Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Mar 16, 2022 692 0 Shalom Tidings
Magturo ng Ebanghelyo

ISANG MAS MAHUSAY NA MAKAKAISANG DIBDIB

Si Lucy ay ipinanganak sa isang mayaman at marangal na Romanong mag-anak sa Syracuse, Sicily. Nang isayos ng kanyang ina na siya ay makasal sa isang di binyagang lalaki, tumutol si Lucia at nagwikang siya ay nauukol lamang kay Cristo.  Upang mahimok ang kanyag ina, nanalangin si Lucia sa libingan ni St. Agatha (isa pang Kristianong Birhen) na pagalingin ang kanyang ina sa isang sakit na madaming taon na niyang iniinda. Ang kanyang ina ay mahimalang gumaling at sumang-ayon na hindi pilitin si Lucia na mag-asawa. Ngunit ang tinanggihan ni Lucy na paganong manliligaw ay galit na galit sa mga bulungang “nakatagpo si Lucia ng isang mas mahusay na kasintahan kaysa sa kanya” (ang kanyang Panginoon, si Jesus!). Sa kanyang galit, isinumbong niya si Lucia na isang Kristiyano sa gobernador na si Pascasio.

Ginamit ni Pascasio ang pagkakataong ito upang ipahiya si Lucia sa publiko at sa gayon ay mawawalan ng saysay ang Kapangyarihan ni Cristo at ang Kanyang Simbahan. Batid nito ang panata ng kalinisang-puri ni Lucia kaya sinikap niyang hindi lamang patayin ang katawan ni Lucia, kundi sirain pati na ang kagandahan ng kanyang kaluluwa.

Tinangka ng mga sundalo ng gobernador na dalhin si Lucia sa isang bahay ng mga kalapating mababa ang lipad, ngunit ginawa ng Diyos na maging mabigat ang katawan ni Lucia kaya hindi nila ito mabuhat. Sumunod, si Lucia ay hinatulan na sunugin, ngunit kahit na may langis na ibinuhos sa kanya, ang katawan ni Lucia ay hindi masunog.  Galit na galit, sumigaw ang gobernador kay Lucia, “Paano mo ginagawa ito?” Tumugon lamang si Lucia na hindi ito galing sa kanyang kapangyarihan kundi sa kapangyarihan ni Jesucristo. Pagkatapos ay iniutos ni Pascasio na ukitin ang magagandang mata ni Lucia.  Matapos ang ganitong labis na pagpapahirap, nakatayo pa din niya itong hinarap at tinanggihang ipagkaila si Kristo.

Naramdaman ni Lucy na malapit na ang kanyang oras ng pagsaksi at pagkamartir. Sa udyok ng Banal na Espirito, si Lucia ay nagpropesiya sa umpukan ng mga tao at nagsabi sa kanila na ang pag-uusig ay hindi magtatagal at mawawalan ng trono ang emperador. Sa pagkagitlang mapatahimik si Lucia, inutusan ni Pascasio ang isang sundalo na tusukin ng espada ang kanyang leeg. Nakuha niya ang kanyang korona ng pagkabirhen at pagkamartir noong Disyembre 13, 304.

Nang dalhin ang bangkay ni Lucia sa sementeryo, natuklasan nila na mahimalang nabalik ang kanyang mga mata.  Upang bigyang-tanda ang himalang ito, madalas na inilalarawan si Lucia na may hawak na pinggan na kinalalagyan ng kanyang mga mata.  Sa loob ng ilang dekada, idinagdag ang pangalan ni Lucia kasunod sa pangalan ni Agatha sa Roman Canon.  Nakahimlay ang bangkay ni Sant Lucia sa Basilica ni Sta. Lucia sa Syracuse, Sicily.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles