Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

May 12, 2022 803 0 Ivonne J. Hernandez, USA
Magturo ng Ebanghelyo

ISANG HIMALA NG PAG-ASA

Napakatindi ng sakit ngunit nagpumilit pa din akong kumapit sa angklang ito ng pag-asa at ako’y nakadanas ng isang himala!

Ako ay 40 taong gulang nang masuri na may Charcot- Marie-Tooth Disease (CMT), isang minamana at lumalalang pamamanhid pinsala sa paligid ng kaparaanan ng nerbiyos  Sa wakas alam ko na kung bakit lagi kong kinakatakutan na pumasok sa klase ng PE sa paaralan, kung bakit madalas akong matumba, kung bakit napakabagal ko. Dati na akong may CMT; hindi ko lang nalaman. Nang ako ay isinangguni sa isang neurologist, ang mga kalamnan sa aking mga binti ay nagsimulang malanta, at hindi ako makaakyat ng mga baytang nang hindi ko hinihilang pataas ang aking sarili.

Ang kaginhawahan ng pagkakaroon ng kasagutan ay natabunan ng pag-aalala tungkol sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Mauuwi ba ako sa wheelchair? Maglalaho ba ang silbi ng aking mga kamay? Makakaya ko bang pangalagaan ang aking sarili? Binagabag ako ng kadiliman sa kinalabasan ng pagsusuri. Nalaman ko na walang kagamutan, walang lunas. Sa pagkakaintindi ko, ‘wala nang pag-asa’. Ngunit unti-unti, tulad ng araw sa umaga na sumisilip sa kortina, ang liwanag ng pag-asa ay marahang gumising sa akin mula sa pagkatulala sa kalungkutan, tulad ng isang himala ng pag-asa. Napagtanto kong walang nagbago; ganun pa din ako. Kumapit ako sa pag-asang ang paglala nito ay magiging mabagal, na magbibigay sa akin ng panahon upang maiangkop ko ang akong sarili. At nangyari nga ito…hanggang sa hindi na.

Nadanasan ko ang mabagal, unti-unting paglala ng karamdaman sa loob ng apat na taon, subalit, nang isang tag-araw, mabilisan itong lumala. Natiyak sa mga pagsusuri na ang aking kalagayan ay di-kapanipaniwalang mas lumubha. Kapag kami ay lumalabas, kailangan kong naka-wheelchair. Kahit sa bahay, iilan lamang ang maari kong gawin. Hindi ako makatayo nang higit sa dalawang minuto. Hindi ko magamit ang aking mga kamay para sa pagbukas ng mga garapon o paghiwa o pagtaga. Kahit na ang pag-upo ng mga ilang minuto ay mahirap. Sa tindi ng sakit at panghihina napilitan akong gugulin ang halos buong panahon ko sa kama. Nalipos ako ng matinding kalungkutan sa pagharap sa katotohanan ng pagkawala ng kakayahan kong pangalagaan ang aking sarili at ang aking mag-anak. Gayunpaman, nagkaroon ako ng pambihirang biyaya nong panahong iyon.

Nakaya kong dumalo sa pang-araw-araw na Misa. At, sa mga paglalakbay na iyon, sinimulan ko ang panibagong gawi …dinasal ko ang Rosaryo sa sasakyan. Sa loob ng mahabang panahon, ninais kong magdasal ng Rosaryo araw-araw, ngunit hindi ko makuhang gawin itong isang pamantayan at gawing pangmatagalan. Inayos iyon ng mga pang-araw-araw na paglalakbay. Iyon ay panahon ng matinding pakikibaka at pasakit subalit panahon din ng dakilang biyaya. Natagpuan ko ang aking sarili na inuubos na basahin ang mga aklat ng Katoliko at mga salaysay ng buhay ng mga Santo.

Isang araw, sa pananaliksik ko para sa isang talumpati tungkol sa Rosaryo, natagpuan ko ang isang salaysay ng Kagalang-galang na si Fr. Patrick Peyton, C.S.C., na gumaling sa tb matapos humingi ng tulong kay Maria. Ginugol niya ang natirang bahagi ng kanyang buhay sa pagpapalaganap ng pangmag-anak na pagdadasal at ng Rosaryo. Pinanood ko sa YouTube ang mga sipi tungkol sa mga naglalakihang pagtitipun-tipon para sa Rosaryo na idinadaos niya…minsan, mahigit isang milyon katao ang dumadating upang magdasal. Labis akong natinag sa aking napanood, at sa isang sandali ng pagkasigasig, hiniling ko kay Maria na pagalingin din ako. Ipinangako ko sa kanya na ipapalaganap ko ang Rosaryo at gaganapin ang pagtitipon at tuloy tuloy na Rosaryo , tulad ng ginawa ni Fr. Peyton. Nalimutan ko na ang tungkol sa pag-uusap na ito hanggang sa lumipas ang ilang araw matapos akong magbigay ng aking talumpati.

Lunes ng umaga nuon, at nagsimba ako gaya ng nakagawian, ngunit may kakaiba nang makauwi ako. Sa halip na bumalik sa kama, nagtungo ako sa sala at nagsimulang maglinis. Hindi ko napagtanto na nawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kung hindi pa ako tinanong ng naguguluhan kong asawa kung ano ang ginagawa ko. Naalala ko kaagad ang isang panaginip nang nakalipas na gabi: Isang pari na nababalot ng liwanag ang lumapit sa akin at naglapat ng Pagpapahid sa Maysakit. Habang binabakas niya ng langis ang Tanda ng Krus sa aking mga kamay, kasiglahan at masidhing kamalayan ng kapayapaan ang bumalot sa aking buong pagkatao. At pagkatapos ay naalala ko… Hiniling ko kay Maria na pagalingin ako. Nangyari nga ang himala ng pag-asa at pagkatapos ng limang buwan sa kama, lahat ng sakit ko ay nawala. Mayroon pa akong CMT, ngunit ako’y nanumbalik na sa dati kong kalagayan nang nakalipas na limang buwan.

Simula nuon, ginugol ko ang aking panahon sa pasasalamat, pagpapaunlad ng Rosaryo at pagsasabi sa bawat isa ng tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Naniniwala ako na sinugo ni Maria ang paring ito upang pahidan at pagalingin ako, bagamat sa naiibang paraan na winari ko. Hindi ko yon napagtanto sa oras na iyon, ngunit nang nangunyapit ako pag-asa, tunay akong kumakapit sa Diyos. Pinagaling Niya ang aking katawan, ngunit pinagaling din Niya ang aking kaluluwa. Alam kong nadidinig Niya ako; alam kong nakikita Niya ako. Alam kong mahal Niya ako, at hindi ako nag-iisa. Hilingin mo sa Kanya kung ano ang kailangan mo. Mahal ka Niya; nakikita ka Niya…Hindi ka nag-iisa.

Share:

Ivonne J. Hernandez

Ivonne J. Hernandez is a lay Associate of the Blessed Sacrament, president of Elisheba House, and author of The Rosary: Eucharistic Meditations. She writes regularly for many Catholic blogs and lives in Florida with her husband and two of her young adult sons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles