Home/Makatagpo/Article

Jun 23, 2021 1445 0 Rosanne Pappas, USA
Makatagpo

Malalampasan Natin Ito

Kapag nalampasan mo ang magdamag, may isang maaliwalas na kinabukasan…

 Magiging maayos ang lahat kung kakapit ka sa kanya.

Binalot ng Takot

Parang bagyong dumating ang Pandemya, gumulo sa aming buhay at tahanan. Sa isang iglap -anim na dipa ang pagitan ng bawat isa, maghugas ng kamay, manatili sa tahanan, paalalahanan ang bawat isa at naging bukang-bibig sa araw-araw. Kinatakutan natin ang hinaharap, ang bawat taong magdaan o ang nangangating lalamunan sa umaga.

Mayroon ba akong Covid-19? o ang asawa ko ba ang meron? nasa loob ba ng aming tahanan? Takot at pagkabalisa ang bumalot sa mga tao habang ang bulong nila ay mamamatay kang nag-iisa at walang kasamang pamilya. Hindi mo na mapapakain ang iyong pamilya o magbayad pa ng mga bayarin. Ang mga bagong pagbabawal at hula sa bilang ng mga namatay ay nasa bawat balita. Dahil sa sobrang bigat at pagkatakot na dala ng kalabang hindi nakikita ay kung ano-ano ang naiisip pati na ang bantang dala nito sa lahat ng panig. Sabi sa atin, malalampasan natin ito dahil magkakasama tayong lahat dito, ngunit nasaan ang Diyos? Bakit nangyari lahat ito?

Hindi Maipaliwanag na Pighati

Maraming taon ang nakalipas, ako ay nadaig ng takot at pangamba habang nakikipaglaban sa     isang matinding hindi maipaliwanag na pighati. Isang Doktor para sa bata ang nagsabi sa aming mag-asawa na ang aming tatlo’t kalahating taon na anak ay mamamatay sa isang pambihirang sakit at wala na kaming magagawa tungkol dito. Nadurog ako sa mga sinabi niya. Dinala ako sa kalaliman ng kawalan ng pag-asa hanggang sa ako’y mapaluhod, nagmamakaawa sa Diyos para sa buhay ng aking anak. Desperado para sa mga panalangin, himala, at pag-asang siya’y gagaling, humingi ako ng payo sa pari sa aming simbahan. Pinayuhan niya ako na dapat matutunan kong manalangin at ituro rin sa pamilya kung paano manalangin. Hindi ito ang pampalubag-loob na hanap ko.

Pag-asa Laban sa Lahat ng Pag-asa

Naghanap kaming mag-asawa ng pinakamahusay at dalubhasa sa mundo para sa kakaibang sakit na ito. Sinabi ng dalubhasa na ” Hindi namin alam ang dahilan ng sakit na ito kaya walang lunas, ngunit susubukan kong tulungan ka. Tinanggap ang anak ko sa isang malaking ospital ng mga bata sa Chicago – dalawang libong milya mula sa aming bahay kung saan nagpatuloy ang mga pagsubok sa amin. Isang araw hinimatay ang aking anak dahil sa paulit-ulit na iturok ang karayom na daluyan ng gamot sa kanyang ugat.

Habang papalubog ako sa sahig na humihikbi, isang babae ang nag-abot ng kanyang kamay upang tulungan akong tumayo. Ang mga mata niya ay puno ng pagmamahal at awa habang itinatanong kung ako ay nakakain na ng agahan at kung ako ay naglagay na ng pampaganda?

Hindi ako makapaniwala at napatingin ako sa kanya. Siya ba ay nagbibiro? Hindi!

Ano ang sakit ng iyong anak tanong niya sa akin. Pagkasabi ko sa kanya, mabuti, may pag-asa ka ang sagot ” binuksan niya ang kurtina upang ipakita ang isang batang lalaki na nasa edad 12 na nasa kabilang kama. Siya ang anak kong si Charles, mayroon siyang dobleng Tumor sa utak, katatapos lang ng kanyang operasyon pero hindi nila natanggal ang Tumor. Nawala ang kanyang kakayahan sa pagsasalita dahil sa operasyon.

Ano ang gagawin nila? nagmamadaling tanong ko.

Wala! Tinaningan ang buhay niya ng dalawang buwan” ang kanyang pahayag.

Nagulat ako, ngunit nagpatuloy siya, gumigising ako tuwing umaga at naglalagay ng pampaganda at nag-aagahan hindi para sa akin, ito’y para sa batang iyon, nagdarasal ako at nagpapasalamat kay Jesus na nandito pa ang anak ko. Iyon ang mahalaga”.

Wala akong masabi. Wala na siyang pag-asa pero umaasa pa rin. Ako na may pag-asa ay sumuko na. Sumunod na walong araw nakita ko siyang palipat-lipat ng silid para dumalaw at magbigay-saya at pag-asa sa ibang mga nagdurusang pamilya. Hindi kapani-paniwala kung paano niya nagagawa ang mga bagay na iyon habang ang kanyang anak ay nakaratay sa kama ng ospital at hindi nakakapagsalita habang walang tigil na kinakausap ng anak ko tungkol sa Star Wars?

Pagdaan Sa Matinding Pagsubok

Umuwi kami na may dalang plano na lalagyan ng daanan ng gamot na ituturok sa aking anak tatlong beses isang linggo sa pamamagitan ng operasyon at kasunduan na bumalik sa Chicago para magpatingin sa kanyang Doktor. Pinadalhan ng aking asawa si Charles ng isang pinirmahang sumbrero ng putbol ng Gators, dahil nalaman namin na mahal ni Charles ang Gators. Nakakalungkot dahil wala kaming narinig mula kay Charles o sa kanyang ina.

Sa wakas ng magsimulang bumuti ang aming anak, nanatili akong nakaluhod. Ang aming mga nakaraang pangarap at ambisyon ay nawalang lahat, habang pinapanood namin ang pagbuti ng kalagayan ng aming anak, kami ay puno ng pangamba dahil sa paulit-ulit na pagbuti at pagkakasakit niya. Kami ay laging nagmamasid, naghihintay, nagdarasal, at umaasa.

Pagkaraan ng dalawang taon, sa aming muling pagtayo sa pasilyo ng ospital habang naghihintay ng mga resulta sa dugo, narinig ko ang aking pangalan at sa paglingon ko tuwang-tuwa ako ng makita ko si Charles at ang kanyang Ina! Tumakbo siya papunta sa aking anak kinarga at iniikot at sinasabing,” hindi ako makapagsalita noon ngunit ngayon pwede na tayong mag-usap. Tumingin ang kanyang Inang nangingilid ang mga luha at sinabing” Hindi siya nangunguna sa Basketball at hindi rin siya pangunahing estudyante, ngunit salamat Jesus, kapiling ko ang aking si Charles sa araw na ito at iyon ang mahalaga.” Kahit na dobleng Tumor sa utak ay hindi makakapigil sa kalooban ng Diyos! Sa aking paghanga sa kanyang pananampalataya narinig ko ang mga salita sa banal na kasulatan.

Di ba ninyo alam, di ba ninyo talos,

Na itong si Yahweh ang walang hanggang Diyos?

Siya ang lumikha ng buong daigdig,

Hindi siya napapagod;

Sa isipan niya’y walang makakatarok.

Ang mga mahina’t napapagal ay pinalalakas.

Kahit kabataan ay napapagod at nanlulupaypay.

Ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh ay nagpapanibagong sigla.

Ang lakas nila’y matutulad

Sa walang pagod na pakpak ng Agila.

Sila’y tatakbo ng tatakbo

Ngunit di manghihina,

Lalakad ng lalakad

Ngunit hindi mapapagod.

ISAIAH 40: 28-31

Hindi inaakalang mabubuhay ang aking anak higit sa apat na taong gulang ngunit nabuhay siya. Nagsimula siya sa Kindergarten, sumunod sa mataas na paaralan at nagtapos na may mataas na karangalan. Sa ngayon siya ay malapit na sa pagtatapos bilang isang dalubhasa sa Teolohiya.

Ang kanyang sakit ay nagpabalik-balik sa kanyang buhay, kaya’t ako ay palaging nakaluhod at nananalangin sa kanyang paggaling. Tulad ng sinabi ng Pari, sa oras ng pagdurusa ako ay nanatiling nananalangin at nagpakumbaba sa mga bagay o pangyayari na hindi ko kayang baguhin. Hindi ito ang buhay na ginusto ko ngunit sa aking pagbabalik tanaw maraming biyaya ang naging dulot ng pagdurusa. Pinalambot nito ang aking puso at ipinaunawa na anuman ang dumating malalampasan ko ito sa tulong ng Diyos. Patuloy kong pasasalamatan si Jesus anuman ang dumating, gaano mang kawalang pag-asa at nagtitiwala ako sa kabutihan ng Diyos at sa pangangalaga niya sa akin at sa buo kong pamilya.

Share:

Rosanne Pappas

Rosanne Pappas is an artist, author, and speaker. Pappas inspires others as she shares personal stories of God’s grace in her life. Married for over 35 years, she and her husband live in Florida, and they have four children.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles