Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 09, 2021 920 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

Isang Nagaapoy na Pari ng Ika-20 Siglo!

Noong 1926, sa umpisa ng digmaan ng Cristero, ang mga Mexicano ay nagdusa sa pag uusig ng relihiyon ng maraming taon. Ang mag Simbahan ay kumpiskado at sarado, ang edukasyong pang relihiyon at ang pagtitipon ay ipinagbabawal. Ang mga taong maka relihiyon at mga pari ay napilitan sa pagtatago.

Isang gabi, ang mga polisiya ay umusig sa isang bahay na inaakalang ang mga tao ay nagtitipon para tumanggap ng Banal na Komunyon.  Isang lalaki ang lumapit at mabilis na binaligtad ang lapel ng kanyang suot na jacket at ipinakita ang badge na pagka Tenyente.

“Anong nangyayari”? Ang tanong niya.  “Palagay namin ay may pari sa loob,” sagot ng mga tao.  “Mag hintay kayo dito at susuriin ko,” ang utos niya.  Nakatingin ang mga tao habang ang pari ay nagbibigay ng Banal na Komunyon sa mga taong naghihintay sa loob ng bahay.

Si Padre Miguel Pro ay kilala sa pagbabalatkayo, sa pag gamit niya ng iba’t ibang pagbabalatkayo. Kadalasan kapag patay na ng gabi, siya ay matapang na nag bibinyag ng bagong panganak na bata, binabasbasan na pag palain ang nag iisang dibdib, nag mimisa, nakikinig sa pagtatapat, pagpa pahid ng sakit, at pagbibigay ng Banal na Komunyon.  Mahigit sa ilang beses siyang nag panggap bilang polisiya para makapagbigay ng Banal na Viaticum sa mga Katoliko na nag hihintay ng pag uusig.  Siya ay nagbalatkayo bilang sunod sa moda na negosyante para makakolekta sa lugar ng kanyang mga kaaway, para ibigay sa mahihirap.

Kabisig man ng braso ng isang batang babae o nakadamit ng pulubi, masaya niyang dinadalhan ng espiritwal o materyal na pagpapaluwag ng dibdib ang mga nagugulumihanang Mexicano na Katoliko, kahit sa bingit ng kanyang buhay.  Pagkatapos ng isang taon ng kanyang minesteryo, ang kanyang mga kaaway ay desperado na tapusin ang kanyang inpluwensya sa mga tao.  Siya ay kinasuhan ng pagtatangka ng pagpatay.  Siya ay pinatungan ng sintensyang mamatay ng walang pagsubok pagkatapos siyang dakpin.

Inimbetahan ni Presente Calles ang mga mamamahayag sa buong mundo para makita ang pagpapatupad ng parusa at inaasahan niya na masisiraan ng loob si Padre Pro at tatalikuran niya ang pananampalataya sa harap ng isang pulutong ng pagpapaputok.  Sa halip, ang mga litrato na kuha sa pagpapatupad ng parusa ay ipinakita ang kanyang pagpapatawad at ipinagdarasal ang mga pulutong na nagpapaputok sa kanya. Hindi siya nag patakip ng mata at nakadipa ang kanyang kamay katulad ng porma ng Kurus, sa maligayang pagsalubong ng bala sa kanya at humiyaw ng “Viva Cristo Rey!” (Mabuhay si Kristo na Hari!)

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles