Home / Interview

Dec 13, 2023 217 0 Dr. Owen Gallagher

NATATANGING PAGPAPANAYAM : KAPAG ANG MGA LALAKI AY NAGDARASAL NG ROSARYO

Dito sa namumukod na pagpapanayam na naihandog para sa Shalom Tidings, si Dr. Owen Gallagher ay nagbahagi ng kanyang lubhang kataka-takang lakbay kasama ng Men’s Rosary at ang naging sanhi nito sa buong mundo.

Bilang isang batang lalaki na lumalaki sa lalawigang bahagi ng Ireland sa kapanahunan ng 1950, ang pambuong kamag-anakang Rosaryo ay isang pang-araw-araw na pagtitipon.  Ang aking ama ay ipahahayag bawa’t dapit-hapon, “Sumapit na ang oras ng Rosaryo.”  Kahit ano pa ang aming pinagkakaabalahan, umaakyat ng puno, ginagawa ang araling-bahay, kailangan naming hintuan at magdasal.

Ako at ang anim kong mga kapatid ay magsisi-angal tungkol dito.  Sa huli, huminto ako ng pagdarasal ng Rosaryo isang taon o mahigit pagkaraan nang ako’y naging mag-aaral ng medisina.  Hindi ko dadamputin nang muli ang Rosaryo sa susunod na labinlimang taon.

Nawalan ng mga Pagpipilian 

Matapos akong makapaghanapbuhay sa ibang bansa ng ilang taon bilang manggamot, nang umuwi akong muli sa gulang ng 34, lahat ng aking mag-anak at mga kaibigan ay nakapag-asawa na; ito’y naging isang malungkot na panahon…  Lahat ng aking maisaisip ay: “Talagang maaring nakalulugod na makatagpo ng isang taong mapapangasawa.”  Bagama’t ang pagdarasal ng Rosaryo ay wala sa paksa, pinagpatuloy ko ang pagdalo sa Misa at pinagtalasan ang makapag-asawa ng isang dalagang Katoliko.

Sa loob ng panahong ito, hindi sadyang natagpuan ko ang isang polyeto na ibinigay na ng ama ko tungkol sa limampung-apat na araw ng Nobena ng Rosaryo.  Ang hindi matanggi-tanggihang Nobena, na ito’y kilala rin ng may katanyagan, ay tunay na nakagagawa ng mga himala.  Ang unang dalawampu’t-pitong mga araw ay naglalaman ng mga arawing pagbibigkas ng Rosaryo, paghihiling ng kaisa-isang layon, at para sa susunod na dalawampu’t-pitong mga araw, ang pambawa’t araw na Rosaryo ng pasasalamat, sa anumang sagot sa iyong hiling.

Ako’y urong-sulong na nagpasyang dasalin ang Nobena.  Nabuo ko ang limampung-apat na mga araw ng pagsisikap, minsan na may nanggigigil na mga ngipin.  Sa ikalimampu’t-apat na araw, nakilala ko si Catherine.  Sa loob ng iilang mga linggo, napagkasunduan naming makasal.  Si Catherine at ako ay nagsimulang dasalin ito na magkasama nang kami’y magkasabay na lumalabas at itinuloy ito sa aming buhay na mag-asawa.

Napakahirap pa rin sa akin na idasal ang Rosaryo sa tuwina.  Ngunit ang aking lalaking kapatid na si Raddy, ay ibinibigkas ito nang lima o higit na ulit sa bawa’t araw, ay nagsabing siya’y nawiwiling idasal ang panalanging ito, at ang anino ng pagkapayapa ay ang totoong patibay sa katotohanan habang siya’y nagdarasal.

Naghahalaga ng Sanlibong mga Salita 

Nang may dagliang paglaktaw ng mahigit na tatlumpung taon sa ika-26 ng Hulyo 2021, ang araw ng pista nina San Joaquin at Santa Ana.  Ako’y napadalhan ng larawan ng isanlibong mga lalaking katutubo ng Poland na nakaluhod sa mga hilera sa luwasan ng Cracow, nagdarasal ng Rosaryo nang sabayan.  Dahil sa makapangyarihang pamumukaw nitong larawan, dagliang inisip ko, “Ito’y dapat mangyari  sa Ireland.”

Ipinadala ko ito kay Patrick McCrystal, ang CEO ng Human Life International, Ireland.  Ang kanyang pagtauli ay tulad sa akin, at kami’y nagtagpo.  Pagakaraan ng dalawang buwan, ang unang pangkalahatang Rosaryo ng mga Kalalakihan ay naganap sa lunsod ng Derry noong unang Sabado ng Oktubre, ang kabuwanan ng Rosaryo.  Walumpung mga lalaki ang nagpakita, at talumpu’t-limang mga babaeng nagsipag-alalay ay tumayo sa gilid at nagdasal kasama namin.  Sa loob nitong kataka-takang banal na pag-iral, maraming mga dumadaan ang sumama sa amin.  Ang nahulaang malakas na ulan ay huminto nang sinimulan naming magdasal, at natapos namin ang Rosaryo nang may nagliliyab na sinag ng araw.  Mula doon, ang salita ay nagsimulang kumalat.

Mahigit sa 100 na mga lalaki ang nagpakita para sa sumunod na Rosaryo sa Nobyembre (sa lunsod ng Newry), 150 sa buwan ng Disyembre (sa Belfast), at 200 para sa Rosaryo ng Enero (sa Armagh) kasama si Arsobispo Eamon Martin.

Kapag ang mga Lalaki ang Namumuno 

Lahat ng mga ito ay mabibisang banal na mga karanasan, at mayroong dakilang damá ng pagkakaibigan sa lahat ng mga kalalakihan sa kabila ng pagkakaiba ng mga pinagmulan.  Si San Luis de Monteforte ay nagsaad: “Ang pangmadlang dalangin ay higit na mabisa kaysa  pansariling dalangin,” at ang yaong pahayag  ay tinuring namin nang taimtiman.

Winika ni San Juan Biano: “Ang relihiyon ay tumatamo ng higit na pamimitagan kapag pinamumunuhan ng mga lalaki,” at ang mga ganap na pagsusuri ay nagpapakita na ito’y totoo.  Kung ang ama ng isang mag-anak ang namumuno nito sa pananampalataya, ang walumpung bahagdan ng mga bata ay magsasaugali.  Ngunit kung ang ina Ang namumuno, dalawampu lamang na bahagdan ang magsisisunod.  Marami nang mga babae ang nagwika sa amin kung gaano kabisa na matanaw ang daan-daang mga lalaki na nakaluhod sa mga lansangan tulad ng mga sundalo sa harap ng estatwa ng Ating Ginang, na nagdarasal para sa pagsisisi ng ating mga sala—sa pagbabayad para sa kinagawiang pang-aapi sa mga babae para sa mga nakaraang siglo, para sa kinalaman ng mga lalaki sa sapilitang paglalaglag dahil sa pagtutol ng pagtustos sa kabuhayan ng mga babae, para sa pagbabalik-loob ng ating bansa at ng  mundo, at para sa pagwawakas ng paniniil sa pulitika.

Tulad ng sinabi ng isang babae, “Kapag ang mga lalaki ang nangunguna sa pananalig, ang mga babae at mga bata ay magsusunuran.”

Isang dalawampu’t-limang-taóng gulang na binibini ay nagsabi sa akin na nang nakita niya ang 150 na mga lalaki na nakaluhod sa daan ng Belfast noong isang napakapait na araw ng taglamig, nagdarasal para sa mga babae, nagawa nitong maibalik siya sa pananampalataya.

Tuwing dadalaw ang Men’s Rosary sa isang bayan o lalawigan, taglay nito ang mabisang banal na talab.  Ang mga tao, kahit hindi mga Katoliko, ay tila napupukaw sa bisa ng pangmadlang Rosaryo.  Ang mga babae, at minsan ang mga lalaki, ay biglang sasambulat ng mga luha. Ang mga iba’y nagtataka nang labis sa kagalak-galakang damá ng kapayapaan na kanilang natatagpuan.

Magpaapoy 

Ang Men’s Rosary sa daan ay nagsimula sa Poland noong ikalima ng Abril, 2018.  Pinamunuan ng isang ginoong nagngangalang Artur Wolski, ito’y mabilis na kumalat nang palibot sa mga lalawigan at pinakamaraming mga bayan sa Poland bago ito nakarating ng Ireland.  Bagama’t ito’y nananatili nang mga dalawampu’t-isang buwan pa lamang dito, mayroon na itong dalawampu’t-dalawang mga daluhang pinalalagian sa palibot ng bansa.

Ito’y nagkalat na sa mahigit na apat-napung iba-ibang mga bansa.  Kamakailan lamang, si Patrick ay nagbigay ng talumpati tungkol sa Men’s Rosary sa Alemanya sa mahigit na 200 na mga lalaki; isang kumpol ng mga binata ay nakahanda nang magsimula ng Rosaryo sa mga lansangan ng Berlin.  Sana, ito ay kakalat sa ibang mga bansa na ang diwa ay Aleman, at sa huli ay sa buong Yuropa.

Sa Sydney, Australia, mahigit na sanlibong mga lalaki ang dumadalo sa labas ng St. Mary Cathedral tuwing ika-unang Sabado.  Mayroong mahigit na sampung mga bansa sa Timog Amerika kung saan ang Men’s Rosary ay dinarasal sa mga daan, at inaasahan namin na ang buong Estados Unidos ay susunod.

Ang pangarap namin ay makita ang bawa’t pook, sa bawa’t bansa sa mundo, na maisatupad ang Men’s Rosary bawa’t buwan.  Maaari rin na mangyari, ang Women’s Rosary ay sisibol sa wakas!  Sa kasalukuyan, ang Poland ay may pulutong ng Women’s Rosary, gayon din ang Northern Ireland.

“Pinagpala yaong mga nagtitiwala sa Panginoon, na ang kanilang tiwala ay ang Panginoon” (Jeremias 17:7).  Nais ng Diyos na tayo’y mag-isip nang malaki at magtiwala sa Kanya.  Tulad ng isinaad ni San Columbano, “ang pabuya ng Diyos ay nasa yaong mga nagtitiwala sa Kanyang Awa.”

Ang Ispirito Santo at ang Ating Ginang ay talagang napatnubayan ang Men’s Rosary sa daan, at ito ang tiyak na bagay na nais nilang gawin natin.

Hindi para sa aking Biyaya 

Ako’y nakapagsaayos na ng ilang mga bagay sa aking buhay ngunit ang pagsasaayos ng Men’s Rosary ay higit na naging madali kaysa sa aking inakala.  Napakaraming mga bagay ang kusang lumalagay sa ayos—ang mga tao ay sasagot sa unang tunog ng telepono, ang mga makinang panlimbag ay nasa ayos, mga kontador, at mga sasakyan ay tumatakbo nang walang palya.

Ang Rosaryo ay isang napakabisang dasal at hindi madali para sa bawa’t isa na dasalin.  Iilang mga bagay ay madali, ang lahat ng mga bagay na may kahirapang gawin ay nagiging madali sa tamang pag-iinsayo.  Tulad ng sinabi ni Padre Donald H. Calloway, “Ang sigasig ay nakagagawa ng isang kampeyon.”

Ayon kay Santo Domingo, “Kung ikaw ay masigasig sa Rosaryo at nagdarasal ng Rosaryo sa bawa’t araw na nalalabi sa buhay mo, ikaw ay mapapangakuhan ng Ating Ginang na makararating ng Langit.  Ang buhay mo rin ay higit na magiging masaya, at maraming masalimuot na mga suliranin ay sadyang payak na maglalaho.”

Ano ang maaaring hindi mo maiibigan sa isang panatang tulad na yaon, na kung saan ay mag-aalay ka lamang ng labinlimang mga minuto kapiling ang Ating Ginang, na sukdulang nakalulugod sa kanya?

At kapag  napasasaya mo ang Ina ng Diyos, napasasaya mo ang kanyang Anak!

Dr. Owen Gallagher

Dr. Owen Gallagher is the second son in a big family of seven children. After working for several years in Africa, he returned home to Northern Ireland to take over his father's medical practice. His wife Catherine is also a medical practitioner, and they have nine grown children.

Share: