harap ng Panginoong Jesus , lalo lang natin inilalayo ang ating sarili sa kanya at sa mga biyayang nakalaan para sa atin.  Ang ating pagkatao ay alam na alam ng ating Panginoong Jesus, mahigit pa sa pagkakaalam natin sa ating sarili.

Maglaan tayo ng panahon na makapagisa sa harap ng isang altar o isang tahimik na lugar at ibuhos natin sa Panginoong Jesus ang lahat ng sakit ng ating kalooban, dungis ng budhi at ang ating kahinaan. Damhin natin ang patnubay ng Espiritu Santo na mapunuan ang ating mga kakulangan, ang pagmamahal at katahimikan sa buhay na ating inaasam-asam.

Ang bahagi at susi sa patuloy nating pagbabago ng buhay ay ang magkaroon ng pansariling ugnayan sa Panginoon.

Paano natin magagawa ang magkaroon ng pansariling ugnayan sa Panginoon?

Gawain natin ang parating pagdarasal, ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pagmumuni muni at pakikinig sa mga salita ng Panginoon, at parating pagtanggap ng mga sakramento.

Kapag mas maraming oras ang nakatuon sa pagninilay nilay sa ating Panginoon, tayo ay mas natatanggap na maintindihan ang kanyang mga salita tagos sa ating puso.  Ito ang hakbang na nagdudulot na gawin natin ang Bilin ng Panginoong Jesus.

Ipinaalala ko lang na kahit tayo at nagbago na sa pamamagitan ng pagmamahal ng Panginoong Jesus,  maaaring patuloy pa rin dumaan tayo sa pakikibaka sa ibang tao. Sa puntong ito, masasabi nating “  Ibigay natin sila sa kamay ng ating Panginoong Jesus “

Ipagpatuloy natin ang pagdarasal sa mga taong nakikibaka sa atin at ialay natin ang sitwasyon sa Panginoong Jesus.

Ipahayag natin ang liwanag ng pagbabago ng ating puso na biyaya ng ating Panginoon para magbigay ng inspirasyon sa ibang tao.

Panginoon Ko, pag apawin mo po ang aming puso ng init ng iyong pagmamahal na malampasan ang aking mga pagkukulang, ang sakit ng kalooban. Iniaalay ko po sa iyo ang aking kahinaan at mga pagnanasa at isinasamo ko po ang iyong walang kundisyong pagmamahal.  Pagbaguhin nyo po ang aking puso upang maging ilaw ng inyong pagmamahal sa lahat. Amen

 

Share:

Lyrissa Sheptak

Lyrissa Sheptak is a writer who contributes regularly to Nasha Doroha, a Ukrainian Catholic Women’s League magazine. As well, she is a member of the Spiritual Committee for the UCWLC National Executive. She lives in Edmonton, Canada with her husband and four children.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles