Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 09, 2021 600 0 Deacon Jim McFadden
Makatawag ng Pansin

MANGAHAS NA TAWAGING TATAY

Alam mo ba na ikaw ay may Tatay na kalian man ay nasa sa iyo?  Basahin ito kung ikaw ay nananabik sa kanyang pagmamahal.

Nang Ikaw Ay Bumalik

Labing anim na taon ang nakaraan, ako ay nangasiwa ng pag aaral ng katekismo sa Folsom Prison, na may maximum na siguridad sa California, para ihanda sa Sakramento ng Kumpirmasyon ang ilang bilanggo. May isang bilanggo, na nag ngangalan Juan ay nagbigay ng kanyang kwento. Ibinahagi niya na ang kanyang tunay na ama ay tinalikuran sila at ang kanyang pangalawang ama ay di palakibo at abusado. Sa maraming salita, ang kanyang ugnayan sa isang ama ay magulo. Sinabi niya, ito marahil ang dahilan kung bakit ang iginuhit sa aking pagkabata -ang paghahanap ng isang Ama.

Sinagot ko siya, “Juan, ang Panginoon Diyos ay ang iyong Ama, at inaanyayahan ka ni Jesus na tawagin siyang, ‘Abba.’

“Ano ang ibig sabihin ng ‘Abba,’” tanong niya.

“Ang ibig sabihin ay ‘Tatay’.” Binibigyan ka ng pahintulot ni Jesus na tawagin mo siyang ‘Tatay.’

Habang ang luha ay dumadaloy sa kanyang mata, ay mapitagan niyang dinasal ang “Ama Namin.” Idinasal niya ito ng puno ng kapangyarihan at pananalig na akalo mo ay iyon ang unang pagkakataon na dinasal ito.

Ang kasimplehan ng dasal na Ama Namin at pagiging maalam natin sa dasal na ito ay nag mulat ng ka hanga hangang tagumpay sa kasaysayan ng relihiyon.  Hindi tinawag ni Jesua ang Panginoon Diyos na ‘Hukom,’ ‘Isang Bagay’ o ‘Isang Dakilang Kapanyarihan sa Ulap.’   Sa halip, tinawag ni Jesus ang ating Panginoon Diyos na Ama, na nagdudulot ng pakiramdam na pamilyar sa atin; pina aalahanan tayo kung paano tayo tumungo sa ating Ama, sa pagtitwalang tayo ay mahal niya.

Kung ang ibang tao ang nakakaranas ng pag kawala ng ama, mapanghusgang ama o malupit na ama, maaring ito ay maibagay sa katangian ng Panginoon Diyos. Kung ang iba ay lumaki na mumunti ang inaasahan sa kanilang ama, maaring mumunti din o wala silang inaasahan sa Panginoon Diyos. Kung ang kanilang ama ay hindi nakikipag usap sa kanila, maaring ganoon din ang pag aakala nila sa Panginoon.  Ngunit, tinururan tayo ni Jesus na tawagin nating ang Panginoon Diyos na “Abba,” na kahulugan ay “aking Ama,” at ito ay nag bibigay ng pakiramdam na paglalapit, init, kaligtasan at pagmamahal.

Sa libro ni Propeta Hosea 11:1-4 ay matatagpuan ang kilalang kilalang ugnayan ng isang Ama at anak:

“Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at tinawag kong aking anak mula sa Egipto.
 Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila’y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.
 Gayon ma’y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad; aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni’t hindi nila kinilala na aking pinagaling sila. Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako’y naging sa kanila’y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako’y naglagay ng pagkain sa harap nila.”

Iyan ang napakalambot na imahe ng pagmamahal ng ating Panginoon Diyos.

Iyan ang imahe na nagpatunaw ng puso ng isang bilanggo, na si Juan. Maraming tao ang dumaranas sa kanilang buhay na naghahanap ng ama.  Ngunit, ang sabit ni Jesus, ay mayroon tayong Ama na nagmamahal sa atin na mas mahigit pa sa ating ama nag dala sa atin sa mundo.  Kailangan lang tayong lumapit sa Kanya, na parang isang bata na sabihin “Abba!”

Dasal:  Ama namin, isinu suko ko pong buong buo ang aking sarili sa iyong mga kamay katulad ng isang bata at nagtitiwala po ako sa Iyong patnubay. Ipadama mo po sa akin sa araw araw ang iyong pagmamahal na naglapit sa akin sa iyo. Amen

Share:

Deacon Jim McFadden

Deacon Jim McFadden mga ministro sa Saint John the Baptist Catholic Church sa Folsom, California. Siya ay isang guro ng Teolohiya at naglilingkod sa pagbuo ng pananampalataya at espirituwal na direksyon at sa ministeryo ng bilangguan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles