Home/Masiyahan/Article

Feb 21, 2024 233 0 Sharon Justine, India
Masiyahan

Isang Bagong Taon na Walang Katulad

Tuklasin ang kagandahan ng pagsagawa ng pinakamahusay na Bagong Taong Panukala sa taong ito

Sa ganang tayo’y nakatayo sa bingit ng bagong taon, ang hangin ay puno ng pag-asa, pag-asa, at pangako ng isang bagong simula.  Para sa madami, ang pagbabagong ito ay sumasagisag ng isang pagkakataon na iwanan ang mga pasanin ng nakaraan at simulan ang isang paglalakbay ng paglago at paghilom.  Pati ako ay tumahak ng landas na ito—nilalakbay ang mga sali-salimuot ng buhay, paghahanap ng ginhawa, lakas, at kagalakan sa pamamagitan ng mapagbagong biyaya ng panalangin.

Pagsapit Ng Hatinggabi

Ilang taon na ang nakakalipas, natagpuan ko ang aking sarili na nakikipagbuno sa mga labi ng mga nakaraang kirot na tila mabigat sa aking puso.  Ang mga peklat ng mga pagkabigo at kawala ay umukit ng kanilang mga tatak, na nag-iiwan sa akin ng pananabik para sa isang panibagong pasimula.  Sa sandaling ito ng pagmumuni ako gumawa ng isang panukala—isang panukala na magdadala sa akin sa landas patungo sa biyaya at paghilom.

Nang sumapit ang hatinggabi, nagpasiya akong ialay ang aking sarili sa nakakapagpanibagong kapangyarihan ng dasal.  Ang panukalang ito ay hindi bunga nang isang panandaliang pagnanais para sa pagbabago kundi mula sa isang malalim na pangangailangan na ayusin ang mga sirang piraso ng aking kaluluwa at hanapin ang kagalakan na nawala sa akin sa napakatagal na panahon.

Sa mga naunang araw ng bagong taon, ang pamilyar na kirot ng aking nakalipas na mga pasakit ay naging balakid sa pagpapanatili ng aking panukala.  Sinikap ng mga kaguluhan ng isip at pag-aalinlangan na madiskaril ang aking pangako, ngunit kumapit ako sa aking pananampalataya at determinasyon.  Sa pamamagitan ng patuloy na pagdadasal, nagsimula akong makadanas ng banayad na pagbabago sa loob ko—mga bulong ng biyaya na sumasalat sa aking sugatang espirito.

Habang lumilipas ang mga buwan, bumuhos ang mga biyaya sa aking buhay na tulad ng banayad na ulan, na nagpapaginhawa sa tigang na lupa ng aking puso.  Nagkaroon ako ng lakas ng loob na patawadin ang mga nagkasala sa akin at naunawain na ang pagpapatawad ay isang handog na ibinigay ko sa aking sarili.  Ito ay nakapagpapalaya, isang dakilang biyaya na nagpalaya sa akin mula sa mga kadena ng kapaitan, pinapahintulutan ako na yakapin ang pag-ibig at kagalakan.

Panindigan Ang Iyong Resolusyon

Ang landas ay hindi salat sa tinik, ngunit ang biyaya ng panalangin ang nagbigay sa akin ng lakas at katatagan upang magtiyaga.  Napagtanto ko na ang paglalakbay na ito ay hindi lamang tungkol sa paninindigan sa isang resolusyon—ito ay tungkol sa pagyakap sa isang buhay na tinatanglawan ng nagniningning na liwanag ng pananampalataya.

Ang pagkamaalinsunod sa pagdadasal ay may mahalagang papel sa aking paglalakbay sa paghilom at pagpapanibago.  Madalas ay nahihirapan akong panatilihin ang bagong ugaling ito sa gitna ng mga pakikibaka at pang-abala sa buhay.  Heto ang ilang mga payo na nakatulong sa akin na makapaglimi at mapanatiling buhay ang aking resolusyon:

1. Magtakda ng Kagalang-galang na Oras: Magtalaga ng tiyakang oras ng araw na pinakamainam para sa iyo na manalangin nang palagian.  Maaaring sa umaga bago magsimula ang kaguluhan ng maghapon, sa tahimik na pamamahinga sa tanghalian, o sa gabi upang pag-isipan ang nagdaang araw.  Ang nakatalagang oras na ito ay makakatulong sa pagbuo ng isang gawi.

2. Lumikha ng Kagalang-galang na Lugar:  Magtalaga ng isang natatanging lugar para sa panalangin, maging ito man ay isang maaliwalas na sulok sa iyong tahanan, simbahan, o isang natural na lugar sa may labas.  Ang pagkakaroon ng nakalaang espasyo ay nakakatulong upang makalikha ng isang ugnayan sa kabanalan at kapayapaan.

3. Pakinabangan ang mga Panulong sa Pananalangin: Isama ang mga pantulong sa panalangin tulad ng pahayagan, rosaryo, o mga espirituwal na aklat.  Ang mga gamit na ito ay maaaring mapahusay ang iyong karanasan sa pagdadasal at panatilihin kang nakatutok, lalo na kapag ang mga abala ay nagbabanta na hilahin ka papalayo.

4. Maghangad ng Pananagutan: Ibahagi ang iyong resolusyon sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya na makakagabay sa iyo sa iyong paglalakbay at magpapaalala sa iyo sa pananagutan mo.  Ang pagkakaroon ng taong makakasama mo sa iyong pag-unlad at pakikibaka ay ng mapagkukunan mo ng pampasigla.

Pagharap Sa Unos

Ngayon, habang iniisip ko ang napakahalagang taon na iyon at ang mga sumunod pang iba, napupuno ako ng matinding kagalakan.  Ang sakit na minsang bumihag sa akin ay naging bukal ng lakas, habag, at mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos.  Ang mga peklat ay nananatili, ngunit ngayon ang mga ito ay patunay ng biyaya na gumabay sa akin sa pagharap sa unos.

Habang tayo ay nakatayo sa bukana ng bagong taon, hinihikayat ko kayong yakapin ang kapangyarihan ng dasal sa inyong buhay.  Ito ay isang gabay ng pag-asa, isang mapagkukunan ng kaginhawaan, at isang kaligtasan sa pinakamadilim na panahon.  Anuman ang iyong maging pasiya, nawa’y ang mga ito ay puno ng pananalangin at sagana sa pananampalataya, batid na ang biyaya ng Diyos ay gagabay sa iyo sa bawat hakbang ng daan.

Share:

Sharon Justine

Sharon Justine is a devoted practicing Catholic and serves at Shalom World. She lives with her family in Bangalore, India.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles