Home/Makatawag ng Pansin/Article

Nov 19, 2020 1678 0 Darwin James
Makatawag ng Pansin

Milagro ng Panginoon na Pinagbago Ang Aking Buhay

Nasa aking gunita ang aking ina na humahagulgul sa balikat ng aking ama , kasama na ang mga kamaganak, kaibigan at pati mga taong hindi ko kakilala na umiiyak at nagdarasal para sa akin.  Naalala ko ang mga manggagamot na nagbubulungan sa isat isa na wala na akong pagasa na mailigtas. Naalala ko na isinara ko ang aking mga mata at nanalangin na biyayaan ako ng isa pang araw na mabuhay.

Sa Araw na Pangyayari

Noong 2007, habang ako ay nasa apat na baytang ng mababang paaralan, ang aking tiyuhin ay bumili ng isang computer . Inaasam asam ko araw araw na magamit ko at makapaglaro ako sa computer.

Isang hapon , pagkagaling sa paaralan, nagmamadali akong nagtanggal ng damit at naglaro sa computer.  Kasabay ng sandaling iyon, ay ang pagdating nang aking lola na may hawak ng kaldero na may kumukulong tubig.  Sinabihan ako ng lola ko na ang dala niya ay kumukulong tubig . Ganun paman ,sa pagkakita ko sa aking lola, ay sinalubong ko at niyapos siya .

Tumapon sa akin ang  kumukulong tubig at nalapnos ang kabuuang balat sa tiyan ko. Naalala ko ang iyak ng aking lola at ang aking ina ay nagmamadaling lumapit sa akin. Dahil sa lakas ng pag-iyak ng aking ina, nagpuntahan sa aming bahay ang mga kapitbahay at ng malaman ang nangyayari ang lahat ay namangha sa nakita.  Biglang nakaramdam ako ng matinding sakit sa paligid ng aking tiyan at di nagtagal ako ay dinala sa malapit na pagamutan.

Tanda Ng Kalungkutan

Habang ako ay mabilisang dinadala sa silid ng kagipitan,  nagsumamo ang aking lola na banggitin ko ang banal na pangalan ni Jesus, ni Maria at Jose.   Habang ako ay tinitignan ng mga maggagamot, nakita ko ang kakila kilabot na kalagayan ng aking tiyan . Nagdarasal ang aking mga magulang, kaibigan at kamag-anak sa makapangyarihang pamamagitan ng ating Mahal na Ina ng Diyos. Ngunit ,lahat sila ay hindi umaasa sa aking paggaling.

Pagkatapos ng isang buwan sa pagamutan, ako ay nakauwi sa bahay namin Ang aking tiyuhin ang nag alaga sa akin, sa dahilang ang aking mga magulang ay parating nangangamba at nangingibabaw ang kalungkutan.  Parati lang akong nakahiga sa kama.  Patuloy akong ipinagdarasal ng aking mga kaibigan, mga kasama sa simbahan, mga pare at madre at mga guro sa paaralan.  Saan man ako lumingon , ay nakikita ko ang mga tao na nagdarasal para sa aking paggaling. Ngayon ang katunayan na ang kanilang mga dasal ay pinakinggan at sinagot ng Panginoon.

Sunog na Marka

Sa mas maagang panahon kaysa sa inaasahan ng mga manggagamot, ako ay gumaling ng husto.  Ito ay isang milagro ng Panginoon. Walang umaasa na ako ay mabubuhay , ngunit ngayon ako ay magaling na at malusog.  Ang ating Panginoon lamang ang makakagawa ng milagrong naganap.

Kahit na ako ay bata pa ng mangyari ang milagrong ito,  itinanim sa akin ng Panginoon ang binhi ng pagmamahal at pananampalataya sa murang edad. Ang sunog na marka ay makikita pa rin sa aking katawan at nagsisilbing taga pag papaalala ng kapangyarihan ng pagpapagaling ng Panginoon .

Ang aking buhay ngayon ay kalangkap ng awa ng Panginoon. Ang Panginoon ang siyang ating tanging  tagapagligtas .

Share:

Darwin James

Darwin James resides with his family in Tamil Nadu, India.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles