Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 04, 2021 843 0 Sister Jane M. Abeln SMIC
Makatawag ng Pansin

KAHARAP SIYA

Ang bawat sandali ng paghahanap ay sandali ng pagtatagpo. Magmanman ka … para sa mga makapagpabagong sandali ng buhay

Sinimulan ni Papa Francis ang kanyang unang sulat sa mga obispo sa linyang ito: “Pinupunong kagalakan ng Ebanghelyo ang mga puso at buhay ng lahat ng makaharap kay Jesus.” At magiting niyang inanyayahan ang “lahat ng mga Kristiyano, saan mang dako, sa sandaling ito sa isang nababagong pansariling pakikipagtagpo kay Hesu-Kristo, o kahit man lang sa isang bukal sa kalooban na pahintulutang Siyang makatagpo sila. . . ”

Ang “Pakikipagtagpo,” isang pangunahing salita ni Papa Francis, ay natanggap ko bilang kasagutan ng Panginoon na maging paksa para sa aking nalalapit na pagbabakasyon Napagtanto kong kailangan kong paunlarin ang kahusayan ng paksang ito sa aking sariling buhay – magsikap na makinig nang taimtim kay Hesus sa aking pananalangin, at mandin sa mga taong ipinadadala Niya.

Napapadala ng Isipan

Hindi pinagyayaman ng ating lipunan ang pakikipag-ugnayan. Ang pagbababád sa mga nakikita at mga di-mahalagang usapan at gawa ay hadlang sa ating pakikipag-ugnayan. Madalas tayong manghatol ayon sa panlabas na kaanyuan nang hindi man lamang magbigay-pansin na kilanlin ang nasa kalooban ng tao.

Para sa limang araw na pagbabakasyon, pinili ko ang Masayang Misteryo bilang ng bawat araw. Habang nag-eehersisyo sa umaga, pinagnilayan ko ang bawat misteryo at pinalitan ang mga pamagat nito:

  1. Ang Pagtatagpo ng Arkanghel Gabriel at ni Maria.
  2. Ang Pagtatagpo nila Maria at Elizabeth, at nila Hesus at Juan.
  3. Ang Unang Harapang Pagkita ni Jesus kina Maria at Jose.
  4. Ang Pagtatagpo kay Simeon, at sumunod kay Anna, nang si Jesus ay Ilahad sa Templo.
  5. Ang Pinagdaanan nina Maria at Jose sa Pagkawala at Pagkahanap kay Hesus.

Kapag gumala ang aking isipan, ibinabalik ko ang aking pansin sa pangunahing paksa, pagtatagpo.

Sa Loob Ng Aking Kaluluwa

Paminsan-minsan, kapag nahuhuli ko ang aking sarili na nagdadasal ng mga salmo, mga dasal at pagbasa mula sa dasalang-aklat ng mga mumunting dasal ng mga Pari nang hindi ganap ang aking pakikipag-ugnay, sinisikap kong muling isa-isip ito bilang isang pakikipagtagpo sa Ama, kay Hesus, sa Banal na Espiritu, kay Maria, o sa mga santo. Minsan, nadadala ako ng malakas na pagkagambala. Halimbawa, kung maisip ko ang isang tao na nakasakit sa akin, at hayaan ang sama ng loob na gumiit, kailangan kong matagpuan ang panghilom ng Panginoon. Kadalasan, kung ano ang lumiligalig sa atin tungkol sa ibang tao ay nagsasalamin ng isang bagay tungkol sa ating sarili. Kaya, ating tanungin ang sarili: “Ano ang pinapahiwatig ng galit o sama ng loob ko sa taong ito tungkol sa aking pagkatao?”

Pagnamnam sa Pagkakaibigan

Sa aking walang katapusang pagsisikap na magligpit at maging maayos, napag-alaman ko na kapaki-pakinabang na itanong: “Ang aklat na ito, papel, CD, larawan, ay talaga kayang kapaki-pakinabang, o dinala ko lang nang hindi ko ginagamit nang may pakinabang? Kung hindi ko pa ito natagpuan, maaari ko kaya itong isuko, itapon, o kaya ay gumawa ng mahusay na bagay sa pamamagitan nito?”

Ang aking pang-araw-araw na panalangin ay ang taimtimang makaharap si Jesus at kapagdaka ay humayo upang katagpuin ang iba pa na kung kanino Siya ay talagang

nananahan. Tulad ng sinabi ni Papa Francis, dapat tayong “maitaguyod ng patuloy nating pagnamnam sa pakikipagkaibigan ni Cristo at sa Kanyang mensahe,..naniniwala ayon sa pansariling karanasan na hindi magkatulad ang nakilala si Hesus sa Siya ay hindi nakilala. . .

Ipinagdadasal namin na tulungan kami ng ating Ina na gawin tulad nang ginawa niya: “Maria, tulungan mo kaming mabigkas ang sarili naming ‘Oo’ sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, at na matagpuan ang Panginoon sa paglilingkod sa kapwa.”

Share:

Sister Jane M. Abeln SMIC

Sister Jane M. Abeln SMIC is a Missionary Sister of the Immaculate Conception. She taught English and religion in the United States, Taiwan, and the Philippines and has been in the Catholic Charismatic Renewal for 50 years.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles