Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 23, 2023 568 0 Sister Theresa Joseph Nguyen, O.P.
Makatawag ng Pansin

ISANG TASA NG TSAA AT ARALIN MULA SA GURO 

Hindi pinapahayo ng Diyos ang sinuman na walang dala—maliban sa mga puspos ng kanilang sarili

Minsan ay nadinig ko ang isang guro ng Taekwondo na magalang na itinutuwid ang isang kabataang lalaki na nagnanais na maging kanyang mag-aaral ng sining sa pagtatanggol “Kung gusto mong matuto ng sining sa pagtatanggol  mula sa akin,” sabi niya, “kailangan mo munang ibubo ang tsaang nasa iyong tasa, at pagkatapos ay ibalik ang basyong tasa.”  Para sa akin ang kahulugan ng guro ay malinaw at maigsi: Hindi Niya nais ang isang mapagmataas na estudyante. Ang isang tasang puno ng tsaa ay walang puwang para sa higit pa; kahit gaano pa kahusay ang isubok mong idagdag, ito ay aapaw sa tasa. Gayundin, walang mag-aaral ang maaaring matuto mula sa kahit na sino mang pinakamahusay na mga guro kung siya ay puno na ng kanyang sarili. Habang sinusundan ng aking mga mata ang binatang galit na papalayo, sinabi ko sa aking sarili na hinding-hindi ako mahuhulog sa bitag na iyon ng pagmamataas. Subalit lang taon ang lumipas, natagpuan ko ang aking sariling naghahatid ng tasang puno ng tsaang mapait sa Diyos—ang aking Guro.

Puno Hanggang Umapaw

Naatasan akong magturo ng relihiyon mula sa bago mag kindergarden hanggang sa ikalawang baitang na mga mag-aaral sa isang maliit na paaralang Katoliko sa Texas.  Natanggap ko ang atas na iyon mula sa aking relihiyosong superyor nang may kapaitan at panghihina ng loob. Para sa akin, ang dahilan ay madaling mauunawaan: Natapos ko ang aking titulo sa Mestro ng Teyolohiya, dahil gusto kong maging isang guro ng Banal na Kasulatan sa kolehiyo, at sa kalaunan, isang hinahangad na tagapagsalita sa publiko. Ang atas na ito ay malinaw na hindi tumugma sa aking inaasahan at humingi ng napakaliit sa akin sa halip na inakala kong kaya kong maibigay. Luhaan akong dumapa sa sahig ng kapilya ng kumbento at humimlay doon nang matagal.  Paano ko mahihikayat ang aking sariling turuan ang isang langkay ng maliliit na bata?  Paano ko mapapakinabangan ang paghahanapbuhay kapiling ang mga bata?  Sa katunayan, ang aking tasa ay umaapaw sa tsaa.  Ngunit kahit sa aking pagmamataas, hindi ko makayanang lumayo sa aking Guro.  Ang tanging paraan para makatakas ay humingi ng tulong sa Kanya.

Nakita ako nang lubusan ng Guro at handa akong tulungan na saidin ang aking tasa para mapuno Niya ito ng mas malinamnam na tsaa.  Sa kabalintunayan, pinili niyang gamitin ang mismo mga bata na iniatang sa akin upang turuan akong magpakumbaba at alisin ang aking tasa ng pagmamataas.  Sa aking pagkamangha, nagsimulang matanto ko na ang mga bata ay

umuusbong na maliliit na teologo.  Sa tuwituwina, ang kanilang mga tanong at puna ay nagbigay sa akin ng higit na pang-unawa at mga pananaw sa tunay na katangian ng Diyos. 

Ang tanong ng apat na taong gulang na si Andrew ay nagdulot ng nakakagulat na kinalabsan: “Paanong nasa loob ko ang Diyos?” tanong niya.  Habang isinasaayos ko ang aking kaisipan at ihinahanda ang isang masulong na teolohikong sagot, ang batang si Lucy ay walang pag-aatubiling sumagot, “Ang Diyos ay parang hangin. Siya ay nasa lahat ng dako.” Pagkatapos ay huminga siya ng malalim para ipakita kung gaano kasintulad ng hangin ang Diyos sa loob niya.

Sinanay Ng Tunay na Guro

Hindi lamang ginamit ng Diyos ang mga bata upang tulungan akong basyuhin ang aking tasa, kundi upang turuan din ako ng ‘martial arts’ para sa aking espirituwal na mga laban. Habang pinanunuod ang maikling video tungkol sa Pariseo at maniningil ng buwis, napaluha ang batang si Mateo. Nang tanungin ko, mapagpakumbabang inamin niya, “Ipinagmalaki ko noong isang araw na ibinahagi ko ang aking sorbetes sa aking kaibigan.” Ang kanyang mga salita ay nagpaalala sa akin na manatiling nakabantay laban sa kasalanan ng pagmamataas. Sa pagtatapos ng taon, nalaman ko na samantalang inubos ko ang laman ng aking tasa, pinupuno ito ng Diyos ng Kanyang sarili, sa halip. Maging ang mga bata ay sinabihan ako. Isang araw, palihim na nagtanong si Austin, “Ate, ano ang Bibliya?” Hindi naghihintay ng kasagutan, itinuro niya ako: “Ikaw ang Bibliya,” ang sabi niya. Medyo nabigla ako at nalito ngunit ang maliit na si Nicole ay nagbigay ng paliwanag, “Dahil lahat kayo ay tungkol sa Diyos,” sabi niya. Sa pamamagitan ng mga bata nagbuhos ang Diyos ng bagong tsaa sa aking tasa.

Madami sa atin ang lumalapit sa Diyos upang humiling sa Kanya na turuan tayo kung paano labanan ang ating espirituwal na mga tunggali samantalang hindi napagtatanto na ang ating tasa ay lubhang puno ng pagmamataas para magkaroon ng puwang para sa Kanyang pagtuturo.  Natutunan ko na mas madaling magdala ng isang tasang walang laman at hilingin sa ating panginoon na punan ito ng Kanyang sariling buhay at karunungan.  Hayaan natin ang tunay na guro na sanayin tayo at bigyan tayo ng mga pagsasanay para sa ating paglalakbay sa buhay at para sa mga tunggali na hindi natin maiiwasang labanan. Maaaring sorpresahin niya tayo at gamitin ang maliliit na bata, o ang iba pa na hindi natin gaanong iniisip, upang turuan tayo, ngunit tandaan natin na “Pinili ng Diyos ang mga aba at mga hinahamak ng sanlibutan, yaong mga walang kabuluhan, upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan, nang sa gayon walang sinumang tao ang makakapagmalaki sa harap ng Diyos” (1 Corinto 1:28-29).

Share:

Sister Theresa Joseph Nguyen, O.P.

Sister Theresa Joseph Nguyen, O.P. is a Dominican Sister of Mary Immaculate Province in Houston, Texas. She is studying sacred Scripture at the Catholic University of America. She has a talent for drawing and an insatiable desire to preach God’s Word.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles