Home/Makatawag ng Pansin/Article

Oct 17, 2023 377 0 Graziano Marcheschi, USA
Makatawag ng Pansin

KAMANGHA-MANGHANG HIMALA!

Si San Januarius (o San Gennaro, bilang siya ay kilala sa kanyang katutubong Italya) ay ipinanganak noon sa Naples noong ikalawang siglo sa isang mayamang aristokratikong pamilya. Siya ay naordenahang pari sa kahanga-hangang edad na labinlimang taong gulang. Sa edad na dalawampu, siya ay Obispo na ng Naples. Sa panahon ng pag-uusig ng mga Kristiyano na sinimulan ng emperador na si Diocletian, itinago ni Januarius ang maraming Kristiyano, kasama na ang dati niyang kaklase, na si Sossius, na magiging isa ring santo. Nalantad si Sossius bilang isang Kristiyano at ikinulong. Nang bumisita si Januarius sa kulungan, siya rin ay naaresto. Iba-iba ang mga naging kwento tungkol sa kanila, kung siya ba at ang kanyang kapwa mga Kristiyano ay itinapon sa mababangis na hayop na tumangging salakayin sila o sa isang pugon kung saan sila ay lumabas na hindi nasaktan.

Ngunit lahat ng mga kuwento ay sumasang-ayon na si Januarius ay tuluyang pinugutan ng ulo sa bandang taon ng 305 A.D. At dito nagiging interesante ang kwento. Inipon ng mga banal na tagasunod ang ilan sa kanyang dugo sa mga maliliit na babasaging mga bote at iningatan ito bilang isang banal na alaala. Yung dugo, na iningatan hanggang ngayon, ay nagpapakita ng mga kahanga-hangang katangian. Sa tatlong okasyon sa bawat taon, gaya ng dating nangyari ang himalang ito ay unang nangyari noong 1389, ang pagkatunaw ng namuong dugo.

Naka-imbak sa mga kristal na maliliit na lalagyan, ang tuyo at matingkad na pulang dugo na kumapit sa isang gilid ng sisidlan ay mahimalang nagiging likido na pumupuno sa bote mula sa gilid hanggang sa bawat gilid. Bukod sa araw ng kanyang kapistahan, Setyembre 19, nagaganap din ang himala sa araw ng paglilipat ng kanyang mga labi sa Naples at sa anibersaryo ng Naples na naligtas mula sa mga epekto ng pagsabog ng Mount Vesuvius noong 1631.

Sinubukan ng ilang siyentipiko ang pagsisiyasat at nabigo sila na ipaliwanag kung paanong ang solidong dugo ay nagiging lusaw. At ang anumang panlilinlang o masamang gawain ay hindi kasama. Ang masayang sigaw ng: “Nangyari na ang himala!” ay pumuno sa Naples Cathedral habang ang mga tapat ay humahalik sa relikaryo na may hawak ng dugo ng santo. Napakagandang biyayang ibinigay ng Diyos sa Simbahan sa pamamagitan ng kahanga-hangang santo na ito, at sa himala na bawat taon ay nagpapaalala sa atin kung paano si Gennaro-at marami pang iba-nagbuhos ng kanilang dugo alang-alang sa Panginoon. Tulad ng sinabi ni Tertullian, “Ang dugo ng mga martir ay ang binhi ng Simbahan.”

Share:

Graziano Marcheschi

Graziano Marcheschi serves as the Senior Programming Consultant for Shalom World. He speaks nationally and internationally on topics of liturgy and the arts, scripture, spirituality, and lay ecclesial ministry. Graziano and his wife Nancy are blessed with two daughters, a son, and three grandchildren and live in Chicago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles