Home/Makatagpo/Article

Feb 22, 2023 857 0 Graziano Marcheschi, USA
Makatagpo

MAHAL BA AKO NG DIYOS?

Ang nakakapagpabago ng buhay na yaon kapag napagtanto mong mahal ka ng Diyos sa loob ng isang sandali nang higit pa kaysa sa sinumang maaaring magmahal sa tanang buhay…

Hindi ko maaaring mabilang ang lahat ng mga pagkakataong sinabi ko sa iba na mahal sila ng Diyos, at hinamon silang paniwalaan ito.  Ang walang pasubaling pag-ibig ng Diyos sa atin ay siyang naging nangingibabaw na paksa sa bawat retreat, layon ng parokya at araw ng pagninilay na pinangunahan ko sa loob ng madaming taon.  Ako ay mahusay humimok na papaniwalain ang napakadaming tao na ipagsapalaran ang kanilang buhay sa katotohanan ng pag-ibig sa kanila ng Diyos.

Ngunit pagdating sa sarili kong buhay, ang makamit ang katotohanang iyon sa paraang tumatagos sa aking kaibuturan ay palaging isang mailap na layunin.  Nais kong maging kusa ang pananalig na iyon tulad ng aking paghinga, ngunit ang paniniwalang mahal ako ng Diyos ay isang bagay na naiintindihan ko sa aking isipan, ngunit bihira kong madama sa aking puso.

At sumunod ay nakilala ko si Maya Angelou.  Dati nang bantog sa buong bansa dahil sa kanyang pagsusulat at tulain, sa pagiging isang mang-aawit, mananayaw, artista at mabuting kaibigan ni Oprah Winfrey, siya ay naging bukam-bibig nang sumulat siya at bumigkas ng tula sa unang pasinaya ni Pangulong Bill Clinton.  Nang sumunod na taon, siya ang pangunahing tagapagsalita sa taunang Los Angeles Religious Education Congress—ang pinakamalaking Katolikong kaganapan sa amerika na nagkayag ng dalawampu’t limang libong adulto at kabataan sa pagitan ng mahabang katapusan ng linggo.  Kami ng aking asawa, si Nancy, ay nakatakda ding magsalita at, sa pagtatapos ng pangunahing talumpati ni Maya, naanyayahan si Nancy na sumayaw habang binibigkas ni Maya ang kanyang tula.

Ang tampok na paksa ay kamangha-mangha.  Siya ay nagsalita nang may kahanga-hangang kahusayan.  Bumigkas siya ng tula.  Siya ay umawit.  At pinukaw niya ang lahat sa silid—lahat kaming anim na libo.  Habang ipinapakilala siya, tinablan ako ng anekdotang ito.

Nang tanungin siya ng isang mamamahayag, “Anong sandali sa iyong buhay ang labis na nakapagpabago sa iyo?”  Dagliang sumagot si Maya, “Aba, madali yan. Iyon ay ang sandaling napagtanto ko na tunay mahal akong ng Diyos.”

Nang matapos ang talumpati at sayaw, binati ko si Nancy at iminungkahing magtungo kami sa pahingahan ng mananalumpati.  “At kung nandiyan si Maya, hihingi ako ng autograph niya.”  Sa aking kagalakan ay natagpuan namin na ang karaniwang masikip na silid ay walang katao-tao, maliban sa Sister na nagpakilala ng kanyang talumpati at mismong si Maya Angelou.  Umupo kami at nagkwentuhan, ngunit hindi nagtagal ay kinailangan nang umalis ni Sister.  “Bago ako umalis,” sabi niya, sabay kuha ng kwaderno at panulat mula sa kanyang bag at iniabot ang mga ito kay Maya, “Maari mo ba akong bigyan ng iyong pirma?”  Sa isang pabalewalang-kumpas, sumagot si Maya, “O irog, hindi ako gumagawa ng pirma.” Naiwan kaming tatlo na lamang sa mesa.

Agad akong lumingon kay Maya at nagtapat na may balak din akong humingi ng autograph.  “Ngunit napagtanto ko ngayon na hindi ko talaga nais ang iyong autograph,” sabi ko.  “May iba akong nais,” sabi ko.

“Ano yon?” tanong niya.

“Nais kong hawakan ang kamay mo,” sagot ko.

“Aba, gusto ko iyon,” tugon niya.

Ipinatong ko ang aking kanang kamay sa mesa, nakataas ang palad.  Inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa kamay ko.  Inilagay ko ang aking kaliwang kamay sa ibabaw nito, at ang kanang kamay niya naman ay ipinatong niya sa ibabaw ng kamay ko.  Habang nakaupo kami doon sa ganitong “magkapatong kamay  na tinapay ”, tahasan akong tumingin sa kanyang mga naglalakihang mata at sinabi sa kanya, “Labis akong napukaw sa salaysay na ibinahagi ni Sister sa kanyang pagpapakilala, nang hilingin sa iyo na tukuyin ang sandali na nagpabago sa iyong buhay.”

Hindi nag-atubili si Maya. Ibinalik ang aking tingin, sinabi niya, “Ah oo, ah oo,” sabi niya.  “Aba, kahit ngayon, kahit ngayon na isipin lang ito… ang isipin lamang kung gaano ako kamahal ng Diyos…”  Habang nagsasalita siya, dumaloy ang malalaking luha sa kanyang mga pisngi.  Habang pinagmamasdan ko ang kanyang kamalayan sa pagmamahal ng Diyos sa kanya na naging mamahalin na luhang iyon, naisip ko sa aking sarili, “Gusto ko yon, gusto ko yon!  Gusto kong malaman ang pag-ibig ng Diyos sa akin nang kasing ganap ng pagkakaalam niya.”

Iyon ang nanatiling pag-asa ko at panalangin sa loob ng madaming taon.  Oo, alam kong minahal ako ng Diyos, ngunit hindi sa kaibuturan ng aking pagkatao tulad ng kay Maya.  Hindi nang may isang pananalig na magpapaluha sa akin.

Iyon ay dumating ilang taon ang lumipas nang makatanggap ako ng email mula sa isang patnugot na nagpapasalamat sa akin para sa isang artikulong isinulat ko.  Sinabi niya sa akin na ako ay isang “tunay na pagpapala” sa kanilang organisasyon sa media, pagkatapos ay idinagdag niya, “Mahal na mahal ka ng Diyos.”

Yun na yon.  Matapos ang lahat ng mga taong yon ng paghahanap ng pundasyon ng paninindigan na mahal talaga ako ng Diyos, nagawa iyon ng isang pangungusap!  Hindi ko pa nakadaupang-palad ang patnugot, subalit ang kanyang mga salita na ipinadala mula sa kabilang ibayo ng karagatan ay tumagos sa aking puso.  Para bagang sinabi mismo ng Diyos ang mga salitang iyon: “Mahal na mahal kita, Graziano!”  Alam kong totoo ito.  Ito ay isang napakalaki at hindi inaasahang handog.  At napakalaking pagkakaiba ang nagagawa nito!

Mahal ako ng Diyos mabuti man ako o masama.  Mahal ako ng Diyos kapag nagdadasal ako at kapag hindi ako nagdadasal.  Hindi ko kailangang maging karapat-dapat dito dahil binigay ito ng Diyos nang may kalayaan.  At wala akong magagawa upang pigilin ang Diyos sa pagmamahal sa akin.  Ni kahit pagkakasala.  May kalayaan akong wasakin ang puso ng Diyos at tanggihan ang Kanyang pag-ibig.  Subalit gayunman, patuloy pa din akong minamahal ng Diyos.

At talaga, matagal na akong minamahal ng Diyos.  Hindi niya ako sinimulang mahalin noong araw na iyon, at ang araw na iyon ay hindi ang unang pagkakataon na nalaman kong minahal Niya ako.  Ngunit dati pa ay nalaman ko na ito sa aking “ulo.”  Sa araw na iyon, tinagos ng Diyos ang aking puso ng ibang uri ng pagkakaalam… isang payapa at tahimik na katiyakan na dinadaig ang lahat ng mga pangyayari sa buhay.

Matagal na panahon ang kinailangan upang madating ko ang yugtong iyon ng kalinawan at katiyakan, sa katahimikang iyon na bumabalot sa iyo na parang kumot.  At kung ano ang ginawa ng Diyos para sa akin, magagawa Niya para sa iyo.  Nais mo ba ang pagpapatotoo ng Diyos sa Kanyang pagmamahal? Humiling lamang.  At pagkatapos ay maghintay.  Maaaring maging sorpresa kung sino ang pinili ng Diyos na maghayag ng Kanyang pag-ibig.  Matapos mangyari ito, maaari mo ding makita ang iyong sarili na nagsasabing, “Ah oo, Ah oo… Aba, kahit ngayon, kahit ngayon na isipin lang ito… ang isipin lang kung gaano ako kamahal ng Diyos…”

 

 

 

Share:

Graziano Marcheschi

Graziano Marcheschi serves as the Senior Programming Consultant for Shalom World. He speaks nationally and internationally on topics of liturgy and the arts, scripture, spirituality, and lay ecclesial ministry. Graziano and his wife Nancy are blessed with two daughters, a son, and three grandchildren and live in Chicago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles