Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 04, 2021 553 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

NANANALIG AKO SA…

Sa isang napakainit na hapon, siya at naglakad sa kalye. Walang natira para sa mga bata sa bahay ampunan, kaya’t siya ay namalimos. Pagdating sa isang kalapit na tindahan ng tsaa, inilahad niya ang kanyang kamay, nagsusumamo sa tindero na bigyan siya ng anuman para sa kanyang mga sawim-palad na mga bata.

Dumura ang lalaki sa palad ng babae. Walang pag-aalinlangan, marahan niyang pinunasan ng gilid ng kanyang sari ang kanyang kamay at inilahad ang kabila. Nagsalita siya sa isang ding mahinang tinig, “Nagpapasalamat ako sa iyo para sa ano mang ibinigay mo sa akin. Hinihiling ko sa iyo na huwag dumura sa kamay na ito, sa halip ay bigyan ako ng anumang bagay para sa aking mga anak.”

Ang tindero ay namangha sa kanyang kababaang-loob. Humingi ito ng kapatawaran at ang pangyayari ay nagtatak ng napakalaking pagbabago sa kanya. Mula noon, siya ay naging isang mapagbigay na taga-ambag sa kapakanan ng mga bata sa kanyang ampunan. Ang babaeng nakasuot ng puting sari na may asul na guhit ay si Mother Teresa ng Calcutta.

Ang kababaang-loob, ayon kay Santa Teresa ng Calcutta, ay ang ina ng lahat ng mga katangian. Itinuro niya na “Kung ikaw ay mapagkumbaba walang makakabagbag sa iyo, ni papuri o kahihiyan, sapagkat alam mo kung ano ka. Kung ikaw ang sisisihin hindi ka panghihinaan ng loob. Kung tatawagin ka nilang santo hindi mo ilalagay ang iyong sarili sa isang pedestal.”

Ngayon ang kababaang-loob ay madalas na hindi maunawaan. Tinatanggap ito ng ilan bilang pagkakapoot sa sarili. Ngunit madaming mga Santo ang nakaunawa na ang kababaang-loob ay paraan upang maitarak sa ulo ang mabuting pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos kaysa pananalig sa sarili.

Dumanas ba si Mother Teresa ng mababang pagtingin sa sarili? Syempre hindi. Kung ganun ang nangyari, paano siya naglakas-loob na magsalita laban sa pagpapalaglag ng sanggol sa Agahan ng Pambansang Pananalangin noong 1993 sa harap mismo ni Pangulong Bill Clinton, Pangalawang Pangulo pr Al Gore, at kanilang mga asawa.

Kadalasan umaasa tayo sa ating sarili, at iyon ang nagiging pinakamalaking hadlang sa pagiging malapít natin sa Diyos. Sa pagsusuot ng birtud na kababaang-loob, si Mother Teresa ay naging mas malapit sa Diyos at naging isang buhay na pinakadiwa ng pagbigkas ni Paul, “Kaya kong gawin ang lahat ng bagay kay Cristo na nagpapatatag sa akin” (Mga Taga Filipos 4:13).

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles