Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 16, 2022 831 0 Rosanne Pappas, USA
Makatawag ng Pansin

NANG PILIIN NIYA ANG PAGBIBIGAY BUHAY

Hindi ko siya kilala maski noon pa … pero ang sabi niya iniligtas ko ang kanyang buhay…

Bisperas noon ng ika-4 ng Hulyo. Si Bella, ang aking labinlimang taong gulang na anak na babae at ilan sa kanyang mga kaibigan ay nasa itaas na naglalaro ng mga video games. Bumaba sila ng hagdan at pumunta sa kusina kung saan kami nag-uusap ng aking asawa.

“Ma, gutom na kaming lahat. Pwede ka bang gumawa ng grilled cheese sandwich para sa amin,” tanong ni Bella?

“Oo naman,” sabi ko.

“May gustong itanong sa iyo si Randy,” sabi ni Bella.

Naglakad si Randy patungo sa kalan.

“Isang beses ka nang nakapunta dito, hindi ba?” sabi ko sa kanya sabay kuha ng kawali at binuksan ang kalan.

 “Oo isang buwan ng nakakaraan,” sagot niya na may malaking ngiti.

“Tama. Taga saan Ka?” Ang tanong ko.

“Buweno ang aking pamilya ay nagmula sa Morocco,” sabi niya.

Ang Panimula

Si Randy ay may matamis at mabait na presensya. Hindi ako sigurado kung nag-aral siya sa mataas na paaralan kasama si Bella o kung nagkita sila sa pamamagitan ng social media, mga larong football o sa isang kasayahan

“Wow, kakaiba,” sabi ko na may malaking ngiti. ” Nag-aaral ka rin ba sa eskuwelahan ni Bella?”

“Hindi,” sabi niya. “Nagkita kami ngayong tag-init sa aplaya.”

“Oh, okay, ano ang tanong mo Randy?”

“Pinagpaliwanagan mo ba ang nanay ko tungkol sa pagpapalaglag noong ipinagbubuntis niya ako?”

Ako ay ganap na nagulat. Sino siya? Saan siya nakatira, nagtataka ako habang nakatitig sa kanya, nagugulo ang utak ko para alalahanin kung nakipag-ugnayan ba ako sa kanyang ina matagal ng panahon.

Natitiyak kong hindi ako iyon hanggang sa tumingin ako kay Bella at Randy na magkatabi. Bigla kong naalala ang pakikipag-ugnayan sa isang dalaga noong buntis ako kay Bella.

“Ano ang pangalan ng iyong ina?” nagtanong ako

“Maryam,” sabi niya.

Ang panginginig ay dumaloy sa aking gulugod. Paano napunta ang kanyang anak sa aking kusina … at mga kaibigan ni Bella? Tinignan ko siya sa mukha.

“Oo ginawa ko.” Sabi ko.

Lumapit sa akin si Randy at inakbayan ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Iniligtas mo ang buhay ko. Iniligtas mo ang buhay ko. Salamat. Salamat,” tuloy-tuloy niyang sabi.

Nakatayo kami sa kusina at mahigpit na magkayakap ng ilang minuto.

Kamustahan

Humarap ako sa asawa ko, “Naniniwala ka ba dito?

“Hindi, hindi ko mapaniwalaan ,” sabi niya, na nakatinging hindi pa rin makapaniwala.

Tinawagan ni Randy ang kanyang ina at isinali niya sa aming pag-uusap. Tapos iniabot niya sa akin ang telepono.

“Hiniling ko sa Diyos na tulungan akong mahanap kang muli at ginawa Niya! Akalain mo bang si Bella at Randy ay magkaibigan,” sabi ni Maryam na nabasag ang boses dahil sa emosyon.

“Hindi ko mapaniwalaan ang alinman sa ito Maryam. Sa totoo lang, nalulula ako,” sabi ko.

Bago namin ibinaba ang telepono, gumawa kami ng mga plano na magsama-sama para ‘mag-kamustahan’ sa huling labinlimang taon ng aming buhay. Patuloy na napapa-iling ang asawa ko.

“Naalala ko noong umuwi ka ng gabing iyon. Sinabi ko sa iyo na baliw ka para kausapin at pigilan siya tungkol sa pagpapalaglag,” sabi niya.

Naalala ko ang gabing iyon halos labing-anim na taon na ang nakakaraan. Sabado noon, at nasa hapunan ako kasama ang aking mga kapatid na babae at ilang kaibigan. Umupo ako sa unahan ng mesa dahil ipinagdiriwang namin ang aking ikaapat na pagbubuntis. Ang aming tagapag-silbi ay isang maganda, at may eleganteng maitim na buhok na dalaga na buntis din.

Isang Kayamanan sa Loob

Pagkatapos ng hapunan, iniabot sa akin ng waitress ang aking mga natirang pagkain at saka tumabi sa akin at bumulong, “Sana maipagdiwang ko rin ang aking pagbubuntis, ngunit hindi ko magawa. Mayroon akong naka-iskedyul na pagpapalaglag sa darating na Miyerkules ng umaga.”

Nagulat ako at nalungkot.

“Bakit ka magpapalaglag?” Tanong ko.

“Hindi ako kasal, at sa aking sariling bansa ay itatapon ang aking mga magulang mula sa kanilang bayan at mawawalan ng negosyo kung may makaalam na ang kanilang anak na babae ay buntis at hindi kasal.”

“Nakakatakot naman, ngunit paano nila malalaman?”

“Malalaman nila. Hindi mo naiintindihan,” sabi niya.

“Tama ka, hindi ko maaaring maunawaan, pero ang alam ko ay nais ng Diyos na magkaroon ka ng anak na ito , kung hindi hindi Niya ito ibibigay sa iyo.”

”Hindi ako Kristiyano tulad mo, Muslim ako. Wala akong katulad ng Diyos mo,” sabi niya.

“Oo, meron ka. Iisa lang ang Diyos,” sabi ko.

“Kami ng boyfriend ko ay naghihirap; napakasama ng mga bagay na nangyayari sa pagitan namin.”

“I’m sorry na nahihirapan ka. May tatlo pa akong anak. Noong maagang natuklasan ang panganay ko na may kakaiba at nakamamatay na sakit, hindi namin akalain na makakasama pa namin siya hanggang ngayon. At ngayon sa edad na 42 ay buntis ako sa aking ikaapat na anak at nahaharap sa aking ikaapat na cesarean section. Pero sa kabila nun, masasabi ko sa iyo na kahit anong mangyari sa inyo ng boyfriend mo, at sa kabila ng mahirap mong sitwasyon, itong batang ito ang magiging kayamanan mo, makikita mo.”

“Wala akong kahit na sino, hindi ko magagawa ito.”

“Nandito ako para sa iyo. Ibigay mo sa akin ang iyong numero at tatawagan kita sa umaga.”

Napatingin ako sa nametag niya habang mabilis niyang isinulat ang cell phone number niya sa lalagyan ng pagkain ko at nagpaalaman na kami.

Tinawagan ko si Maryam kinaumagahan. Ipinaliwanag niya ang kanyang sitwasyon sa pananalapi at ibinahagi ang ilan sa mga detalye ng kanyang relasyon sa kanyang kasintahan. Naintindihan ko na kung bakit naisip niya na ang tanging paraan ay ang pagpapalaglag. Hindi ko maisip kung ako ang nasa kalagayan niya. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa isang lokal na sentro ng pagbubuntis at ibinigay sa kanya ang kanilang numero ng telepono.

Laban sa Lahat ng Hirap

Isang araw bago ang nakatakdang pagpapalaglag niya, tinawagan ko ulit si Maryam. Ibinahagi niya ang kamangha-manghang balita na tutulungan siya ng pregnancy center at kinansela niya ang kanyang pagpapalaglag. Nagpatuloy kami sa paminsan-minsang pag-uusap tungkol sa aming pagbubuntis, ngunit nang maipanganak ang aming mga sanggol ay nawalan na kami ng komunikasyon sa isa’t isa.

Napatingin ako kay Randy.

“Ang iyong ina ay isang magandang dalaga na nabuntis at natagpuan ang kanyang sarili sa isang gulo na walang pag-asa. Noong gabing nagkita kami, pakiramdam niya nag-iisa siya, nawawala, at puno ng kahihiyan. Ang ginawa ko lang ay pinaalalahanan ko siya na ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga bahay ng kahihiyan, ang tao ang gumagawa nito. Gumagawa Siya ng mga bahay ng biyaya, at nais Niyang bigyan siya ng walang katulad na kayamanan sa pamamagitan mo. Ang tapang ng iyong nanay na buhayin at itaguyod ka laban sa lahat ng hirap ay isang kabayanihan . Nagpapasalamat ako na isa ako sa maliliit na piraso na isinama ng Diyos sa ganitong pagkakataon ng isang pagtatagpo.

Lumingon ako kay Bella.

“At ikaw ay naging mahalagang bahagi rin nito, dahil hinding-hindi magtatapat si Maryam sa akin kung hindi rin ako buntis.”

Dumilat nang husto ang magandang hugis almond na mga mata ni Bella habang nakangiting may pagmamalaki.

Ang pagmamahal kay Maryam at pakikinig sa kanya noong gabing iyon ay naging madali para sa akin. Pagkatapos ng lahat, hindi naman siya ang aking walang asawa, at buntis na anak. Naiisip ko lang kung ganoon din ba ang magiging reaksyon ko kung anak ko iyon? Ang pakikisalamuha ko kay Maryam ay humahamon sa akin na maging isang ina na tumutugon sa mga pagkakamali at pagkukulang ng aking mga anak nang may kasamang biyaya at paniniwala sa kanilang kabutihan kaysa sa kahihiyan at paghatol. Gusto kong ako ang taong nilalapitan nila kapag sila ay may problema para ipaalala ko sa kanila na hindi sila ang kanilang mga pagkakamali. Gusto kong malaman nila na marami akong nagawang gulo sa buhay ko dahil sa aking mga pagkakamali, pagkukulang at kasalanan, ngunit sa pamamagitan nila naranasan ko ang tumutubos at nagpapabagong pag-ibig ng Diyos, at magagawa rin nila ito.

Share:

Rosanne Pappas

Rosanne Pappas is an artist, author, and speaker. Pappas inspires others as she shares personal stories of God’s grace in her life. Married for over 35 years, she and her husband live in Florida, and they have four children.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles