Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 04, 2021 1264 0 Patrick Hirzel
Makatawag ng Pansin

NAGHAHANDANG MAMATAY

Ang pinangangambahang sandaling iyon na sabihin ng doktor na ikaw ay may maikling panahon na lamang para mabuhay …

Isa akong tagapangasiwa ng mga ari-arian ng mga tao, binabayadan nila upang maging madali ang anumang dapat na mangyari sa kanilang mga ari-arian kapag sila ay pumanaw na. Ang mahusay na tagapangasiwa ay naghahanda para sa hinaharap. Ang gumawa ng mga paghahanda ukol sa iyong mga pag-aari kapag pumanaw ka na ay makatwiran, ngunit di-hamak na mas mahalaga na maisaayos ang iyong pang-espirituwal na tirahan — na makapaghanda sa kung saan mo gugugulin ang kawalang-hanggan.

Madami ang nakakadinig ng mga salitang, “Isaayos mo ang iyong pang-espiritwal na tirahan. Makipagkasundo ka sa Panginoon.” Ngunit sila ay nag-aatubili di-tiyak kung paano ito gagawin. Ang ilan ay tahasang naniniwala na sila ay namuhay na tila ba ang lahat ay umiikot sa makamundong pag-iral. Dahil nabigo silang mahalin ang Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip, at ang kanilang kapwa tulad ng kanilang sarili, takot silang humarap sa paghuhukom ng Diyos. Ang iba naman ay basta lang takot sa di-nababatid. At ang iba pa din ay minamarapat na hwag nang isipin ang tungkol dito.

Hindi winawalang kabuluhan ng Diyos ang pusong mapagkumbaba at puno ng pagsisisi; ngunit mahirap lumapit sa Diyos nang may pagpapakumbaba, inaamin ang pagkakasala at nagpapahayag ng kabutihan ng Diyos kapag nakatuon sa sarili sa halip na sa mapagmahal na kabutihan at awa ng Diyos. Sa aklat, marahil ang pinakamahusay na pang-espiritwal na aklat sa ika-20 siglo, Itinala ng He & I, Gabrielle Bossis ang sumusunod na pahatid mula kay Jesus noong Hunyo 1, 1939:

“Isulat mo! Ayoko nang matakot ang mga tao sa Akin, kundi nais ko na makita nila ang puso Ko na puno ng pagmamahal, at na sila ay makipag-usap sa Akin bilang isang minamahal na kapatid. Para sa ilan, Ako ay hindi kilala. Para sa iba, isang dayuhan, isang matinding amo o isang manunuligsa. Iilang tao ang lumapit sa Akin na tulad ng isa sa minamahal na pamilya. Gayon pa man, ang Aking pagmamahal ay nandiyan, naghihintay sa kanila. Kaya’t sabihin mo sa kanila na lumapit, pumasok, isuko ang sarili sa pagmamahal kahit na sino pa sila. Ipapanumbalik Ko. Babaguhin Ko sila. At malalaman nila ang isang kagalakan na hindi nila kailanman nalaman. Ako lamang ang makakapagbigay ng ganoong kagalakan. Kung lalapit lang sana sila! Sabihin mo sa kanila na magsilapit.”

Ang parabulang “Ang mga Manggagawa sa Ubasan” (Mateo 20) ay nagpapakita ng mabait, mapagbigay, mapagmahal na kalikasan ng Diyos – ang Isang nagpapala sa atin hindi ayon sa kung ano ang “kinita” natin kundi ayon sa kailangan natin. Ang mga manggagawa na dumating sa ikalabing-isang oras ay nagsi-gawa ng isang oras lamang, at gayun pa man ay tumanggap ng isang buong araw na sahod.

May ilang bagay na hinihiling ang Diyos nang para sa isang araw lamang, at iyon ay inilalapat ng Kanyang mahabaging puso sa isang buong buhay. Binigyan ka ng Diyos ng buhay. Iyon ay isang handog na walang bayad. Bagamat sa una pa man, nakita na Niya ang iyong kawalan ng pasasalamat tulad nang nakita Niyang pagtatwa ni Pedro sa Kanya matapos itong manumpa na hindi nito kailanman itatanggi si Hesus. Hindi tulad ni Hudas, si Pedro ay humingi ng kapatawaran, pinatunayan ang kanyang pagmamahal kay Jesus, at naging isang dakilang santo. Sina Moises, David at Pablo ay mga mamamatay-tao, ngunit sila din ay naging mga dakilang santo sapagkat, may pagsisisi sa puso, nagtiwala sila kay Jesus at mapagkumbabang humingi ng kapatawaran.

Ang Diyos ay laging nasa iyo. May pananabik Siyang nag-aantay sa iyo. Tulad ng ama ng alibughang anak, nais Niyang ipasout sa iyo ang pinakamagarang kasuotan, ang pinakamamhaling singsing sa iyong daliri at sandalyas sa iyong mga paa. Nais Niyang magdiwang nang may isang kapistahan sapagkat ang Kanyang anak ay patay na at nabuhay na muli; siya ay nawala, at ngayon ay nagbalik na. Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa iyo na dinidinig Niya kahit ang pinakamahina mong tawag. Huwag mong matakot na ipahayag ang iyong sarili. Ilapit mo ang iyong bibig sa Kanyang tainga. Siya ay nakikinig. Noong maliit ka pa gusto mong may humawak ng iyong kamay kapag tumawid ka sa kalye. Hilingin mo si Jesus na kunin ang iyong kamay, sapagkat nananatili kang maliit. Ibigay mo kay Jesus ang lahat nang lubusan. Lahat-lahat. Tinatanggap ng Diyos ang iyong mga pagkukulang pati na ang iyong pagsisikap na maging mabuti. Ibigay mo ang iyong sarili bilang ikaw. Alam Niya ang lahat tungkol sa kalikasan ng tao. Siya ay dumating upang tumulong at magpanumbalik. Si Hesus ang Ostya. Ikaw ang sagraryo.

Kapag kailangan mo ng paggagamot, ipinapaubaya mo ang iyong sarili sa mga kamay ng manggagamot. Ilagay mo ang iyong kaluluwa, walang imik at walang kibo, sa mga kamay ni Hesus. Gagamutin ka Niya. Ang pagmamahal, at ang hangarin mong magmahal, ay magbibigay halaga sa iyong mga gawa. Ibalik mo ang iyong buhay sa Diyos. Ibigay mo sa Kanya ang iyong mga pagdurusa at kalungkutan. Hilingin mong makatulog sa Banal na Espiritu sapagkat ang iyong huling paghinga ay dapat na nagmamahal.

Sa kanyang talaarawan, sinulat ni Santa Faustina ang pahatid na ito tungkol sa chaplet ng Banal na Awa mula kay Jesus: “Anak ko, hikayatin mo ang mga kaluluwa na dasalin ang chaplet na binigay ko sa iyo. Ikinalulugod Ko na ipagkaloob ang lahat ng kanilang hiling sa Akin sa pagdadasal ng chaplet. Kapag dinasal ito ng mga manhid na makasalanan, pupunuin ko ng kapayapaan ang kanilang kaluluwa, at ang oras ng kanilang kamatayan ay magiging isang maligaya… Isulat mo na kapag ang chaplet na ito ay dinasal sa kinaroroonan ng namamatay, mamamagitan Ako sa Aking Ama at sa naghihingalo, hindi bilang matuwid na Hukom kundi bilang maawain na Tagapagligtas.” (Diary,1541)

Kung malapit ka na sa katapusan ng buhay, ito ang iyong oras ng paglilitis. Huwag mo itong aksayahin. Nananalig ka, kaya’t tatanggap ka. Makipagpayapaan ka sa Panginoon. Magtiwala ka sa Kanya. I-alay mo sa Kanya ang isang mapagpakumbaba at nagsisising puso. Mangumpisal ka. Humiling ka na makatanggap ng Huling Basbas. Humiling kay San Jose, ang Patron ng Maligayang Kamatayan, na ihanda ka para makaharap ang Panginoon. Dasalin ang chaplet ng Banal na Awa. Basahin ang Awit 51.  Kung may ka na malapit na sa kamatayan, dasalin mo ang chaplet ng Banal na Awa sa kanya. Hikayatin siya na magkumpisal ng isang mahusay na Kumpisal at na makatanggap ng Huling Basbas.

Huwag matakot.

Manalig kay Jesus.

Share:

Patrick Hirzel

Patrick Hirzel is a practicing attorney in Michigan. He is the editor of church bulletin inserts entitled “Spiritual Formation— Developing a Personal Relationship with God” and is the founder of “The Parish Rosary Program”, an international program to promote the Rosary at the parish level.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles