Bilang isang batang lalaki na lumaki sa Northern Spain, pinangarap ni Francis Xavier na makagawa ng magagandang bagay. Sa edad na 19 at puno ng ambisyon, nag-aral siya sa Paris kung saan nakilala niya si Ignatius ng Loyola. Isang teksto sa Kasulatan na mahilig sumipi si Ignatius ay may malalim na epekto kay Francis: “Ano ang mapapakinabang ng isang tao na makamtan ang buong mundo, at mawala ang kanyang sariling kaluluwa?” Isinasapuso ni Francis ang Kasulatang iyon at naunawaan ang kahungkagan ng makalupang kadakilaan habang makapangyarihang naaakit sa pag-ibig sa mga bagay sa langit. Ang kababaang-loob ng Krus ay nagpakita sa kanya na higit na kanais-nais kaysa sa lahat ng kaluwalhatian ng mundong ito. Nang maglaon, nanumpa siya bilang isa sa unang pitong miyembro ng Society of Jesus, o Jesuits, na itinatag ni Ignatius ng Loyola. Nang magkasakit ang isa sa dalawang Heswita na piniling maglakbay sa Asia bilang misyonero, masayang nag-alok si Padre Francis na humalili.
Ipinagpatuloy ni Francis ang kanyang gawaing misyonero nang may malaking sigasig. Sa isa sa kanyang mga paglalakbay, isang kakila-kilabot na unos ang labis na natakot sa mga mandaragat kung kaya’t ibinigay nila ang kanilang mga sarili para sa pagkawala. Ngunit agad na naglabas si Francis ng isang krusipiho mula sa kanyang dibdib at sumandal sa gilid ng sisidlan upang hawakan ang mga alon gamit ito. Ngunit ang krusipiho ay dumulas mula sa kanyang kamay patungo sa nagngangalit na dagat. Kaagad, huminto ang bagyo, ngunit labis na nalungkot si Francis na nawala sa kanya ang nag-iisang krusipiho na mayroon siya.
Kinabukasan pagkalapag sa baybayin ng Malacca, naglalakad si Padre Francis sa dalampasigan nang makita niya ang isang alimango na lumabas sa dagat na hawak ang krusipiho sa pagitan ng mga kuko nito. Dumiretso ang alimango kay Padre Francis at huminto sa kanyang paanan. Hinalikan ni Francis ang krus at ikinapit ito sa kanyang dibdib. Pagkatapos ay yumuko siya upang basbasan ang alimango at, sa kanyang pagkamangha, napansin niya ang isang krus sa likod ng balat ng alimango. Ang kwentong ito ng himala ay ipinakita sa isang bandera na nakasabit sa St. Peter’s Basilica noong seremonya ng kanonisasyon ni Francis Xavier. Kahit ngayon, ang bawat alimango ng Malacca ay may marka ng krus sa balat nito, isang tanda, marahil, ng pag-ibig ng Diyos sa ama para kay Saint Francis Xavier, ang pinakadakilang misyonero mula pa noong panahon ng mga Apostol.
Shalom Tidings
Nasangkot sa ikid ng mga droga at mahalay na kabuhayan, nawawala ako sa aking sarili, hanggang ito ay nangyari. Ito’y kinagabihan, sa isang bahay-aliwan na panlalaki, ako’y handang nakabihis para sa “hanap-buhay.” Mayroong isang malumanay na katok sa pinto, hindi malakas na nagbubuhat sa mga pulis, ngunit isang mahinahong tapik. Ang babaeng may-ari ng bahay-aliwan—ang Ginang—ay binuksan ang pinto, at ang aking ina ay tumuloy. Ako’y napahiya. Ako’y nakabihis para sa “hanap-buhay” na ginagawa ko sa mga maraming buwan na ngayon. At naroon sa silid ay ang aking ina. Siya’y umupo lamang doon at sinabihan ako, “Mahal, kung maari sanang umuwi ka.” Siya’y nagpakita sa akin ng pag-ibig. Hindi niya ako hinusgahan. Siya’y nakiusap lamang na ako’y bumalik. Ako’y nagapi ng biyaya sa tagpong yaon. Dapat na ako’y umuwi noon, ngunit ang mga droga ay ayaw akong tantanan. Buong loob akong nakadama ng kahihiyan. Isinulat niya ang numero ng kanyang telepono sa isang piraso ng papel, ipinadulas nang pahalang, at sinabi sa akin: “Mahal kita. Tawagan mo ako kung kailanman, at ako’y darating.” Sa sumunod na umaga, nagsabi ako sa aking kaibigan na nais kong tumigil sa paggamit ng herowin. Ako’y natatakot. Sa gulang na 24, ako’y nasawa na sa buhay. Tila bang ako’y nakapamuhay na nang hustong haba upang matapos sa buhay. Ang kaibigan ko ay may kilalang manggagamot na nakapagpalunas ng mga nagumon sa narkotiko, at nakakuha ako ng takdang pagpatingin sa loob ng tatlong araw. Tumawag ako sa aking ina at sinabi ko na ako’y pupunta sa manggagamot, at ninais kong tigilan nang magherowin. Siya’y lumuluha sa telepono. Siya ay lumukso sa loob ng sasakyan at dumating sa akin nang dagsaan. Matagal na siyang nakapaghintay… Paano Nagsimula ang Lahat Ang aming pamilya ay lumipat sa Brisbane nang makakuha ng mapapasukan ang aking ama sa Expo 88. Ako’y labindalawang gulang. Ako’y naipatala sa isang pilî na pantanging pambabaeng paaralan, ngunit ako’y hindi makapag-angkop dito. Nangarap akong pumunta sa Hollywood at gagawa ng mga pelikula, kaya kinailangan kong pumasok sa paaralang itinatangi ang pelikula at telebisyon. Nakatagpo ako ng paaralang bantog sa pelikula at telebisyon, at dagling pumayag ang mga magulang ko na ako’y magpalit ng paaralan. Ang hindi ko ipinaalam sa kanila ay ang yaong paaralan ay nasa mga balita dahil sila’y kalait-lait tungkol sa mga gang at mga bawal na gamot. Ang paaralan ay dinulutan ako ng napakaraming mga kaibigang malikhain, at ako’y nakapagpabuti sa paaralan. Nagawa kong maging tampok sa karamihan ng aking mga klase at napagkalooban ng mga gantimpala sa larangan ng Pelikula, Telebisyon, at Dula. Ako’y nagkamit ng mga antas upang makaabot sa Pamantasan. Dalawang linggo bago matapos ang ikalabindalawang baytang, may nag-alok sa akin ng mariwana. Sumagot ako ng oo. Sa katapusan ng eskuwela, lahat ay nagsi-alis, at nang muli ako’y nanubok ng ibang mga droga. Magmula sa isang batang masugid na nakatutok sa pagtapos ng pag-aaral, ako’y napadpad sa palubog na pagkalubha. Ako’y nakapasok pa rin ng Pamantasan, ngunit sa ikalawang taon, ako’y nasangkot sa isang kaugnayan ng lalaking nagumon sa herowin. Tanda ko noong pinayuhan ako ng lahat ng aking mga kaibigan sa panahong yaon, “Ikaw ay magiging durugista, isang gumon sa herowin.” Ako naman, sa kabilang dako, ay nag-akala na magiging kanyang tagapagligtas. Ngunit ang lahat ng pagtatalik, mga durug at rak en rol ay nauwi sa aking pagdadalantao. Pumunta kami sa manggagamot, ang aking kinakasama ay bangag pa rin sa herowin. Minasdan kami ng manggagamot at dagliang pinayuhan kami upang makapagpalaglag—maaaring napagtanto ng babaeng ito na ang sanggol ay walang pag-asa sa piling ng aming pagsasama. Lumipas ang tatlong araw, ako’y nakapagpalaglag. Nakadama ako ng kapanagutan, kahihiyan, at lumbay. Mamasdan ko ang aking kasama na magpapakabangag sa herowin, mamamanhid at walang pagkabagabag. Nagmakaawa ako para sa kaunting herowin, ngunit lahat ng kanyang tugon: “Mahal kita. Hindi kita aalayan ng herowin.” Isang araw, kinakailangan niya ng salapi, at ako’y nakapagtunguhan ng kaunting herowin bilang kapalit. Ito’y isang kapiranggot na bahagi, at pinasamà nito ang pakiramdam ko, ngunit ito rin ay walang ipinadama sa akin. Ipinatuloy ko ang paggamit ng dosa nang pataas sa bawa’t panahon. Tuluyan kong iniwan ang Pamantasan at naging palagiang gumagamit nito. Ako’y walang maisip na paraan kung paano bayaran ang halos katumbas ng isandaang dolyar ng herowin na ginagamit ko sa pang-araw-araw. Nagsimula kaming magtanim ng mariwana sa loob ng bahay; ipagbibili namin ito upang magamit ang salapi sa pagbili ng higit na maraming mga droga. Ipinagbili namin ang bawa’t pag-aari namin, napalayas sa aking inuupahang tirahan, at pagkaraan, unti-unti, ako’y nagsimulang magnakaw mula sa aking pamilya at mga kaibigan. Ako’y ni-hindi nakadama ng kahihiyan. Hindi nagtagal, sinimulan kong magnakaw mula sa pinapasukan. Inakala kong hindi nila nalaman, ngunit ako rin ay pinalayas doon. Sa huli, ang nalalabing bagay lamang sa akin ay ang katawan ko. Sa unang gabi na nakipagtalik ako sa mga hindi kilala, ninais kong isisin nang malinis ang aking sarili. Ngunit hindi ko magawa. Hindi mo maiisis ang iyong sarili nang malinis sa loob palabas… Ngunit hindi ako tinigilan nito sa pagbalik. Mula sa pagkita ng $300 bawa’t gabi at ginugugol itong lahat sa herowin para sa kalaguyo ko at sa akin, humantod akong makakita ng isanlibong dolyar bawa’t gabi, bawa’t kusing na aking naipon ay napunta sa pagbili ng higit na maraming droga. Sa kalagitnaan nitong palubog na pumapaikot na galaw nang ang aking ina ay dumating at sinagip ako ng kanyang pag-ibig at habag. Ngunit yaon ay hindi sapat. Isang Butas sa Aking Kaluluwa Tinanong ng manggagamot ang kasaysayan ng aking pagdudurug. Sa pag-uukilkil ko sa aking mahabang salaysay, ang ina ko ay nanatiling lumuluha--siya'y natulala sa kapunuan ng aking salaysay. Pinayuhan ako ng manggagamot na nangangailangan ako ng rehab. Tinanong ko: “Hindi ba ang mga gumon sa droga ay nagre-rehab? Siya’y nagulat: “Hindi mo akalang ikaw ay kabilang?” Sumunod, tumitig siya sa akin at nagsabi: “Sa wari ko'y hindi mga droga ang suliranin mo. Ang iyong suliranin ay, ikaw ay may butas sa iyong kaluluwa na si Hesus lamang ang makapupuno.” May layunin na pinili ko ang rehab na ako’y tiyak na hindi Kristiyano. Ako’y may sakit, nagsisimulang nang marahang magpurga nang, isang araw matapos ang hapunan, tinawag nila kaming lahat na lumabas para sa pulong na panalangin, ako’y galit, kaya umupo ako sa sulok at sinikap kong huwag silang bigyan ng pansin—ang kanilang musika at awitan, at kanilang Hesus at lahat. Sa Linggo, idinala nila kami sa simbahan. Tumayo ako sa labas at humithit ng mga sigarilyo. Ako’y galit, nasasaktan, at nalulumbay. Magsimulang Muli Sa ikaanim na Linggo, ikalabinlima ng Agosto, bumubuhos ang ulan—isang sabwatan, sa pagbabalik-tanaw. Wala akong magawa kundi pumasok sa loob ng gusali, nanatili ako sa likod, iniisip na ako’y hindi makikita ng Diyos. Nasimulan ko nang maging mulat na ang ilan sa mga pagpapasya ko sa buhay ay mga kasalanan, kaya naroon akong nakaupo, sa likuran. Gayunman sa huli, sinabi ng pari: “Mayroon ba rito na nais na ialay ang kanilang mga puso kay Hesus ngayong araw?” Aking naaalalang ako’y nakatayo sa harap at nakikinig sa sinabi ng pari: “Nais mo bang ialay ang iyong puso kay Hesus? Siya’y makapag-aalay ng kapatawaran para sa nakalipas mo, isang panibagong buhay ngayong araw, at pag-asa para sa iyong hinaharap.” Sa yaong yugto, ako’y naging malinis, ligtas mula sa herowin sa halos anim na mga linggo. Ngunit ang hindi ko napagtanto ay mayroong labis na pagkakaiba sa pagiging malinis at pagiging ligtas. Isinaad kong muli ang Panalangin ng Kailigtasan kasabay ang pari, isang panalangin na hindi ko man naunawaan, ngunit doon, ihinabilin ko ang aking puso kay Hesus. Yaong araw, sinimulan ko lakbay ng pagbabagong-anyo. Kinailangan kong magsimulang muli, matanggap ang kapunuan ng pag-ibig, biyaya, at kabutihan ng isang Diyos na nakilala na ako sa aking tanang buhay at nailigtas ako mula sa aking sarili. Ang daan pasulong ay hindi nangangahulugang walang kamalian. Ako’y nagkaroon ng kaugnayan sa rehab, at ako’y muling nagdalantao. Ngunit sa halip na isipin ito bilang parusa para sa maling pagpasyang nagawa ko, pinili naming manatiling magsama. Sinabi ng kinakasama ko: “Magpakasal tayo at pagbutihan nating gawin ito ngayon ayon sa Kanyang paraan.” Si Grace ay ipinanganak makaraan ang isang taon; dahil sa kanya, nakaranas ako ng labis na biyaya. Parati na akong may matinding pagnanais na magbahagi ng mga salaysay; hinandogan ako ng Diyos ng isang salaysay na nakatulong sa pagbabagong-anyo ng mga buhay. Nagamit na Niya ako sa napakaraming mga paraan upang ibahagi ang aking salaysay—sa mga salita, sa panunulat, at sa pag-aalay ng aking lahat upang maglingkod para sa, at kasama ng, mga babaeng nalublob sa magkawangis na buhay na dati kong tinatahak. Ngayong araw, ako’y isang babaeng napagbago ng biyaya. Ako’y natagpuan ng pag-ibig ng Langit, at ngayon ay nais kong mabuhay sa paraan na mapapayagan akong makipagsosyo sa mga layunin ng Langit.
By: Bronwen Healey
MoreTuwang-tuwa sa magandang balita ng isang pinakahihintay na pagdadalantao, nabaligtad ang kanilang mundo sa ika-12 linggong pangkaraniwang kalaluang tunog Ang aming panganay na si Mary Grace ay lumalaking isang magandang bata. Ang aming mag-anak at mga kaibigan ay aktibong nagdadasal para sa amin na magkaroon ng isa pang sanggol, kaya tuwang-tuwa kaming malaman ang tungkol sa pagdadalantao! Ang genetiko pagsusulit ay nagbalik ng mga normal na kalabasan, at nagpasya kaming panatilihing isang magandang sorpresa ang kasarian. Nang magtungo ako para sa nakagawiang ika-12 na linggong kalaluang tunog, ipinakita sa akin ng tekniko ang tagilirang anyo ng sanggol at pagkatapos ay mabilis na inilihis ang screen mula sa akin. Inilabas nila ang aking anak na babae, at kaagad nalaman ko na may hindi tama. Naisip ko: “Siguro may problema sa puso o kapinsalaan ang sanggol, ngunit ayos lang. Kayang ayusin ng Diyos ang anumang bagay, at maaaring operahan.” Ngunit bilang isang doktor, nanalangin ako: “Pakisuyo, Diyos, huwag sana itong maging anensepali.” Dahil nakita ko ang kalaluang tunog, palagay ang loob kong ito ay iba pa. Nang pumasok ang manggagamot sa silid, tinanong ko: "Pakisabi sa akin na ang sanggol ay buhay." Taimtim ang mukha, sinabi niya: "Oo, may tibok ang puso ng sanggol, ngunit hindi ito maganda." Nagsimula akong umiyak at tumawag sa aking asawa sa Facetime. Ito ang pinakakinatatakutan ko—may anencephaly ang aming sanggol, isa sa mga malubhang kapinsanan na maaaring magkaroon ang sanggol sa utero kung saan hindi nabubuo nang maayos ang bungo—at sinabi sa akin ng doktor na ang similya ay hindi mabubuhay nang matagal. Nakakadurog ng puso. Ang itinatanging batang ito na matagal na naming hinihintay ay hindi mabubuhay! Naisip ko kung gaano kasabik ang aking panganay na babae. Sa aming pang-araw-araw na panalangin ng mag-anak, madalas niyang sinasabi: “Hesus, mangyaring bigyan Mo ako ng isang sanggol na kapatid na lalaki o babae.” Paulit-ulit kong sinasabi sa aking isipan: "Panginoon, maaari Mong lunasan, maaari Mong lunasan ang sanggol." Agad na bumaba ang aking asawa. Sa pagsisikap na panatilihing tuwid ang mukha, sinabi ko sa aking anak na umiiyak ako sa tuwa. Ano pa ang masasabi ko? Sinabi ng doktor na maaari naming ihinto ang pagdadalantao. Sabi ko, “Hinding-hindi. Dadalhin ko ang sanggol hanggang siya ay nabubuhay. Kung ito ay magpapatuloy nang 40 linggo, ito ay 40 linggo." Binalaan niya ako na malamang ay hindi ako aabot nang ganuon katagal, at sakaling mamatay ang sanggol sa sinapupunan, maaaring magkaroon ako ng malubhang impeksyon sa dugo. Kailangan ko din ng madalas na pagsusuri dahil ang pagbuo ng likido sa aking matris ay maaaring maging lubhang mapanganib. Sinabi ko sa kanya na handa akong harapin anumang bagay. Salamat naman, hindi ako pinilit pa, kahit na sa mga sumunod na pagdalaw. Alam nila na ako ay nakapagpasya na! Itinalaga Sa Pag-asa Dumating kami sa bahay at ginugol ang panahon na sama-samang nagdadasal at nag-iiyakan. Tinawagan ko ang aking kapatid na babae, na isang residente ng OBGYN. Tinawagan niya ng madami niyang kaibigan, lalo na sa Kabataan Hesus at nagsimula ng Nobena sa Zoom nang gabing iyon. Sinabi lang namin sa aming anak na ang sanggol ay may "kaunting hindi tama, ngunit ayos lang." Hindi kami nagsabi sa aming mga magulang o biyenan; ikakasal ang kapatid ko sa susunod na buwan, at ayaw naming maapektuhan ang kasal. Napag-isipan din namin na hindi nila ito mahaharap nang may lakas tulad ng lakas na naramdaman namin. Sa mga unang araw, madaming tao ang nakipag-usap sa akin, tinutulungan akong magtiwala sa Kalinga ng Diyos at maniwala na hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi mabuti para sa atin. Nakaramdam ako ng matinding kapayapaan. Naisip ko si Inang Maria—ang kagalakan ng pagtanggap ng mabuting balita sa Pagpapahayag at ang kalungkutan sa kalaunan nang pagkakaalam na Siya ay mamamatay. Napagpasyahan namin, noong araw na iyon, na buksan ang tarheta sa mga pagsusuri sa dugo na nagpahayag ng kasarian dahil noon, ibig naming ipagdasal ang sanggol nang may pangalan. Pinangalanan namin siyang Evangeline Hope, na ang ibig sabihin ay ‘ang tagapagdala ng mabuting balita’ dahil, para sa amin, pinapakita pa rin niya ang pag-asa ng pag-ibig at awa ni Kristo. Ni minsan ay hindi namin naisip na siya ay ipalaglag dahil Siya ay isang napakagandang balita, hindi lamang para sa amin kundi para sa lahat ng mga bumabati sa amin —isang batang mag-eebanghelyo sa mundo sa madaming paraan. Sinalihan ko ang isang grupo ng suporta sa Ansipepali na nakatulong nang napakalaki sa aking paglalakbay. Nakilala ko ang madaming tao, maging ang mga ateista, na labis na nagsisi sa kanilang pasyang ipalaglag ang kanilang mga sanggol. Nakipag-ugnayan ako sa mga babaeng nanahi ng mga toga ng anghel mula sa mga donasyong damit pangkasal at mga propesyonal na potograpo na nagkusang-loob na idokumento ang kapanganakan sa pamamagitan ng magagandang larawan. Nagsagawa kami ng pagpapahayag ng kasarian sa kasal ng aming kapatid ngunit hindi pa din sinabi kanino man na ang sanggol ay may karamdaman. Nais lang naming parangalan at ipagdiwang ang kanyang munting buhay. Ang kapatid kong babae at mga kaibigan ay nagbuo din ng isang magandang baby shower (higit na parang isang pagdiriwang ng buhay), at sa halip na mga regalo, lahat ay sumulat ng mga liham sa kanya para mabasa namin matapos ang pagsilang. Walang Tigil Na Tagapagsamba Dinala ko siya hanggang sa ika-37 linggo. Kahit matapos na ang isang kumplikadong pagsisilang, kabilang ang pagputok ng pader ng matris, si Evangeline ay hindi naipanganak na buhay. Ngunit kahit papaano, natatandaan kong nakaramdam ako ng malalim na pagkaunawa sa kapayapaan ng Langit. Siya ay tinanggap nang may labis na pagmamahal, dignidad, at karangalan. Ang pari at ang kanyang mga Ninong at Ninang ay naghihintay na makilala si Evangeline. Doon sa silid ng ospital, nagkaroon kami ng kanaisnais na panahon ng pananalangin, papuri, at pagsamba. Meron kaming magagandang damit para sa kanya. Binasa namin ang mga liham na isinulat ng lahat para sa kanya. Nais namin siyag pahalagahan nang may higit na dignidad at dangal kaysa sa isang 'normal' na bata. Umiyak kami dahil nasala namin ang kanyang presensya, at dahil din sa kagalakan habang kasama niya si Hesus ngayon. Sa silid ng ospital na iyon, inisip namin, “Wow, hindi ako makapaghintay na makadating sa Langit. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang makasama ang lahat ng mga Santo.” Pagkalipas ng dalawang araw, nagkaroon kami ng 'pagdiwang sa buhay' para sa kanya na ang lahat ay nakasuot ng puti. Ang misa ay ipinagdiwang ng apat na pari, at mayroon kaming tatlong seminarista at isang magandang koro na nagparangal sa aming pinakamamahal na sanggol. Inilibing si Evangeline sa bahagi ng mga Anghel laan sa mga sanggol sa sementeryo, na madalas pa din naming dinadalaw. Bagama't wala siya dito sa mundo, bahagi siya ng aming buhay. Mas malapit ako kay Hesus dahil nakikita ko kung gaano ako kamahal ng Diyos at kung paano Niya ako pinili para ipagdslantao siya. Damdan ko'y pinarangalan ako. Siya ay isang walang hanggang tagapagsamba para sa aming mag-anak upang madala kami sa pagkasanto sa paraang wala nang iba pa na kailanman ay maaari kaming madala. Ang tanging biyaya ng Diyos at ang buong pagtanggap sa Kanyang kalooban ang nagbigay sa amin ng lakas upang mapagdaanan ito. Kapag tinanggap natin ang kalooban ng Diyos, ibinibigay Niya ang mga biyayang kinakailangan natin upang malampasan ang anumang partikular na kalagayan. Ang kailangan lang nating gawin ay ipaubaya ang ating sarili sa Kanyang pag-aaruga. Pagpapalaki Ng Mga Santo Bawat sanggol na hindi pa isinisilang na ay mahalaga; malusog man o may pinsala, mga handog pa din sila ng Diyos. Dapat nating buksan ang ating mga puso upang mahalin ang mga batang ito na nilikha sa larawan ni Kristo, na sa aking pananaw ay mas mahalaga kaysa sa isang "normal" na bata. Ang pag-aalaga sa kanila ay parang pag-aalaga sa sugatang Kristo. Isang karangalan na magkaroon ng isang batang may mga kapansanan o mga espesyal na pangangailangan dahil ang pag-aalaga sa kanila ay makakatulong sa atin na maabot ang isang mas malalim na pwesto ng kabanalan kaysa sa pagtupad sa anumang bagay sa buhay. Kung makikita natin ang mga maysakit na hindi pa isinisilang na mga bata bilang mga handog—mga dalisay na kaluluwa—hindi man lang ito madadama na isang pasanin. Ikaw ay magpapalaki sa loob ng iyong sarili, isang Santo na uupo sa tabi ng lahat ng mga anghel at mga Santo. Kasalukuyan kaming naghihintay ng isang sanggol na lalaki (Gabriel), at nagtitiwala ako sa Diyos na kahit na masuri siya na may ano mang bagay, tatanggapin pa din namin siya nang may bukas na puso at mga bisig. Ang lahat ng buhay ay isang mahalagang handog, at hindi tayo ang may-akda ng buhay. Lagi nating tandaan na ang Diyos ang nagbibigay, at ang Diyos ang bumabawi. Purihin ang pangalan ng Panginoon!
By: Dr. Hima Pius
MoreSa edad na anim, nagpasya ang isang batang babae na hindi niya gusto ang mga salitang 'kulungan' at 'binitin'. Hindi niya alam na sa edad na 36, makakasama niya ang mga bilanggo sa death row. Noong 1981, nasa unang pahina ng mga balita sa Singapore at sa buong mundo ang nakakagulat na pagpatay sa dalawang bata. Ang pagsisiyasat ay humantong sa pag-aresto kay Adrian Lim, isang tagapamagitan na sekswal na nang-abuso, nangikil, at nakontrol ang isang hilera ng mga kliyente sa pamamagitan ng panloloko sa kanila sa paniniwalang siya ay may kahima-himalang kapangyarihan, pinahirapan sila sa pamamagitan ng paggamit ng may kuryenteng 'terapewtika.' Isa sa kanila, si Catherine, na aking naging isang estudyante na pumunta sa kanya upang gamutin ang kanyang depresyon pagkatapos ng kamatayan ng kanyang lola. Siya ay ginawang babaing bayaran at inabuso ang kanyang mga kapatid. Nang mabalitaan kong kinasuhan siya ng pakikisama sa mga pagpatay, pinadalhan ko siya ng sulat at isang magandang larawan ng Sacred Heart of Jesus. Pagkalipas ng anim na buwan, sumulat siya pabalik, na nagtatanong, "Paano mo ako kayang mahalin pagkatapos ng mga nagawa kong mga masasamang bagay?" Sa sumunod na pitong taon, binisita ko si Catherine linggu-linggo sa bilangguan. Pagkatapos ng mga buwan ng pagdarasal na magkasama, ginusto niyang humingi ng tawad sa Diyos at sa lahat ng taong nasaktan niya. Pagkatapos niyang ikumpisal ang lahat ng kanyang mga kasalanan, nagkaroon siya ng totoong kapayapaan, para siyang naging ibang tao. Nang masaksihan ko ang kaniyang pagbabalik-loob, ako ay tuwang-tuwa sa aking sarili, ngunit ang aking ministeryo sa mga bilanggo ay nagsisimula pa lamang! Pagbabalik Tanaw Lumaki ako sa isang mapagmahal na pamilyang Katoliko na may 10 anak. Tuwing umaga, lahat kami ay sama-samang pumupunta sa misa, at ginagantimpalaan kami ng aking ina ng almusal sa isang kapihan malapit sa simbahan. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, ito ay tumigil sa pagiging tungkol sa pagkain para sa katawan at naging tungkol lamang sa pagpapakain para sa kaluluwa. Nababakas ko pa ang aking pagmamahal sa Eukaristiya sa mga misa ng madaling araw kasama ang aking pamilya kung saan inihasik ang binhi ng aking bokasyon. Ipinadama ng aking ama sa bawat isa sa amin na lalo kaming minamahal, at hindi kami kailanman nakalimot na masayang tumakbo sa kanyang mga bisig sa kanyang pagbabalik mula sa trabaho. Noong panahon ng giyera, kapag kailangan naming tumakas sa Singapore, siya ay nagtuturo ng pampaaralan sa amin sa bahay. Tinuturuan niya kami ng paulinigan tuwing umaga, na hinihiling niya sa amin na ulitin ang isang sipi kung saan may nasentensiyahan ng kamatayan sa kulungan ng Sing Sing. Sa murang edad na anim, alam ko na na hindi ko gusto ang talatang iyon. Kapag ako na, imbes na basahin ko, binibigkas ko ang Hail Holy Queen. Hindi ko alam na balang araw ay mananalangin ako kasama ng mga bilanggo. Hindi pa huli Kailanman Nang simulan kong bisitahin si Catherine sa bilangguan, maraming iba pang bilanggo ang nagpakita ng interes sa aming ginagawa. Sa tuwing may hihiling na isang bilanggo na dalawin, natutuwa akong makilala sila at ibahagi ang maibiging awa ng Diyos. Ang Diyos ay isang mapagmahal na Ama na laging naghihintay sa atin na magsisi at bumalik sa Kanya. Ang isang bilanggo na lumabag sa batas ay katulad ng Alibughang Anak, na natauhan nang siya ay umabot sa pinakamababa at napagtanto, "Maaari akong bumalik sa aking Ama." Nang siya ay bumalik sa kanyang Ama, humihingi ng kapatawaran, ang Ama ay tumakbo palabas upang salubungin siya pabalik. Hindi pa huli kailanman para sa sinuman na magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik sa Diyos. Pagyakap sa Pag-ibig Nalaman ni Flor, isang babaeng Pilipinong inakusahan ng pagpatay, ang tungkol sa aming ministeryo mula sa iba pang mga bilanggo, kaya binisita ko siya at sinuportahan siya habang inaapela niya ang kaniyang hatol na kamatayan. Matapos tanggihan ang kanyang apela, galit na galit siya sa Diyos at ginustong huwag ko na siyang pakialaman. Sa pagdaan ko sa kanyang pintuan, sinabi ko sa kanya na mahal pa rin siya ng Diyos kahit anong mangyari, ngunit naupo siya sa kawalan ng pag-asa habang nakatitig sa blangkong dingding. Hiniling ko sa aking grupo ng panalangin na dasalin ang Nobena ng Our Lady of Perpetual Succor at ialay ang kanilang mga paghihirap para sa kanya. Pagkalipas ng dalawang linggo, biglang nagbago ang puso ni Flor at hiniling niya akong bumalik kasama ang isang pari. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa dahil binisita ng Mahal Na Ina ang kanyang selda, sinabihan siyang huwag matakot dahil sasamahan siya hanggang sa wakas. Mula sa sandaling iyon, hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, tanging saya ang nasa puso niya. Ang isa pang hindi malilimutang bilanggo ay isang lalaking Australyano na nakulong dahil sa pagbebenta ng droga. Nang marinig niya akong kumakanta ng isang himno sa Ating Ina sa isa pang bilanggo, labis siyang naantig anupat hiniling niya sa akin na dalawin siya nang regular. Ang kanyang ina ay nanatili sa amin nang bumisita siya mula sa Australia. Sa kalaunan, hiniling din niya na mabinyagan bilang isang Katoliko. Mula sa araw na iyon, siya ay puno ng saya, kahit na ng siya ay naglalakad papunta na sa bitayan. Ang superintendente doon ay isang binata, at habang ang dating nagbebenta ng droga na ito ay naglalakad patungo sa kanyang kamatayan, lumapit ang opisyal na ito at niyakap siya. Napaka kakaiba, at nadama namin na parang ang Panginoon Mismo ang yumakap sa binatang ito. Hindi mo lang maiwasang maramdaman ang presensya ng Diyos doon. Sa katunayan, alam ko na sa bawat pagkakataon, nariyan sina Inang Maria at Hesus para tanggapin sila sa langit. Naging isang kagalakan para sa akin na tunay na maniwala na ang Panginoon na tumawag sa akin ay naging tapat sa akin. Ang kagalakan ng pamumuhay para sa Kanya at para sa Kanyang mga tao ay higit na kapaki-pakinabang kaysa anupaman.
By: Sister M. Gerard Fernandez RGS
MoreAng buhay ay nambabato ng malalakas na mga dagok sa sinuman, ngunit ikaw ba ay kailanma’y nagtaka kung papaano ang ibang mga tao ay kailanma’y hindi nagagapi? Para sa bawa’t dayuhan na naghahanap-buhay sa Saudi Arabia—ang taunang bakasyon ay ang kasabikan ng taon. Ako man ay inaasam-asam ang lakbay na pabalik sa India, na laging natataon sa Kapaskuhan. Mayroong nalalabing mga linggo na lamang para sa lakbay noong ako’y nakatanggap ng isang email mula sa aking mag-anak. Si Nancy, isang matalik na kaibigan namin, ay natawagan sila para sabihin na si Hesus ay humihingi ng tanging mga dasal para sa bakasyon ko. Talaga naman, ito’y aking isinama sa arawing listahan ko ng mga dasal. Walang lubhang mahalaga ang nangyari sa loob ng kahigitan ng aking pagtigil. Ang mga linggo sa tahanan ay lumipas nang may kadalian. Ang Pasko'y sumapit at ipinagdiriwang ng karaniwang kasiyahan. Pagkaraan ng isang buwan at kalahati ng mga araw na puno ng saya, ang bakasyon ko ay halos lumipas na. Walang nangyaring hindi pangkaraniwan, at ang tagubilin ay nalimutan nang marahan. Isang Malakas na Dagok Dalawang araw bago ng aking lakbay pabalik, nagpasya akong magsimula ng pag-iimpake ng mga bagahe ko. Ang unang bagay na nasa listahan ko ay ang aking pasaporte, at hindi ko ito matagpuan kahit saan. Pagkaraa'y dumaan ang nakamamanhid na pagtanto: Idinala ko ito sa ahente ng paglalakbay yaong umaga upang tiyakin ang lipad ko, at ito pa rin ay nasa bulsa ng aking maong na nasuot ko. Ngunit ito’y naihulog ko nang maaga sa buslo ng mga labahin na hindi inuusisa ang mga bulsa! Ako’y humangos sa makinang panlaba at binuksan ang takip nito. Ang maong ay pumapaikot-ikot. Hinugot ko ito na simbilis nang aking makakaya at itinulak ko ang aking kamay sa loob ng harapang bulsa. Isang dama ng takot ang bumalot sa akin sa paghugot ko ng nabasang pasaporte. Ang pabatas na mga tatak sa karamihan ng mga pahina ay nagkadungis. Ilan sa mga selyong panlakbay ay napilas at, pinakamatindi, ang talab ng tinta sa bisa ng pagpasok sa Saudi ay napalabo din. Ako’y walang maisip na magawa. Ang nalalabing mapipili ay manghiling ng bagong pasaporte at sikapin na makakuha ng bagong bisa para sa pagpasok pagdating sa ulunlunsod. Ngunit hindi na sapat ang nalalabing panahon para rito. Ang ang aking hanap-buhay ay nanganganib. Ang Aking Batalyon sa Saklolo Inilatag ko ang pasaporte sa aking higaan at binuksan ang bentilador ng kisame, inaasahan na ito’y mapatuyo. Sinabihan ko ang iba sa pamilya kung anong nangyari. Tulad ng dati, kami’y nagtipon sa pagdasal, inihabilin ang ang kalagayan kay Hesus, at humiling sa Kanya ng pamamatnubay. Tinawagan ko rin si Nancy para sabihin sa kanya ang sakuna. Nagsimula rin siyang nagdasal para sa amin; wala na kaming magagawa pang iba. Maya-maya nang gabing yaon, tumawag si Nancy upang sabihing nasabihan siya ni Hesus na ang Kanyang anghel ay makikita ako patungo sa Riyadh! Makaraan ang dalawang araw, nakatatagpo ng lakas sa panalangin, ako’y nagpaalam sa pamilya ko, nagpatala ng aking mga bagahe, at sumakay ng una kong paglipad. Sa paliparan ng Mumbai kung saan ako nagpalit ng mga lipad, sumama ako sa pila para sa pandarayuhang pagpapalinaw na nasa pandaigdigang himpilan. Na may di-kailang pangangamba, naghintay akong nakabukas ang pasaporte. Minabutimpalad na ang pamunuan ay bahagyang yumuko bago tinatakan nang walang-kamalayan ang pahina at hinayagan ako ng maingat na lakbay! Puspos ng banal na biyaya, nakadama ako ng payapa. Pagkaraan ng paglapag ng lipad sa Saudi Arabia, tinuloy kong magdasal sa paghakot ko ng aking bagahe at sumali ako sa isa sa mahahabang mga pila na nasa pandarayuhan pagsiyasat. Ang pila ay gumalaw nang matumal habang maingat na sinuri ng pamunuan ang bawa’t pasaporte bago tinatakan ito ng pagpasok na bisa. Sa wakas, ang pagkakataon ko'y dumating. Lumakad ako sa dako niya. Yaong pinakatakdang saglit, isa pang pamunuan ang dumating at nagsimula ng pag-uusap sa kanya. Sa pagkababad niya ng pakikipag-usap, tinatakan ng pandarayuhang pamunuan ang pasaporte ko ng pagpasok na bisa na halos hindi man lamang tumingin sa mga pahina. Ako’y nakabalik ng Riyadh, salamat sa aking anghel na patnubay na “umakay sa akin patagos ng apoy” sa tamang panahon lamang. Tagapagtanggol—Ngayon, Noon, at Palagian Di-kaila, ang paglalakbay ay pinabuti ang kaugnayan ko sa aking anghel na patnubay. Ngunit, binigyang-diin pa rin ni Hesus ang isa pang aralin para sa akin: Ako’y inaakay ng umiiral na Diyos na unang nakababatid ng putikan sa aking daraanan. Kapag kasama Siyang lumalakad nang magkahawak-kamay, nakikinig sa Kanyang mga utos at susundin ang mga ito, makapamamahala ako ng anumang sagabal. “Kung ikaw ay liliko sa kanan o ikaw ay liliko sa kaliwa, ang mga tainga mo ay madirinig ang salita mula sa iyong likod, nagwiwika, “Ito ang daan: lakarin mo ito” (Isaias 30:21). Kung si Nancy ay hindi nakikinig sa tinig ng Diyos, at kung hindi kami nananalangin ayon sa pag-utos, ang buhay ko’y maaaring lumihis nang pawala sa landas. Tuwing Pasko simula noon, bawa’t lakbay pabalik sa aking bansa ay nagdudulot ng magiliw na paalala ng namamatnubay na kalooban at malamlam na yakap ng Diyos.
By: Zacharias Antony Njavally
MoreSi Inigo Lopez ay ipinanganak sa isang marangal na pamilya noong ika-15 siglong Espanya. Dahil sa mga mithiin ng magalang na pag-ibig at pagiging kabalyero, siya ay naging isang maalab na mandirigma. Habang ipinagtatanggol ang kanyang katutubong bayan ng Palermo laban sa mga mananakop na Pranses, si Inigo ay malubhang nasugatan ng isang kanyon loob, nakuha ni Inigo ang paghanga ng mga sundalong Pranses na naghatid sa kanya pauwi upang magpagaling sa halip na ipadala siya. sa kulungan. Sa planong palipasin ang panahon ng kanyang pagpapagaling sa kanyang pagkakaratay nagbasa siya ng mga nobela tungkol sa romansa at siya ay naaliw, nadismaya si Inigo nang malaman na ang tanging mga aklat na mayroon ay tungkol sa buhay ng mga Banal. Nag-aatubili siyang binasa ang mga aklat na ito ngunit hindi nagtagal siya ay nabaon na sa pagbabasa, nagbabasa nang may pagkamangha tungkol sa mga maluwalhating buhay. Dahil sa pagka ispirado sa mga kuwento, tinanong niya ang kanyang sarili: "Kung kaya nila, bakit hindi ako?" Ang tanong na ito ay bumagabag sa kanya habang siya ay pagaling na mula sa kanyang pinsala sa tuhod. Ngunit ang banal na kaguluhang ito na inihasik ng mga banal sa kanya ay lalong lumakas at sa bandang huli siya ay nabuo bilang isa sa mga pinakadakilang santo ng Simbahan: Ignatius ng Loyola. Nang gumaling, iniwan ni Ignatius ang kanyang kutsilyo at espada sa altar ng Our Lady of Montserrat. Ipinamigay niya ang kanyang mga mamahaling damit at nagsimulang tahakin ang landas ng Banal na Panginoon. Ang kanyang tapang at pagnanasa ay hindi nabawasan, ngunit magmula noon ang kanyang mga laban ay para na sa hukbo ng Langit, na nakakapagpanalo ng mga kaluluwa para kay Kristo. Ang kanyang mga isinulat, lalo na ang mga Espirituwal na Pagsasanay, ay nakaantig sa hindi mabilang na buhay at nagturo sa kanila sa daan patungo sa kabanalan at kay Kristo.
By: Shalom Tidings
MoreSi San Januarius (o San Gennaro, bilang siya ay kilala sa kanyang katutubong Italya) ay ipinanganak noon sa Naples noong ikalawang siglo sa isang mayamang aristokratikong pamilya. Siya ay naordenahang pari sa kahanga-hangang edad na labinlimang taong gulang. Sa edad na dalawampu, siya ay Obispo na ng Naples. Sa panahon ng pag-uusig ng mga Kristiyano na sinimulan ng emperador na si Diocletian, itinago ni Januarius ang maraming Kristiyano, kasama na ang dati niyang kaklase, na si Sossius, na magiging isa ring santo. Nalantad si Sossius bilang isang Kristiyano at ikinulong. Nang bumisita si Januarius sa kulungan, siya rin ay naaresto. Iba-iba ang mga naging kwento tungkol sa kanila, kung siya ba at ang kanyang kapwa mga Kristiyano ay itinapon sa mababangis na hayop na tumangging salakayin sila o sa isang pugon kung saan sila ay lumabas na hindi nasaktan. Ngunit lahat ng mga kuwento ay sumasang-ayon na si Januarius ay tuluyang pinugutan ng ulo sa bandang taon ng 305 A.D. At dito nagiging interesante ang kwento. Inipon ng mga banal na tagasunod ang ilan sa kanyang dugo sa mga maliliit na babasaging mga bote at iningatan ito bilang isang banal na alaala. Yung dugo, na iningatan hanggang ngayon, ay nagpapakita ng mga kahanga-hangang katangian. Sa tatlong okasyon sa bawat taon, gaya ng dating nangyari ang himalang ito ay unang nangyari noong 1389, ang pagkatunaw ng namuong dugo. Naka-imbak sa mga kristal na maliliit na lalagyan, ang tuyo at matingkad na pulang dugo na kumapit sa isang gilid ng sisidlan ay mahimalang nagiging likido na pumupuno sa bote mula sa gilid hanggang sa bawat gilid. Bukod sa araw ng kanyang kapistahan, Setyembre 19, nagaganap din ang himala sa araw ng paglilipat ng kanyang mga labi sa Naples at sa anibersaryo ng Naples na naligtas mula sa mga epekto ng pagsabog ng Mount Vesuvius noong 1631. Sinubukan ng ilang siyentipiko ang pagsisiyasat at nabigo sila na ipaliwanag kung paanong ang solidong dugo ay nagiging lusaw. At ang anumang panlilinlang o masamang gawain ay hindi kasama. Ang masayang sigaw ng: "Nangyari na ang himala!" ay pumuno sa Naples Cathedral habang ang mga tapat ay humahalik sa relikaryo na may hawak ng dugo ng santo. Napakagandang biyayang ibinigay ng Diyos sa Simbahan sa pamamagitan ng kahanga-hangang santo na ito, at sa himala na bawat taon ay nagpapaalala sa atin kung paano si Gennaro-at marami pang iba-nagbuhos ng kanilang dugo alang-alang sa Panginoon. Tulad ng sinabi ni Tertullian, "Ang dugo ng mga martir ay ang binhi ng Simbahan."
By: Graziano Marcheschi
MorePagkaraan ng ika-anim at kalahating oras, habang napakadilim pa at nakapaninigas ang lamig, si Joshua Glicklich ay nakarinig ng isang bulong, ang bulong na idinala siyang pabalik sa buhay. Ang pagpapalaki sa akin ay tulad ng karaniwang bata na nagmula sa hilagang dako ng United Kingdom. Ako’y pumasok sa isang paaralang Katolika at tumanggap ng unang Banal na Komunyon. Itinuro sa akin ang pananampalatayang Katolika at nagsimba kami nang napakadalas. Nang dumating ang panahon na naabot ko ang gulang na labing-anim, kinailangan kong magpasyang pumili ng pag-aaral, at pinili kong gawin ang aking mga antas, hindi ang Katolikang ika-anim na taon, ngunit sa isang pansambayanang paaralan. Doon ko nasimulang mawala ang aking pananampalataya. Ang palagiang pagpapaalala ng mga guro at pari na palalimin ang aking pananalig at mahalin ang Diyos ay wala na roon. Ako’y napadpad sa isang pamantasan, at dito ang kung saan nailagay sa pagsubok ang aking pananampalataya. Sa aking unang semestro, ako’y nakikipagtipon, dumadalo ng lahat nitong mga pagdiriwang, at hindi gumagawa ng pinakatamang mga pasya. Talagang gumawa ako ng mga malalaking pagkakamali—tulad ng lumalabas upang uminom at alam ng Diyos hanggang anong oras sa umaga at namumuhay nang walang kabuluhan. Yaong Enero, noong ang mga mag-aaral ay kinakailangan nang bumalik mula sa pagtigil ng unang semestro, ako’y bumalik nang higit na maaga sa sinuman. Yaong araw na hindi ko malimutan sa aking buhay, gumising ako ng kalahati makalipas ang ika-6 ng umaga. Habang madilim pa at ang lamig ay nakapanginginaw. Kahit ang mga soro na kadalasan kong nakikita ay hindi pa naglalabasan sa pagdungaw ko ng bintana—ganoon ito kalamig at kalagim. Ako’y napaghiwatigan ng isang tinig na naririnig ko sa aking kaloob-looban. Ito’y hindi isang marahang dagil o tulak na nakayayamot sa akin. Ito’y tila isang tahimik na bulong ng Diyos na nagsasabing, “Joshua, mahal Kita. Ikaw ay Aking anak… bumalik ka sa Akin.” Maaaring ito’y tinalikuran ko na lamang at hindi binigyang-pansin. Gayunpaman, nagunita ko na ang Diyos ay hindi malilimutan ang Kanyang mga anak, kahit gaano pa kalayo ang ating paglalagalag. Bagama’t umuulan ng yelo, ako’y lumakad sa Simbahan nang yaong kinaumagahan. Sa paglagay ko ng aking paa sa harapan ng isa, inakala ko sa aking sarili, “Ano ang ginagawa ko? Saan ako paroroon?” Gayunpaman, ang Diyos ay patuloy akong pinakikilos nang pasulong, at dumating ako nang ika-8 para sa Misa nang yaong malamig at maniyebeng araw. Para sa kauna-unahang pagkakataon mula noong ako’y 15 o 16, hinayaan ko ang mga salita ng Misa na humugas sa akin. Narinig ko ang Santo—“Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo.” sinundan pa niyan, ang pari ay nagsabing, “kasama ng mga koro ng mga anghel at mga santo…” Inilagay ko ang aking puso dito at tinampulan ito. Nadama ko ang mga anghel na nagsisibaba sa tunay na pag-iral ni Hesukristo sa Yukaristiya. Nagunita kong tinatanggap ang Banal na Komunyon at iniisip, “Saan na ako nagtungo at ano na ang kabuluhan ng lahat ng ito kung hindi para sa Kanya?” Sa pagtanggap ko ng Yukaristiya, nagapi ako ng agos ng mga luha. Naging maliwanag sa akin na tinatanggap ko ang Katawan ni Kristo. Siya’y naroon sa kaloob-looban ko, at ako’y naroon bilang Kanyang tabernakulo—ang Kanyang silid-pahingahan. Magmula noon, ako’y nagsimulang dumalo ng Misa ng mga mag-aaral nang palagi. Nakakilala ako ng maraming Katolikong minamahal ang kanilang pananampalataya. Madalas kong magunita ang sipi ni Santa Catalina de Siena, “Dapat maging ikaw ang kung ano ang inilaan ng Diyos sa iyo na maging at maihahanda mo ang mundo na magliyab.” Yaon ang aking nakita sa mga mag-aaral na Ito. Nakita ko ang Panginoon na hinahayaan itong mga tao na maging sino sila. Pinatnubayan sila ng Diyos nang mahinahon tulad ng isang Ama. Itinatakda nila ang mundo na mag-alab—ipinamamahagi nila ang ebanghelyo sa pagpapakilala nila ng kanilang pananampalataya sa paaralan, inaalay ang Mabuting Balita. Ninais kong masangkot, kaya ako ay naging bahagi ng pangangapelyan ng pamantasan. Sa loob ng panahong ito, natuto akong mahalin ang aking pananampalataya at ipaalam ito sa iba sa paraang hindi nakapangingibabaw ngunit tulad kay Kristo. Makaraan ang ilang mga taon, ako’y naging pangulo ng Lipunang Katolika. Ako’y nagkaroon ng karapatang pamunuan ang isang pangkat ng mga mag-aaral sa pag-unlad ng kanilang pananalig. Sa panahong ito, yumabong ang pananampalataya ko. Ako’y naging isang tagalingkod sa altar. Noon ko nakilala si Kristo—na payak na malapit sa altar. Ang pari ay binibigkas ang mga salita ng pagpapatibay ng pagsalin, at ang tinapay at alak ay nagiging totoong Katawan at Dugo ni Kristo. Bilang isang tagapagsilbi ng altar, lahat ng ito ay nagaganap sa harap ko. Ang aking mga mata ay nabuksan sa lubusang kababalaghan na nagaganap kahit saan, sa bawa’t Misa, sa bawa’t altar. Iginagalang ng Diyos ang ating pagpapasya at ang paglalakbay na ating tinata hak. Gayunpaman, upang makarating sa nauukol na paroroonan kailangan nating piliin Siya. Ating alalahanin na gaano man tayo nagpakalayo sa Diyos ay walang kinalaman. Siya’y laging naroroon kasama tayo, katabi natin sa paglalakad, at pinapatnubayan tayo sa tamang pook. Tayo’y walang anuman kundi mga peregrinong naglalakbay paroon sa Langit.
By: Shalom Tidings
MoreKapag ang iyong kaluluwa ay napapagal at hindi mo alam upang mapanatag ang isip mo... Maaaring ikaw ay may kaalaman na sa kung paano itinanong nang minsan ni San Francisco de Asis: “Sino Ikaw, Panginoong aking Diyos, at sino ako?” Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa pag- aalay at mula sa mga ito’y umalsa ang isang ginintuang bola nang isinaad niya, “Panginoong Diyos ako’y walang saysay, ngunit ang lahat ng ito’y sa Iyo.” Itong salaysay ay unang narinig ko noong kami ay naatasang pagmuni-munihan ang katulad na tanong: Sino Ikaw, Panginoong aking Diyos, at sino ako? Sa kapilya, sa harap ng Banal na Sakramento, ako’y lumuhod at idinalangin yaong dasal. Ipinakita sa akin ng Diyos kung sino ako, sa pamamagitan ng nakabalot nang sapin-sapin na lumang bendang pumapaikot sa sugat na pinatuyuan at pinatigas ng dugo. Sa mga nagdaang taon, napaligiran ko ang aking puso ng mga panghadlang upang pangalagaan ito. Sa loob ng kapilya, napagtanto ko na hindi ko mapapagaling ang aking sarili; kinailangan ko ang Diyos na saklolohan ako. Ako’y humiyaw sa Kanya: “Ako ay walang ginintuang bola, may sugatang puso lamang ako!” Nadama ko ang Diyos na tumugon: “Minamahal Kong anak, yaon AY ang ginintuang bola, ito’y Aking tatanggapin. Habang luhaan, ipinahiwatig kong hinihila ang puso ko palabas ng aking dibdib, at Itinaas ang mga kamay ko sa pag-aalay na nagsasabing, “Panginoong Diyos, ako’y walang kabuluhan, at ang lahat ng ito ay sa Iyo.” Ako’y nagapi ng Kanyang pag-iral, at nalaman kong ako’y nalunasan nang lubos sa pagkaalipin na sumupil sa akin sa tanang buhay ko. Sa dingding na malapit sa akin, napansin ko ang isang tularan ng Pagbabalik ng Isang Mapagwaldas na Anak ni Rembrandt at kaagad kong nadama na ang aking Ama ay natanggap ako sa pag-uwi. Ako ang mapagwaldas na anak na bumalik sa pagdaralita at pangangamba, na walang karapatan at nagsisisi, na masuyong tinanggap Niya bilang Kanyang anak. Madalas, ang ating makamundong pag-unawa ng pag-ibig ay nagbibigay-takda sa ating pag- unawa ng ano ang magagawa ng Diyos para sa atin. Ang pag-ibig ng tao, bagama’t may mabuting layon, ay napasusubali. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang maliw at maparangya! Ang kabutihang-loob ng Diyos ay hindi mahihigitan kailanman. Hindi Niya mapagkakait ang Kanyang pagmamahal. Ang pagmamataas o takot ay nauudyok tayong ihandog sa Diyos ang pinakamainam ng ating sarili, na hinahadlangan Siya upang maipagbago Niya ang mga bahagi na ating pinawawalan ng halaga. Upang makamit ang Kanyang paghilom, dapat nating isuko ang lahat sa Kanya, at tulutan Siyang magpasya kung paano Niya tayo maisasahugis nang muli. Ang paghilom ng Diyos ay hindi akalain. Kinakailangan nito ang lubusang pagtitiwala. Kaya, tayo ay dapat na makinig sa Diyos na nagnanais na magdulot ng pinakamabuti para sa atin. Ang pakikinig sa Diyos ay nagsisimula kapag ihinahabilin natin ang lahat sa Kanya. Sa paglalagay natin sa Diyos bilang una sa ating mga buhay, tayo’y nagsisimula na makipagtulungan sa Kanya. Nais ng Diyos ang kabuuhan ng ating mga sarili—ang mabuti, ang masama, at ang hindi kanais-nais pagka’t nais Niyang maipagbago itong mga madidilim na dako sa pamamagitan ng Kanyang nakapaghihilom na liwanag. Ang Diyos ay matiyagang naghihintay para sa atin upang makita Niya sa atin ang kamuntian o kabiguan. Tayo’y magsitakbuhan sa Diyos at yakapin Siya tulad ng nawawalang mga bata na nagsi-uwi sa kanilang Ama, naniniwalang tayo’y tatanggapin Niya nang may bukas na mga bisig. Tayo’y makapagdarasal tulad ni San Francisco: “Panginoong Diyos, ako’y walang saysay, at ang lahat ng ito’y sa Iyo” nananalig na tayo’y lulubusin Niya ng apoy na nakapagbabagong-anyo at tutugon: “Ito’y Aking tatanggaping lahat, at gagawin kitang lubusang bago.”
By: Fiona McKenna
MoreSi Maria Stardero, isang 12-taong-gulang na batang babae, ay dinala ng kanyang tiyahin sa simbahan kung saan dose-dosenang mga batang lalaki ang nakatayo o nakaluhod sa pagdadasal habang hinihintay nilang dumating si Don Bosco para sa kumpisal. Habang patungo siya sa upuan, napansin ng ilan sa mga batang lalaki na ang mga mata ng batang babae ay walang mga cornea at kahawig ng mga puting holen. Pagdating ni Don Bosco, tinanong niya ang batang babae tungkol sa kanyang kalagayan. Hindi siya isinilang na bulag, sinabi niya sa kanya, ngunit dahil sa karamdaman sa mata ay ganap na nawala ang kanyang paningin dalawang taon na ang nakalipas. Nang tinanong niya ang tungkol sa paggagamot, nagsimulang humikbi ang kanyang tiyahin. Nasubukan na nila ang lahat, ngunit ang mga manggagamot ay may isang bagay lamang na masabi: "Ito ay walang lunas!" "Masasabi mo ba kung ang mga bagay ay malaki o maliit?" tanong ni Don Bosco sa bata. "Wala po akong makita." Siya ay kaniyang dinala sa may bintana upang tingnan kung nakakaaninag siya ng liwanag, ngunit hindi niya makaya. “Gusto mo bang makakita?” tanong ni Don Bosco. “Aba, opo! Ito ang tanging bagay na nais ko,” wika ng batang babae, naluluha. “Gagamitin mo ba ang iyong mga mata para sa ikakabuti ng iyong kaluluwa at hindi upang masaktan ang damdamin ng Diyos?” "Pinapangako ko pong gagawin ko, nang buong puso ko!" “Mabuti,” sabi ni Don Bosco. "Mababawi mo ang iyong paningin." Matapos ang pagdulog kay Maria, Tulong ng mga Kristiyano, binigkas ni Don Bosco ang Aba Ginoong Maria at binasbasan ang batang babae. Kapagdaka hawak ang medalya ng Maria, Tulong ng mga Kristiyano, sa harap ng mga mata ng batang babae, hiniling niya, "Para sa kaluwalhatian ng Diyos at ng Mahal na Birhen, sabihin mo sa akin kung ano ang hawak ko sa aking kamay." “Hindi niya kaya . . .” sinimulan ng nakakatandang tiyahin, ngunit hindi pinansin ni Don Bosco. Pagkaraan ng ilang sandali, sumigaw ang bata, “Nakakakita ako!” Kaagad niyang inilarawan ang medalya nang buong linaw. Ngunit nang iunat niya ang kanyang braso para tanggapin iyon, gumulong ito sa isang madilim na sulok. Kumilos ang tiyahin upang kunin ito, ngunit sinenyasan siya ni Don Bosco pabalik. "Hayaan mo siyang hanapin yon nang makita kung lubusang naibalik ng Mahal na Birhen ang kanyang paningin," giit niya. Agad na naglakad ang batang babae patungo sa madilim na sulok at yumuko upang kunin ang maliit na bagay. Habang madaming saksi ang nakamasid, mangha at labis na natinag, si Maria ay lubos na nagpasalamat kay Don Bosco at nang may mga hikbi sa labis na kagalakan. Ipagkatiwala mo ang lahat kay Hesus sa Banal na Sakramento at kay Maria, Tulong ng mga Kristiyano, at makikita mo kung ano ang mga himala! - San Juan Bosco
By: Shalom Tidings
MoreMayroon bang isang bagay tulad ng Pagkasensitibo sa Eukaristiya ? Marahil ang anekdotang ito tungkol kay Pope John Paul II ang makakasagot sa tanong. Sa isang paglalakbay sa Estado ng Maryland, si Pope John Paul II ay nakatakdang maglakad sa isang pasilyo sa tirahan ng arsobispo. Sa pasilyo na iyon ay ang pasukan sa isang kapilya kung saan nakalaan ang Banal na Sakramento. Tiniyak ng tagapagtatag ng papa na walang nakasaad na ang pinto ay patungo sa kapilya dahil alam niyang tiyak na papasok si John Paul para bumisita sa Panginoon, kaya nadiskaril ang iskedyul. Sa araw ng paglalakbay sa banal na lugar , dumaan si Pope John Paul sa pintuan at huminto. Kinaway niya ang kanyang daliri sa tagapagtatag ng papa, binuksan ang pinto ng kapilya, pumasok at lumuhod para magdasal. Ang isa sa mga pari na nakasaksi sa kaganapan ay nagkomento nang may pagkamangha, "Hindi pa siya nakarating sa lugar na ito bago, hindi kailanman itinakda ang mga mata sa lugar, at walang anuman sa pintuan na nakikilala ito sa anumang paraan bilang isang kapilya. Isa pa lang itong pinto sa koridor ng mga pinto. Ngunit tumalikod siya kaagad, binuksan niya ang pintong iyon, at pumasok sa kapilya, at nanalangin siya.” Mula sa kanyang matinding relasyon sa Eukaristiya, lumabas ang hindi kapani-paniwalang regalo ng pagka sensitibo sa Eukaristiya . Ang yumaong Santo Papa ay nagtuturo sa atin ng isang aral tungkol sa mga hangarin ng ating puso. Kapag ang ating pagnanais ay malaki, ang ating kamalayan sa, at pagiging sensitibo sa, kung ano ang ating ninanais ay tumataas nang husto. Ipagdasal natin na tulungan tayo ng mabuting Panginoon na lumago ang ating pagnanais para sa kanya at bigyan tayo ng inspirasyon na regular na maglaan ng oras para mag-isa kasama Siya sa Banal na Sakramento
By: Shalom Tidings
MoreAng bago kong bayani ay si Madre Alfred Moes. Napagtanto ko na hindi siya isang pangalang pambahay, kahit na sa mga Katoliko, ngunit siya ay dapat lang. Dumating siya sa aking iskrin ng radar nuon lamang matapos na ako'y maging Obispo ng Diocese ng Winona-Rochester, kung saan ginawa ni Madre Alfred ang karamihan ng kanyang gawain at kung saan siya nakalibing. Sa kanya ay isang kuwento ng kahanga-hangang katapangan, pananampalataya, tiyaga, at lubos na kaliksihan. Maniwala ka sa akin, kapag nakuha mo ang mga detalye ng kanyang mga pakikipagsapalaran, mapapaalalahanan ka ng ilan pang ibang masinop na mga Katolikong Madre: sina Cabrini, Teresa, Drexel, at Angelica, para pangalanan ang ilan. Si Madre Alfred ay isinilang na Maria Catherine Moes sa Luxembourg noong 1828. Nang bata pa, siya ay nabighani sa posibilidad na makagawa ng gawaing misyonero sa mga katutubo ng North America. Alinsunod dito, naglakbay siya kasama ang kanyang kapatid na babae sa New World noong 1851. Una, sumali siya sa School Sisters of Notre Dame sa Milwaukee ngunit matapos nito ay lumipat sa Holy Cross Sisters sa La Porte, Indiana, isang grupo na nauugnay kay Padre Sorin, CSC, ang may tatag ng Unibersidad ng Notre Dame. Matapos makipagbanggaan sa kanyang mga superyor—manapa'y pinagkaugaliang pangyayari para sa walang takot at mapanalig na babaeng ito—nagtungo siya sa Joliet, Illinois, kung saan siya ay naging superyor ng isang bagong kongregasyon ng mga kapatid na Franciscan, at inako ang pangalang 'Madre Alfred.' Nang si Obispo Foley ng Chicago ay nagdtangkang makialam sa pananalapi at mga proyekto sa pagtatayo ng kanyang komunidad, siya ay lumisan para sa mas mainam na pastulan patungo sa Minnesota kung saan siya ay tinanggap ng dakilang Arsobispo Ireland at pinahintulutang magtatag ng isang paaralan sa Rochester. Sa maliit na bayan na iyon sa katimugang Minnesota nagsimula ang Diyos na mabisang magsagawa sa pamamagitan niya. Noong 1883, isang kakila-kilabot na buhawi ang dumaluhong sa Rochester, na ikinamatay ng madami at nag-iwan ng madami pang nawalan ng tirahan at nagdarahop. Isang lokal na doktor, si William Worrall Mayo, ang umako ng tungkuling pangalagaan ang mga biktima ng sakuna. Dahil sa dami ng nasugatan, nanawagan siya sa mga kapatid ni Madre Alfred na tulungan siya. Bagamat sila ay mga guro at hindi mga nars at walang maayos na pagsasanay sa medisina, tinanggap nila ang misyon. Sa kaganapan ng malaking kapinsalaan, mahinahong ipinaalam ni Madre kay Doktor Mayo na nagkaroon siya ng pangitain na ang isang ay dapat itayo sa Rochester, hindi lamang para pagsilbihan ang lokal na komunidad na iyon, kundi ang buong mundo. Gitla sa hindi makatotohanang panukalang ito, sinabi ni Doktor Mayo kay Madre na kakailanganin niyang makalikom ng $40,000 (isang napakalaking halaga nang panahong iyon) upang makapagtayo ng gayong pasilidad. Sinabi naman niya sa doktor na kung makalikom siya ng pondo at makapagpatayo ng ospital, inaasahan niyang siya at ang kanyang dalawang anak na manggagamot ang magpapatakbo sa lugar. Sa loob ng maikling panahon, nakuha niya ang pera, at naitatag ang Saint Mary's Hospital. Tiyak kong naisip mo na, ito ang binhi kung saan tutubo ang makapangyarihang Mayo Clinic, isang sistema ng ospital na sa katunayan, tulad ng inakala ni Madre Alfred noong unang panahon, na nagsisilbi sa buong mundo. Ang matapang na madre na ito ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang tagabuo, tagapag-ayos, at tagapangasiwa, hindi lamang ng ospital na kanyang itinatag, kundi ng ilang iba pang mga institusyon sa timog Minnesota hanggang sa kanyang kamatayan noong 1899 sa edad na pitumpu't isa. Ilang linggo lamang ang nakalipas, nagsulat ako tungkol sa matinding pangangailangan ng mga pari sa aming diyosesis, at hinikayat ko ang lahat na maging bahagi ng isang misyon upang madagdagan ang mga bokasyon sa pagkapari. Laman si Madre Alfred sa isipan maaari ko kayang gamitin ang pagkakataon ngayon upang magtawag ng higit pang bokasyon sa relihiyosong buhay ng kababaihan? Sa anumang dahilan ang huling tatlong henerasyon ng kababaihan ay tila nakagawian nang pagmasdan ang buhay-relihiyoso na hindi karapatdapat pag-ukulan ng kanilang pansin. Bumaba ang bilang ng mga madre mula noong Ikalawang Konseho ng Vaticano, at karamihan sa mga Katoliko, kapag tinanong tungkol dito, ay malamang magsasabi na ang pagiging isang relihiyosong babae ay hindi mangyayari sa ating pemenista na panahon. Kalokohan! Iniwan ni Madre Alfred ang kanyang tahanan nang siya ay napakabata pa, tumawid ng karagatan patungo sa ibang lupain, naging relihiyosa, sinunod ang kanyang mga udyok at sense of mission, kahit na ito ay nagdala sa kanya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang nakatataas, kabilang ang ilang mga obispo, ay nagbigay inspirasyon kay Doctor Mayo na magtatag ng kahanga-hangang medikal center sa planeta, at pinangunahan ang pagbuo ng isang orden ng mga madre na nagpatuloy sa pagtatayo at mga kawani ng madaming institusyon ng pagpapagaling at pagtuturo. Siya ay isang babaeng may pambihirang katalinuhan, kasigasigan, simbuyo ng damdamin, katapangan, at pagiging malikhain. Kung may nagmungkahi sa kanya na siya ay namumuhay nang hindi naaayon sa kanyang mga talino o sa ilalim ng kanyang dignidad, nakikinita ko ay magkakatanggap siya ng ilang mga piling salita bilang tugon. Naghahanap ka ba ng feminist hero? Sa iyo na si Gloria Steinem; sa akin na si Madre Alfred anumang araw ng linggo. Kaya, kung may kilala kang kabataang babae na magiging mahusay na relihiyoso, na puno ng katalinuhan, lakas, pagkamalikhain, at kasigasigan, ibahagi sa kanya ang kuwento ni Madre Alfred Moes. At sabihin sa kanya na maaari niyang hangarin ang mismong uri ng kabayanihan.
By: Bishop Robert Barron
MoreAno ang gagawin mo kapag may kumatok sa iyong pintuan? Paano kung ang estranghero ay hindi naging madaling tao? Binibigkas niya ang kanyang pangalan nang may diin, sa Espanyol, na may tiyak na pagmamalaki at dignidad, kaya maaalala mo kung sino siya—Jose Luis Sandoval Castro. Napunta siya sa aming pintuan sa Saint Edward Simbahang Katoliko sa Stockton, California, noong Linggo ng gabi nang ipinagdiriwang namin ang araw ng aming patron. May nagbaba sa kanya sa aming medyo mahirap, may mabuting trabaho na kapitbahayan. Ang musika at ang karamihan ng mga tao ay tila umakit sa kanya na parang magneto papunta sa aming parokya. Paglalahad ng Katotohanan Siya ay isang taong may misteryosong pinagmulan—hindi namin alam kung paano siya nakarating sa simbahan, lalo na kung sino at nasaan ang kanyang pamilya. Ang alam lang namin siya ay 76 taong gulang, may salamin sa mata, nakasuot ng mapusyaw na kulay, na tsaleko, at hinihila ang kanyang bagahe gamit ang kamay. May dala siyang dokumento mula sa Serbisyo sa Imigrasyon at Naturalisasyon na nagbibigay sa kanya ng pahintulot na makapasok sa bansa mula sa Mexico. Nanakawan siya ng kanyang mga personal na dokumento at wala siyang dalang ibang pagkakakilanlan. Nagsimula kaming alamin at tuklasin kung sino si Jose Luis, ang kanyang pinagmulan, ang kanyang mga kamag-anak, at kung mayroon silang anumang pakikipag-ugnayan sa kanya. Siya ay nagmula sa bayan ng Los Mochis sa estado ng Sinaloa, Mexico. Galit, kataksilan, at makalason ang lumabas sa kanyang bibig. Sinabi niya na inalisan siya ng kanyang mga kamag-anak at ninakawan ng kanyang pensiyon sa Estados Unidos, kung saan siya ay nagtrabaho nang maraming taon, habang siya ay pabalik-balik sa Mexico. Sinabi ng mga kamag-anak na aming nakausap na sinubukan nilang tulungan siya sa iba't ibang pagkakataon, ngunit tinawag niya silang mga magnanakaw. Sino ba ang aming paniniwalaan? Ang alam lang namin ay mayroon kaming isang pagala-galang, regular na palaboy mula sa Mexico sa aming mga kamay, at hindi namin siya maaaring talikuran o ilagay ang matandang, mahinang lalaki sa kalye. Walang pakialam, walang kabuluhan, isang kamag-anak ang nagsabi: “Hayaan nyo siyang mag-isang buhayin ang sarili sa mga lansangan.” Siya ay isang taong madaldal, matapang, at masungit, ngunit paulit-ulit siyang nagpapakita ng mga palatandaan ng kahinaan. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, at halos mapaiyak siya habang ikinukwento niya kung paano siya ginawan ng masama at pinagtaksilan ng mga tao. Parang tanging nag-iisa na lang siya, iniwanan ng iba. Ang totoo—hindi siya madaling tulungan. Siya ay makulit, matigas ang ulo, at mapagmataas. Ang oatmeal ay masyadong makunat o hindi sapat na makinis, ang kape ay masyadong mapait at kulang sa tamis. Nakakahanap siya ng mali sa lahat. Siya ay isang tao na may napakalaking pitsa sa kanyang mga balikat, galit at bigo sa buhay. "Ang mga tao ay masama at salbahe, sasaktan ka nila," hinaing niya. Sa ganyan ang ganti ko meron ding “Mababait na tao” (mabubuting tao) din. Siya ay nasa arena ng mundo kung saan ang mabuti at masama ay nagsasalubong, kung saan ang mga taong may kabutihan at kabaitan ay naghahalo, tulad ng trigo at ipa ng Ebanghelyo. Higit pa sa isang Malugod na Pagtanggap Anuman ang kanyang mga depekto, anuman ang kanyang saloobin o ang kanyang nakaraan, alam naming dapat namin siyang tanggapin at tulungan bilang isa sa pinakamababa sa mga kapatid ni Jesus. "Nang tinanggap mo ang estranghero, tinanggap mo ako." Kami ay nagmiministeryo kay Hesus mismo, binubuksan ang mga pintuan ng mabuting pakikitungo sa kanya. Si Lalo Lopez, isa sa aming mga parokyano na nagsama sa kanya para sa isang gabi, ay ipinakilala siya sa kanyang pamilya, at dinala siya sa laro ng besbol ng kanyang anak, ay nagsabi: “Sinusubukan tayo ng Diyos upang makita kung gaano tayo kabuti at sa pagiging masunurin, bilang Kanyang mga anak.” Sa loob ng ilang araw, inilagay namin siya sa tirahan ng kura. Nanghihina siya, dumudura ng plema tuwing umaga. Halatang hindi na siya makagala at malayang magpalaboy gaya ng nakasanayan niyang gawin noong kabataan niya. Siya ay may mataas na presyon ng dugo, higit sa 200. Sa isang pagbisita sa Stockton, sinabi niya na siya ay nahampas sa likod ng leeg malapit sa isang simbahan sa bayan. Sinabi ng isang anak na lalaki sa Culiacan, Mexico, na "binuo niya ako" at hindi niya talaga siya kilala bilang kanyang ama, dahil hindi siya kailanman nakasama, palaging naglalakbay, patungo sa El Norte. Ang kwento ng kanyang buhay ay nagsimulang sumiwalat. Nagtrabaho siya sa bukid, nag-aani ng mga cherry, maraming taon na ang nakalilipas. Nagbenta rin siya ng ice cream sa harap ng isang lokal na simbahan ilang taon na ang nakararaan. Siya ay, parang upang banggitin ang klasikong kanta ni Bob Dylan, "tulad ng isang walang direksyon sa sariling bayan, tulad ng isang ganap na hindi kilala, tulad ng isang gumugulong na bato." Nang iwan ni Hesus ang 99 na tupa upang iligtas ang isang naliligaw na tupa, ibinaling natin ang ating pansin sa isang lalaking ito, na maliwanag na iniiwasan ng kaniyang kasamahan. Tinanggap namin siya, pinatira, pinakain, at naging kaibigan. Nalaman namin ang kanyang pinagmulan at kasaysayan, ang dignidad at kasagraduhan niya bilang tao, at hindi bilang isa pang itinapon sa mga lansangan ng lungsod. Ang kanyang kalagayan ay inihayag sa Facebook ng isang babae na nagpapadala ng mga video message ng mga nawawalang tao sa Mexico. Nagtanong ang mga tao: "Paano kami makakatulong?" Isang lalaki ang nagsabi: "Babayaran ko ang kanyang tiket pauwi." Si Jose Luis, isang lalaking hindi marunong magbasa, magaspang at hindi dalisay, ay dumating sa aming pista ng parokya, at sa biyaya ng Diyos, sinubukan namin, sa maliit na paraan, na tularan ang halimbawa ni Santa Mother Teresa, na malugod na tinanggap ang mga dukha, ang pilay, ang may sakit, at ang mga itinapon ng mundo sa kanyang sirkulo ng pag-ibig, ang piging ng buhay. Sa mga salita ni San Juan Pablo II, ang pakikiisa sa iba ay hindi isang pakiramdam ng hindi tiyak na pakikiramay o mababaw na pagkabalisa sa mga kasawian ng iba. Ito ay isang paalala na tayo ay nangangako sa ikabubuti ng lahat dahil lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa.
By: Father Alvaro Delgado
MoreNoong unang bahagi ng 1900s, hiniling ni Pope Leo XIII sa kongregasyon ng Misyonaryong Kababihan ng Sagradong Puso na pumunta sa Estados Unidos upang maglingkod sa malaking bilang ng mga imigrante na Italyano doon. Ang tagapagtatag ng kongregasyon, si Inang Kabrini, ay nagnanais na magmisyon sa Tsina, ngunit masunuring sumunod sa panawagan ng Simbahan at nagsimula sa mahabang paglalakbay sa dagat. Dahil muntik na siyang malunod noong bata pa siya, nagkaroon siya ng matinding takot sa tubig. Gayunpaman, bilang pagsunod, siya...sa kabila ng dagat. Sa pagdating, nalaman niya at ng kanyang mga kapatid na babae na ang kanilang tulong pinansyal ay hindi pinahintulutan, at wala silang matitirhan. Ang matatapat na mga anak na babae ng Sagradong Puso ay nagtiyaga at nagsimulang maglingkod sa mga taong walang kinasa sakupan Sa loob ng ilang taon, ang kanyang misyon sa mga imigrante ay napakabunga kaya hanggang sa kanyang pagpanaw, ang may takot sa tubig na madre na ito ay gumawa ng 23 pagtawid sa Atlantic na paglalakbay sa buong mundo, na nagtatag ng mga pasilidad sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan sa France, Spain, Great Britain, at South America. Ang kanyang pagsunod at pagkaasikaso sa tawag na missionaryo ng Simbahan ay walang hanggang gantimpala. Ngayon, iginagalang siya ng Simbahan bilang patron ng mga imigrante at mga administrador ng ospital.
By: Shalom Tidings
MoreT – Natatakot ako sa kamatayan. Bagama't naniniwala ako kay Hesus at umaasa sa Langit, napupuno pa din ako ng pagkabalisa sa hindi batid. Paano ko mapaglalabanan ang takot sa kamatayan? S – Isipin na ikaw ay isinilang sa isang piitan at hindi nakikita ang mundo sa labas. Isang pinto ang nagbubukod sa iyo sa mundo sa labas—ang sikat ng araw, ang sariwang hangin, ang kasayahan...ngunit wala kang kuru-kuro sa mga mas maliwanag, magagandang bagay na ito, dahil ang mundo mo ay ang madilim, maamag na agwat na puno ng pagkabulok. Maya't maya, ang isang tao ay dumadaan palabas sa pintuan, upang hindi na babalik kailanman. Naaala mo ang pagkukulang nila, dahil kaibigan mo sila at nakilala mo sila sa buong buhay mo! Ngayon, isipin sandali na may napasok mula sa labas. Sinasabi Niya sa iyo ang lahat ng magagandang bagay na madadanasan mo sa labas ng piitan na ito. Alam Niya ang mga bagay na ito, dahil Siya Mismo ay galing na doon. At dahil mahal ka Niya, mapagkakatiwalaan mo Siya. Ipinapangako Niya sa iyo na sasamahan ka Niya palabas sa pintuan. Hahawakan mo ba ang Kanyang kamay? Tatayo ka ba at lalakad kasama Siya palabas ng pintuan? Ito ay nakakatakot, dahil hindi mo alam kung ano ang nasa labas, ngunit maaari kang magkaroon ng lakas ng loob na gaya ng meron Siya. Kung kilala mo Siya at mahal mo Siya, hahawakan mo ang Kanyang kamay at lalakad palabas ng pintuan patungo sa sikat ng araw, tungo sa magandang mundo sa labas. Nakakatakot, ngunit may pagtitiwala at pag-asa. Ang bawat kultura ng tao ay kinailangang makipagbuno sa takot sa hindi nababatid kapag tayo ay mnagllakad sa madilim na pintuan ng kamatayan. Pag mag-iisa natin, hindi natin batid kung ano ang nasa kabila ng tabing, ngunit kilala natin ang Isang tao na nagmula sa kabilang panig upang sabihin sa atin kung ano ang katulad ng kawalang-hanggan. At ano ang Kanyang inihayag? Sinabi niya na ang mga nailigtas ay “nasa harap ng trono ng Diyos, at naglilingkod sa Kanya araw at gabi sa Kanyang templo, at Siya na nakaupo sa trono ay kakanlungan sila ng Kanyang presensya. Hindi na sila magugutom, ni mauuhaw pa man; hindi sila tatamaan ng araw, ni anumang nakakapasong init. Sapagkat ang Kordero na nasa gitna ng trono ay magiging kanilang pastol, at papatnubayan Niya sila sa mga bukal ng buhay na tubig, at papahidin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata." (Apokalipsis 7:15-17 ) Nagtitiwala tayo na ang buhay na walang hanggan ay sakdal na pag-ibig, masaganang buhay, sakdal na kagalakan. Sa katunayan, napakabuti nito na “Hindi pa nakikita ng mata, o nadidinig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao.ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Korinto 2:9) Ngunit mayroon ba tayong anumang katiyakan na tayo ay maliligtas? Wala bang pagkakataon na hindi tayo makakarating sa makalangit na paraisong iyon? Oo, totoo na hindi ito garantisado. Gayunman, tayo ay napupuno ng pag-asa dahil “nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas at madating ang kaalaman ng katotohanan.” (1 Timoteo 2:3-4) Mas nais niya ang iyong kaligtasan kaysa sa naisin mo ito! Kaya, gagawin Niya ang lahat sa Kanyang kapangyarihan para dalhin tayo sa Langit. Ipinaabot na Niya sa iyo ang paanyaya, na isinulat at nilagdaan sa Dugo ng Kanyang Anak. Ang ating pananampalataya, na isinabuhay sa ating buhay, ang tumatanggap ng gayong paanyaya. Totoong wala tayong katiyakan, ngunit mayroon tayong pag-asa, at “hindi tayo binibigo ng pag-asang ito” (Mga Taga Roma 5:5). Tayo ay tinawag na lumakad nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala, batid ang kapangyarihan ng Tagapagligtas, na “naparito upang iligtas ang mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15). Sa praktikal na pagsasalita, mapaglalabanan natin ang takot sa kamatayan sa ilang paraan. - Una, tumuon sa mga pangako ng Diyos ng Langit. Madami pa siyang sinabi sa Banal na Kasulatan na pumupuno sa atin ng sabik na pag-asa na matanggap ang magandang kawalang-hanggan na inihanda Niya. Dapat tayong mag-alab nang may pagnanais para sa Langit, na magpapababa sa takot na iwan itong lugmok, wasak na mundo. - Pangalawa, tumuon sa kabutihan ng Diyos at sa Kanyang pagmamahal sa iyo. Hindi ka niya pababayaan, kahit na kapag dumaan sa hindi batid. - Panghuli, isaalang-alang ang mga paraan na Siya ay naroroon sa iyo noong kailangan mong pumasok sa bago at hindi kilalang mga lupain–pagpunta sa kolehiyo, pag-aasawa, pagbili ng bahay. Maaaring nakakatakot na gumawa ng isang bagay sa unang pagkakataon dahil may takot sa hindi batid. Ngunit kung ang Diyos ay naroroon sa mga bagong karanasang ito, lalo pang hahawakan Niya ang iyong kamay habang naglalakad ka sa pintuan ng kamatayan patungo sa buhay na matagal mo nang ninanais!
By: PADRE JOSEPH GILL
More