Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 09, 2021 830 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

Mas Malakas Kaysa Ladrilyo Pader

Ang Panginoon Diyos ba ay tutoong nag aalaga sa mga pangyayari sa ating buhay? Ang kwentong ito, kathang-isip man o hindi ay siguradong mag papabago ng iyong pananaw.  Noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig, ang isang sundalo ay napahiwalay sa kanyang kasamahang sundalo. Ang pag lalaban ay naging puspusan, at sa gitna ng usok at barilan, siya ay napahiwalay sa kanyang mga kasamang sundalo.

Sa pag iisa niya sa gubat at kawalang pag asa na makapag tago sa pagdating ng mga kalaban, siya ay nagmamatulin na na punta sa isang mataas na tagaytay at nakakita ng maliliit na kweba. Nagmamadali siyang gumapang sa isang kweba.  Kahit na sa ligtas siya ng oras na iyon, alam niya na kapag siya ay sinundan sa mataas na tagaytay, at suyurin ang mga kweba, siya ay makikita. Habang siya ay naghihintay, siya ay nagdasal, “Panginoon, iligtas mo po ako. Anuman po ang mangyari, mahal Kita at nagtitiwala po ako sa Inyo, Amen.” Naririnig niya ang mga yapak ng bota ng sundalo na palapit ng palapit.

Naisip niya na hindi siya matutulungan ng Panginoon sa pagkakataong yaon.  Kasabay ng kanyang iniisip, ay binabantayan niya ang pag gawa ng bahay gagamba o sapot ng isang gagamba sa harapan ng kanyang kweba. Ang sundalo ay nagtampo dahil ang kailangan niya ay ladrilyo pader at hindi sapot ng gagamba.  Ang Panginoon Diyos pala ay mayroon ding pakiramdam ng pagpapatawa.

Habang palapit na ang kalabang sundalo, siya ay nag hahanda na ng kanyang huling sandali, ngunit narinig niya ang salita ng isang sundalo: “walang puntong tignan natin ang kwebang ito.  Dapat ay nasira na ang bahay gagamba kung siya ay nagpunta sa kwebang ito.”

Sa kanyang pagkamangha, ang mga sundalo ay umalis na.  Ang munti babasagin gagamba ang nagligtas sa akin.  “Patawarin mo po ako, Panginoon Diyos. Nakalimutan ko po na maari nyong gawin mas malakas ang gagamba kaysa sa ladrilyo pader.”

“Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas.” (1 Corinto 1:27)

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles