Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 12, 2022 460 0 Dr. Victor M. Nava
Makatawag ng Pansin

NAG-AAYOS NG MGA BUHAY NANG MAY PUSONG NAGMAMAHAL

Sa may mahigit 40 taong karanasan, nagampanan niya ang mga magigiting na tagumpay; ngunit kahilihili, natagpuan niya ang tunay na kagalakan sa ibang dako.

Noong ako ay 11 taong gulang, isang malubhang pinsala sa binti mula sa sakuna sa sasakyan ang nagtulak sa pagpili ko ng karera. Matapos ang maramihang pamamaraan sa pagpanumbalik, sinimulan kong sabihin, “Paglaki ko, ako ay magiging isang maninistis.”  Nadama kong ako’y pinagpala na matupad ko ang aking pangarap.

Kapag sabihin ko sa mga tao na ako ay isang maninistis sa pagpapaayos, madami ang mausisa tungkol sa mga paninistis ko na pagpapaganda, ngunit bihira silang magtanong tungkol sa mga pagpapanumbalik na pamamaraang ginagawa ko. Ang pangunahing pagkakaiba sa dalawang uri ng operasyon ay na ang karamihan sa operasyong pagpapaganda ay isang “pagnanais” samantalang ang operasyon sa pagpapanumbalik ay isang “pangangailangan”.  Ang mga operasyon sa kauriang “pangangailangan” ay mga pamamaraan para sa pinsala sa mukha, kanser sa balat, pangangalaga sa paso, laylay at paglilipat ng balat, masalimuot na mga sugat, pagtistis sa kamay at iba pa.

Gayunpaman, sa mga ikatlong mundong bansa tulad ng Mexico at Dominican Republic, madaming mga pasyente ang labis na nangangailangan at nagnanais ng muling-pagbubuong operasyon. Sa kasaliwaang-palad, alinman, dahil wala silang pera o dahil walang maninistis na nakalaan, ang kanilang mga pangangailangan ay hindi matugunan.

Upang matulungan ang mga naturang pasyente, nagsagawa ako sa mga medikal na misyon sa kapwang bansa upang kusang-loob na ialay ang aking mga pagsisilbi. Dalawang paggamot ang hinarap ko doon na hindi ko malamang nakatagpo sa amerika.

Ang una ay isang babaeng napakahirap na hindi siya nakaangkin ng isang pares ng sapatos.  Samakatuwid, ang malaking itim na nunal sa ibabaw ng kanyang paa ay sapat na mumo na matutuka ng kanyang mga manok.  Karaniwan itong dumudugo, madalas na nagkakaroon ng impeksyon at laging nasasaktan.  Nakiusap siya sa akin, “Pakiusap Doktor, alisin mo itong nunal.  Wala pang 30 sandali ay nalutas na ang kanyang suliranin. Isang simple ngunit tunay na pangangailangang medikal.  Laking pagpapahalaga niya kaya niyakap niya ako at labis na nagpasalamat.

Ang pangalawang pasyente ay isang 16 na taong-gulang na binatilyo na may napakalapad na siwang sa labi na iniwang nakalantad ang kanyang mga usling ngipin.  Sinabi niya sa akin na may isang dalagita sa paaralan na talagang gusto niya ngunit siya ay nangingimi at nahihiyang hilingin na maging kasintahan niya.  Sa loob ng mga 2½ oras ay nagawa kong baguhin ang kanyang buhay.  Nang magising na siya mula sa pangpamanhid, tumingin siya sa salamin at nakita ang napakalaking ngiti na walang ngiping nakalantad.  Sa kanyang pagdalaw upang matingnang muli, kinailangan kong itanong, “Ano ang sinabi ng dalagita?”) Madiin siyang tumugon ng, “”Sabi niya oo!”

Tulad ng iba pang pitumpo o higit pang mga nagpapagamot na aking naoperahan, ang dalawang pasyenteng ito ay lubos na nagpapahalaga. Ngunit natagpuan ko din ang tunay kong kagalakan sa pagmalas sa kanilang mga ngiti, sa kanilang mga luha ng kagalakan, at ang makatanggap ng mga mainit na yapos na iyon. Ang aking karanasan ay madalas na nagpapaalala sa akin kung ano ang sinasabi ni Hesus sa Kanyang mga disipulo sa Mateo 20:28, “Ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod.” Nagpapasalamat ako sa Panginoon sapagkat biniyayaan Niya ako ng mga kahusayang magagamit ko upang maayos ang buhay ng mga taong higit na nangangailangan.

Share:

Dr. Victor M. Nava

Dr. Victor M. Nava ay isang retiradong Plastic Surgeon na may higit sa 40 taong karanasan. Kasalukuyan siyang Catechism volunteer teacher sa St Clare's Catholic Church at volunteer Male Advocate sa Sacramento Life Center, isang Pro-life clinic. Nakatira siya kasama ang kanyang asawa, tatlong anak at apat na apo sa Roseville, California.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles