Home/Makatagpo/Article

Oct 17, 2023 263 0 Shalom Tidings
Makatagpo

NAPISÀ NGUNIT HINDI NAWASAK

Itong salaysay ng isang mag-anak ay tila isang masamang pelikula, ngunit ang wakas ay tiyak na gigitlain ka

Ang aming salaysay ay nagsisimula sa tahanan, kung saan ako lumaki sa San Antonio, Texas, kasama ang mga kapatid kong sina Oscar at Louis. Si Papa ay ang ministro ng awit sa aming simbahan, at si Mama ay tumutugtog ng piyano. Ang aming pagkabata ay masaya—tungkol lahat sa simbahan at mag-anak, kabilang ang aming mga lolo’t lola na nakatirang malapít. Inisip namin na ang lahat ay mainam, ngunit noong ako’y nasa ika-anim na baytang, si Mama’t Papa ay sinabihan kaming sila’y maghihiwalay. Hindi namin alam kung anong ibig sabihin nito sa simula, pagka’t wala sa aking kamag-anakan ay nakapaghiwalay na, ngunit dagliang nalaman namin ito. Kami’y patalbog-talbog mula sa isang bahay hanggang sa isa pa, habang pinag-aalitan nila ang karapatan ng pag-aalaga.

Pagkalipas ng halos isang taon, si Papa ay lumuwas ng bayan para sa katapusan ng linggo. Ako at ang mga kapatid ko ay dapat na kasama ang Mama ngunit sa kahuli-hulihang minuto ay napadpad kami kasama ang ilang mga kaibigan. Kami’y nabigla nang si Papa ay lumipad pauwi nang maaga at dumating upang kami’y hanguin ngunit nasindak nang sinabi niya ang dahilan. Si Mama ay natagpuang patay na sa loob ng kanyang sasakyan sa isang nalalayong paradahang lote. Lumilitaw na dalawang mga lalaki ay ninakawan siya na may nakatutok na baril at kinuha ang kanyang pitaka at alahas. Maliban dito, kapwa nilang ginahasa siya sa likod ng sasakyan bago nila binaril nang tatlong ulit ang kanyang mukha, iniwan siya upang mamatay sa sahig ng kanyang sasakyan. Nang sinabihan kami ni Papa, hindi kami makapaniwala. Bakit magnanais ang sinuman na patayin ang Mama? Pinagtakhan ko kung sila’y darating upang sundan kami. Ang takot ay naging bahagi ng aming nakababatang buhay.

Ang Kinahinatnan

Pagkaraan ng libing, sinikap naming bumalik sa karaniwang gawi ng buhay na kapiling si Papa, ngunit natutunan ko na ang karaniwan ay kailanma’y hindi babalik sa mga biktima ng mabigat na krimen. Si Papa ay nag-aari ng negosyo sa paggawa. Isang taon ang lumipas mula ng pagkapaslang kay Mama, si Papa ay nadakip kasama ng kanyang dalawang mga empleyado sa salang pagpatay na may kasukdulang kaparusahan at paghihingi ng tulong na labag sa batas sa pag-upa nitong dalawang mga lalaki upang patayin ang Mama. Silang tatlo ay nagsisisihan. Isa sa mga empleyado ay narinig ang Papa na inuupahan ang isang lalaki na isagawa ang pagpatay. Ihinayag ni Papa ang kanyang kawalan ng sala, at pinaniwalaan namin siya, ngunit ang kanyang piyansa ay tinanggihan, at ang lahat ng bagay ay nagbago para sa amin. Nang pinatay si Mama, kami ang mga bata ng biktima. Ang mga tao, lalo na sa simbahan, ay tinulungan kaming gawin ang tanging kaparaanan. Sila’y nagbibigay at mabait. Ngunit, pagkatapos madakip si Papa, biglaan kaming pinakitunguhan ng may pagkakaiba. Mayroong isang kakaibang bahid bilang isang anak ng may sala. Ang mga tao ay inilarawan kami na mga napinsalang bilihin na wala nang halaga.

Kami’y lumipat kasama ang aking tiya at tiyo, at nagsimula ako ng mataas na pag-aaral sa Austin, ngunit patuloy pa rin kami sa pagdalaw kay Papa sa pambayanang bilangguan sapagka’t mahal namin siya at naniniwala kami sa kanyang kawalan ng sala. Lumipas ang dalawa’t kalahating taon, si Papa ay sa huli’y inilagay sa paglilitis. Talagang napakahirap sa amin na makita ang mga detalyang isiniwalat sa balita, lalo na para sa akin dahil kapangalan ko siya. Nang siya’y napatunayang may sala, kami’y sukdulang namanglaw, lalo na noong siya’y nahatulan ng kamatayan at nailipat sa Huntsville upang hintayin ang pagbitay. Kapag ikaw ay Isa sa mag-anak ng isang bilanggo, ang buhay mo ay tila ipinapagliban nang may katagalan.

Kagitla-gitlang Pag-amin

Sa ikaapat na taon ng aking kolehiyo, nagkaroon ng bagong pag-unlad sa kaso ng Papa. Ang kalihim ng abugado ng purok ay nagbunyag na ang tagalitis ay iniba ang patibay upang patunayan na si Papa ay may sala. Palagi na naming napagpanaligan na ang Papa ay walang sala, kaya kami’y natuwa nang labis. Si Papa ay natanggal sa helera ng pagbitay at naibalik sa pambayanang bilangguan upang mahintay ang bagong paglilitis na natupad pagkalipas ng apat na taon. Kami ay nagpatunay para sa kanya at ang hukom ay natagpuan siyang hindi magagawaran ng parusa para sa nakapatay, na nangagahulugang hindi siya maibibitay. Hindi ko mailarawan ang lunas na aking nadama nang nalaman kong hindi ko mawawala si Papa sa yaong paraan. Bagaman, siya’y natagpuang may sala ng pagpatay na may higit na magaang hatol, na may kaugnay na gawad ng panghabangbuhay. Sa kabila ng ito, ang bawa’t isa ay alam na siya’y mapapalayang may pasubali nang dagli. Nagawa namin ang lahat ng aming magagawa sa nakaraang mga taong ito upang mai-uwi ang Papa, kaya kami’y napakasabik na ito’y nalalapit na nang sa gayo’y makararating siya at makapiling ang mag-anak.

Nang dumalaw ako sa kanya bago siya napalaya, pinakiusapan ko siyang linawin ang ilang mga paksa na lumitaw noong paglilitis. Winika niya na matatanong ko siya ng kahit ano, ngunit nang narating ko itong kaisa-isang tanong, tumingin siya nang tuwid sa aking mukha, “Jim, ginawa ko ito, at siya’y marapat sa ginawa ko. Ako’y nagitla. Siya’y nagtatapat at hindi man lamang niya pinagsisihan ang kanyang nagawa. Isinisisi niya ito kay Mama. Inakala niyang siya ang biktima dahil siya ang nakulong. Ako’y nagngangalit. Nais kong malaman niya na hindi siya ang biktima. Ang aking mama, na nailibing, ang biktima. Hindi ko maisawika ang dama kung paano kaming lahat ay napagtaksilan, na siya’y nagsisinungaling sa amin nang ganito katagal. Tila kami’y nagluluksa para kay Mama sa napakaunang pagkakataon dahil nang si Papa ay nadakip, ang lahat ay naging tungkol sa kanya. Ang aking mag-anak ay tumutol sa kanyang paglayang may pasubali, kaya ang kawani ng pagpapalaya ay tinanggihan ito. Bumalik ako para makita siya sa piitan upang sabihan na siya’y babalik sa bilangguan, ngunit hindi sa Hanay ng Pagbitay, na siya’y ligtas sa ibang mga bilanggo, ngunit nasa pinakamahigpit sa pagbabantay na selda para sa tanang buhay niya. Sinabi ko sa kanyang hindi na niya makikitang muli ang sinuman sa amin. Nakapagdalaw na kami sa kanya lahat nitong mga taon, sumusulat kami sa kanya, naglalagay ng salapi sa kanyang pambilangguang ipunan. Siya’y naging malaking bahagi na nang aming buhay, ngunit ngayon ay tumatalikod kami sa kanya.

Hinahayaang Maalis ang Kawit

Pagkalipas ng apat na taong walang pakikipag-alam, bumalik ako upang makita si Papa sa piitan. May sarili na akong anak na lalaki, at hindi ko maarok na kailanma’y saktan siya, lalo na nang nalaman kong ang Papa ay inupahan din ang mga lalaki na patayin din ang aking mga kapatid at ako. Nagnais ako ng ilang mga sagot, ngunit ang unang bagay na ginawa niya ay humingi ng paumanhin sa akin para sa kanyang nagawa kay Mama, sa mga kapatid ko, at sa akin. Siya ang lalaking ni-kailan ay humingi ng tawad para sa anuman. Ako’y hindi naniwala, ngunit ang natutunan ko’y kapag narinig mo ang tao na naghahayag ng pagsisisi, ikaw ay simulang malunasan. Ang sunod na kanyang sinabi ay, “Jim, sa wakas ay ihinabilin ko ang aking buhay sa Diyos at naging Kristiyano matapos kong maranasan ang pinakailalimanlaliman dito sa bilangguan.”

Para sa sumunod na taon, dumalaw ako sa Papa nang minsan lamang sa isang buwan. Sa yaong panahon, ako’y dumulog sa isang kaparaanan ng pagpapatawad. Sa simula nito, tila’y hindi maaring mapatawad ang papa mo sa pagpatay ng iyong mama. Nakikipagtungo ako sa napakaraming mga biktima ng krimen. Ang aking natutunan ay kapag hindi ka nagpapatawad ng may sala o sinumang nakasakit sa iyo, ika’y nagiging mapait, galít, at malungkutin. Hindi ko nais na mapasailaliman pa ng Papa, kaya pinatawad ko siya, hindi upang siya’y makawala sa kawit, ngunit upang mahayaan ang sarili kong makawala sa kawit. Hindi ko ninais na maging isang mapait, galít, malungkuting ginoo. Sa kaparaanan nitong pakikipagsundo, nagsalita ako para sa Mama, na napagkaitan ng kanyang tinig. Lumipas ang yaong taon, sa pagtalakay namin ng mga bagay, nakita ko ang pagbago ng buhay sa Papa.

Halos isang taon matapos kong tinuloy ang pakikipag-alam, ako’y tumanggap ng tawag mula sa kapelyan ng piitan na sinabihan akong nagdanas si Papa ng anyorismo sa utak. Siya’y utak-patay, kaya kami’y kailangang magpasya na tanggalin siya sa panghalinhinang panghinga, na madaling pakinggan, ngunit hindi. Sa kabila ng lahat, mahal ko pa rin siya. Hiningi namin ang kanyang bangkay upang hindi kami magkaroon ng alaala na nalibing ang aming ama sa kapaligiran ng piitan. Kami’y nabigla nang makita namin ang tanod at ang kapelyan ng piitan sa paglibing, at sinabihan kami na, para sa unang pagkakataon, ang pahintulot ay naibigay na ganapin ang pang-alaalang pagtitipon para aming papa sa kapilya ng piitan. Nang kami’y dumalo, umupo kami sa harap na hanay kasama ng 300 na mga bilanggong nakaupo sa likod namin, na pinaliligiran ng mga bantay. Sa sumunod na mga tatlong oras, ang mga lalaki ay pumunta sa mikropono, isa-isa, tumingin nang tuwid sa aming mga mukha, at ibinahagi sa amin ang mga salaysay nila ng kung paano sila nagbalik-loob kay Kristo dahil si Papa ay naibahagi ang kanyang pananalig sa kanila at nagbago ang mga buhay nila. Sa pag-amin at pagsisisi sa kanyang mga maling pasya, pananagot sa mga ginawa niya, at paghingi ng tawad sa Diyos, naidala niya ang kanyang buhay sa bagong gawi at napatnubayan ang mga ibang kasama niya. Kapag marinig mo ang isang taong magsalita nang ganyan, ito’y mabisa—ang 300 ay napakalaki.

Ako’y nagsimulang manalumpati sa mga simbahan, mga piitan, at sa mga palatuntunan ng pagpapanumbalik ng katarungan—sa mga biktima at mga may salang nagnanais na masaayos muli ang buhay, ibinabahagi ang aming salaysay ng panunumbalik pagkalipas ng kaparaanan ng pagpapatawad. Paulit-ulit kong nasaksihan kung paano makapagbabago ang mga tao. Tuwing ibabahagi ko ang salaysay namin, kailangan kong parangalan ang kapwa mga magulang ko—si Mama para sa tahas na alaalang naiwan niya sa aming mga buhay at si Papa para sa kapasyahan niyang pagsisihan nang totoo ang mga sala niya. Ang pagwakas ng aming salaysay ay yaong nakayanan naming makita kung papaano ang Diyos na mamagitan sa kakila-kilabot na mga katayuan at maipagbago ito sa mabuti. Ang aming natutunan tungkol sa pagsisisi at pagpapatawad ay nagawa kaming higit na mabuting mga asawang lalaki at mga ama dahil kusa naming magbigay sa mga mag-anak namin ng higit na mabuting bagay. Natutunan namin sa pamamagitan ng mapait na karanasan na upang tunay na magsisi, dapat kang laging magsisisi, at upang tunay na magpatawad, dapat kang laging magpapatawad, hindi isang ulit, ngunit paulit-ulit.

ANG ARTIKULO ay batay sa pagpapatunay ni Jim Buffington at kanyang mga kapatid na lalaki sa Shalom World na palatuntunang “Seventy Times Seven.” Upang mapanood ang bahagi, dalawin ang: shalomworld.org/episode/forgiving-their-mothers-murderer

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles