Home/Makatawag ng Pansin/Article

Feb 22, 2023 782 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

MILAGRO NG ROSARYO

Pinigilan ng Rosaryo ang Seryeng Mamamatay Tao

Marami nang naisulat tungkol sa kilalang seryeng mamamatay tao, si Ted Bundy. Ngunit narito ang isang kuwento na ngayon lamang nakakuha ng malawak na atensyon. At nagbibigay ito ng makapangyarihang patotoo sa mahimalang kapangyarihan ng rosaryo.

Noong Enero 15, 1978, matapos kitilin ang buhay ng dalawang estudyante sa kolehiyo na nakatira sa Chi Omega tirahan ng kapatiran ng mga babae sa Florida State University, sinimulan ni Bundy ang pagsuyod ng bahay para sa mas maraming biktima. Dala-dala ang isang pamukpok, pumasok si Bundy sa silid ng kanyang balak na susunod na biktima, ngunit bigla siyang huminto sa kanyang kinatatayuan. Tapos bigla niyang binitawan ang pamukpok at umalis.

Gustong malaman ng pulis kung bakit nakaligtas ang babaeng ito sa pag-atake—bakit huminto si Bundy sa loob lang ng kanyang silid at tumakas? Pumayag ang batang babae na makipag-usap sa pulisya, pero kung mayroong isang pari sa silid. Kaya, tumawag ang mga opisyal sa kalapit na parokya. Bagama’t hindi siya ang paring dapat tawagin nang gabing iyon, tumunog ang telepono sa silid ni Fr. William Kerr (sa katagalan Msgr. Kerr) at mabilis siyang sumugod sa pinangyarihan.

Ikinuwento ng na traumang babae sa pari ang pangakong binitiwan niya sa kanyang lola noong umalis siya sa bahay para magsimula ng kolehiyo. Gabi-gabi, gaano man siya kagabi sa pagtulog, nagdadasal siya ng Rosaryo, para humingi ng proteksyon sa Mahal na Ina. Oo, bawat lakas, kahit na makatulog siya pagkatapos lamang ng ilang dekada. At sa katunayan, iyon ang nangyari noong gabi ng mga pagpatay. Kahit mahimbing ang tulog, hawak pa rin niya ang rosaryo sa kanyang mga kamay nang pumasok si Bundy sa kanyang silid. Gumalaw siya at nakita niya ang isang lalaking may hawak na pamukpok na nakatayo sa ibabaw niya. Walang isip-isip, ibinuka niya ang kanyang mga kamay, inilantad ang rosaryo. Nakita ni Bundy ang mga butil ng rosaryo at agad na umalis.

Makalipas ang ilang linggo, Si Fr.Kerr ay nakatanggap ng isa pang tawag sa gabi, bagama’t muli ay hindi siya ang pari na naka-duty. Sa pagkakataong ito, ang tumatawag ay ang warden ng kalapit na bilangguan. Kahuhuli lang kay Bundy at humiling na makipag-usap sa isang pari. Nakipagkita si Fr. Kerr kay Bundy nang gabing iyon at patuloy na nakatanggap ng mga regular na tawag mula sa kanya hanggang sa gabing bago bitayin si Bundy, upang magpasalamat siya kay Fr. Kerr sa tulong na ibinigay niya sa kanya.

Inamin ni Bundy na nakagawa siya ng mahigit tatlumpung pagpatay sa kanyang buhay. Ngunit isang buhay, ang buhay ng isang batang babae na nangako sa kanyang lola, ang buhay na hindi niya kinuha. Naligtas ba ang buhay na iyon dahil nahulog ang mga butil ng rosaryo mula sa kanyang mga kamay? Hindi kailanman sinabi ni Bundy. Ngunit makatitiyak tayo na may kapangyarihan sa Rosaryo, na may kaligtasan sa ilalim ng proteksiyon ni Maria, at may espirituwal na paglago at kabuhayan na nagmumula sa pagdarasal ng mga misteryo ng buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Kristo.

 

 

 

 

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles