Home/Makatagpo/Article

Feb 22, 2023 270 0 Father Fiorello Mascarenhas SJ
Makatagpo

MGA KABIGUANG NAGING MGA BIYAYA!

Inakyat ni Padre Fio ang makapal na pader ng kawalan nang pag-asa, at nakadanas na kung paano sumusulat ng matuwid ang Diyos sa baluktot na mga guhit

Sa gulang na labing siyam, matapos ang dalawang taon sa kolehiyo, sumali ako sa pagsasanay ng Jesuit sa Mumbai, at pagdaan ng apat na taon, matapos ng aking pag-aaral sa relihiyon, pinabalik ako sa St. Xavier’s College upang magtapos ng kaalaman sa kimika.  Masaya at ipinagmamalaki ko ang magiging karera ko bilang propesor sa kolehiyo!  Nag-aral ako nang mabuti at naging maaayos ang mga paunang pagsusulit.  Subalit, sa huling pagsusulit noong 1968, biglang nablangko ang aking isip, at wala akong matandaan na salita sa aking napag-aralan!  Malayo sa pagiging matagumpay o kahanga-hanga, nailagpak ko ang pagsusulit!  Nadama ko ang pagkalito at pagkahiya, at galít.  “Paano ito magagawa sa akin ng Diyos?”, itinanong ko.

Gayunman, may mas masahol pa na naghihintay sa akin.  Nagdasal ako at nag-aral nang mas tahasan at humarap muli para sa pagsusulit sa kimika paglipas ng ilang buwan.  Naging maayos ang lahat sa panahon ng aking paghahanda, ngunit sa bulwagan ng pagsusulit ay naging blangko ang isip ko gaya ng dati at nabigo ako sa pangalawang pagkakataon!  At ngayon ay pinasok ko na ang isang tunay na oras ng kagipitan sa pananampalataya.  Tinanong ko ang aking sarili, “May Diyos ba talaga?  Kung Siya ay isang mapagmahal na Diyos, paano Niya ito magagawa sa akin?”  Dahan-dahan, nagsimula akong bumitaw sa pagdadasal.  Ang aking relihiyosong pamumuhay ay nasa panganib at sinimulan ko ang makamundong buhay.

Pagtama Sa Pader

Samantala, noong 1970, naghanda ako para sa ikatlong pagtatangka sa pagsusulit sa kimika.  Bago ako pumasok sa bulwagan, bumulong ako, “Diyos ko, alam kong hindi mo ako mahal, kaya walang saysay ang paghingi ko ng tulong sa iyo.  Ngunit sana ay mahal mo pa din ang aking ina, kaya’t mangyaring sagutin Mo ang kanyang panalangin!”  Ngunit sa pangatlong pagkakataon ay ganoon din ang nangyari, at nabigo ako.  Matapos nuon ako ay ipinadala sa isang dalubhasang Jesuit psychologist na nagbigay sa akin ng madaming pagsubok at sa kalaunan ay nasuri ang aking karamdaman na may “nakaharang na sikolohikal na sagabal sa kimika.”  Ngunit walang sinuman sa kanila ang makapagsabi sa akin kung paano mapupuksa ang sagabal!

Dalawang taon matapos ang pangatlong kabiguan, at matagumpay na nakatapos ng mga pag-aaral sa relihiyon sa pilosopiya, habang ako ay naghahanda para sa ikaapat na pagtatangka sa pagsusulit sa kimika, isang “kamangha-manghang biyaya” ay di inaasahang dumaloy sa akin mula sa mga kamay ng dakila at mabait na Diyos na hindi ako sinukuan!  Noong ika-11 ng Pebrero 1972, sa aking silid biglang parang may nagtulak sa akin na lumuhod sa harap ng aking krusipiho-ng-mga-panata upang isuko ang aking buhay sa Diyos.

Mula sa kaibuturan ng aking kadukhaan at kawalan, natagpuan ko ang aking sarili na sumisigaw: “Panginoon, wala akong maiialay sa iyo!  Ako ay isang bigo, at wala akong hinaharap!  Ngunit kung mayroon Kang balak para sa aking buhay, kung magagamit Mo ako sa anumang paraan para sa Iyong Kaharian, heto ako!”

Iyon ang sandali ng aking pagsuko sa pagka-Panginoon ni Hesu-Kristo at ng pagiging “binyagan sa Espirito Santo.”  Wala na ako sa upuan ng tsuper ng aking buhay na nagsasabi sa Panginoon kung ano ang gagawin para sa akin; sa halip, hiniling ko sa Kanya na gawin sa akin ang loobin Niya.

Ang Sandali na Nakakapagpabago Ng Buhay

Ang tugon ng Diyos ay kagyat!  Kahit na nakaluhod ako doon, malinaw kong nadinig ang Diyos na nagwika sa akin, “Fio, ikaw ang mahal Kong anak na lubos Kong ikinalulugod!”  Yaong mga huling salitang iyon, “lubos Kong ikinalulugod!,” ay walang saysay kahit anuman sa akin!  Kung pinagalitan ako ng Diyos sa lahat ng mga buwan ng kawalan ng pananampalataya, sa pagtalikod sa panalangin, atbp., maiintindihan ko sana ito.  Subalit upang itaguyod, ang malugod na tanggapin nang buong pagmamahal ay kalabisan na para maunawaan ng aking maliit na isip! Gayunpaman, sa kaibuturan ng aking puso, nadama ko ang matinding kagalakan na umuusbong, isang banal na pampalubag-loob.  Sa sandaling iyon, napuno ako ng labis na kagalakan anupat sumigaw ako nang malakas, “JESUS, BUHAY KA, ALLELUIA!” Ito ay sa panahon na ang Charismatic Renewal ay hindi pa umabot sa India.

Ang madanasang pagwikaan ng Panginoon ng mga salita ng pagmamahal sa akin ay ganap na nakapagpabago ng aking buhay.  Naiintindihan ko na ngayon na bago matupad ang mga balak ng Diyos para sa akin, kailangang mabuwag ang aking kayabangan. Ginawa ito ng aking nakapagtatakang mga pagkabigo sa pagsusulit!  Binigyan ako ng Diyos ng bagong pag-iisip at doon ko lang masisimulang pahalagahan ang hindi sapilitan na katangian ng kaligtasan kay Kristo.  Ang masaganang pag-ibig ng Diyos para sa bawat isa sa atin ay isang handog, sapagkat tayo ay nailigtas ng biyaya, sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi ng ating mga kabutihan.

Ang takbo ng buhay ko ay agad na nagbago!  Matapos kong maipasaá sa wakas ang mga pagsusulit sa kimika at matanggap ang aking katibayan sa agham nang may karangalan, ang aking pinuno ay gumawa ng isang nakakagulat na pahayag: “Fio,” sabi nila, “hindi ka na namin nais na maging isang Tagapagturo sa aming Kolehiyo!  Nagkaroon ka ng di-pangkaraniwang karanasan na pang- espirituwal; ibahagi mo ito sa mundo!”

Maiisip mo ang aking pagkamangha sa banal na kabalintunaan ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa aking buhay.  Kung naipasá ko kaagad ang mga pagsusulit na iyon, sa buong buhay ko bilang pari ay araw-araw akong pupunta sa lab ng kimika upang turuan ang mga mag-aaral sa kolehiyo kung paano paghaluin ang hydrogen at sulfide…at pagkatapos ay langhapin ang amoy na iyon!

Tunay ngang may plano ang Diyos sa buhay ko.  Sa loob ng 30 taon, biniyayaan Niya ako ng isang papel ng isang pangunahing pinunong-tagapaglingkod sa Catholic Charismatic Renewal sa India at sa buong mundo, kasama na duon ang nakakalugod na walong taon sa Roma.  Sa nakalipas na dalawampung taon, ginamit ako ng Diyos sa pastoral-biblical na ministeryo bilang isang mangangaral at manunulat.  Sa pamamagitan ng kamangha-manghang biyaya ng Diyos, masaya kong naipahayag ang Mabuting Balita sa mahigit na walumpung bansa sa daan-daang libong tao na sabik sa salita ng Diyos.  Nakapagsulat ako ng labingwalong aklat tungkol sa espirituwalidad ng Bibliya, madami sa mga ito ay isinalin sa wika ng India at iba pang wikang banyaga. Lahat ng ito ay bunga ng aking nakakahiya at makasirang-loob na kabiguan.  Ngunit ang Diyos ay matuwid na nagsusulat sa mga baluktot na linya!

 

 

 

Share:

Father Fiorello Mascarenhas SJ

Father Fiorello Mascarenhas SJ is the Chairman of the Catholic Bible Institute, Mumbai. He was the Director and Chairman (1981-1987) of the International Council for Catholic Charismatic Renewal, as resident in Vatican City. Father Mascarenhas was awarded the Doctor of Ministry degree in Biblical Spirituality by the Catholic Theological Union, Chicago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles