Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 19, 2023 532 0 Bishop Robert Barron, USA
Makatawag ng Pansin

MGA SALITA NG KARUNUNGAN : ANG LASON NG PANINIRANG-PURI

Ako ay nasa monasteryo ng St. Joseph sa Covington, isang bayan ng Los Angeles, hindi kalayuan mula sa New Orleans.  Naroon ako upang manalumpati sa tatlumpung mga pinuno ng Benediktinong monghe mula sa palibot ng bansa na nagtipon para sa ilang mga araw ng pagmumuni-muni at banalang pagsusuri.  Ang nagpapalamuti sa mga dingding ng loob ng simbahan at kumbento ng monasteryo ng St. Joseph ay mga kahanga-hangang pintadong larawan na inilahad ni Padre Gregory de Wit, isang monghe ng Mont César sa Belgium, na naglingkod nang maraming taon sa ating bansa doon sa St. Meinrad sa Indiana at pati dito sa St. Joseph bago siya pumanaw noong 1978.  Matagal ko nang hinahangaan ang kanyang napakakilala, kakaiba, at pagkateyolohikong paraan ng sining.  Sa loob ng santuwaryo ng simbahan sa monasteryo, inilarawan ni de Wit ang isang hanay ng mga dakilang nakabagwis na mga anghel na pumapaligid sa mga larawan ng pitong mga nakamamatay na sala, na naghahatid ng malalim na katotohanan na ang tamang pagsamba ng Diyos ay nagwawaglit ng ating humihilis na paraan ng pagkabanal.  Ngunit ang kadalisayan ng pintadong palatuntunan ni de Wit ay ang karagdagan niyang ikawalong sala na ikinutob niyang lubusang mapanira sa looban ng monasteryo—na nagngangalang tsismis.

Siya’y tama tungkol sa mga monasteryo, oo naman, ngunit masasabi kong naging tama sana siya tungkol sa bawa’t uri ng pangkatauhang samahan:  pamilya, paaralan, pagawaan, parokya, atbp.  Ang pininirang-puri ay lason.  Tapós.  Ang larawan na ginawa ni de Wit ay pababalang pinangunahan ang ang mahistrarya ng ating kasalukuyang papa, na madalas nang ginagawa na ang paninirang-puri ang sanhi ng lubusang kahihiyan.  Pakinggan ito mula sa kamakailang pabilin ni Papa Francisco: “Pakiusap, mga kapatid, subukan nating huwag magtsismis.  Ang paninirang-puri ay higit na masahol pa sa COVID.  Higit pa!  Tayo’y magsikap nang lubos.  Walang tsismis!”  At upang kahit papaano’y hindi natin malingat ang aral, ipinagpatuloy niya, “Ang Diyablo ay ang pinakamalaking tsismoso.”  Itong huling puna ay hindi lamang isang makulay na pamamakata, pagka’t lubos na alam ng papa na ang dalawang mga pangunahing pangalan ng diyablo sa Bagong Tipan ay diabolos (ang mananambulat) at Satanas (ang mambibintang).  Wala akong maisip na higit pang paglalarawan ng kung ano ang magagawa ng paninirang-puri at ano talaga ito.

Hindi pa katagalan, isang kaibigan ay pinadalhan ako ng palabas sa YouTube ng pag-uusap ni Dave Ramsey, isang sanggunian sa negosyo at pananalapi.  Na may taglay na kasidhian ni Papa Francisco, nagsalita si Ramsey laban sa paninirang-puri sa pagawaan, binibigyang-diin na siya’y walang patakaran ng pagpaparaya hinggil sa gawi.  Nakakatulong na pinaliwanag niya ang paninirang-puri sa sumusunod: pinangalandakan ang anumang bagay na salungat kasama ang isa na hindi makalutas ng suliranin.   Upang magkaroon ng katatagan ang mga bagay, ang tao sa inyong pulong ay maaaring makipagtsismis kapag siya’y dumaraing tungkol sa usapin ng Teknolohiyang pang impormasyon o kaalaman sa teknolohiya kasama ang isang kasapi na walang kakayahan o karapatan na lutasin ang mga bagay tungkol sa Teknolohiyang pang impormasyon  O ang isang babae ay makapagtsismis kung nagpakita siya ng puot sa kanyang amo sa harap ng mga taong naatasan ng karapatang mag-utos na lubusang wala sa lagay na tumugon nang maayos sa kanyang pamumula. Nagbibigay si Ramsey ng isang matalas na halimbawa mula sa sariling karanasan.  Ginunita niya na nagkaroon siya ng isang pagkikita na kasama ang buong pangkat ng mga namamahala, ipinakikita ang bagong pagtalakay na nais niyang pagbatayan nila.  Iniwan niya ang pagtitipon, ngunit di-sadyang nalimutan niya ang kanyang mga susi kaya pumaroon siyang muli sa silid.  Doon niya natuklasan na mayroong nangyayari na “isang pagkikita pagkatapos ng isang pagkikita,” na pinamumunuhan ng isa sa kanyang mga kawani na, habang nakatalikod sa pintuan, ay malakas at mapagbungangang binabatikos ang amo sa harap ng iba.  Walang pag-aalinlangan na tinawag ni Ramsey ang babae sa kanyang opisina at, ayon sa kanyang matatag na patakaran para sa tsismis, ay sinisante siya.

Isipin ninyo, wala sa mga ito ay nagsasabi na ang mga suliranin ay ni-kailanman pumaibabaw sa loob ng mga lipunan.  Ngunit ito’y sadyang sinasabi na sila’y dapat ipakita nang walang dahas at nasa pagkakaayos ng pamumuno, na matuwid sa mga makapagtutuos nang maayos sa mga ito.  Kapag ang yaong paraan ay nasusunod, ang paninirang-puri ay hindi lalaganap.  Maaari kong bigyan ng karagdagan ang tagubilin ni Ramsey nang isa pa mula kay John Shea, isang dating guro ko.  Mga ilang taon nang nakalipas, winika ni Shea na dapat ay malaya tayong pumuna ng ibang mga tao  ayon sa panukala at sa antas na tayo’y handang tulungan ang tao na makipagtuos sa suliranin na ating natiyak.  Kapag tayo’y lubusang tapat na tumulong, tayo’y dapat na magpuna nang may kasiglaan ayon sa ating pagnais.  Kung tayo ay may malumanay na pagnanais na tumulong, ang ating puna ay dapat nakapagpapahinahon.  Kung, tulad ng karaniwan, wala tayo ni damping pagnasa upang tumulong, dapat tayong manahimik.

Ang pagbibigay-alam ng daing nang walang dahas ayon sa ayos ng pamumuno ay upang makatulong; ang paglalahad nito laban sa ayos ng pamumuno at dahas ng isip ay upang manira ng dangal—at yaan ang gawain diyablo. Maaari ba akong magdulot ng mahinahon na payo?  Tayo’y nasa kalagitnaan ng Kuwaresma, ang dakilang panahon ng Simbahan para sa pagsisisi at pagpapabuti ng sarili.  Sa halip na ipagliban ang mga minatamis o pananabako ngayong Kuwaresma, talikdan ang tsismis.  Para sa apatnapung araw, subukan ninyong huwag magpuna nang pasalungat sa mga yaong walang kakayahang harapin ang suliranin.  At kapag ikaw ay natutuksong salungatin itong paglulutas, isipin mo ang mga anghel ni de Wit na pumapaligid sa iyo.  Magtiwala ka sa akin, ikaw at bawa’t isa sa palibot mo ay magiging napakasaya.

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles