Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 16, 2022 483 0 Carol Osburn, USA
Makatawag ng Pansin

MAGTANONG KA LAMANG

“Humingi, at ikaw ay bibigyan. Hanapin, at makikita mo. Kumatok, at ang pinto ay bubuksan para sa iyo.” Mateo 7:7

Yaon ay ang Taglagas ng taong 2020 at isa sa mga magagandang araw na tag-init. Ang aking asawa na si Mark at ako ay nasa bahay, gumagawa ng mga gawaing pambahay. Sawa na ako sa pagtambay sa bahay, mas madalas kaysa hindi, dahil sa Covid, kaya nagsabi ako kay Mark na ako ay lalabas dala Ang sasakyan at babalik sa loob ng ilang oras. Sinabihan niya akong magsaya at kami ay magkita mayamaya.

Pagkasakay ko ng kotse, nagpasya akong pumunta sa pamilihan. Habang papalapit ako sa mall ay malakas kong tinanong ang Panginoon, “Saan ako papunta?” Nadinig ko agad sa aking puso, “Pat”.

Siya ang dati kong kapitbahay na ngayon ay nasa isang pasilidad ng pangangalaga sa memorya. Naisip kong iyon ay isang magandang ideya, at matagal na mula nang huli ko siyang madalaw. Nasa kalagitnaan na akong patungo nang mga oras na iyon. Nagpasya akong hindi muna tumawag; tatawag ako mula sa paradahan pagdating ko. Ang mga paghihigpit sa covid noong panahong iyon ay nagbabawal na ako ay pumasok sa loob. Naisip ko na maari kaming makapaglakad ni Pat sa labas NG patyo. Naghintay ako upang malaman ang mangyayari.

Pumarada ako at tinawagan si Pat. Agad siyang sumagot! Ni hindi ko matandaan ang pagtunog ng telepono. Ang una niyang sinabi ay, “Carol, nasaan ka?”, na parang alam niyang dadating ako. Sinabi ko sa kanya na nasa paradahan ako ng pasilidad niya. Sinabihan niya ako na siya ay nasa patyo at maaari ko siyang samahan doon na naka maskara. Kaya, nagtungo ako sa panlabas na patio, nagsuot ng maskara, at sinalubong niya ako sa gate. Pinapasok niya ako. Tuwang-tuwa kaming makita ang isa’t isa.

Masiglang sininagan ng araw ang aming mga mukha; ang Anak ay nagniningning sa aming mga puso.  Doon nakaupo kami, sa patio, kaming dalawa lang, nag-uusap at nagtatawanan nang mahigit isang oras.  Magkasama pa nga kaming nagdasal. Napakagandang pagdalaw o sabihin ko kayang, Banal na tipan?  Isipin na lang, kung hindi ko pinakinggan ang payapa at mahinang tinig na iyon na nadinig ko sa bahay, na nag-uudyok sa akin na lumabas sa sinag ng araw, maaaring mapalampas ko ang isang kamangha-manghang pagdalaw sa aking kaibigan, si Pat!

Salamat, Hesus, sa pagmamahal mo sa akin tulad ng ginagawa mo!

Share:

Carol Osburn

Carol Osburn ay isang espirituwal na tagapangasiwa at manunulat. Kasal ng mahigit 44 na taon, siya at ang kanyang asawa ay naninirahan sa Illinois. Mayroon silang 3 anak at 9 na apo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles