Recent Interviews
Kinikilala sa buong mundong manunulat, mang-aawit, manunulat ng awit at mnanalumpati— ang lahat-sa-isa na si Padre Rob Galea ay magdadala sa iyo sa kanyang kamangha-manghang paglalakbay magmula nang siya ay isang takot na binatilyo hanggang sa maging isang maalab na pari
Ako ay nagmula sa isla ng Malta, isinilang sa isang Katolikong pamilya. Mula pa sa pagkabata, madalas akong nakadama na tinatanggihan dahil napakahigpit ng aking mga magulang. Sa gulang na 13, lumayas ako ng bahay na humantong sa pamumuhay na mapanghimagsik. Nasangkot ako sa pagnanakaw ng mga barkada at mabigat na nalulong sa droga. Isang araw napaaway ako sa isa sa mga barkada. Ito ay humantong sa kapighatian at pagkabalisa, dahil hinahanap nila ako upang patayin. Wala akong ligtas na mapuntahan, kaya umuwi na ako.
Hindi ko akalain na tatanggapin ako ng aking mga magulang ngunit ginawa nila. Ikinubli ko ang aking sarili sa silid ko. Sumigaw ako at humiyaw dahil sa aking pagkasiphayo at galit. Sinubukan ko pang saktan ang aking sarili ng ilang ulit. Kadalasan, kumakatok ang aking mga magulang sa pintuan at nagtatanong kung kailangan ko ng tulong. Sisigawan ko sila at hihilingin na iwan nila akong mag-isa. Galit ako sa aking mga magulang at sa Diyos. Nanampalataya ako sa Diyos, ngunit hindi ko maunawaan kung bakit pahihintulutan ako ng Diyos na danasin ang lahat ng pagdurusa at paghihirap na ito.
Sa aking aklat, “Pambihirang Tagumpay: Paglalakbay mula sa kawalan ng tiwala patungo sa pag-asa”, mayroong isang kabanata tungkol sa yugtong ito ng aking buhay. Ibinigay ko ito sa aking ina noong ako ay pari na. Sinabi ko sa aking ina na may panahon na talagang kinailangan ko sila, hindi lamang para kumatok sa pinto, kundi para wasakin ito, yakapin ako, at sabihing magiging maayos ang lahat. Ako ay lubhang nalumbay. Sinasaktan ko ang aking sarili. Wala ako kahit anong dahilan sa aking buhay. Kahit bilang isang pari, nagdamdam ako sa aking mga magulang na hindi sila gumawa nang higit pa. Tinawag ako ng ng aking ina matapos niyang mabasa ang kabanatang niyon. Umiiyak siya at sinabing, “Sa tuwing binabagsak mo ang pinto, hindi kami umaalis ng ama mo. Lumuhod kami sa labas mismo ng iyong silid, at nanalangin kami para sa iyo. Nadidinig namin na umiiyak ka sa kawalangpag-asa, at umiyak kami nang may pag-asa. Kahit na hindi namin maabot ang puso mo, may kilala kaming kayang gawin iyon at iyon ay si Hesus”
At matapat akong nakatindig dito na buhay, ang lahat ay dahil sa mga panalangin ng aking mga magulang. Sa kalaunan, nakilala ko si Hesus sa pamamagitan ng isang samahan ng kabataan na nagkataon lang na dinaluhan ko at natuklasan ang mga taong nagmamahal sa Diyos. Hindi ko gusto ang mga tao sa grupo ng panalangin, dahil akala ko sila ay mga nerd. Gayunpaman, gusto ko kung ano ang mayroon sila—ang kapayapaan na tanging si Hesus lamang ang makakapagbigay. Dahil nadanasan ko ang matinding kadiliman sa buhay, naging masigasig ako sa liwanag. Ito ay 20 taon na ang nakalipas, at hindi ako tumigil sa pagturo sa mga tao sa liwanag na ito.
Walang sandaling ganoon, bagamat talagang ang pagsama sa mga taong nagmamahal kay Hesus ang nagbunsod sa akin na umibig sa Kanya. Unti-unting nagbago ang paglilinang ng aking puso. Nagsimulang makatagpo ko Siya sa oras ng panalangin, pamimintuho, at pagsamba. Hindi ito biglaang pagbabago. Noong mga taong iyon, kahit na sinusunod ko si Hesus, nalulong pa din ako sa droga, nagnanakaw pa din, at marahas pa din. Dayapwat, ang pagnanais para sa mga bagay na ito ay nagsimulang mawala nang paunti-unti. Pagdaan ng ilang taon, naging dalisay ang aking buhay. Ito ay isang tunay na labanan, ngunit napagtagumpayan ko ang mga labanan na ito, sa tulong ng isang napaka-matiyagang sambayanan.
Bueno.. Nagsimula akong tumugtog ng tugtugin nang magsimulang magbago ang mga bagay. Nagbalik ako sa misa, at ang pangkat ng kabataan nangailangan ng tutugtog ng tugtugin para sa koro. Ilang chords lang ang ang alam ko na natutunan ko sa aking ina, na dating tumutugtog ng gitara. Nanood pa ako ng telebisyon, at basta ginaya ko ang mga chord. Nadama ko itong isang madiing pang-unawa ng aliw at kapayapaan. Tuwing nagpapatugtog ako ng tugtugin, damdam ko’y nasasalat ko ang Langit. Sumunod ay nagsimula akong magsatitik ng tugtugin. Isang kaibigan ko na nagkasakit ang pumanaw, at hiniling ng kanyang mga magulang na umawit ako ng isa para sa kanyang libing. Nagsulat ako ng awit para sa libing ng aking kaibigan na kalaunan ay nai-record at nailathala. Ito ay naging, sa panahong iyon, ang pinakamabentang single sa Malta.
Mula doon ay nagkamit ako ng record label sa Englalatera, at sumunod ay nakipagkasundo sa Sony records dito sa Australia. Ang aking tugtugin sy nagsimulang pumailanlang, kahit na hindi ko ito hiniling. Nang ako’y nakipagpirmaham sa Sony, seminarista na ako. Handa akong isuko ang lahat ng aking tugtugin. Ang nais ko lang ay sundin si Hesus, ngunit may ibang balak ang Diyos. Ang tugtugin ay nagsimulang lumago, at nasimulan kong makita ang mga buhay na nagbabago. Kahit papaano, ginamit ng Diyos ang aking tugtugin upang maabot ang puso ng mga tao.
Muli, hindi iyon nag-iisang sandali kundi paunti-unting kamalayan. Hindi ko namalayan na tinatawag ako ng Diyos sa pagkasaserdote maliban nang hanggang sa lumingon ako. Ako ay nasa isang pakikipag-ugnayan at apat na taon nang nakikipagtipan. May titulo ako sa pangangalakal at handa akong akuin ang negosyo ng aking ama. Lahat ay nakaplano para sa aking kinabukasan. Sa puntong ito, ako ay nasa Kristiyanong tugtugin at naglilibot sa buong Europa. Nagkokonsyerto ako sa Italia, nang may nakita akong pari na pumasok. May mga 600 katao sa umpukan. Bata pa ang pari na at napapaligidan ng mga kabataan. Nasa kalagitnaan ako ng pag-awit, ngunit naisip ko, “Wow presko ang lalaking ito.” Nanalangin ako, “Diyos ko, ayaw kong maging pari, ngunit kung anumat mangyaring akoy maging tulad ng taong ito, isasaalang-alang ko ito.” Naging magkaibigan kami. Hindi iyon hangarin sa pagkasaserdote kundi isang higit sa hangaring maging katulad niya, na magkaroon ng kagalakan na taglay niya sa paglilingkod sa kapwa. Dahan-dahan, nagsimula akong mag-isip, “Baka tinatawag ako ng Diyos sa pagkasaserdote.” Ito ay isang mabagal na pamamaraan. Gaya nga ng sinabi ko, may kasintahan ako, at wala akong balak na iwan siya. Isang araw, kinausap ko ang aking kasintahan. Sa kalaunan, nagpasya kaming magbreak at tingnan kung saan papatungo ang Panginoon. Siya ay umiyak, at ako ay umiyak. Mahirap, ngunit tinapos namin ang ugnayan. Nagsimulang madama ko na tinawag ako sa pagkasaderdote. Pumasok ako sa seminaryo at kalaunan ay naordinahan bilang pari. Siya ay nakipagkasunduang pakasal, at inanyayahan akong maging bahagi ng sereminyang iyon. Magkaibigan pa din kami. Sa aking pagbabalik-tanaw, makikita ko na lagi kong nais na ibahagi ang pag-ibig ng Diyos na natanggap ko mula sa ibang tao. Ito ang tawag sa aking buhay na aking natanto sa pamamagitan ng aking pagkapari.
Oo, madaming sandali, lalo na sa mga unang araw ko sa seminaryo, nang madama ko ang presensya ng Diyos. Nasa isang kapilya ako nagdadasal. Bigla madama ko ang matinding pagiging malapít sa Diyos. May isang dako kung saan naramdaman kong ako ay labis na minahal habang ako’y nakaupo sa harap mismo ng Banal na Sacramento na pakiramdam ko ay sasabog na ang aking puso. Ang presensya na ito ay hindi lamang isang kasiyahan, ito ay isang tawag. Naramdaman kong kailangan kong gumawa nang higit pa. Ako ay nakadanas ng pag-ibig ng Diyos, at gusto kong sabihin sa iba ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Ito ay 16 o 17 na taon na ang nakalipas, at sa palagay ko ay hindi ko naramdaman ang presensya ng Diyos nang kagaya noon sa anumang paraan o anumang anyo, mula noon. Ngunit ang aking pakikipag-ugnayan kay Jesus ay tulad sa isamg boxing ring: Ako ay patuloy na nakikipagbuno sa Diyos—sinusubukan kong alamin ang kalooban ng Diyos. Ang Diyos ay mapagmahal at matiyaga sa akin, pinananatili Niya ako dito, hinahanap ang Kanyang kalooban. Ito ay palaging isang pakikibaka; hindi ko maintindihan kung bakit minsan pinahihintulutan ng Diyos ang ilang bagay sa buhay ko, lalo na sa mundo. Sa katapusan ng araw, ang pakikipag-ugnayan ko sa Diyos ay hindi tungkol sa nararamdaman ko tungkol sa Kanya. Ako ay nakatuon sa Kanya dahil alam kong Siya ay nakatuon sa akin una at higit sa lahat.
Ang mga sandaling iyon na nadating na natin ang katapusan ng ating sarili, maaari nating tingnan ito sa dalawang paraan. Maaari mo itong tingnan nang may galit, o maaari kang tumingala at sabihing, ‘Ako ay nasa katapusan ng aking sarili, mangyaring buhatin ako’
Sa bawat sandaling iniisip at inaasam nating wala tayo sa pook na ito—maaaring ito ay isang pisikal na bilangguan, espirituwal na bilangguan, o emosyonal na bilangguan kung saan nandodoon tayo, alalahanin ang Roma 8:28 kung saan ginagamit ng Diyos ang bawat sitwasyon para sa ikakabuti ng mga taong nagmamahal sa Kanya. Kapag ang nakikita mo lang ay ang pader na nasa harapan mo maging ito man ay isang bilangguan, o isang pagamutan, o isang psychiatric ward—kahit na ang pinakasuklam-suklam na sitwasyon ay maaaring maging isang pook ng biyaya kapag pinili mong tumingala.
Sasabihin ko ang tatlong kailangang-kailangan para sa bawat araw. Simulan ang iyong araw sa pag-uusap. Ang unang bagay na ginagawa ko sa umaga kapag binuksan ko ang aking mga mata ay ang magsabi ng, “Magandang Umaga, Hesus.” Bago ako bumangon sa kama ay hinihiling ko kay Hesus, “Bigyan Mo ako ng yakap,” at iniisip ko na lang na binibigyan ako ng Diyos ng yakap. Pangalawang bagay ay manatiling malapit sa mga Sakramento, lalo na sa Sakramento ng Eukaristiya. Mahalaga ang Misa at Kumpisal, dahil lahat tayo ay nanalulugon at nagkakamali. Hindi tayo pinababayaan ng Diyos kapag tayo ay nagkasala. Kung minsan, hinaharangan natin ang ating sarili sa biyaya. Mas madalas na tayo ay maglakad sa biyaya, mas madaming lakas ang mayroon tayo upang mabuhay para sa Kanya. Ang pangatlo ay komunidad—palibutan ang iyong sarili ng mga taong nagmamahal kay Hesus nang higit pa sa iyong pagmamahal sa Kanya. Pinapalibutan ko ang aking sarili ng mga taong pumupukaw sa akin na mahalin si Hesus. Kailangan natin ang isa’t isa upang panatilihing buhay ang alab ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga puso.
Bueno, ang pakikipagtulungan sa Shalom World ay isang laya at pagkakataon na ituro ang Ebanghelyo at ipalaganap pa ito. Sa katapusan ng araw ito ang aking hangarin at tanging pag-asa—ang bigyang luwalhati si Hesus at ibahagi ang Kanyang Salita at ang Kanyang katotohanan sa mundo.
Ang pagkikibahagi ng Salita at ng katotohanan ay hindi laging madali. Alam kong madaming tao ang gumagawa nito, ngunit pakiramdam ko ay isang laya at karangalan ang makipagtulungan sa Shalom World. Ito ay isang di kapani-paniwala at mahusay na plataporma upang ipamahagi ang Ebanghelyo sa mundo. Ako ay lubhang natutuwa sa aming nagawa, ngunit alam kong ang pinakamainam ay padating pa lang. Inaasam ko ang bagong programa na malapit nang ipalabas. Bibigyan kita ng kaunting paunang silip dito—Ito ay isang palabas na tumatalakay sa lahat ng mga pinagtatalunang paksa at kung ano ang sasabihin ng Simbahan sa mga usapin ng bading, pagkakaiba ng pagkatao , pagsusugal, digmaan, pornograpiya, tattoo at madami pang iba. . At hulaan mo kung ano?! Ang palabas ay itatala sa harap ng isang buhay na manonood sa studyo ng FRG ministro ! Kami ay nasasabik na dalhin ang bagong pakikipagtulungan na ito sa Shalom World.
Father Rob Galea is an ordained Catholic Priest and is currently serving in Sandhurst Diocese, Victoria after moving to Australia from Malta, his home country. He serves as an assistant parish priest, as well as the executive director of FRG Ministry. Fr Rob’s book “Breakthrough” will be released as a Hollywood movie in 2025. To watch ‘Wkly with Fr. Rob’ on Shalom World visit: shalomworld.org/show/wkly-with-fr-rob
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!