Home/Makatawag ng Pansin/Article

Oct 29, 2021 1802 0 Rosanne Pappas, USA
Makatawag ng Pansin

ISANG ARAW SA DALAMPASIGAN

Sindak sa kanyang sinabi, tinitigan ko siya …

Iyon ay isang napakagandang araw sa dalampasigan, walang ulap sa kalangitan.  Muli akong humimlay sa aking upuan na pantabin-dagat at ibinaon ang aking mga paa sa buhangin, kinawag-kawag ko ang aking mga daliri sa paa, inaasam na makaramdam ng bahagyang lamig ng buhangin sa pagitan ng mga ito. Yaon ay isang napakainit na araw ng Hulyo sa kanlurang baybayin ng Florida.

Masaya naming ipinagdiwang na magkaibigan ang araw na yon, pinanonood ang aking tatlong taong gulang na anak na lalaki habang siya ay nakasakay sa likod ng kanyang labindalawang taong gulang na pinsan samantalang gumagapang siya sa mababaw na berdeng tubig.  Mababa ang alon sa tabi ng daanan ng mga sasakyan kung saan ang isang makipot na pasukan ng tubig ay nagbigay sa mga bata ng malawak na puwang para makapaglaro sa malamig na tubig ng dalampasigan.  Ang pinakamainam na lugar!

Huminga ako nang malalim, binuksan ang palamigan, kinuha ang aking malamig na bote ng tubig at lumagok.  Kailangan kong uminom lagi ng tubig para manatiling malamig at hindi manuyo /mauhaw dahil halos siyam na buwan ko nang dinadala ang aking pangatlong anak.  At matapos ay nagbalik-tuon ako sa aking anak na nasa tabin-dagat. Naghiwalay na sila ng pinsan niya at nakatawang tumakbo at nagtampisaw sa tubig. Pagkatapos, siya ay parang naupo, ngunit tila napakababa ng pagkaka-upo niya sa tubig. Hindi ito makatuturan.

“Ano ang ginagawa niya? Bakit hindi siya tumatayo?” napasigaw ako habang tinutulak ang aking sarili palabas ng upuan. “Hindi ko maintindihan …”

“Kataka-taka yon,” sabi ng kaibigan ko.

Nakadama ako ng takot sa buo kong katawan, “Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Dios ay sumasaiyo,” nagdadasal habang kumarimot ako ng takbo sa tubig, ang mga mata ay nakatuon sa kanyang maliit na ulo, “Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang nasa iyong sinapupunan.  Santa Maria, Ina ng Diyos … Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya.  Ang Panginoong Dios ay sumasaiyo…” “Nakayapak sa tubig, nagtaka ako, ‘Bakit hindi siya tumatayo, mangyaring huwag Mong hayaang lumubog ang kanyang ulo sa ilalim ng tubig, pakiusap, Jesus.”

Kapos sa paghinga at puno ng takot, uinabot ko ang lugar at natuklasan kong napunta siya sa isang butas sa mabuhanging ilalim na hindi kita mula sa tabin-dagat. Takot na takot siyang sumisikad sa tubig, sinisikap na manatiling nakalutang ang kanyang ulo. Para akong tinamaan ng kidlat sa malaking takot.  Sinunggaban ko siya at hinila palapit sa akin habang papalabas ako sa butas. “Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya.  Ang Panginoong Dios ay sumasaiyo…” Ko Pakiusap, Maria, Mangyaring Iligtas Mo Siya, Pakiusap, Maria, makikinig sa iyo si Jesus.  Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat …”

Hirap na hirap ang kanyang paghinga.

“Tawagan nyo ang 911,” isang lalaki ang nagsabi.

Lumingon ako at tinitigan siya ng may pagkabigla.

“Ano? Hindi napunta sa ilalim ng tubig ang kanyang ulo, ”sabi ko, nagtataka kung saan siya nagmula.

“Tawagan nyo ang 911.  Kung lumanghap siya ng tubig, maaari siyang malunod sa may paradahan!  Tawagan nyo ang 911,” madiin niyang pahayag.

Lumingon ako at humiyaw sa kaibigan ko na tumawag sa 911. Kasabay nito, bagabag akong nagtaka kung ano ang pinagsasabi niya.

Nagsuka ang anak ko sa aking balikat.

Humiyaw ulit ako, “Tawagan mo ang asawa ko.”

“Aba ginoong Maria napupuno ka ng Grasya, …”

Lumapit pa nang kaunte ang mamà.

“Nasa kabilang bahagi ako ng daanan at nagsalita ang Diyos sa aking puso.  Sinabi niya sa akin na manalangin nang taimtim at agad na tumakbo sa kabilang bahagi ng daanan.  Nakita kitang nasisindak at nalaman kong dito ako dapat magpunta at siya ang dapat kong ipanalangin.”

Napatingin ako sa kanya, gulát sa kanyang mga pinagsasabi at sa bigat ng pangyayari.

Niyakap ko nang mahigpit ang aking anak, “Okay ka lang katoto.”  Tahimik akong nagpatuloy, “Aba ginoong Maria, napupuno ka ng Grasya, ang Panginoong Dios ay sumasaiyo …”

Dumating ang aking asawa, kinuha ang aming anak at ipinatong sa kanyang balikat.

Sumuka na naman siya.

Pinunasan ko ang kanyang bibig, humilig sa kanyang mukha at sinabi,

“Magiging ayos ka katoto.  Magiging maayos ang lahat, ”pilit na tinatakpan ang aking nag-aalsang takot at dalamhati.

“Aba ginoong Maria …” patuloy ako habang sinisikap ko siyang aliwin.

Dumating ang ambulansya.  Pumalit ang mga paramedics.

“Tinatawagan namin ang sasakyang panghimpapawidr para ilipad siya sa All Children’s Hospital,” sabi nila.

“Ano? Bakit? Ang kanyang ulo ay hindi napunta sa ilalim, “sabi ko.

“Hindi mahalaga yon, kailangan nating matiyak na ayos siya,” sabi nila.

Napatitig ako sa kanila sa pagkabigla.  Hindi ito maaaring mangyari, naisip ko.

“Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat …”

Nagkatinginan kami ng asawa ko.

Ang mamang katabi ko ang bumasag sa katahimikan.

“Hindi ako titigil sa pagdadasal.”

Lumapag ang sasakyang panghimpapawid.

Ang paramediko ay lumabas sa sasakyang panghimpapawid at lumapit sa    amin, nakalahad ang kanyang mga braso upang kunin ang aming anak.

“Sasama ako sa kanya,” sabi ko.

“Paumanhin po pero hindi ka maaaring sumama sa amin sa helikopter.  Hindi namin kayo sabay na maalagaan.  Maaari kang mag-damdam gawa sa bigat ng pag-aalala. Aalagaan namin siya nang maayos.”

“Ako ang sasama,” ang pahayag ng aking asawa.

“Hindi, hindi din namin kayo madadala, ginoo, siya lamang. Dapat namin          siyang pagtuunan ng pansin,” giit nila.

Lugmok kaming nakamasid na mag-asawa habang dinadala nila ang aming anak sa helikopter.

“Aba ginoong Maria, napupuno ka ng Grasya, Pakiusap, Jesus, Maria, Pakiusap…”

Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat.

“Tayo na,” sabi ng asawa ko.

Sumakay na kami at humarurot sa daanan papunta sa All Children’s Hospital.

“Hindi ka maaaring mag damdam,” aniya.

“Ayos ako,” ang sabi ko, “Basta padatingin mo tayo doon nang mabilis,” habang tahimik akong nagpatuloy, “Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang bunga sa iyong sinapupunan.”

Tumigil kami sa lote ng Emergency Room at tumakbo patungo sa ospital.  Itinuro nila kami sa lagusan patungo sa kalingaan ng mga bata.

Tumakbo ang aking asawa at sumunod ako, humihingal, walang sapatos at nakabihis ng basang suot-panlangoy.

“Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya…”

Pinapasok kami sa kanyang silid. Umakyat ako sa kama niya at hinawakan siya.

Pumasok ang doktor.

“Siya ay matatag na at nasa mabuting kalagayan, ngunit papanatilihin namin siya dito nang magdamag bilang pag-iingat,” aniya.

Napabuntong hininga ako ng kaginhawahan, at tahimik na nagpatuloy sa pagdadasal samantalang ang aking mga saloobin ay nagkahalu-halo sa katarantahan habang nagtataka kung paano nangyari ito.

Nakatulog ang anak ko sa aking mga bisig at nakadama ako ng pasasalamat, pero may-sala.  Ako ay isang masamang ina na halos hayaang malunod ang kanyang anak.  Balót ng kahihiyan, hinayaan kong dumaloy ang luha sa madilim, tahimik na silid ng ospital.

Humahagulgol dala nang pagkabalisa, tinawagan ko ang aking espiritwal na ama, isang banal na pari.  9:30 ng gabi, kaya’t maliit ang pag-asa ko na sasagutin niya. Ang kaniyang boses ang bumasag sa aking ligalig na isip.

Sumagot siya!

Ibinuhos ko ang buong nakapanghihilakbot na pangyayari sa araw na iyon.

“Ipagdasal mo po siya Padre, pakiusap po,” pagsusumamo ko.

Sumabay siya sa akin sa pagdadasal, ngunit masama pa din ang loob ko.

“Muntik nang malunod ang aking anak nang dahil sa akin,” pagtatapat ko.

“Hindi!  Iniligtas mo ang buhay ng anak mo,” mapagbigay-tiwala niyang sinabi.

Ang mga hikbi ng kaginhawahan ay nakihalo sa luha ng takot at pag-aalala.

“Sumaiyo ang Panginoon.  Magiging maayos ang lahat,” aniya.

“Salamat Padre,” sagot ko.  Bumabà ang tingin ko sa aking munting anak na payapang itinulog ang pinsala ng araw na yon.  Yumapos ako sa kanya habang patuloy na humihiling sa ating Ina na mamagitan, hanggang sa ako ay nakatulog na din.  “Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Pnginoong Diyos ay sumasa iyo …”

Kinaumagahan, buong pasasalamat naming nilisan ang ospital kasama ang aming masaya at malusog na anak. Hindi pa kami natatagalang nakauwi, nang humarap ang aking asawa sa kanyan at nagsabing, “Panahon na para maglanguyan, katoto.”

Nangangambang napatitig ako sa aking asawa. “Hayaan mo akong gawin ito,” bulong niya,

Nasasabik ngunit kinakabahan, pinanood ko ang aking asawa na hikayatin siya sa tubig, at masaya silang nagsilangoy.

Sa kanyang susunod na pag-aaral sa paglangoy, matapat na sinabi ng kanyang guro na nang nakaraang linggo lamang niya itinuro sa kanya kung paano lumutang ng tubig.

Napaiyak ako.

Salamat Jesus, salamat Maria.

Share:

Rosanne Pappas

Rosanne Pappas is an artist, author, and speaker. Pappas inspires others as she shares personal stories of God’s grace in her life. Married for over 35 years, she and her husband live in Florida, and they have four children.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles