Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Mar 23, 2023 575 0 Margaret Ann Stimatz
Magturo ng Ebanghelyo

ISANG LABIS NA MANGANGAIN? NARITO ANG TULONG

Nalulula ka ba sa mga kawalan ng katiyakan sa buhay? Lakasan mo ang iyong loob. Minsan ko ring pinagdaanan yan—ngunit ipinakita sa akin ni Jesus ang landas para makalabas.

Mahigit tatlumpung taong gulang na ako, naglalakad sa bayanan sa damit na gustong-gusto ko, sa isang mahangin na bughaw na kalangitan. Sa palagay ko nabola ako ng hugis nito, kaya madalas ko itong isinusuot. Nang walang ano-ano ay bigla kong nasulyapan ang repleksyon ko sa isang bintana ng tindahan. Nagulantang ako, at sinubukan kong higuping paloob ang aking tiyan. Pero di ko mahigop. Wala itong mapuntahan. Mga umbok kung saan-saan. Sa ilalim ng laylayan, ang aking mga binti ay parang mga hamon. Naiinis ako sa sarili ko.

Walang pakialam

Ang aking pagkain at timbang ay bumubulusok paitaas ng walang kontrol; at higit pa doon, ang buong buhay ko ay isang hanay ng pagkawasak. Kamakailan lamang ay ginutay-gutay ng diborsiyo ang aking maikling kasal. Sa panlabas nagkunwari akong maayos ang lahat, ngunit sa loob ako ay durog na durog.

Nag-iisa sa likod ng mga pader ng katabaan, ibinahagi ko ang aking dalamhati sa walang sinuman. Para mapawi ang sakit na nararamdaman ko, uminom ako ng alak, nagtrabaho, at kumain—nang sobra-sobra. Ang sunud-sunod na mga pagtatangka sa pagdidiyeta ay bumabagsak lamang sa akin sa isa pang siklo ng pagkahumaling, awa sa sarili, at mapilit na pagmamalabis.

At, sa ilalim ng lahat ng mga pagkadurog na iyon, ang mga espirituwal na problema ay lumala. Tinawag ko pa rin ang aking sarili na Katoliko, ngunit namuhay ako bilang isang ateista. Para sa akin, ang Diyos ay ‘nasa itaas’, ngunit malayo at walang pakialam sa aking mga paghihirap. Bakit ako magtitiwala sa Kanya kahit kaunti? Nagpapakita lang ako sa Linggong Misa kapag bumibisita ako sa aking mga magulang, para linlangin sila sa paniniwalang tapat pa rin ako. Sa totoo lang, ginugol ko ang aking mga araw nang hindi iniisip ang Diyos at nagpatuloy sa paggawa ng anumang gusto ko.

Ngunit ang nakakagigil na alaala ng aking repleksyon sa bintanang iyon ay sumasalamin sa akin. Isang bagong kabagabagan ang bumalot sa aking kaluluwa. Kinakailangan ang pagbabago, ngunit ano? Wala akong ideya. Ni wala akong ideya na ang Diyos Mismo ay kumikilos sa sandaling iyon, sinimulang ilantad ang sakit sa aking puso gamit ang Kanyang magiliw na mga daliri.

Nakikipaglaban kay Goliath

Isang babae sa trabaho ang nagpahayag ng panghihina ng loob tungkol sa kanyang pagkain at timbang, at kami ay naging konektado. Isang araw ay binanggit niya ang isang labindalawang hakbang na grupo na sinimulan niyang daluhan. Iginiit ng grupo na ang hindi maayos na pagkain ay nauugnay sa ating emosyonal at espirituwal na buhay, ang pagbabawas ng timbang at pag-alis nito ay kailangang tugunan din ang mga bahagi nito. Ang pinagsamang diskarte na ito ay umakit sa akin. Sa kabila ng aking pang-aalipusta sa mga grupo, sinubukan kong dumalo sa ilang mga pagpupulong. Di-nagtagal, nawili ako, regular na akong dumadalo, at kahit na bihira akong magsalita sa mga pulong, pagkatapos ay nag-eeksperimento ako sa ilan sa mga ideyang narinig ko. Medyo gumana ang diskarteng ito, at pagkaraan ng ilang buwan ay natuwa ako nang magsimulang bumaba ang aking timbang. Gayunpaman—bagama’t hindi ko ito sinasabi kahit kanino—nakikipaglaban ako sa isang mabagsik na Goliath, isa sa nagbanta na sirain ang aking pag-unlad.

Habang ako ay nasa trabaho araw-araw, sinusunod ko ang isang plano sa pagkain na nagpapahintulot sa akin na kumain ng katamtaman at para mabawasan ang mga tukso. Ngunit pagsapit ng 5:00 ng hapon sa bawat araw ay nagugutom ako. Nagmamadali ako sa pag- uwi at humahangos at padaluhong, pinupuno ko ang aking bibig nang pagkain ng walang tigil hanggang sa bumagsak at magkandatulog ako sa kama. Walang kapangyarihan para sa halimaw na ito, at sa takot na ang timbang ay muling tumaas, naiinis ako sa aking sarili. Ano ang dapat kong gawin? Wala akong ideya. Ang madilim na tularan ay patuloy na kumaladkad, at ang kawalan ng pag-asa ay nakasunggab sa akin.

Isang Ideya ang Lumitaw

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumasok sa aking isipan ang pinaka kakaibang kaisipan. Sa halip na dumiretso sa bahay mula sa trabaho, maaari kong abutan ang 5:15 na Misa sa hapon. Iyon ay makapagpapaliban at mababawasan ng isang oras ang aking pagmamalabis. Sa una ang ideyang ito ay tila kalunus-lunos. Hindi ba dapat ito ay tigil-tigilan at kalokohan? Ngunit, nang walang ibang mga pagpipilian na nakikita, ang desperasyon ay nagtulak sa akin na subukan ito. Hindi nagtagal ay dumadalo na ako sa Misa at tumatanggap ng Banal na Komunyon araw-araw.

Ang aking isang layunin ay upang mabawasan ang aking pagmamalabis. Tila, sapat na iyon para kay Hesus. Tunay na naroroon sa Kanyang Katawan at Dugo, Siya ay naghihintay para sa akin doon, at natutuwa na nakabalik ako. Nang maglaon ay napagtanto ko na mayroon din Siyang adyenda para sa lahat ng ito: isang hindi maarok na mas mataas, mas malawak, at mas malalim kaysa sa akin. Alam niya kung ano ang kailangan ko at kung paano ito ibibigay.

Sa magiliw na pag-aalaga, ginamit niya ang aking kawalan ng pag-asa upang ilapit ang aking nanghihinang mga paa sa matatag na lupa at sinimulan ang isang mahabang proseso ng pagpapagaling sa aking puso at ang paglalapit nito sa kanyang sarili. Sa Misa araw-araw, pinapakain Niya ako ng Kanyang sariling Katawan at Dugo, sinimulan Niyang lunasan ang aking mga karamdaman, pinaliguan ako ng mga kahima-himalang biyaya, nagbibigay ng liwanag sa aking kadiliman, at binibigyan ako ng lakas upang labanan ang mga kasamaan na nagbabanta sa akin.

Kalayaan sa Wakas

Ang Kanyang mga grasyang Eukaristiya ay nagpa-alab at nagpasigla sa akin, at pinataas ko ang aking pakikilahok sa programa sa isang bagong antas. Kanina ako ay nakipag-siksikan; ngayon ay tumalon ako gamit ang dalawang paa sa pagpasok, at sa paglipas ng mga araw, natagpuan ko ang dalawang regalo na napatunayang kailangang-kailangan: isang matulungin na komunidad na nananatili sa akin sa magaganda at masasamang araw, at isang arsenal ng mga praktikal na estratehiya. Kung wala ang mga ito, nawalan na ako ng loob at sumuko. Ngunit sa halip—sa mahabang panahon, nang matutunan kong hayaan si Hesus na maging Tagapagligtas na Kanyang kinamatayan, habang ang aking labindalawang hakbang na pakikipagkaibigan ay nagpayabong at nagpalakas sa akin, at habang ginagamit ko ang mga kasangkapan at karunungan na ibinigay sa akin, natagpuan ko, ang kalayaan mula sa aking hindi maayos na pagkain at ang isang matatag at pangmatagalang plano sa paggaling na nagpapatuloy hanggang sa araw na ito.

Sa prosesong ito, ang pananampalataya na minsang nasa aking isip lamang ay lumipat sa aking puso, at ang aking huwad na imahe ng isang malayong walang malasakit na Diyos ay gumuho at nagkawatak-watak. Si Hesus, ang Pinagpalang Tagapagligtas na patuloy na naglalapit sa akin sa Kanyang sarili, ay ginawang matamis ang aking mapait. Hanggang ngayon, habang nakikipagtulungan ako, patuloy Niyang binabago ang iba pang mga hukay at mga basurang lupain na pumipigil sa akin sa pag-unlad. ikaw naman? Anong mga imposibleng hadlang ang kinakaharap mo ngayon?

Ikaw man ay nababagabag tungkol sa iyong pagkain, nagdadalamhati tungkol sa isang mahal sa buhay na umalis sa pananampalataya, o nadurog ng iba pang mga pasanin, lakasan mo ang iyong loob. Yakapin si Hesus sa Banal na Eukaristiya at sa pagsamba. Hinihintay ka niya. Dalhin mo sa Kanya ang iyong sakit, ang iyong kapaitan, ang iyong mga kaguluhan. Nananabik Siyang tumulong sa iyo tulad ng pagligtas Niya sa akin sa lahat ng aking mga paghihirap. Walang problemang napakalaki o napakaliit para dalhin sa Kanya.

Share:

Margaret Ann Stimatz

Margaret Ann Stimatz is a retired therapist currently working to publish her first book “Honey from the Rock: A Forty Day Retreat for Troubled Eaters”. She lives in Helena, Montana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles