Home/Makatagpo/Article

Jul 08, 2024 132 0 Colette Furlong
Makatagpo

Nakakabaliw para sa…

Naranasan mo na ba kung papaano ang pakiramdam sa oras ng pagsamba? Ang magandang salaysay ni Colette ay maaaring makapagpabago ng iyong buhay.

Naalala ko na noong bata pa ako, iniisip ko noon na ang pakikipag-usap kay Hesus sa Banal na Sakramento ay ang pinaka-hindi kapani-paniwala o nakakabaliw na ideya. Ngunit matagal na iyon bago ko pa Siya nakilala. Maraming taon magmula sa paunang pagpapakilalang iyon, mayroon na akong isang tagong kayamanan ng maliliit at malalaking karanasan na naglalapit sa akin sa Eukaristiyang Puso ni Hesus, na nagdadala sa akin upang mas maging malapit, isang hakbang sa bawat isang pagkakataon…Ang paglalakbay na iyon ay patuloy pa rin.

Minsan sa isang buwan, ang parokyang dinaluhan ko noon ay nagdaos ng magdamag na pagbabantay na magsisimula sa pagdiriwang ng Eukaristiya, na sinusundan ng pagsamba sa buong gabi, na hati-hati ang mga oras. Bawat oras ay nagsisimula sa ilang panalangin, pagbabasa ng Kasulatan, at papuri; Naalala ko, sa mga unang buwan, ang mga unang pagpukaw ng pakiramdam ng pagiging napakalapit ko kay Hesus. Ang mga gabing iyon ay nakatuon sa katauhan ni Hesus at doon, natuto akong magsalita sa Banal na Sakramento, na para bang si Hesus mismo ang nakatayo doon.

Nang maglaon, sa isang retreat para sa mga tinedyer, nakatagpo ako ng tahimik na Eukaristikong Pagsamba, na kakaiba sa aking pakiramdam noong una. Walang nangunguna, at walang kumakanta. Nasisiyahan akong umaawit sa Pagsamba at palagi akong nasisiyahan sa mga taong nangunguna sa amin sa pananalangin. Ngunit ang ideyang ito na maaari akong basta nakaupo lang at manahimik, bago iyon…Sa retreat, mayroong isang napakaespirituwal na Jesuit na pari na magsisimula ng pagsamba sa: “Manahimik at kilalanin na ako ay Diyos.” At iyon ang imbitasyon.

Ako at Ikaw, Hesus

Naalala ko ang isang partikular na pangyayari na nagdulot ng malalim na pagkaunawa sa katahimikang ito sa akin. Nasa Pagsamba ako noong araw na iyon, natapos na ang itinakdang oras para sa akin at hindi pa dumarating ang taong dapat na hahalili sa akin. Habang naghihintay ako, nagkaroon ako ng kakaibang impresyon mula sa Panginoon: “Wala ang taong iyon ngunit ikaw ay naririto,” kaya nagpasiya akong huminga na lang.

Darating na sila anumang minuto sa palagay ko, kaya tumutok ako sa presensya ni Hesus at napapahinga na lang. Napagtanto ko, gayunpaman, na ang aking isip ay umaalis sa gusali, nagiging abala sa iba pang mga alalahanin, samantalang ang aking katawan ay naroon pa rin kasama ni Hesus. Lahat ng tumatakbo sa isip ko ay biglang nagkampo. Sa isang iglap lang, bago halos matapos natanto ko kung ano ang nangyayari. Isang biglaang sandali ng katahimikan at kapayapaan. Parang naging musika ang lahat ng ingay sa labas ng kapilya, at naisip ko: “Oh, Panginoon, salamat…Ito ba ang dapat gawin sa pagsamba? Akayin mo ako sa isang espasyo kung saang ako at ikaw lang?”

Nagdulot ito ng malalim at pangmatagalang impresyon sa akin, na ang Eukaristiya ay hindi isang bagay, ito ay Isang Tao. Sa katunayan, ito ay hindi lamang isang tao, ito ay si Hesus Mismo.

Walang Katumbas na Regalo

Sa tingin ko ang ating pang-unawa sa Kanyang presensya at titig ay gumaganap ng isang malaking papel. Ang pag-iisip na ang mata ng Diyos na nakatutok sa atin ay maaaring maging lubhang nakakatakot. Ngunit sa katotohanan, ito ay isang titig ng pagkahabag. Naranasan ko ito ng buong-buo sa pagsamba. Walang paghatol, tanging pagkahabag. Ako ay isang taong napakabilis na husgahan ang aking sarili, ngunit sa titig na iyon ng habag mula sa Eukaristiya, ako ay inaanyayahan na maging hindi gaanong mapanghusga sa aking sarili dahil ang Diyos ay hindi gaanong mapanghusga. Sa palagay ko ay lumalago ako sa ganito sa isang buhay na patuloy sa pagkakalantad sa nakalantad na Eukaristiya.

Ang Eukaristikong Pagsamba ay naging isang paaralan ng presensya para sa akin. Si Hesus ay 100% naroroon saanman tayo magpunta, ngunit ito ay kapag ako ay nakaupo sa Kanyang Eukaristikong presensya saka ako naaalerto sa aking sariling presensya at sa Kanya. Doon, ang Kanyang presensya ay nakakatugon sa akin sa isang napaka-intensyonal na paraan. Ang paaralang ito ng presensya ay naging isang edukasyon ng mga tuntunin ng kung paano lalapitan din ang iba.

Kapag naka-duty ako sa ospital o sa hospisyo at may nakakaharap akong isang taong may malubhang sakit, ang pagiging hindi sabik na presensya sa kanila ang tanging bagay na maibibigay ko sa kanila. Natutunan ko ito mula sa Kanyang presensya sa Pagsamba. Tinutulungan ako ni Jesus na nasa akin na maging naroroon sa kanila nang walang adyenda–kundi para lamang ‘makasama’ ang tao, sa kanilang espasyo. Ito ay naging isang napakabuting regalo sa akin dahil ito ay nagpapaubaya sa akin na maging presensya ng Panginoon para sa iba at upang hayaan ang Panginoon na maglingkod sa kanila sa pamamagitan ko.

Walang hangganan ang kaloob na kapayapaang ibinibigay Niya. Nangyayari ang biyaya kapag tumitigil ako at hinahayaan ang Kanyang kapayapaan na mapuspos ako. Nararamdaman ko iyon sa Eukaristikong Pagsamba, kapag tumitigil ako sa pagiging abala. Sa palagay ko, sa buong buhay ko sa natututunan ko sa ngayon, iyon ang paanyaya: ‘Tumigil sa masyadong pagiging abala at manatili, at hayaan mo akong gawin ang iba pa.”

Share:

Colette Furlong

Colette Furlong is a devout practicing Catholic, residing in Ireland. Article is based on the interview given by Colette on the Shalom World program “Adore.” To watch the episode, visit: shalomworld.org/episode/speak-to-the-blessed-sacrament-collette-furlong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles