Trending Articles
Sa loob ng madaming taon, pinigilan ako ng aking ina na madanasan ang pagmamahal ng aking ama, ngunit nakahanap ako ng daan pabalik upang makipagkasundo sa kanilang dalawa, at sa aking sarili!
Walang sinoman ang may nais malaman na sila ay pinagsisinungalingan ng taong minamahal at pinagkakatiwalaan nila, ngunit nangyayari ito. Ang unang pagkakataon na nangyari ito sa akin, ako ay isang bata na nasa poder ng aking ina. Nakakita ako ng kahon ng mga liham na isinulat ko sa aking ama sa nakaraang mahabang panahon. Ang mga ito ay hindi kailanman naipadala. Mula sa itinapon na bungkos, hinila ko ang isang kard na ginawa ko para sa kanya, na may nakasulat na ‘Maligayang Araw ng mga Ama, Tay, mahal kita,’ at nadama ko ang lumalagong galit at kawalan ng katarungan na umangat sa pagkalito na nakaantig sa akin ilang sandali lamang matapos kong matagpuan ang mga ito.
Nang lapitan ko ang aking ina tungkol sa mga hindi naipadalang mga liham, hindi siya nag-aalala, kaswal na nagsasabi na alam na niya noon pa na hindi ako magiging tapat sa kanya, at ang mga liham mula sa aking ama ay patunay ng kanyang mga hinala tungkol sa akin-tinawag ko siyang ‘Tatay’ na ang ibig sabihin, sa kanyang isip man lang, na ako ay nagtaksil sa kanya. Ang paghihirap na nadama ko nang matuklasan ang katotohanan ay hindi mabata, hindi para sa aking sarili, kundi para sa aking ama. Ang siphayong nadama niya, batid na din ako tumugon sa mga liham niya sa akin…At gayon pa man, nagtaka ako kung bakit–matapos na wala siyang madinig mula sa akin hangang sa mga oras na ito– patuloy siyang sumulat sa akin, na nagsasabi ng kanyang mga pakikipagsapalaran sa ibang bansa, ang kanyang pang-araw-araw na buhay, mga kagiliw-giliw na bagay niyang nakita, o mga taong nakilala niya. Hindi ko malilimutan ang pagkakasala na nadama ko, batid na ang pagmamahal ko sa kanya ay di mawari. Nadama kong pinagtaksilan ako. Ang mga salitang inilaan ko para lamang sa aking ama ay nilusob ng ibang tao. Pakiramdam ko ay ninakawan ako ng karapatang makilala ang aking ama, at na makilala niya ako.
Makalipas ang mga tatlumpung taon, nakatuklas ako ng isa pang Ama na pinag-iingatan ko. Matapos matutunan ang katotohanan tungkol sa Diyos at sa Simbahang Katoliko, nadama ko na ako ay ninakawan ng isang pakikipag-ugnayan sa aking Ama sa Langit, na nagbigay sa akin ng pansamantalang pakiramdam ng kawalan at mabigat na konsensya, na sinundan ng isang mas malaking damdamin ng kawalang-karapatan sa Kanyang pag-ibig—na dapat Niyang patuloy na tugisin ako sa kabila ng pagkawala ko sa pakikipag-ugnayan.
Ang buhay ko sa dakong ito ay pumigil sa akin na makatagpo at higit na mahalaga na makatanggap ng Pag-ibig at awa ng Diyos. Bagaman maaaring nadama ko na hindi ko nakilala ang Diyos, na sa isang banda ay totoo batay sa aking kinalakhan, alam ko na ngayon na wala kailanman na nakakapigil sa Diyos na kilalanin ako . Ang katotohanan, nais ng Ating Ama sa Langit na makasama Niya ang lahat ng Kanyang mga anak, at hindi Siya titigil upang maiuwi tayo. Ang kailangan lang sa atin ay sumuko at ibigay sa Kanya ang ating oo.
Ang aking personal na ‘oo’ ay nagpaunawa sa akin na kapag taos-puso nating nalaman ang pag-ibig ng Diyos, inihahanay natin ang ating puso sa Kanyang Banal na Puso at pagkatapos, maaari lamang tayong magmahal sa Kanyang pagmamahal. Ang kahima himala na pag-ibig na ito ang tumutulong sa atin na makita ang pagkasugat ng mga taong nanakit sa atin. Ang Kanyang mahabaging pag-ibig ay tumutulong sa ating pagpapagaling ng ating pinakamalalim na mga sugat, pinapalutang ang mga ito isa-isa nang may sukdulang lambing, paggalang,at pag-aalaga…
Ang Kanyang walang hanggang pagmamahal at awa ay nakatulong sa akin na maunawaan na ang pagpapatawad ay hindi lamang tungkol sa paglimit sa sakit at galit, kundi pati na din sa pagpapalaya sa bigat ng pagkakasala at hinanakit na matagal ko nang dinadala. Sa pamamagitan ng panalangin at pagmumuni-muni, sinimulan kong makita na kung paanong ang aking ama sa lupa ay patuloy na umaabot sa akin nang may pagmamahal sa kabila ng aking pananahimik, gayon din, ang aking Ama sa Langit ay patuloy na tumutugis sa akin nang walang humpay na pagmamahal at habag.
Bakit? Sapagkat una Niya tayong minahal, at kilala Niya tayo sa pinakamatalik na paraan.
Ito ay sa pamamagitan ng Kanyang biyaya na nakayanan kong mapatawad ang aking sarili sa mga taon ng nawalang pagmamahal sa aking ama. Ang supernatural na pag-ibig na ito ay nagbunsod din sa akin na patawadin ang aking ina sa sakit na idinulot niya. Ang pag-ibig ng Diyos ay nagpakita sa akin na ako ay karapat-dapat sa kapatawaran at pagtubos, anuman ang nakaraan pagkakamali o pasakit. At ang Kanyang pagmamahal ay nagbigay inspirasyon sa aking puso na ang aking ina ay karapat-dapat din ng ganoon pagpapatawad at pagtubos.
Binago ng kanyang pag-ibig ang aking pasakit na maging isang mapagkukunan ng pakikidamay at empatiya, na nagpapahintulot sa akin na makita ang kagandahan at potensyal para sa paggaling sa bawat sirang kalagayan. Sa pamamagitan ng nakapagpapagaling na kapangyarihan ng Diyos mahal, natutunan ko na ang pagpapatawad ay hindi lamang isang handog na ibinibigay natin sa iba, kundi isa na ibinibigay natin sa ating sarili. Ito ay isang landas tungo sa kalayaan at kapayapaan, isang paraan upang palayain ang nakaraan at yakapin ang hinaharap nang may panibagong pananampalataya at pagmamahal.
Dalangin ko na tayong lahat ay mabigyang-inspirasyon ng walang hanggang pagmamahal ng ating Ama sa Langit, na nag-aalok sa atin ng saganang pagpapatawad, pagpapagaling, at pagtubos. Nawa’y ibigay natin ang katulad na pagmamahal at pagpapatawad sa ating sarili at sa lahat ng nakapaligid sa atin, na lumikha ng isang mundong puno ng biyaya, habag, at pagkakasundo.
Fiona McKenna resides in Canberra, Australia. She recently completed a two-year Catholic ministry equipping course with Encounter School of Ministry and is studying for a Masters Degree in Theological Studies.
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!