Home/Masiyahan/Article

Jan 16, 2025 17 0 Delon Rojes
Masiyahan

Makipagtagpo sa Isang Marilag na Bituin!

Isang lalaking lumakad sa kalupaan noong nakaraang walong-daan na mga taon ay nagugunita pa rin dahil sa kanyang kapayakan… 

Harayain ito:  Isang binatang nagmula sa gitnang kapanahunan ng Italya na namumuhay sa loob ng marangyang mga piging, kausuhang moda, at bawa’t bagay na maaring naisin ng isang lalaki noong  panahon.  Ngunit pagkaraka, isang bagay ang nagbabago.  Isang napakahalagang sandali, isang ‘aha’ na saglit na nagpaibayo ng kanyang buhay sa sambuong bagong landas.   Makipagtapo kay Santo Francisco de Asis, ang pangunahing pampiging na hayop na naging isang banal na marilag bituin!  Siya’y kilala para sa kanyang dumadaloy na kayumangging balabal at pag-ibig sa kalikasan.  Siya’y may pamamaraan sa mga hayop na kahit si Doctor Dolittle at maninibugho.  Ang mga ibon ay nagtipon nang palibot sa kanya, mga kuneho ay nagsilukso sa mga paa niya, at kahit ang mababangis na mga lobo ay naging mayayapusing mga kasama sa kanyang piling.  Pag-usapan ang tungkol sa isang tunay-na-buhay na dakilang bayani!

Magiting na Buhay 

Santo Francisco, isang bayaning may ginintuang puso!  Hindi siya ang uri ng maginoong bayaning nagsusuot ng mga kapa o nanunudla ng tumatagos na mga sinag; ang kanyang totoong magarang kapangyarihan ay ang pakikiramay.  Si Francisco ay may paraan ng pagtagpo ng ligaya sa paglilingkod sa iba, lalo na sa yaong mga kapuspalad.  Siya’y tulad ng isang Manghihiganti (ngunit walang kasamang dahas), nilalabanan ang kasalatan at hinahasik ang pag-ibig saan man siya nagtungo.  Sa halip na isang sasakyan ni Batman, dumuduyan siyang nakabalabal at nakasandalyas nang may kababaang-loob, susugod nang matulin sa palibot ng bayan upang mag-alay ng kamay.  Maging ito man ay ang pagpapakain ng mga nagugutom, pagginhawa sa mga may-sakit, o kahit pakikipag-usap sa mga hayop (oo, sangkatularan ni Snow White!), ipinakita sa atin ni Santo Francisco na ang pagiging isang bayani ay hindi tungkol sa kabantugan o kapalaran ngunit tungkol sa paggamit ng mga kapangyarihan natin para sa kabutihan.

Harayain si Francisco, ang guro ng kapayapaan, patungo sa kabihasnan na taas-noong nakasuot ng mga markadong Jordan at isang sando na nagsasabing: “Kapayapaan, Pag-ibig, at Tostadong Abokado.”  Oo, siya’y katulad lamang natin, hindi sa karaniwang pag-unawa (yao’y magmimistula  lamang na kabaliwan noong nakaraang walong-daang mga taon), umuugit sa mga saligutgot ng makamodang buhay nang may tahimik at pumapagitnang pakikipagbagay.  Alam ni San Francisco na ang pagtagpo ng matalik na kapayapaan sa ating mabilisang galaw ng mundo ay tulad ng pag-ugit sa isang masukal na daan sa ilalim ng lutopa tuwing oras ng siksikan—mapanghamon ngunit maaaring magawa.  Siya’y hindi isang misteryosong gurong nasa tuktok ng bundok; siya’y tunay na taong humarap sa ating mga arawin na pagpupunyagi.  Mula sa mga takdaang katapusan hanggang sa siksikan ng mga sasakyan, naunawaan niya na ang kapayapaan ay nagsisimula sa loob natin, kahit sa gitna ng pagmamadali sa bawa’t araw ng buhay.  Si Santo Francisco ay laging nakaupo sa katahimikan at pagdarasal, nakikipag-usap sa Diyos habang lahat ng mga hayop ay nakikinig.  Siya’y may isang kapayapaan na maari lamang natin mapanagimpan.  Dapat nating hilingin kay San Francisco na ibigay sa atin itong kapayapaan; ipinangangako kong ito’y may kahalagahan.

Marami tayong maaring mapulot na mga aral mula sa buhay ni Santo Francisco,  ang ilan sa mga ito’y ang kapayakan at kababaang-loob.  Siya’y isang lalaking isinabuhay ang pagdaralita ngunit nagawa pa ring kalingain ang mga nagdaranas ng pagdaralita.  Itong pagkaunawa ng dalita ay kadalasang di-maunawaan o isinasawalang-saysay ng maraming mga kabataan ngayon.  Ang kabataan nitong kasalukuyang panahon ay nasisipsip sa mundo ng panlipunang medya, mga pag-aakala, at mga ari-arian, kadalasan na nagwawaldas ng daan-daang mga salapi sa mga sapatos, mga pananamit, at mga telepono upang maging ‘makamoda sa tingin’ lamang.  Bigyan ng tanaw ang buhay ni San Francisco, siya’y anak ng mayamang mangangalakal, napakarami niyang salapi at makamundong mga kaluguran, ngunit kanyang tinalikuran ang lahat upang sundan si Hesus.  Siya ay gumawa ng isang panata ng pagdaralita at inialay ang kanyang buhay kay Hesus.

Maaaring hindi siya maging kabílang sa bagong-salinlahi, ngunit mayroong napakaraming mga aral na matututunan mula sa buhay niya—ang kanyang kapayakan, kababaang-loob, kapayapaan, at panloobang pagbabago.  Maari nating isipin na itong mga gamit na natatakáng Jordan o iPhone ang may mga kahalagahan, ngunit talaga ba?

Si Santo Francisco ay nagpapaalala sa atin na unahin kung ano ang tunay na mahalaga—tapat na mga kaugnayan, walang pag-iimbot na paglilingkod, panloobang kapayapaan.  Sa pagtanggap ng kanyang mga tinuro, mahahanap natin ang katuparan ng pamumuno ng higit na payak na mga buhay, pagpapaabót ng kabaitan sa iba, at pag-aaruga ng ating mga panariling kapakanan.  Ang halimbawa ni San Francisco ay nagsisilbing ilaw na pumapatnubay, hinihimok tayong humakbang nang papalayo sa ingay at kaabalahan ng makabagong buhay at muling makapag-ugnay sa diwa ng kung ano ang tamang pagpapakatao.  Ipagpatuloy natin ang pag-akay ng kanyang pamana, isasama ang kanyang dunong sa ating arawing mga buhay at gagawa ng tamang kahihinatnan sa mundong pumapaligid sa atin.

Share:

Delon Rojes

Delon Rojes .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles