Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 16, 2022 924 0 Elizabeth Livingston
Makatawag ng Pansin

MULA SA PAGKAMATAY PATUNGO SA BAGONG BUHAY

Bilang bahagi ng kurikulum ng ika-3 baitang ng aking anak, dapat niyang matutunan ang tungkol sa ikot ng buhay ng isang paru-paro. Kaya, nag-saliksik ako ng kaunti para mapag-usapan namin ito nang magkasama. Kahit na alam ko na ang apat na yugto ng siklo ng buhay ng isang paru-paro, hindi ko pa ito nasiyasat nang malalim.

Habang naghahanap ako ng mga video at larawan tungkol sa iba’t ibang yugto ng maliit at magandang nilalang na ito, nabighani ako sa ika-3 yugto ng paglaki nito kapag ito ay nasa pupa na sumasailalim sa pag babagong anyo. Ang uod ay kailangang manatili sa pupa ng ilang araw upang maging isang ganap na paru-paro.

Kung bubuksan mo ang pupa sa gitna ng proseso, makakakita ka lamang ng malagkit na likidong sangkap sa halip na isang uod na maginhawang umiidlip sa loob ng pook hanggang sa makuha nito ang mga pakpak nito. Sa katunayan, sa yugtong ito, ang lumang katawan ng uod ay namamatay habang ang isang bagong katawan ay nagsisimulang mabuo. Ang uod ay kinakailangang malasog ng husto. Pagkatapos na ito’y  ganap na matunaw, saka  pa lamang ito magsisimulang maging isang magandang nilalang na idinisenyo.

Ang isa pang kamangha-manghang bagay na natuklasan ko ay ang salitang Chrysalis na nagmula sa Griyego para sa “ginintuan” dahil sa mga ginintuang sinulid na nakapalibot sa berdeng chrysalis. Marahil ay narinig mo na ang ilang espiritwal na pagkakatulad tungkol sa yugto ng chrysalis at kung paanong ang mga mahihirap na panahon ng ating buhay ay ang talagang mga nakapagpabago sa atin. Gayunpaman, kapag talagang nasusumpungan natin ang ating sarili sa krisis, madalas nating binabalewala ang pagdurusa, sa pag-aakalang hindi ito para sa mga mananampalataya ni Kristo.

Patuloy tayong humihiling sa Diyos na alisin ang hindi komportable at pangit na sangkap ng mga paghihirap at kalungkutan sa ating buhay. Nais nating baguhin Niya ang ating mga kalagayan, ngunit gusto Niya tayong mabago sa pamamagitan ng proseso nito.

Dahil, ang mas malalim na gawain sa loob ng ating mga kaluluwa ay nagaganap sa chrysalis.

Ang ating pananampalataya ay lumalakas sa pamamagitan ng pagiging nasa loob ng chrysalis.

Ang pinakamahahalagang aral sa buhay ay natututunan sa chrysalis.

Lumalalim ang ating relasyon sa ating Panginoong Diyos habang tayo ay nag-babagong- anyo sa loob ng chrysalis habang ang mga bahagi ng ating pagkatao na hindi mahalaga ay ini-aalis.

Katulad ng kung paanong ang uod ay nagiging isang magandang paru-paro sa kadiliman, sa pag-iisa at pagpapahinga sa krisalis, ang panahong ito ang maaaring magbunyag at maghanda sa atin para sa layunin ng ating pagkatao.

Hindi ko alam kung saang yugto ng pagbabagong-anyo ka na sa kasalukuyan. Kung nakuha mo na ang iyong mga pakpak, purihin ang Diyos ngunit kung matagpuan  mo ang iyong sarili na nakaipit sa krisalis, ang lugar kung saan ang pakiramdam mo ay walang nangyayari, kung saan ang nakikita mo ay puro kadiliman at ang iyong mga pighati at paghihirap, kung saan ang pakiramdam mo ay nawawasak ka sa bawat araw at kung saan ang pakiramdam mo lahat ay nakahinto, walang buhay at hindi aktibo, nais kong hikayatin kang magtiwala sa proseso, sumuko dito, yakapin ito at maghintay hanggang sa ang proseso ay magawa ang pinakamahusay, binabago ka sa lahat ng bagay na dapat kang maging, na nagbibigay sa iyo ng maluwalhating mga pakpak ng iyong layunin at sumasalamin sa kamahalan ng iyong Ama sa Langit.

Anuman ang pakiramdam ng iyong chrysalis, tandaan na ito ay palaging nakatakip ng ginintuang mga hibla ng lakas, kasiguruhan, pagmamahal at biyaya mula sa iyong Panginoong Manlilikha. Babantayan ka niya sa buong proseso. Magtiwala ka sa Kanya na proprotektahan ka at muling bubuoin habang ikaw ay binabago sa loob ng iyong chrysalis. Pagkatapos ang iyong pagbabagong-anyo ay bibigla sa iyo.

Share:

Elizabeth Livingston

Elizabeth Livingston ay isang manunulat, tagapagsalita at blogger. Sa pamamagitan ng kanyang mga nagbibigay inspirasyong mga sinulat, marami ang naantig ng nakapagpapagaling na pag-ibig ng Diyos. Nakatira siya kasama ang kanyang asawa at dalawang magagandang anak sa Kerala, India. Upang makabasa pa ng kanyang mga artikulo bisitahin ang: elizabethlivingston.in/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles