Mula sa pagiging malusog na mag aaral sa pamantasan hanggang sa paraplegic, tumanggi akong makulong sa upuang de gulong …
Sa mga unang taon ng Pamantasan, napadausdusan ako ng isang disc. Tiniyak sa akin ng mga doktor na ang pagiging bata at aktibo, physiotherapy, at mga ehersisyo ay makakapagpabuti sa akin, ngunit sa kabila ng lahat ng pagsisikap, araw-araw akong nasasaktan. Nagkaroon ako ng mga talamak na yugto bawat ilang buwan, na nagpapanatili sa akin sa kama nang ilang linggo at humantong sa paulit-ulit na pagbisita sa ospital. Gayunpaman, pinanghawakan ko ang pag-asa, hanggang sa nadulas ako ng pangalawang disc. Doon ko napagtanto na nagbago na ang buhay ko.
Ipinanganak ako sa Poland. Ang aking ina ay nagtuturo ng teolohiya, kaya ako ay pinalaki sa pananampalatayang Katoliko. Kahit na noong lumipat ako sa Scotland para sa Pamantasan at pagkatapos ay sa England, pinanghawakan ko ito nang husto, marahil hindi sa paraang gawin o mamatgay, ngunit palagi itong nandiyan.
Ang unang yugto ng paglipat sa isang bagong bansa ay hindi madali. Ang aking tahanan ay naging isang pugon, na ang aking mga magulang ay nag-aaway sa isa’t isa sa halos lahat ng oras, kaya ako ay halos tumakas sa dayuhan na lupaing ito. Iniwan ang aking mahirap na pagkabata, nais kong tamasahin ang aking kabataan. Ngayon, ang sakit na ito ay nagpapahirap sa akin na huminto sa mga trabaho at panatilihing balanse ang aking sarili sa pananalapi. Nagalit ako sa Diyos. Gayunpaman, hindi siya pumayag sa aking pagalis.
Nakulong sa bahay sa matinding sakit, ginamit ko ang tanging magagamit na libangan—ang koleksyon ng mga relihiyosong aklat ng aking ina. Dahan-dahan, ang mga retreat na dinaluhan ko at ang mga librong nabasa ko ay umakay sa akin na matanto na sa kabila ng aking kawalan ng tiwala, talagang gusto ng Diyos na patatagin ang aking relasyon sa Kanya. Ngunit hindi pa rin ako lubos na nagagalit na hindi pa Niya ako pinapagaling. Sa kalaunan, naniwala akong galit ang Diyos sa akin at ayaw akong pagalingin kaya naisip kong baka madaya ko siya. Nagsimula akong maghanap ng banal na pari na may magandang ‘statistics’ para sa pagpapagaling upang ako ay gumaling kapag ang Diyos ay abala sa paggawa ng ibang mga bagay. Hindi na kailangang sabihin, hindi iyon nangyari.
Katulad nang isang araw sa isang grupo ng panalangin, napakasakit ng pakiramdam ko. Natatakot sa isang nagbabadyang matinding kaganapan, nagbabalak akong makaalis nang tanungin ng isa sa mga kasapi doon kung mayroong karamdaman sa katawan na nais kong padasalan. May dinadanas akong ilang kaguluhan sa trabaho, kaya ang sabi ko ay oo. Habang nagdadasal sila, nagtanong ang isa sa mga lalaki kung may karamdaman ako na kailangang kong ipadasal. Nasa pinakababa sila sa aking listahan ng ‘ranggo ng pagpapagaling’, kaya hindi ako nagtiwala na makakatanggap ako ng anumang ginhawa, ngunit sinabi ko pa din ang ‘Oo’. Nagdasal sila at nawala ang sakit ko. Umuwi ako, wala pa rin. Nagsimula akong tumalon at umikot at gumalaw, at okay pa rin ako. Ngunit walang
Kaya, tumigil ako sa pagsasabi sa mga tao; sa halip, nagpunta ako sa Medjugorje upang pasalamatan ang ating Ina. Doon, nakatagpo ko ang isang ginoo na nagre-reiki at ninais na pagdasalan ako. Tumanggi ako, ngunit bago lumisan ay binigyan niya ako ng isang paalam na yakap na nagdulot sa akin ng pag-aalala dahil naalala ko ang kanyang mga salita na ang kanyang dampi ay may kapangyarihan. Hinayaan kong manaig ang takot at maling pinaniwalaan ko na ang damping ito ng kasamaan ay mas malakas pa sa Diyos. Nagising ako kinaumagahan nang may matinding sakit, hindi ako makalakad. Makalipas ang apat na buwang kaginhawahan, nagbalik ang sakit ko nang napakatindi na inisip kong hindi ko na kaya pang makabalik sa UK
Nang ako’y magbalik, napag-alaman ko na ang aking mga disc ay sumasanggi sa mga ugat, na nagdudulot ng mas matinding sakit nang ilang buwan. Pagdaan ng anim o pitong buwan, nagpasya ang mga doktor na kailangan nilang gawin ang mapanganib na pamamaraan sa aking gulugod na matagal na nilang pinagpapaliban. Napinsala ng operasyon ang isang ugat sa aking binti, at ang aking kaliwang binti ay paralisado mula sa tuhod. Isang panibagong paglalakbay ang nagsimula doon mismo, isang naiiba.
Sa pinaka-unang pagkakataon na dumating ako sa bahay na naka-upuang may gulong, takot na takot ang aking mga magulang, ngunit ako ay puno ng kagalakan. Nasiyahan ako sa lahat ng teknolohikal na bagay…sa tuwing may pumindot ng button sa aking upuang may gulong, sabik akong parang bata.
Iyon ay makalipas ang Pasko, nang magsimulang umurong ang aking paralisis na napagtanto ko ang lawak ng pinsala sa aking mga ugat. Saglit akong napasok sa isang ospital sa Poland. Hindi ko malaman kung papaano ako mabubuhay. Basta nanalangin ako sa Diyos na kailangan ko ng isa pang pagpapalunas: “Kailangan Kitang makitang muli dahil alam kong kaya Mong gawin ito.”
Kaya, nakahanap ako ng serbisyo sa pagpapalunas at naniwala ako na ako’y gagaling.
Sabado noon at noong una ay ayaw magpunta ng aking ama. Sinabi ko na lang sa kanya: “Hindi mo nais na makaligtaan kapag ang iyong anak na babae ay gumaling.” Ang naunang talakdaan ay may misa, na sinundan ng serbisyo ng pagpapagaling kasama ang Pagsamba. Subalit nang kami ay dumating, sinabi ng pari na kinailangan nilang baguhin ang plano dahil ang pangkat na dapat mamuno sa serbisyo ng pagpapagaling ay wala doon. Naaalala kong nag-iisip ako na hindi ko kailangan ng anumang pangkat: “Kailangan ko lang si Hesus.”
Nang magsimula ang misa, wala akong nadinig ni isang salita. Nakaupo kami sa gilid kung saan may larawan ng Banal na Awa. Tumitig ako kay Hesus na parang hindi ko pa Siya dating nakita. Ito ay isang nakamamanghang larawan. Napakaganda Niya! Hindi ko na nakita pa ang larawang iyon saan man matapos noon. Sa buong Misa, binalot ng Banal na Espirito ang aking kaluluwa. Sinasabi ko lamang sa isip ko ‘Salamat sa Iyo’ kahit hindi ko alam kung ano ang ipinagpapasalamat ko. Hindi ako nakahiling ng paglunas, at iyon ay nakakasiphayo dahil kinailangan ko ng lunas.
Nang magsimula ang pagsamba, hiniling ko sa aking ina na dalhin ako sa harapan, nang mas malapit kay Hesus hangga’t maaari. Doon, nakaupo sa harap, naramdaman kong may humihipo, at minamasahe ang likod ko. Nagiging mainit-init at maginhawa na kaya’t pakiramdam ko ay matutulog na ako. Kaya, nagpasiya akong maglakad pabalik sa bangko, nakalimutan kong hindi ako ‘makalakad.’ Basta’t naglakad ako pabalik at sinundan ako ng aking ina daladala ang aking mga saklay, pinupuri ang Diyos, nagwiwikang: “Naglalakad ka, Naglalakad ka.” Ako ay napagaling, ni Hesus sa Banal na Sakramento. Saglit lang pagkaupo ko, nadinig ko ang isang tinig na nagsasabi: “Ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo”
Sa aking isipan, nakita ko ang larawan ng babaeng humipo sa balabal ni Hesus nang Siya ay padaan. Ang kanyang kwento ay nagpapaalala sa akin ng sarili kong kwento. Walang nakatulong hanggang sa umabot ako sa puntong ito kung saan nagsimula akong magtiwala kay Hesus. Dumating ang paglunas nang tanggapin ko Siya at sabihin sa Kanya: “Ikaw ang tangi kong kailangan.” Nawalan nang lahat ng mga kalamnan ang kaliwa kong binti at maging iyon ay nanumbalik sa isang magdamagan. Makahulugan ito sapagkat sinusukat ito ng mga doktor noon, at nakita nila ang isang kamangha-mangha, di maipaliwanag na pagbabago.
Sa pagkakataong ito nang natanggap ko ang paglunas, nais kong ibahagi ito sa lahat. Hindi ako nahiya. Nais kong malaman ng lahat kung gaano kahanga-hanga ang Diyos at kung gaano Niya tayo kamahal. Hindi ako natatangi at wala akong ginawang natatangi upang makatanggap ng kagalingang ito.
Gayon din, ang malunasan ay hindi nangangahulugan na ang aking buhay ay naging lubhang maginhawa sa isang magdamagan. May mga paghihirap pa din, ngunit higit na mas magaan. Dinadala ko sila sa Eucharistic Adoration at binibigyan Niya ako ng mga kalutasan, o mga ideya kung paano ko sila haharapin, pati na ang katiyakan at pagtitiwala na haharapin Niya ang mga ito.
Ania Graglewska ay isang madamdaming ebanghelista at ang tagtatag at pinuno ng Cenacle, isang charismatic prayer group. Naninirahan siya sa London, UK.
T – Ako’y laging napupuspos ng pag-aalala--tungkol sa pamilya ko, kalusugan ko, pananalaping katayuan ko, hanap-buhay ko. Kahit pati ang tungkol sa kung ako’y ligtas sa wakas o hindi ay ikinababalisa ko. Papaano ako makatatagpo ng kapayapaan ng puso sa lahat ng mga takot na ito? S – Makabuluhan na ang kasabihang “Huwag kang matakot” ay isinasaad nang 365 na ulit sa Bibliya—isa para sa bawa’t araw ng taon. Batid ng Diyos na kakailanganin natin ang pangkaarawang mga paalala na Siya ang namumuno at maihahabilin natin ang ating mga takot sa Kanya! Maaaring mahirap na paniwalaan na ang bawa’t tagpo sa ating buhay ay napasasakamay na ng isang lubusang mapagmahal na Diyos. Ngunit kapag titignan natin ang katapatan ng Diyos at hindi ang ating mga suliranin, biglaan nating mauunawaan kung paano makapagdadala Siya ng kabutihan na manggagaling sa bawa’t bagay. Bilang halimbawa, basahin mo ang mga Kasulatan at masdan kung paanong naging tapat ang Diyos sa dakilang mga bayani ng Bibliya! Sa Lumang Tipan, si Jose ay ipinagbili sa pagkaalipin sa Ehipto at itinapon sa bilangguan. Ngunit ipinagbago ng Diyos ang kapahamakan na ito bilang pagkakataon sa ikauna upang si Jose ay umalsa sa pamahalaan ng Ehipto at kasunod ay upang mailigtas ang kanyang mag-anak sa pagkakagutom na puminsala sa bayan. O, sa Bagong Tipan, si Pablo ay nabilanggo, at ang kanyang buhay ay pinagbantaan nang ilang ulit, at sa bawa’t ulit, ang Diyos ay sinagip siya mula sa kanyang mga kaaway. Masdan mo ang mga buhay ng mga santo—pinabayaan ba sila ni- minsan ng Diyos? Isipin mo si San Juan Bosco—maraming mga tao ang tumutugis sa buhay nitong banal na pari, ngunit sa bawa’t panahon ay naghandog ang Diyos ng kahima-himalang patnubay—isang malaking aso na kulay-abo ang nagpapakita sa bawa’t tagpo upang siya’y bantayan! Isipin mo si San Francisco, siya’y nabihag sa digmaan at nabilanggo nang isang taon—at ang yaong taon ay naging karanasan ng kanyang pagbabagong-loob. Isipin mo si Biyato Carlo Acutis, ang binatang namatay ng lukemya sa gulang na labinlima at papaano nakinabang ang Diyos sa dakilang kabutihan ng yaong maagang pagpanaw pagka’t milyon-milyong mga tao ay napukaw ng kanyang salaysay at halimbawa. Maisasabi ko sa iyo na ang aking pinakamagulong tagpo—noong ako’y pinaalis ng eskuwela at pinayuhang talikdan ang aking pangarap na pagpapari—ay nagwakas bilang isa sa mga pinakabiniyayaan at pinagpalang karanasan ng aking buhay, nang binuksan nito ang pintuan sa pagpapari, sa ibang higit na mabuting diyosesis na magagamit ko ang mga handog at mga biyayang naibigay sa akin para sa Kanyang luwalhati. Ito’y nasa pagbabalik-tanaw lamang na nabatid ko ang pakikipaglahok ng Diyos sa buhay ko. Ngunit ang mga paraan na pag-iingat ng Diyos at pag-akay nang higit na malapit sa Kanya noong nakaraan ay nagdulot sa akin ng tiwala na Siya na matapat noon ay magiging matapat sa kinabukasan. At ngayon, lumingon ka sa sarili mong buhay. Paano mo na nakita ang Diyos na pumapasaloob sa iyo? Pagtampulan mo kung ano ang ipinangako ng Diyos sa Kasulatan. Siya’y hindi nangako sa atin ng maginhawang buhay—Siya’y nangako na kailanma’y hindi Niya tayo pababayaan. Ipinangako Niya na “walang mata ang makakakita, walang tenga ang makaririnig ng ano ang inihanda ng Diyos sa mga nagmahal sa Kanya.” Siya’y ni-kailanma’y nangako na ang buhay ay mananatiling makinis, ngunit nangako Siya na “lahat ng mga bagay ay magsisilbi nang pangmatagalan para sa mga umiibig sa Kanya” (Romano 8:28). Ito ang mga pangako na maisakakatiwala natin ang ating mga buhay. Bilang wakas, idasal mo ang Litanya ng Buhay. Ang mga Sisters of Life sa Nuweba Yorka ay isinulat itong magandang litanya na nag-aanyaya sa atin na ihabilin natin ang ating mga pag-aalala sa Diyos. Isinasaad nito nang bahagya: Mula sa pag-aalala, iadya mo ako, Hesus. Mula sa mabagabag na pansariling paghahanap, iadya mo ako, Hesus. Mula sa pagkawalang-tiwala sa Iyong pag-ibig at Iyong pag-iral, iadya mo ako, Hesus. Patuloy mong idasal ang maikling panalangin: Hesus, nananalig ako sa Iyo! At mapupuno Niya ang iyong puso ng kapayapaang nakahihigit pa sa lahat ng katalinuhan.
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreQ – Bakit mga lalaki lang ang pwedeng maging pari? Hindi ba iyan nagdidiskrimina sa mga babae? A – Ang katawan ay may maraming bahagi, bawat isa ay may natatanging papel na dapat gampanan. Ang isang tainga ay hindi maaaring maging isang paa, at ang isang mata ay hindi dapat magnanais na maging isang kamay. Para gumana nang maayos ang buong katawan, ang bawat bahagi ay may mahalagang papel na dapat gampanan. Katulad din sa Katawan ni Kristo (ang Simbahan), maraming iba't iba at magagandang komplementaryong tungkulin na dapat gampanan! Hindi lahat ng tao ay tinawag para maging pari, ngunit lahat ay tinawag para maging mga banal sa kanilang sariling partikular na bokasyon. Ang pagkasaserdote ay nakalaan sa kalalakihan sa ilang kadahilanan. Una, si Jesus Mismo ay pumili lamang ng mga tao upang maging Kanyang mga Apostol. Ito ay hindi lamang dahil sa kultura ng panahon, gaya ng sinasabi ng ilan. Madalas nilalabag ni Jesus ang mga pamantayan sa kultura sa Kanyang pakikipag-ugnayan sa mga babae—Nakipagkulitan Siya sa babaeng Samaritana, tinanggap Niya ang mga babae sa Kanyang piling kasamahan, pinili Niya silang maging unang saksi sa Pagkabuhay na Mag-uli. Ipinagkaloob ni Jesus ang kahanga-hangang dignidad at karangalan sa mga kababaihan, tinatrato sila bilang pantay-pantay—ngunit hindi Niya sila pinili para sa natatanging tungkulin bilang Apostol. Maging ang Kanyang sariling ina na si Maria, na mas banal at mas tapat kaysa sa lahat ng iba pang mga Apostol, ay hindi pinili bilang isang Apostol. Ang mga Apostol ay ang mga unang obispo, at lahat ng mga pari at obispo ay maaaring matunton ang kanilang espirituwal na angkan sa mga Apostol. Ang pangalawang dahilan ay dahil kapag ang isang pari ay nagdiriwang ng mga Sakramento, siya ay nakatayo “in persona Christi” (sa katauhan ni Kristo). Hindi sinasabi ng isang pari, “Ito ang Katawan ni Kristo”—hindi, sabi niya, “Ito ang AKING Katawan”. Hindi niya sinasabing “Pinapatawad ka ni Kristo” kundi, “Pinapatawad kita.” Nanginginig ako, bilang isang pari, na kunin ang mga salita ni Kristo bilang sarili ko! Ngunit habang ang pari ay nakatayo sa katauhan ni Kristo na Katipan, na nagbibigay ng kanyang sarili sa Kanyang Katipan (ang Simbahan), nararapat na ang isang pari ay lalaki. Ang huling dahilan ay dahil sa pagkakasunud-sunod ng paglikha. Una nating nakita ang Diyos na lumikha ng mga bato at bituin at iba pang mga bagay na walang buhay. Maliit na bagay. Pagkatapos ay nilikha ng Diyos ang mga halaman—mayroon tayong buhay! Pagkatapos, nilikha ng Diyos ang mga hayop—buhay na gumagalaw at may kamalayan! Pagkatapos ay nilikha ng Diyos ang tao—buhay na ayon sa Kanyang larawan at wangis! Ngunit hindi pa tapos ang Diyos. Ang pinakamataas na punto ng Kanyang nilikha ay babae—ang perpektong salamin ng kagandahan, lambing, at pagmamahal ng Diyos. Ang isang babae lamang ang makapagbibigay ng buhay gaya ng ginagawa ng Diyos; ang isang babae ay nilikha upang maging pamanggit, dahil mahal ng Diyos ang relasyon. Kaya, masasabi ng isang tao na ang babae ang pinakatuktok na nilikha ng Diyos. Ang bokasyon ng pagkasaserdote ay nakasentro sa paglilingkod at pag-aalay ng buhay para sa kawan. Samakatuwid, hindi nararapat na maglingkod ang mga babae sa mga lalaki, bagkus para sa mga lalaki ang maglingkod sa mga babae. Ang mga lalaki ay nilikha upang ipagtanggol, protektahan, at tustusan ang iba—ang pagkasaserdote ay isang paraan kung paano niya isinasabuhay ang tungkuling iyon, habang ipinagtatanggol at pinoprotektahan niya ang mga kaluluwa mula sa Diyablo, at nagbibigay para sa Simbahan sa pamamagitan ng mga Sakramento. Ang isang pari ay dapat na nag-aalay ng kanyang buhay para sa mga kaluluwang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga! Isang modernong pagkakamali ang isipin na ang pamumuno ay katumbas ng kapangyarihan at pang-aapi. Dahil sa orihinal na kasalanan, madalas nating nakikitang inaabuso ng mga tao ang mga tungkulin ng pamumuno, ngunit sa Kaharian ng Diyos, ang mamuno ay paglilingkod. Sa liwanag na ito, ang pagkasaserdote ay isang tawag sa pagsasakripisyo, upang tularan si Kristo hanggang sa Krus. Ito ay isang natatanging papel na panlalaki. Hindi ito nangangahulugan na ang mga kababaihan ay pangalawang uri ng mga mamamayan sa Simbahan! Bagkus, ang kanilang tungkulin ay pantay ngunit magkaiba. Maraming magiting na kababaihan ang nag-alay ng kanilang buhay para kay Kristo bilang mga martir, birhen, dedikadong relihiyoso, mga misyonero, mga pinuno—sa kakaibang paraan na pambabae, nagdadala ng espirituwal na buhay, nag-aalaga ng mga relasyon, pinagkakaisa ang kanilang sarili kay Kristo na Nobyo. Napakagandang bagay na magkaroon ng napakaraming uri ngunit iba't ibang komplementaryong bokasyon sa Simbahan!
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreNakagigiliwan kong manood ng mga lumang palabas. Sa maraming nakaraang buwan, ako’y nakapanood na (o naulit ko nang dalawin) ang dami ng mga nakakikilabot na katha ni Alfred Hitchcock, mga balighong komedya mula sa mga nakaraang taon ng 1930 at 1940, at dalawang klasikong pelikula na may lagay ng kabiguan. Noong isang linggo, sa loob ng tatlong gabi, nagawa kong alpasan ang tatlong oras at apat-na-pung minuto (oo, tumpak ang iyong nabasa) ng salin ni Charlton Heston ng Sampung Mga Utos mula noong 1956. Nang may lugod, binigyan ko ng pansin ang gayong nakagigilalas na makulay na sining, ang mga damit na nakapangingibabaw, ang kahanga-hangang karaniwan na salitaang waring napagbantog ni Shakespeare, at ang may-kalabisang pagganap ng dula na, maaring sabihing, napakasama na napakaganda. Ngunit ang talagang nakapagbigay-pansin sa akin ay ang lubos na haba ng eksena. Pagkat kinakailangan sa manonood na may kamalayang higit sa pangkaraniwang pansin, nakamamanghang gunitain na ito ay mailap na bumantog, madaliang pinakamatagumpay na pelikula ng panahon. Itinantiya na, matapos maisaayos ang namimintog na bayad, ito’y kumita ng takilyang humigit-kumulang na dalawang-bilyong dolyares. Maaari pa rin ba na ang mga manonood ngayong araw, ipinagtataka ko, ay mapagtipunan ng tiyaga na kinakailangan upang makagawa ng pelikula tulad ng Sampung Mga Utos na kasing-bantog ngayong panahon? Ang tanong ay kusang-sagot para sa akin. Ang pagsasalubong ng katakut-takot na haba at kabantugan ay nailagay ako sa paggunita ng mga ibang halimbawa ng ganitong pagkakasama mula sa kasaysayan ng kultura. Noong ikalabing-siyam na siglo, ang mga nobela ni Charles Dickens ay pinaghahanap-hanap na kahit na karaniwang katutubo ng London ay naghintay sa mahahabang pila para sa mga kabanata na inilathala nang baha-bahagi. At harapin natin: hindi karamihan ang nangyari sa mga nobela ni Dickens, na ibig kong sabihin ay napakaunting mga bagay ang lumaganap; walang mga pagsalakay ng taga-ibang planeta; walang masiglang mga pangungusap na binitiwan ng mga bayani bago nila nilipol ang mga masasamang tao. Sa karamihan ng bahagi, ang mga ito ay naglalaman ng mga mahabang salitaan ng mga kaakit-akit at kakaibang kathang-tao. Halos magkatulad ang masasabi sa mga nobela at kuwento ni Dostoevsky. Bagama’t talagang mayroong pagpatay ng tao at pagsisiyasat ng pulisya sa gitna ng masamang balak ng Mga Magkakapatid na Karamazov, para sa malawak na kahigtan ng yaong tanyag na nobela, nagsaayos si Dostoevsky ng iba’t-ibang kathang-tao sa mga silid-guhitan para sa sangkatutak na mga páhina ng salitaan na naglalaman ng mga pampulitika, pangkultura, at relihiyosong bagay. Kasabay ng kapanahunan na ito, si Abraham Lincoln at si Stephen Douglas ay nagsagupa sa serye ng mga pagtatalo hinggil sa nakayayamot na suliranin ng pang-aalipin sa Amerika. Nagsalita sila ng maraming oras sa isang tagpo—at sa malayog na matalinong kaugalian. Kung may duda kayo, mahahanap ninyo ang mga paksa sa makabagong pananaliksik. Ang kanilang mga manonood ay hindi mga matataas sa kultura o mga nag-aaral ng taliksikang pampulitika, bagkus ay karaniwang mga magsasaka ng estado ng Illinois, na nakatindig sa putik, na nagbigay ng punong pamimitagan, at pilit na pinakinggan ang hindi mapalakas na mga tinig ng mga mananalumpati. Masisimulan ba ninyong harayain kahit ang umpukan ng ating bayan ngayong araw na handang tumayo para sa maitutulad na haba ng panahon at makinig sa mga masalimuot na paggawad sa patakarang pampubliko—at sa bagay na ito, mailalarawan ba ninyo sa isip kahit sinong politiko na handa o kayang magsalita nang may kahabaan at kalaliman tulad ni Lincoln? Isang ulit pa, ang mga tanong ay kusang mga sagot. Bakit itong mga paraan at ayos ng pagbibigay-alam ay ginugunita mula sa ibang kapanahunan? Dahil sa pagkakaiba ang atin ay tila may kahinaan! Tiyak kong naiintindihan ang halaga ng panlipunang medya at talagang ginagamit ko ang mga ito sa aking gawaing ebangheliko, ngunit kasabay nito, ako’y may hustong kamalayan kung paano na nila nabawasan ang haba ng ating pansin at kakayahan para sa may-kataasang uri ng pagbibigay-alam at tunay na pag-unlad patungo sa katotohanan. Ang Facebook, Instagram, YouTube, at lalo na ang Twitter ay mapagbihasa sa maparangyang mga balita, mga balighong pamagat, mga mabababaw na paglalarawan ng tayô ng mga katunggali, kagat ng tunog na kapalit ng pakikipagtatalo, at masamang-hangarin na pamamakata. Magsiyasat lamang sa mga lalagyan ng pampunang mensahe sa anumang mga web na ito, at daglian ninyong makikita ang ibig kong sabihin. Ang itinatanging paraan sa panlipunang medya ay ang pagkuha ng isang kataga o kahit isang salita sa pakikipagtatalo ng isang tao, pagpihit nito na may kakaibang kabuluhan, at pagbigay ng pinakamasamang pahulugan na maaaring magkatotoo, at pagsaboy ng poot ng tao saan man sa internet. Bawa’t bagay ay kinakailangang mabilis, madaling mapaniwalaan, payak na maiintindihan, matibay na nalimbag--pagka't kailangan nating makapindot nang madali sa ating web, at ito’y mundo ng aso-kakain-ng- kapwa-aso. Ang aking pinag-aalala ay ang buong salinlahi ay nakarating na nitong panahon na umaasa sa ganitong uri ng pahatiran at kaya sa kalawakan ay hindi kayang magpatawag ng tiyaga at pansin na kinakailangan para sa pagsagupaan ng masasalimuot na mga paksa. Napansin ko ito, maiba ako, sa aking halos dalawampung taon ng pagtuturo sa seminaryo. Sa dalawang mga yaong dekado, lalong naging mahirap para sa akin na hikayatin ang aking mga mag-aaral na magbasá, tulad ng sandaang páhina ng Mga Pagtatapat ni San Agustin o ng Ang Republika ni Plato. Lalo na itong mga kadaraang taon, sasabihin nila, “Padre, hindi ako makapagtipon ng ganoong kahabang pag-iisip.” Buweno, ang mga tagasuri ng mga pagtatalo nila Lincoln at Douglas, at pati ng mga mambabasa ni Dickens, at kahit pati ng mga tumapos ng palabas na Ang Sampung Mga Utos noong nakaraang mga labing-anim-na-pung-taon, ay nakapagbuntong ng ganoong pag-iisip. Kaya upang hindi magwakas sa maputlaing paksa, pahintulutan ninyo akong ituon ang inyong pansin sa itunuturing kong isang hudyat ng pag-asa. Sa loob lamang ng dalawang taon, nagkaroon na ng panibagong takbo sa dako ng mga mahabang ayos ng kung tawagin ay podcast na nakatatawag-pansin sa napakaraming mga manonood na kabataan. Si Joe Rogan, na nangungunang taga-anyaya ng isa sa pinakabantog na mga palabas sa bansa, ay nagsasalita sa kanyang mga panauhin nang mahigit na tatlong oras, at siya ay nakakukuha ng milyong-milyon na pananaw. Sa nakaraang taon, ako’y lumabas na sa dalawang podcast kasama si Jordan Peterson, ang bawa’t-isa ay mahigit na dalawang oras at nagtatampok ng may-kataasang uri ng talumpati at kapwa nakaabot ng halos sangmilyon na mga pananaw . Marahil na tayo ay nakapagbubuti na. Marahil na ang mga kabataan ay napunuan na ng naka-aalipustang mga kagat ng tunog at mababaw na walang katunayang talino. Upang mapasigla itong takbo, inaanyayahan ko kayong lahat na bawasan ang paggamit ng panlipunang medya—at maaaring damputin ang babasahing Mga Magkakapatid na Karamazov.
By: Bishop Robert Barron
MoreIsang espesyal na panayam kay Dr. Thomas D. Jones na nagpunta sa apat na magkakahiwalay na misyon ng sasakyang pangalanggang kasama ang NASA. Sa isa sa mga misyon na iyon, talagang nagawa niyang dalhin ang Eukaristiya! Sabihin mo sa amin kung ano ang pakiramdam na nasa kalawakan na nakatingin sa mga bituin at pabalik sa Mundo. Paano ito nakaapekto sa iyong pananampalataya kay Hesus? Upang matupad ang aking propesyonal na pangarap na lumipad sa Kalawakan, na inaasahan ng bawat astronaut, kinailangan kong maghintay ng halos 30 taon. Kaya ang aking unang paglipad ay ang pagsasakatuparan ng isang pangarap sa pagkabata. Ang pagtingin sa napakalawak na tanawin na ito ng kosmos na nakapalibot sa ating planeta, ay nagbigay sa akin ng pagkakataong isipin kung bakit ako naroon. Napaka-emosyonal na karanasan na tunay na makita ang hindi kapani-paniwalang kagandahan ng uniberso, at ang ating planetang tahanan sa lahat ng magagandang pagkakaiba-iba nito—talagang nakamamanghang. Nadama ko lang ang labis na pasasalamat sa Diyos para sa pagkakataong naroroon nang pisikal—nalulula sa Kanyang biyaya at Presensya. Kilala ka bilang isa sa mga astronaut na nagawang dalhin ang Eukaristiya sa kalawakan. Para sa ating lahat na mananampalataya, iyan ay nakaka-inspire. Maaari mo bang ibahagi ang buong karanasan? Ito ay tiyak na kamangha-mangha sa aming lahat na lumahok. Ang isang tao ay hindi maaaring pumunta kahit saan kasing layo ng espasyo at kalimutan ang tungkol sa iyong espirituwal na buhay. Pananampalataya ang tumulong sa akin na magtagumpay sa Mundo at ito ang parehong pananampalataya na inaasahan kong tulungan akong magtagumpay sa kalawakan. Sa aking unang paglipad noong 1994, sakay ng sasakyang pangalangaang , Endeavour, may dalawa pang Katolikong astronaut. Nang kami ay nagsama-sama upang maghanda para sa 11 araw na misyon, napag-usapan namin kung gaano kasarap dalhin ang Eukaristiya sa kalawakan. Kaya, dahil si Kevin Chilton, ang aming piloto sa paglipad, ay isang pambihirang ministro ng Banal na Komunyon, kami ay nakatanggap ng pahintulot mula sa aming pastor na dalhin ang Banal na Sakramento. Ang bawat sandali ng labing-isang araw na paglipad ay mahigpit na naka-iskedyul, ngunit ang aming Katolikong kumander, si Sid Gutierrez, ay nakahanap ng puwesto mga pitong araw, nang kami ay komportable sa takbo ng misyon, para sa isang sampung minutong serbisyo ng Komunyon. . Kaya, sa Linggo na iyon - ang aming ikalawang Linggo sa kalawakan - huminto kami sa lahat ng gawain ng misyon upang gumugol ng sampung minutong mag-isa sa sabungan kasama ang Diyos na ginawang posible ang lahat ng ito, at ibahagi ang Banal na Komunyon sa Kanya. Sa katunayan, ito ay isang pagkilala na hindi natin mararating ang puntong iyon kung wala ang Kanyang presensya sa atin. Talagang kasiya-siya na dalhin ang ating buhay-pananampalataya sa kalawakan at malaman na Siya ay naroroon, pisikal, kasama natin. Nahirapan ka na bang pagsamahin ang Agham at Pananampalatya? Maaari mo bang ipaliwanag ang kaugnayan ng agham at pananampalataya? Sa kabuuan ng aking propesyonal na karera, marami akong nakilalang mga siyentipiko na espirituwal, at mayroon silang sariling mga kasanayan sa pananampalataya. Dito mismo sa hilagang Virginia, nakilala ko ang ilang Katolikong siyentipiko at inhinyero sa sarili kong simbahan na may matibay na pananampalataya. Naniniwala sila sa Paglikha ng Diyos, at sa inspirasyon ng Bibliya kung paano natin naiintindihan ang uniberso. Sa tingin ko karamihan sa mga tao ay may ilang mga espirituwal na elemento sa kanilang buhay. May kilala akong mga astronaut na hindi pormal na relihiyoso, ngunit lahat sila ay naantig ng espirituwal na karanasan ng paglalakbay sa kalawakan. Kaya nalaman ko na karamihan sa mga tao ay bukas sa kung ano ang ibinubunyag ng uniberso at ng natural na mundo sa ating paligid kung paano natin naiintindihan ang Nilikha. Ang mga siyentipiko ay napaka-mausisa, tulad ng lahat ng tao, tungkol sa kalikasan ng uniberso at kung ano ang maaari nating malaman tungkol dito. Para sa akin, ito ay isang senyales na ang agham at espiritwalidad ay magkasabay. Ang ating pagkamausisa at interes sa kalikasan at kung paano ito gumagana, kung paano pinagsama-sama ang uniberso at kung paano ito nilikha—ang pag-uusisa na iyon ay ibinigay sa atin dahil tayo ay ginawa ayon sa pagkakahawig ng Diyos. Iyan ay bahagi ng Kanyang personalidad na ibinigay sa atin. Kaya sa tingin ko ang paghahanap na ito ng katotohanan tungkol sa natural na mundo ay bahagi ng ating likas na kalikasan bilang tao. Naniniwala ako na ang paghahanap ng kaalaman ay isang bagay na nagbibigay ng labis na kasiyahan sa Diyos—ang makita ang mga nilalang na Kanyang ginawa na naghahanap ng mga lihim kung paano Niya pinagsama-sama ang uniberso. Bale, hindi Niya sinusubukang ilihim ito. Nais niya lamang itong maipakita sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap, talino at pagkamausisa. Kaya, para sa akin, walang masyadong salungatan sa pagitan ng Agham at Kalikasan at Espirituwalidad. Sa tingin ko ang mga taong nagsisikap na paghiwalayin sila ay sinusubukang hatiin ang kalikasan ng tao sa isang makatwirang kalahati at kalahating espirituwal. Siyempre, hindi iyon magagawa. Ang isang tao ay isang tao na ang kalikasan ay hindi maaaring paghiwalayin. Sa iyong mga misyon sa kalawakan, nagagawa mo, sa maraming paraan, ang ehemplo ng tagumpay ng tao. Gumagawa ng isang bagay na talagang mahusay, ngunit nakatagpo pa rin ng isang bagay na higit na mas malaki sa kadakilaan—ang kaluwalhatian at ang kadakilaan ng nilikha ng Diyos...Ano kaya ang pakiramdam na marami kang nagawa, habang kinikilala pa rin ang iyong sariling kaliitan kumpara sa Diyos? Para sa akin, naging kristal ang lahat sa huling misyon ko. Tumutulong ako sa pagtatayo ng istasyon ng kalawakan, gumagawa ng tatlong paglalakad sa kalawakan upang mag-install ng science lab na tinatawag na Destiny. Malapit sa dulo ng aking huling lakad pangkalawakan , nasa labas ako sa pinakaharap na dulo ng istasyon ng pangkalawakan. Dahil nauna ako sa aming iskedyul ng trabaho, hinayaan ako ng Mission Control ng NASA na tumambay nang mga limang minuto doon. Sa pamamagitan ng paghawak sa harapan ng istasyon ng pangkalawakan gamit ang aking mga daliri, nagawa kong umikot sa paligid upang makita ko ang kalawakan ng kalawakan na nakapalibot sa akin. Tumingin ako sa Mundo, 220 milya diretso pababa sa aking bota hanggang sa malalim na asul ng Karagatang Pasipiko. Nakalutang ako doon na nakatingin sa abot-tanaw—isang libong milya ang layo--at pagkatapos ay ang walang katapusang, itim na kalangitan sa itaas ng aking ulo. Humigit-kumulang 100 talampakan sa itaas ko, ang istasyon ng kalawakan ay kumikinang na parang ginto na may sinag ng araw mula sa mga solar panel nito, habang tahimik kaming nahulog sa buong mundo nang magkasama. Ang kahanga-hangang tanawin na ito ay napakaganda na nagpaluha sa aking mga mata. Na-overwhelm ako sa pakiramdam na ito, 'Narito ako, isang lubos na sinanay na astronaut sa istasyon ng kalawakan na ito, na naglilibot sa Mundo, ngunit isa lang akong mahinang tao kumpara sa napakalawak na kosmos na ito.' Medyo hinila ng Diyos ang kurtina para sa akin, hinahayaan akong makita ang kahanga-hangang kalawakan sa personal na paraan. Naramdaman ko, "Oo, napakaespesyal mo dahil nakikita mo ang pananaw na ito", ngunit naalala ko kung gaano tayo kawalang-halaga sa malawak na uniberso na nilikha ng Diyos. Ang pakiramdam na mahalaga at pagpapakumbaba sa parehong oras ay isang regalo mula sa Diyos. Ito ay literal na nagpaluha sa aking mga mata habang ako ay nagpasalamat sa Panginoon, na nasasabik na ibahagi ang pananaw na ito sa Kanya. Napakakaunting tao ang nagkaroon ng karanasan at pribilehiyong makita ang Earth mula sa pananaw na iyon, at lahat ito ay salamat sa Kanya. Maraming kaguluhan sa mundo ngayon...maraming kadiliman at pagdurusa; ngunit kapag tiningnan mo ang mundo alinman mula sa napaka-natatanging vantage point na mayroon ka sa Pangkalawakan o ngayon sa iyong kasalukuyang estado ng buhay, ano ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa? Sa tingin ko kung ano ang nagbibigay-inspirasyon sa akin ay na tayo ay binigyan ng napaka-mausisa na isip ng Diyos. Mayroon kaming likas na pagkamausisa at ginawa kaming mga tagapag ayos ng problema at tagapag siyasatin . Kaya, sa kabila ng lahat ng hamon na dinaranas natin ngayon, ito man ay pandemya, o banta ng digmaan, o pagpapakain ng pitong bilyong tao sa buong mundo, mayroon tayong mga kakayahan na ibinigay sa atin at tinawag tayo gamitin ang mga ito upang malutas ang mga problemang ito. Mayroong isang malawak na uniberso doon, puno ng mga mapagkukunan. Hinahamon tayo nito, ngunit kung titingnan natin ang sistema ng solar at ang uniberso sa kabila ng ating tahanan, maraming bagay ang magagamit natin. Ang malalaking materyal na mapagkukunan sa Buwan at mga kalapit na asteroid ay maaaring makadagdag sa mga nakikita natin sa mundo. Mayroong napakalaking supply ng solar energy na maaaring kunin mula sa kalawakan at maipakita sa mundo upang tumulong na maibigay sa lahat ang kapangyarihan at kuryente na kailangan nila upang magtagumpay. Mayroon tayong kakayahan na itakwil ang mga masasamang asteroyd na madalas tumama sa Mundo at ang pumunta sa paraan ng mga dinosauro kung gagamitin namin ang mga kasanayan na nakuha namin at ilagay ang aming sarili sa gawain. Nabubuhay tayo sa isang mundo na naghihikayat sa atin na gamitin ang ating pagkamausisa at katalinuhan upang malutas ang mga problemang ito. Kaya't lubos akong umaasa na sa pamamagitan ng paglalapat ng ating mga kasanayan at ng teknolohiyang ating binuo, maaari tayong manatiling nangunguna sa lahat ng mga hamong ito. Tingnan ang bakuna na ginawa natin ngayong taon para labanan ang lasong galing sa inpeksyon. Iyon ay isang marka ng kung ano ang maaari nating gawin kapag inilagay natin ang ating isip sa isang bagay, kung ito ay paglalagay ng isang lalaki sa Buwan o pagpapadala sa unang babae sa Mars. Sa tingin ko, nasa mabuting kalagayan din tayo para sa hinaharap.
By: Dr. Thomas D Jones
MoreQ - Nagsisimula na akong magtaka kung ako kaya ay mag-aasawa pa. Wala akong makitang isang mabuting katipan na tapat kay Kristo. Paano ko makikita ang isang mabuting asawa sa hinaharap—at paano ko malalaman na siya na nga? A - Sa gawain ko sa mga kabataan, ito at nakita kong isang pangkaraniwang pakikibaka: kung paano makakahanap ng isang mabait, puno ng sampalataya, na mapapakasalan sa mundo ngayon. Lagi akong natatawa dahil, sa aking grupo ng kabataan, ang lahat ng mga babae ay dumadaing sa akin, "Walang mga mahusay na lalaki na nais kong maka-date!" At dumadaing ang mga lalaki, "Walang mga mahusay na babae na nais kong mai-date!" Minsan, pakiramdam ko'y ako na lang kaya ang maging tagapamagitan at pagtambaltambalin sila! Ang pinakamahusay na payo sa pakikipagtipan na nadinig ko ay mula sa isang pari na nagsabi, "Magsimulang habulin si Hesus. Kapag matagaltagal mo nang kahabulán si Jesus, lumingon ka sa paligid at tingnan kung sino ang kasabay mong tumatakbo. Iyon ang mga taong dapat mong i-date." Sa madaling salita, habulin mo muna si Kristo—at hanapin ang magiging asawa na humahabol din kay Cristo. Ngunit saan mo matatagpuan ang gayong asawa? Kadalasan, hindi sa bar — ngunit madaming mga lungsod ang may kahanga-hangang Katolikong grupo na pang-adulto kung saan ka maaaring makatagpo ng ibang mga taong taos-puso kay Kristo at sa paghahanap ng magiging asawa. Makihalubilo ka dahil tinitiyak ko na makikita mo ang mga taong pinag-iisipan ang tungkol sa pag-aasawa at naghahanap din na katulad mo. Kung wala kang lokal na grupong Katoliko, maaari kang magsimula ng isa o kaya ay maghanap ng iba pang mga adultong kabataan sa pamamagitan ng pagboluntaryo sa iyong parokya o iba pang mga pook ng kawanggawa. Ang sinumang kabataan na nagboboluntaryo ng kanilang oras ay malamang na ang kanilang pagpapahalaga ay nasa tamang lugar! Maaari ding makahanap ng mapapangasawa sa mga pahinarya sa pagtitipan na pangKatoliko. Nakilala ng aking kapatid ang kanyang asawa sa Catholicmatch.com, at may iba pa akong alam na kabataan na naging matagumpay sa online. Kapag nasa online, kailangan na maging tapat ka tungkol sa iyong pagkatao, at tiyakin na ang ka-online mo ay may pagpapahalaga na kahlin-tulad ng sa iyo (hindi bawat isa na nasa Katolikong pahinarya para sa pagtitipan ay taos-pusong Katoliko — ang ilan ay maaaring mas Katoliko sa "kultura" lamang kaysa sa pagiging tunay na Katoliko at taos-puso sa Panginoon). Ang mahusay na ugnayan ay kinakailangan na ang magpares ay may magkahalintulad na paniniwala sa ilan sa mga pangunahing bagay sa buhay (sampalataya, pera, mga anak, mag-anak), na kinalulugdan nila ang pagiging magkasama at ang mga magkatulad na gawain, at sempre, na sila at naaakit sa isa't isa. Kung ang mga bagay na ito ay nanduon — at nadadama mo ang presensya ng Banal na Espirito sa inyong ugnayan — duon mo malalaman na "siya na nga"! Hindi ako naniniwala na lumikha ang Diyos ng isa lamang na "pangkaluluwang kapareha" para sa bawat isa sa atin; sa halip, malamang madaming nilalang ang magiging tugma at masayang makakasama ng isang tao. Kung Ikaw ay panatag sa inyong pag-uugnayan, kung ito ay nakatuon kay Kristo, kung masaya kayong magkasama at ang inyong mga pagkatao at pagkawili ay tugma, malamang na natagpuan mo na ang taong tinatawag ng Dios para sa iyo upang pakasalan mo! Hindi pangkaraniwan na ang Diyos ay naglalagay ng karatula na nagsasabi, "Ito ang taong dapat mong pakasalan!" Sa halip, ang mga palatandaan na ibinibigay ng Diyos ay ang pagkakatugma sa inyong ugnayan at ang pagnanais ninyong matulungan ang isa't isa na makadating sa Langit.
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreAng pangunahing dahilan kung bakit ang mga kilusang pang karapatang pambayan noong dekada ng 1950's at 1960's ay naging matagumpay kapwa sa moral at praktikal dahil sa ito ay pinamunuan ng mga taong may matibay na kaalaman sa pangrelihiyon. Ang pinaka- kilala sa mga pinuno na ito ay, siyempre, si Martin Luther King. Upang mapahalagahan ang banayad na ginagampanan sa pagitan ng pangrelihiyon at ng kanyang mga praktikal na gawain, ibabaling ko ang inyong pansin sa dalawang paksa- Ito ay ang, kanyang Sulat mula sa Birmingham Bilangguan ng Lungsod at ang kanyang “Ako ay may Pangarap” na pagsasalita, kapwa mula sa 1963. Habang nakabilanggo sa Birmingham dahil sa pamumuno ng isang hindi marahas na protesta, tumugon si King para tiyakin sa ilang mga kapwa kristiyanong ministro na pinuna sa kanya sa kanyang pagmamadali na inaasahang pagbabago sa lipunan na hindi ito mangyayari sa magdamag. Sinagot ng ministro ng Baptist ang kanyang mga puna marahil sa isang nakakagulat na paraan, na humihingi ng tulong sa isang teologo ng Katolikong medyebal. Ibinaling ni King ang kanilang pansin sa mga pagmumuni-muni ni San Thomas Aquinas tungkol sa batas, partikular ang teorya ni Thomas na ang positibong batas ay makikita ang katwiran na may kaugnayan sa likas na batas, na makikita ang katwiran nito na may kaugnayan sa walang hanggang batas. Ang ibig sabihin ni Aquinas ay kung paano ito nagiging praktikal, ang pang araw-araw na batas na matuwid kahit papaano ay nagbibigay pahayag sa mga alituntunin ng batas ng moral, na siya namang sumasalamin sa sariling isip ng Diyos. Samakatuwid, pinagtibay ni King, ang hindi makatarungang mga positibong batas, tulad ng mga regulasyon ni Jim Crow na sinasalungat niya, at ang mga ito ay hindi lamang mga masasamang batas; kung hindi sila ay mga imoral at sa huli ay taliwas sa Diyos. Narito ang sariling wika ni King: "Maaaring may magtanong 'Paano mong itataguyod ang paglabag sa ilang mga batas at pagsunod sa iba? Ang sagot ay nakasalalay sa katotohanan na mayroong dalawang uri ng batas: makatarungan at hindi makatarungan. Ako ang unang magtataguyod sa pagsunod sa makatarungang batas. Bawat isa ay may pananagutan na sundin hindi lamang ang ligal kung hindi pati ang moral na batas. Ngunit pagkatapos ipinaalam ni King ang kaibahan ng pagsunod sa hindi makatarungang batas: "Sa kabaligtaran, bawat isa ay may moral na pananagutan sa pagsuway sa mga hindi makatarungang batas, Sumasang-ayon ako kay San Augustine na "ang hindi makatarungang batas ay walang batas sa kabuuan, bumaling siya kay Aquinas: Ano ngayon ang pagkakaiba ng dalawa? Paano matutukoy ng bawat isa kung ang batas ay makatarungan o hindi makatarungan? Ang makatarungang batas ay binabalangkas ng tao na may alituntunin na pumapanig sa batas ng moral o sa batas ng Diyos. Ang hindi makatarungang batas ay isang alituntunin na hindi naaayon sa batas ng moral. Upang malagay ito sa tuntunin ni San Thomas Aquinas: Ang hindi makatarungang batas ay isang batas ng tao na hindi nakaugat sa walang hanggan at likas na batas. Hindi ito banal na kinatawan; sa halip, inihayag nito kung ano ang dahilan at layunin ng kilusan ni King. Parehong pamamaraan ang nakalahad makalipas ang anim na buwan, nang harapin ni King ang makapal na tao na nagtitipon-tipon sa Lincoln Memorial para mag martsa sa Washington. Hindi siya nagbigay ng pangaral. Siya ay nagtalumpati ng pang pulitikang nagsusulong sa pampublikong lugar para sa lipunang pagbabago. Ngunit alalahanin ang ilan sa wika na ginamit niya:"May panaginip ako na isang araw ang bawat lambak ay itataas, at ang bawat burol at bundok ay ibababa, ang magulong lugar ay magiging payak, at ang mga baluktot na lugar ay magiging tuwid; 'At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag kasama ang kanyang buong pagkatao.''' Direkta niyang iniuugnay ang rebolusyong panlipunan na itinataguyod niya sa mahiwagang pangitain ng propetang ISAIAS. At pakinggan ang kahanga-hangang pagtatapos ng kanyang talumpati na kung saan masining niyang pinagsama ang mga titik ng isang awit na makabayan ng Amerikano sa mga titik ng isang awit na kinakanta niya kasama ang kanyang pamilya sa kanilang simbahan: "At kapag nangyari ito, at pinayagan natin ang sirkulo ng kalayaan, kung hayaan natin ang sirkulo mula sa bawat bayan at bawat nayon, mula sa bawat estado at bawat Hudyo at mga Hintil, Protestante, at mga Katoliko, ay magagawang magkakahawak kamay na kumanta ng mga lumang salita ng espiritwal na Negro: Malaya na sa wakas! Malaya na sa wakas! Salamat Panginoon na Makapangyarihan, kami ay malaya na sa wakas!"Minsan pa, sa salita ni King, ang mga pampulitikang pugad sa loob ng moral, kung saan namumugad sa loob ng sagrado. Si Martin Luther King ay nagmula sa kanyang relihiyosong pamana hindi lamang sa mga metapisiko na nagpapaalam sa kanyang pagiging aktibo sa lipunan, kungdi pati na rin ang hindi marahas na pamamaraan na kanyang ipinatupad. Ang isiniwalat ni Jesus sa retorika ng Sermon sa Bundok ("Mahalin mo ang iyong mga kaaway;"Pagpalain mo ang mga sumumpa sa iyo, Ipanalangin mo ang mga taong nagpapahamak sa iyo;" pag sinampal ka sa kaliwang pisngi, ibigay mo pati ang kabilang pisngi;''iba pa;" atbp.) at higit na kapansin-pansin sa kanyang salitang kapatawaran mula sa krus ay ang paraan ng Diyos patungo sa kapayapaan, walang karahasan, at mahabagin. Bilang isang Kristiyano, alam ni King na nasa kanyang mga buto ang pagtugon sa pang-aapi na may karahasan ay magpapalala lamang sa mga tensyon sa loob ng lipunan. Binuo niya ang alituntuning ito sa kanyang isang kilalang pangaral:"Ang pagbabalik ng poot sa poot, ay nagpapadami ng poot, pagdaragdag ng mas malalim na kadiliman sa isang gabi na wala ng bituin. Hindi maitataboy ng kadiliman ang kadiliman; tanging ilaw lang ang makagagawa nito. Ang poot ay hindi maaaring magtaboy ng poot; tanging pag-ibig lamang ang makagagawa nito." Sa loob ng mga limitasyon ng maikling artikulong ito, Hindi ko masimulan ng maayos ang pagtugon sa kaguluhan sa lipunan na nagaganap sa ating kultura ngayon. Ngunit sasabihin ko lang ito: Maliwanag at walang alinlangan na may malubhang kakulangan sa moral sa ating lipunan na dapat talakayin, ngunit ang pinakamahusay na paraan upang gawin ito ay sa loob ng moral at sa huli ay ang relihiyosong balangkas. Sana ang pamumuno ni Martin Luther King sa bagay na ito ay maging modelo at gabay.
By: Bishop Robert Barron
MorePabalik na si Padre Jerzy sa Warsaw matapos mag-alay ng Misa. Pinahinto ng tatlong opisyal ng serbisyo sa seguriday ang sasakyan, kinuha ang susi, at kinaladkad siya palabas. Marahas siyang pinaghahampas ng mga opisyal, ikinulong sa likudan ng sasakyan, at rumagada na kasama siyang nasa loob. Ang tsuper ay tumakbo sa lokal na simbahan upang ipaalam sa mga may- kapangyarihan ang pangyayari. Samantala, nagsimulang sumigaw si Jerzy at muntik nang mabuksan ang likudan. Nang mapuna ang panganib, agad na inihinto ng mga mama ang sasakyan upang isara ang likudan, ngunit nakatakas siya at tumakbo sa kakahuyan. Sinundan siya at nahuli sa bandang huli, pagkatapos ay nagtungo sa imbakang-tubig ng Vistula River kung saan si Jerzy ay mahigpit na itinali. Ang mga damit ay ipinalaman sa kanyang bibig at nakaplaster ang ilong. Matapos itali ang kanyang mga paa sa isang bag ng mga bato, itinapon nila siya sa imbakang-tubig. Ito ang pangalawang pagtatangka sa kanyang buhay sa loob ng anim na araw. Ang Polish na paring ito ay inordenan noong ika-28 ng Mayo 1972, sa katindhain ng rehimeng Komunista. Ang unang larawan ng kanyang Misa ay naglahad ng di malilimutang mga salita: "Ipinadala ako ng Diyos upang maipangaral ko ang Ebanghelyo at pagalingin ang mga pusong sugatan." Ang kanyang buhay-pagkapari ay tunay na saksi ng mga salitang ito. Tinaguyod niya ang mga naaapi at nangaral ng sermon na nagpapaliwanag sa mga umiiral na mahirap na kalagayang pampulitika sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Ebanghelyo, na kaagad ay naging isa sa mga pangunahing asinta ng pamahalaan. Ang mga pagtatanong, maling paratang, at pagdakip ay nangyari nang madaming ulit, ngunit kahit na sa kanyang huling pangaral, ang pasiya niya ay ang"magdasal upang tayo ay malaya sa takot, pananakot, at higit sa lahat, pagkauhaw sa paghihiganti at karahasan." At kasama nito, buong tapang siyang lumakad patungo sa kanyang pagkamartir nang walang takot o galit! Sampung araw matapos ang pangyayari, noong Oktubre 29, ang kanyang halos hindi na makilalang katawan ay natagpuan sa ilog .Noong ika-2 ng Nobyembre, nang ang kabataang mandirigmang ito na sa wakas ay inihimlay, humigit-kumulang na 800,000 katao ang dumating upang magpaalam sa kanya. Siya ay taimtim na hinayag na Santo sa harap ng kanyang 100-taong-gulang na ina noong 2010, at inalala bilang "isang pari na tumugon sa mga tanda na natanggap mula sa Diyos at sa loob ng madaming taon, ay naging nahinog sa edad para sa kanyang pagiging martir.” Nawa'y ang martir na ito, na matatag na nagtanim ng Katolisismo sa kanyang sariling bayan, ay magbigay ng inspirasyon sa atin na mag-alab para sa Kaharian ng Diyos, hindi lamang sa kamatayan kundi maging sa buhay.
By: Shalom Tidings
MoreAng Pasko ay sinasamahan ng pagkakaroon ng mga handog para sa bawa’t isa, ngunit ang handog ba ang talagang may kinalaman? Palakdaw-lakdaw na nag-uusisa noong mga taóng lumipas sa isang tindahan ng Kristiyanang mga aklat kasama ng aking kasintahan ng panahong yaon, ang mga mata namin ay lumapag sa iisang larawan nang sabayan sa yaong tagpo. Ito’y isang malaki't makulay na paglalarawan ni Hesus na pinamagatang The Laughing Christ; na may ulo Niyang di-gaanong nakatapong pabalik, nakalugaygay nang kaunti ang madilim na kayumangging buhok na kumukulot, mga matang nangingislap sa tuwa! Ito’y ganap na kabigha-bighani! Nakita namin ang aming sarili na nakatitig sa di-gaanong tuwid na ngiti sa ilalim ng paksa ng kaakit-akit na tanaw ng larawan. O, sadyang nakaaanyaya! Sadyang nakatatanggap! Pagkaakit-akit! Sa pagsulyap mula sa pagkakawig na ito tungo sa isa’t isa, napamahagi namin ang pananabik na nadama ng isa’t isa sa pagtuklas nitong kakaibang pagpapakita ng tao na kapwa naming nakilala at napagkakatiwalaan sa huling mga ilang taon. Kaming dalawa'y napalaki nang may mga estatwa at mga larawan ni Hesus sa aming kinaukulang mga tahanan, ngunit Siya ay palaging naisasalarawan na bilang taimtim, tila nakahiwalay sa buhay na karaniwan alam namin. Bagama’t pinaniwalaan namin na ang taong ipinapakita sa mga larawang ito ay tunay na nanahan sa lupang ito at mandi’y nagdasal sa Kanya kapag mayroon kaming pangangailangan, ang panarili naming mga pananampalataya ay kamakailan lamang ay naging napakatunay… napakabuháy, pati. Itong sapantaha ng pintor ay napaaninag na paano ang Panginoon sa kapwa naming pagtuklas ay magiging sino Siya sa aming mga buhay—isang taong kasama naming mapagbabahaginan ng aming buhay, isang taong nagmahal sa amin sa paraang hindi pa namin nalalaman noong dati, isang taong nagpahayag ng Kanyang sarili nang kami’y nagdasal. Bilang kinahinatnan, ang aming pag-unawa ng Diyos ay nagbago mula sa pawang pangkatalinuhang pagsang-ayon ng Kanyang pag-iral tungo sa isang karanasan ng isang buháy, tumutugon at kahanga-hangang kaibigan; aming pinakamabuting kaibigan. Kahit sa paglisan namin ng tindahan pagkalipas ng ilang sandali, ang aming masiglang pag-uusap ng paglalarawang ito ay nagpatuloy. Ginapi nito ang aming mga puso, kahit wala sa aming dalawa ang nag-akmang bilhin ito. Matapos akong makauwi, nalaman kong dapat na balikan at bilhin ko itong larawan. Lumipas ang ilang mga araw, yao'y alinsunod na ginawa ko, maingat na ibinalot ito, at sabikang naghintay para sa pagsapit ng Pasko. Handog ng Karangalan Ang mga araw ay lumipas hanggang sa wakas, Bisperas na ng Pasko. Kasama ng mga pamaskong awit sa paligid, umupo kami sa sahig katabi ng masukal na huwarang pamaskong puno na inialay sa akin ng ina ko. Nang ibinigay ko ang aking handog sa aking sinisinta, naghintay ako nang may pag-aasam na marinig ang pagkalugod niya habang kanyang tinitiktikan ang bagong relo, ito’y inilagay ko sa paa ng pinalamanang maliit na munting laruang aso na listong magdadala ng orasan. Isang paungot na 'salamat' ang narinig kong sagot lamang. Hindi bale, hindi yaon ang handog na alam kong magiging ganap. Ngunit dapat munang buksan ko ang kanyang handog sa akin. Habang inaabot ko upang tanggapin ito, ako’y bahagyang natuliro. Ito’y napakalaki, parihaba, at patag. Nang sinimulan kong buksan ito, hinihila ang pambalot na papel paalis mula sa regalo, nakita kong biglaan ang… aking larawan?! Kagaya ng binili ko nang palihim para sa kanya? Oo,yaon nga ito! The Laughing Christ. Ang larawang naibigan ko nang labis ngunit sa halip na maging galak, ako’y nabigo. Ito ang dapat na regalo niya. Ang tanging alam kong ganap na ninais niya. Sinubukan kong itago ang aking pagkabigo, lumalapit upang bigyan siya ng halik habang pinahahayag ko ang aking paghahalaga. Pagkaraa'y inilalabas ko ang aking regalong naibalot ko nang maingat na ikinubli ko sa puno, ibinigay ko ito sa layon ng aking pag-ibig. Binuksan niya ito, pinipilas nang mabilis ang papel, ipinakikita ang laman ng pakete. Ang mukha niya ay may-pagkamasaya… o hindi ba? O kaya ito'y bahagyang yukayok tulad ng hitsura ng aking mukha kung hindi ko ito pinaghirapang ikubli sa pagkabigo ko mula sa kanya noong pagkakataon ko nang buksan ang isang handog? Ay naku, kusa naming winika ang tamang mga salita, mangyari pa, ngunit kahit papaano ay natanto namin na ang mga handog na tinanggap mula sa isa’t-isa’y hindi makahulugang napalapit sa aming inaasahan. Ang paghahandog ng yaong regalo ang kapwa naming pinaghandaan nang lubusang pag-aabang. Ipinaaninag nito ang Kristo na kapwa naming naranasan at ang aming hangad na ipamahagi kung sino ang bawa’t isa sa amin na narating upang makilala. Yaon ang kung saan natagpuan ang ligaya, hindi sa pagkakaroon ng pagtatagpo ng mga nais, ngunit ang pagtutupad ng mga nais ng iba. Sa takdang panahon, ang ugnayan ko sa binatang yaon ay nagwakas. Habang ito’y masakit, ang maligayang larawan ni Hesus ay patuloy na sumakop sa isang bahagi ng karangalan sa aking pader. Ngayon, ito’y higit pa bilang isang paglalarawan, at lalong higit pa sa isang lalaki lamang. Ito’y nananatili bilang isang tagapaalala ng Isa na kailanma’y hindi ako lilisanin, ang Isa na may pakikipag-ugnayan sa akin, ang Isa na magpapawi ng mga luha ko nang maraming ulit sa mga taóng dumaraan. At higit sa yaon, ang Isa na gayong pagmumulan lagi ng tuwa sa aking buhay. Matapos ang lahat, Siya ang buhay ko. Yaong mga matang lukot ay nakilala ang mga akin. Pagkaraan, yaong nakakaakit na ngiti ay inanyayahan ang mga sulok ng aking bibig na humilang pataas. At sa ganoon lamang, ako’y tumatawa katabi ng aking Pinakamabuting Kaibigan.
By: Karen Eberts
MoreHindi ko alam ang kanilang wika o ang kanilang emosyonal na dinaramdam...Paano ako makikipag-ugnay sa kanila? Noong Huwebes, Pebrero 22, 2024, ay ang isang araw na hindi ko malilimutan. Ika- 05:15 ng umaga, kasama ang ilan sa aking mga kasamahan sa Catholic Social Services, hinintay ko ang pagdating ng 333 mga takas mula sa Ethiopia, Eritrea, Somalia, at Uganda. Ang Egyptian Airlines ay pinagkatiwalaang ilipad sila sa Entebbe, Uganda, patungong Cairo, Egypt, at sa wakas sa kanilang Canadian punto ng pagpasok , Edmonton. Bigla, ang mga pinto sa kabilang dulo ay bumukas at ang mga pasahero ay nagsimulang magsilakad patungo sa amin. Hindi malaman kung paano magsalita ng kanilang mga wika, nakaramdam ako ng matinding kahinaan ng loob. Paano kaya mangyaring ako, na isang may kakayanan, na isinilang sa Canada, isang hindi kailanman gumugol ng isang sandali sa isang kampo ng mga takas , ay makakayang batiin ang pagod, umaasa, at nangangambang mga kapatid na babae at lalaki sa paraang makapagsasabing: "Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan" ...? Tinanong ko ang isa sa aking mga kasamahan na nagsasalita ng limang wika: “Ano ang masasabi ko?” "Sabihin mo lang, Salam, sapat na iyon." Habang sila'y papalapit, sinimulan kong sabihin: "Salam" habang may ngiti sa aking mga mata. Napansin ko na madami ang yuyuko at ilalagay ang kanilang kamay sa tapat ng kanilang puso. Sinimulan kong gawin ang kaparis. Habang papalapit ang isang kabataang mag-anak na may 2-5 anak, yumuko ako kapantay ng kanilang taas at nag-alok ng tanda ng kapayapaan. Kaagad, tumugon sila ng isang malaking ngiti, ibinalik ang tanda ng kapayapaan, tumakbo sa akin, tumingala gamit ang kanilang napakarilag na kayumangging mga mata, at niyakap ako. Kahit na sa pagkukuwento ko sa mga mahahalagang sandaling ito, naluluha ako. Hindi kailangan ng isang tao ang wika upang mailahad ang pagmamahal. "Ang wika ng Espirito ay ang wika ng puso." Pag-aabot Ng Kamay Matapos maipila ang lahat sa Bulwagan ng Adwana nagsibaba ang aming pangkat at nagsimulang mamigay ng mga bote ng tubig, granola bar , at mga dalandan. Napansin ko ang isang nakatatandang babaeng Muslim, marahil 50-55 taong gulang, na nakayuko sa kanyang troli, sinusubukang itulak ito. Nilapitan ko siya at binati ng 'Salam' at ngumiti. May pa-senyas , sinubukan kong magtanong kung maari ko bang tulungan syang itulak ang troli. Umiling siya: “Hindi.” Anim na oras ang lumipas, sa labas ng Bulwagan ng Adwana , ang mga tao ay nakaupo sa iba't ibang dakong nakakordon; 85 na lang ang matitira sa Edmonton at naghihintay ng pamilya o mga kaibigan para sila'y salubungin at maiuwi. Ang ilan ay sasakay ng bus upang dalhin sa ibang mga lungsod o bayan, at ang iba ay magdamag sa isang hotel at lilipad sa kanilang huling paroroonan kinabukasan. Para doon sa mga isasakay sa bus patungo sa ibang mga lungsod sa Alberta, apat hanggang pitong oras na biyahe ang naghihintay sa kanila. Ang nakatatandang babaeng Muslim na nakita ko sa Bulwagan ng Adwana , natuklasan ko, ay lilipad patungong Calgary kinabukasan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, at ang buong mukha niya ay nagningning. Habang papalapit ako sa kanya,sabi niya sa putol-putol na Ingles: "Mahal mo ako." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, tumingin sa kanyang mga mata, at sinabi: "Oo, mahal kita at mahal ka ng Diyos/Allah." Ang babaeng katabi niya, na natuklasan kong anak nya, ay nagsabi sa akin: “Salamat. Ngayon ay masaya na ang ina ko." May luha ang mga mata, pusong puno ng kagalakan, at pagod na pagod na mga paa, nilisan ko ang Edmonton International Airport, lubos na nagpapasalamat sa isa sa pinakamagagandang karanasan ng aking buhay. Maaaring hindi ko na siya makakatagpong muli, ngunit lubos akong nakakatiyak na ang ating Diyos na ang sagisag ng magiliw, mahabagin na pag-ibig ay ginawa itong nakikita at nasasalat para sa akin sa pamamagitan ng aking magandang kapatid na Muslim. Noong 2023, mayroong 36.4 milyongmga takas na naghahanap ng bagong tinubuang-bayan at 110 milyong tao ang lumikas dahil sa digmaan, tagtuyot, pagbabago ng klima, at higit pa. Araw-araw, nakakadinig tayo ng mga komento tulad ng: "Magtayo ng mga pader," "Isara ang mga hangganan," at "Ninanakaw nila ang aming mga trabaho." Umaasa ako na ang aking salaysay, sa maliit na paraan, ay makakatulong sa mga tao na higit na maunawaan ang eksena ng Mateo 25. Tinanong ng mga matuwid si Hesus: “Kailan, Panginoon, Diyos, namin ginawa ang lahat ng ito para sa Iyo?” at sumagot Siya: “Sa tuwing inyong ginawa sa isa dito sa Aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ginawa ninyo ito sa Akin.”
By: Sr. Mary Clare Stack
MoreNagdatingan ang mga krus nang sunod-sunod, ngunit ang awa ng Panginoon ay hindi kailanman nabigo sa mag+anak na ito! Nagsilang ako sa aking panganay sampung taon na ang lumipas, at kami ay tuwang-tuwa! Naaalala ko pa ang araw; tuwang-tuwa kaming malaman na ito ay isang sanggol na babae. Hindi ako makapagpasalamat ng sapat sa Panginoon para sa Kanyang mga pagpapala sa aking mag-anak. Tulad ng bawat ina, pinangarap kong bumili ng mga nakatutuwang baro, ipit, at booties para sa aking maliit na manika. Pinangalanan namin siyang ‘Athalie,’ ibig sabihin ay ‘Ang Diyos ay dakila.’ Pinupuri namin ang Diyos dahil sa Kanyang magandang regalo. Lingid sa aming kaalaman na di magtatagal ang kagalakan namin ay mauuwi sa matinding kalungkutan o na ang aming panalangin ng pasasalamat ay mapapalitan ng mga pagsamo sa Kanyang awa para sa aming pinakamamahal na sanggol. Sa apat na buwang gulang, siya ay nagkasakit ng malubha. Sa dami ng pagsalakay ng seizure, iiyak siya ng ilang oras at hindi makatulog o makakain nang maayos. Matapos ang madaming pag-eksamen, nasuri siyang maykapansanan sa utak; nagdurusa din siya sa isang pambihirang uri ng malubhang childhood epilepsy na tinatawag na 'West Syndrome,' na lumiligalig sa isa sa bawat 4,000 na bata. Pabalik-balik Na Bagyo Ang pagsuri ay lubhang nakakagitla at nakakasugat ng puso para sa amin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bagyo. Ninais kong maging manhid ang aking puso sa kirot na dinadanas ko. Madaming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko. Ito ay simula pa lamang ng isang mahaba at mahirap na paglalakbay na kailanman ay hindi ako nakahandang akuin. Ang aking sanggol na babae ay patuloy na dumadanas ng mga seizure sa loob ng halos dalawa at kalahating taon. Sinubukan ng mga doktor ang madaming gamot, masakit na turok, at araw-araw na pagsusuri ng dugo. Ilang oras siyang iiyak at ang tanging magagawa ko lamang ay humiling na ipataw ng Diyos ang Kanyang awa sa aking anak. Pakiramdam ko ay wala akong magawa dahil hindi ko siya mabigyang-ginhawa sa anumang paraan. Ang buhay ay parang isang malalim at madilim na hukay ng paghihirap at kawalan ng pag-asa. Ang kanyang mga seizure sa kalaunan ay humupa, ngunit siya ay dumanas ng madaming pagkaantala sa pag-unlad. Habang umuusad ang paglalapat-lunas sa kanyan, isa pang nakakasindak na balita ang bumalot sa aming mag-anak. Ang aming anak na si Asher, na may pagkaantala sa pagsasalita at mga isyu sa pag uugali, ay nasuri na may mataas na gumaganang autism sa gulang na tatlo. Kami ay nasa bingit ng kawalang pag-asa; ang buhay ay naging napakabigat para sa amin bilang mga bagong magulang. Hindi maiintindihan o mararamdaman ng isa ang sakit na aming pinagdadaanan. Nakadama kami ng lungkot at pagka-aba. Gayunpaman, ang panahong ito ng kalungkutan at ang mapighating mga araw ng pagiging ina ay nagpalapit sa akin sa Diyos; Ang Kanyang Salita ay nagdulot ng kaginhawahan sa aking pagod na kaluluwa. Ang kanyang mga pangako, na binabasa ko ngayon nang may mas malalim na kahulugan at mas buong pang-unawa, ay nagpaganyak sa akin. Sulat-kamay Na May Patnubay Ng Espirito Iyon ay sa masalimuot na panahon ng aking buhay na hinayaan ako ng Diyos na magsulat ng mga blog na puno ng pananampalataya at nakakaganyak para sa mga taong dumadanas ng mga hamon at paghihirap na katulad ng sa akin. Ang aking mga artikulo, na sumibol mula sa mga pang-araw-araw kong debosyon, ay nagbahagi ng mga hamon ng kakaibang pagiging magulang at naglakio ng mga karanasan at pananaw ko sa buhay. Ginamit ng Diyos ang aking mga salita upang pagalingin ang madaming namimighating kaluluwa. Ako ay tunay na nagpapasalamat sa Kanya sa pagpaikot sa aking buhay na maging isang kapaki-pakinabang na sisidlan para sa Kanyang pag-ibig. Sasabihin ko na ang desperasyon sa karamdaman ng aming anak na babae ay nagpatibay sa pananampalataya ng aming mag-anak sa Diyos. Habang kami ng aking asawa ay nakipagsapalaran sa di- batid na landas ng naiibang paglalakbay na ito bilang magulang, ang kinailangan naming panghawakan ay ang mga pangako ng Diyos at ang pananampalataya sa aming mga puso na hindi kami iiwan o pababayaan ng Diyos. Ang dating tila mga tambak ng abo ay nagsimulang maging ganda ng kalakasan habang iniabot ng Diyos ang Kanyang biyaya, kapayapaan, at kagalakan sa amin sa panahon ng napakasakit at madilim na panahon ng aming buhay. Sa pinakamalungkot na sandali, ang paggugol ng oras sa Kanyang paanan ay nagdulot sa amin ng panibagong pag-asa at lakas ng loob upang sumulong. Tinugon Na Mga Panalangin Matapos ang mga taon ng paggagamot at walang katapusang mga panalangin, umayos na ngayon ang mga kombulsyon ni Athalie, ngunit patuloy siyang nagkakaroon ng malubhang anyo ng cerebral palsy. Hindi siya makapagsalita, makalakad, makakita, o makaupo nang mag-isa at lubos na umaasa sa akin. Kalilipat kamakailan lang sa Canada mula India, ang aming mag-anak ay kasalukuyang tumatanggap ng pinakamahusay na paggagamot. Ang malaking kaunlaran sa kanyang kalusugan ay ginagawang mas makulay ang aming buhay. Si Asher ay nasa labas na ng pagbukod-bukod, at siya ay ganap nang nakahabol sa kanyang pananalita. Matapos ang unang pagtanggi sa kanya ng madaming paaralan dahil sa kanyang kawalan ng sigasig, siya ay nag-aral sa bahay hanggang ikalimang baytang. Bagama't nagpapakita siya ng ilang tanda ng ADHD, sa awa ng Diyos, nakalista na siya ngayon sa ika anim na baytang sa isang pribadong paaralang Kristyano. Isang mahilig sa aklat siya ay nagpapakita ng kakaibang interes sa solar system. Nais na nais niyang matuto tungkol sa iba't ibang bansa, sa kanilang mga bandila, at mga mapa. Bagama't ang buhay ay puno pa din ng mga hamon, ang pag-ibig ng Diyos ang nagtutulak sa amin na maging magulang ng aming mga anak nang may pagmamahal, tiyaga, at kabutihan. Sa patuloy na pagyakap sa pananalig namin kay Hesus at pagtahak ng kakaibang landas na ito ng espesyal na pangangailangan ng pagiging magulang , naniniwala ako na may mga pagkakataon na mayroong mga dagliang sagot sa aming mga panalangin, at ang aming pananampalataya ay nagsisilbi at nagdudulot ng mga bunga. Ang mga panahong iyon, ang lakas at kapangyarihan ng Diyos ay ipinahayag sa ano mang ginagawa Niya para sa amin—ang tiyak na sagot sa aming mga panalangin. Sa ibang mga pagkakataon, ang Kanyang lakas ay patuloy na tumatanglaw sa amin, tinutulungan kaming matiis ang aming dinaramdam nang may katapangan, hinahayaan kaming madanasan ang Kanyang mapagmahal na awa sa aming mga paghihirap, ipinapakita sa amin ang Kanyang kapangyarihan sa aming mga kahinaan, tinuturuan kami na paunladin ang kakayahan at karunungan na tanggapin ang mga tamang hakbang, binibigyan kami ng kapangyarihan na magkuwento ng Kanyang lakas, at hinihikayat kaming saksihan ang Kanyang liwanag at pag-asa sa gitna ng mga paghamon.
By: Elizabeth Livingston
More