Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 27, 2023 452 0 Emily Shaw, Australia
Makatawag ng Pansin

MULA PANG-AKADEMYA TUNGO SA MAKATOTOHANAN NA PANANAMPALATAYA

Naaaninag ko ang ulo at balikat ng isang lalaki na hanggang balikat ang buhok, at may matulis na bagay sa itaas ng kanyang noo

Gabi na noon.  Naupo ako sa gawa-gawang kapilya na itinayo namin para sa taunang pagninilay ng mga kabataan sa diyosesis. napagod ako.  Pagod at upos mula sa pag-oorganisa ng katapusan ng linggo sa aking tungkulin bilang isang manggagawa ng ministeryo ng kabataan, bukod pa sa pagiging nasa unang tatlong buwan ng pagdadalantao.

Ako ay nagboluntaryo para sa oras na ito ng Yukaristikong Pagsamba.  Ang pagkakataon para sa 24 na oras na pagsamba ay isang malaking atraksyon ng pagninilay. Laging nakapagpapatibay na makita ang mga kabataan na gumugugol ng oras sa ating Panginoon.

Ngunit napagod ako. Alam ko na dapat akong magpalipas ng oras dito subalit, lumipas ang mga minuto. Hindi ko maiwasang pagalitan ang aking sarili sa kawalan ko ng pananampalataya. Nandito ako sa presensya ni Hesus, at ako ay lubhang pagod upang makagawa ng kahit anuman maliban sa mag-isip kung gaano ako kapagod.  Ako ay nasa sunod sunuran lang at nagsimula akong magtaka kung ang aking pananampalataya ay higit lamang sa pag-iisip. Iyon ay isang kalagayan ng kung ano ang alam ko sa aking isip, hindi kung ano ang alam ko sa aking puso.

Agad Na Magbago Ng Pag-iisip 

Sa pagbabalik-tanaw, hindi ito dapat maging isang sorpresa. Noon pa man ay may pagkaademiko ang pag-iisip ko—nais kong matuto.  Ang pagbabasa at pagtalakay sa mas mahahalagang bagay sa buhay ay isang bagay na pumukaw sa aking kaluluwa.  Ang pakikinig sa mga iniisip at opinyon ng iba ay palaging nagbibigay sa akin ng dahilan upang tumigil at magsaalang-alang, o muling isaalang-alang ang mundong ating ginagalawan.

Ang mismong pagmamahal na ito sa pag-aaral ang nagbigay-bunga sa aking mas malalim na pagbababad sa pananampalatayang Katoliko. Nag-aalangan akong tawagin itong ‘pagbabalik’ dahil hindi ko kailanman iniwan ang pagsasagawa ng pananampalataya, ngunit tiyak kong ako ay isang tunay na Katoliko mula pa sa duyan.

Noong unang taon ko matapos sa mataas na paaralan, biglang nagbago ang takbo ng aking buhay. Isang orden ang pumalit sa aking parokya noong bata pa ako at ang kanilang kasigasigan para sa katekesis at ebanghelisasyon—sa kanilang mga homiliya at kanilang regular na pag-uusap—ay humamon sa inaakala kong nalalaman ko tungkol sa pagiging Katoliko.

Kaagad, ako ay naging gutom at mausisang mag-aaral ng Katolisismo. Habang ako ay madaming natututunan mas napagtanto kong kailangan kong matuto. Pareho ang mga itong nagpakumbaba at nagpasigla sa akin.

Dinagdagan ko ang mga pang-araw-araw na Misa at regular na Pagsamba at nagsimulang dumalo sa mga pagninilay, na humantong sa pagdalo sa isang pandaigdigang Araw ng Kabataan. Ikinatuwa ko nang labis ang mga seremonya ng ordinasyon ng mga pari, ang Misa ng mga Langis, at iba pa. Mas madalas kaysa sa hindi, ako ay dumalo sa mga ito nang mag-isa.

Ang Nawawalang Kawing? 

Lumago ang kaalaman ko sa aking pananampalataya at naunawaan ko ang tawag sa ministeryo—sa pamamagitan ng pamamahayag at ministeryo ng kabataan. Nagpalit ako ng mga titulo sa pamantasan, nakilala ang ngayo’y asawa ko na, at nagsimula ng isang bagong bokasyon, ang pagiging ina.

Subalit, limang taon matapos kong simulan ang aking ‘pagbababad’, ang aking pananampalataya ay mas akademiko kaysa makatotohanan.  Ang kaalamang natamo ko ay hindi pa nagsisimulang tumagos sa aking kaluluwa. Ginawa ko ang dapat gawin, ngunit hindi ko ‘naramdaman’ ang matinding pagmamahal sa Diyos sa aking puso.

Kaya, nandoon ako. Ginagawa ang kinailangang gawin. Walang lakas dahil sa pagod, ginawa ko ang dapat kong gawin sa simula pa lang. Humingi ako kay Hesus ng tulong. Tulungan ang aking pananampalataya, ang aking pag-ibig para sa iyo, na maging totoo at nahahawakan, nanalangin ako.

Ang mga anino ay humaba, at ang mga kandila ay nagkislapan sa magkabilang gilid ng magarbong gintong sisidlan ng Yukaristiya. Tinitigan ko ang Ating Panginoon, sinusubukang panatilihing nakatuon ang aking isip sa Kanya lamang.

Nakabilad sa Kanyang Presensya

Habang umuunat ang mga anino sa sisidlan ng Yukaristiya, nagsimulang lumitaw ang isang larawan sa kanang bahagi ng salamin na nagkanlong sa Ating Panginoon.  Ito ay tulad ng pagtingin sa isa sa mga lumang Victorian profile picture, mga anino ang lumikha ng imahe ng isang mukha sa anyo.

Naaninag ko ang ulo at balikat ng isang lalaki, nakayuko ang ulo, nakatingin sa kaliwa. Ang ilan sa mga anino sa likuran ay lumikha ng hindi malinaw na mga hugis ngunit walang duda na ang lalaking ito ay may hanggang balikat na buhok at may matulis na bagay sa itaas ng kanyang noo.

Siya Iyun. Sa Kanyang pagkakapako sa krus. Doon, sa sisidlan ng Yukaristiya , na sinasapawan ng Tunay na Presensya, ay ang anino ng anyo ng Aking Tagapagligtas, na ibinubuhos ang Kanyang pagmamahal sa akin sa Krus. At hindi ko Siya kayang mahalin nang higit pa.

Nakaugat Sa Pag-ibig

Ako ay labis na nalupig at labis na nabigla na gumugol akong ng mas mahabang panahon sa Kanya kaysa sa nakatakda. Nawala ang aking pagod at ninais kong magbilad sa Kanyang Presensya. Hindi ko kailanman kayang mahalin si Hesus gaya ng pagmamahal Niya sa akin, ngunit ayaw kong mag-alinlanganan Siya sa pagmamahal ko sa Kanya.

Nang gabing iyon, labinlimang taon na ang lumipas, ipinakita ni Hesus ang isang mahalagang katotohanan tungkol sa ating pananampalataya: hindi ito magiging mabunga kung hindi ito nakaugat nang matatag sa pag-ibig sa Kanya.

Bagama’t, kahit sulit na gawin ang mga bagay dahil tama ang mga ito, mas mabuting gawin ang nasabing mga bagay nang dahil sa pag-ibig sa Diyos. Kahit na hindi natin ito ‘ramdam’.

Share:

Emily Shaw

Emily Shaw is a former Australasian Catholic Press Association award-winning editor turned blogger for australiancatholicmums.com and is a contributor to Catholic-Link. A wife and mother of seven, she resides on a farm in rural Australia and enjoys the spiritual support of her local catholic community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles