Recent Interviews
Isang Eksklusibong Panayam kay Antonia Salzano, ina ng Pinagpalang Carlo Acutis ni Graziano Marcheschi, ang Nag-aambag na Patnugot ng Shalom Tidings
Sa edad na pito ay isinulat niya, “Ang plano ko sa buhay ay maging palaging malapit kay Jesus.”
Pagsapit niya sa edad na labinlimang taong gulang, ay umuwi na siya sa Panginoon na kanyang minahal sa kanyang buong maikling buhay.
Sa pagitan, ay ang kahanga-hangang kuwento ng isang pambihirang ordinaryong batang lalaki.
Ordinaryo, dahil hindi siya isang namumukod tanging atleta, o isang guwapong bituin sa pelikula, o kahit na isang napakatalino na iskolar na nagtapos ng graduate school kung habang ang ibang mga bata ay nahihirapan sa junior-high. Mabait siyang bata, mabuting bata. Napaka-talino, para makasigurado: sa edad na siyam ay nagbasa siya ng mga aklat-aralin sa kolehiyo para turuan ang sarili ng computer programming. Ngunit hindi siya nanalo ng mga parangal, o nakaimpluwensya sa mga tao sa Twitter. Iilan sa labas ng kanyang sirkulo ang nakakaalam kung sino siya—isang nag-iisang anak, nakatira kasama ang kanyang mga magulang sa hilagang Italy, na nag-aaral, naglalaro ng isports, nasisiyahan sa kanyang mga kaibigan, at marunong humawak ng joystick.
Bilang isang musmos na bata umibig siya sa Diyos at mula noon, namuhay siya nang may iisang pokus, na may pagkagutom sa Diyos na kakaunti lamang ang naka kamit. At sa oras ng pag-alis niya sa mundong ito ay nakagawa na siya ng hindi maaalis na marka dito. Isang batang lalaki na laging nasa isang misyon, hindi siya nag-aksaya ng oras. Kapag hindi makita ng mga tao ang kanyang nakita, maging ang kanyang sariling ina, tinutulungan niya silang imulat ang kanilang mga mata.
Sa pamamagitan ng Zoom, kinapanayam ko ang kanyang ina, na si Antonia Salzano, at hiniling ko sa kanya na ipaliwanag ang kanyang pagkagutom sa Diyos, na kahit si Pope Francis ay inilarawan bilang isang “maagang umunlad na pagkagutom”?
“Ito ay isang misteryo para sa akin,” sabi niya. “Ngunit maraming mga santo ang may espesyal na kaugnayan sa Diyos mula sa murang edad, kahit na ang kanilang pamilya ay hindi relihiyoso.” Ang ina ni Carlo ay hayagang nagsalita tungkol sa pagdalo sa Misa ng tatlong beses lamang sa kanyang buhay bago siya sinimulang hilahin ni Carlo doon noong siya ay tatlo at kalahati pa lang. Anak ng isang tagapaglathala, naimpluwensyahan siya ng mga artista, manunulat, at mamamahayag, hindi ng mga papa o mga santo. Wala siyang interes sa mga bagay ng pananampalataya at ngayon ay sinasabi na siya ay nakatakdang maging isang “kambing” sa halip na isang “tupa.” Ngunit dumating ang kahanga-hangang batang ito na “laging nangunguna—nagsalita siya ng kanyang unang salita ng siya ay tatlong buwan, nagsimulang magsalita ng siya ay limang buwan, at nagsimulang magsulat sa edad na apat.” At sa usapin ng pananampalataya, nauuna siya kahit sa karamihan ng mga nasa hustong gulang.
Sa edad na tatlo, nagsimula siyang magtanong ng mga katanungan na hindi kayang sagutin ng kanyang ina—maraming tanong tungkol sa mga Sakramento, Banal Na Trinidad, Orihinal na kasalanan, at Pagkabuhay. “Nagdulot ito ng isang pakikibaka sa akin,” sabi ni Antonia, “dahil ako mismo ay ignorante bilang isa sa tatlong anak.” Mas nasasagot ng Polish niyang yaya ang mga tanong ni Carlo at madalas siyang kausapin tungkol sa mga bagay ng pananampalataya. Ngunit ang kawalan ko ng kakayahan bilang kanyang ina na sagutin ang kanyang mga tanong, sabi niya, “nabawasan ang aking awtoridad bilang isang magulang.” Nais ni Carlo na makibahagi sa mga debosyon na hindi pa niya nagagawa—paggalang sa mga santo, paglalagay ng mga bulaklak sa harapan ng Mahal na Birhen, paggugol ng maraming oras sa simbahan sa harapan ng krus at tabernakulo.” Nalilito siya kung paano niya haharapin ang maagang maunlad na espirituwalidad ng kanyang anak.
Ang hindi inaasahang pagkamatay ng kanyang ama mula sa isang atake sa puso ay umakay kay Antonia na magsimulang magtanong ng kanyang sariling mga katanungan tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Pagkatapos, si Padre Ilio, isang matandang banal na pari na kilala bilang Padre Pio ng Bologna, na nakilala niya sa pamamagitan ng isang kaibigan, ay siyang nag-ayos sa kanya sa isang paglalakbay sa pananampalataya kung saan si Carlo ang magiging pangunahing gabay niya. Pagkatapos niyang sabihin sa kanya ang lahat ng kanyang mga kasalanan sa kanyang buhay bago niya ikinumpisal ang mga ito, ipinropesiya ni Padre Ilio na may espesyal na misyon si Carlo na magiging malaking kahalagahan para sa Simbahan.
Nang maglaon, nagsimula siyang mag-aral ng Teolohiya, ngunit si Carlo ang binibigyang kredito niya sa kanyang “pagbabalik-loob,” na tinawag niyang “kaniyang tagapagligtas.” Dahil kay Carlo, pinahalagahan niya ang milagrong nagaganap sa bawat Banal na Misa. Sa pamamagitan ni Carlo ay naintindihan ko na ang tinapay at alak ay nagiging totoong presensya ng Diyos kasama natin. Ito ay isang kamangha-manghang pagtuklas para sa akin, “sabi niya. Ang kanyang pagmamahal sa Diyos at pagpapahalaga sa Eukaristiya ay hindi isang bagay na itinago ng batang si Carlo sa kanyang sarili. “Ang pagiging espesyal ni Carlo ay ang pagiging saksi,” sabi niya, “… lagi siyang masaya, laging nakangiti, hindi kailanman naging malungkot. ‘Ang Kalungkutan ay ang pagtingin patungo sa iyong sarili;’ Sabi ni Carlo , ‘ang kaligayahan ay pagtingin palabas patungo sa Diyos.’” Nakita ni Carlo ang Diyos sa kanyang mga kaklase at lahat ng nakilala niya. “Dahil alam niya ang presensyang ito, pinatotohanan niya ang presensyang ito,” sabi niya.
Sa pagtanggap ni Carlo araw-araw ng Eukaristiya at banal na Pagsamba, hinanap ni Carlo ang mga walang tirahan, dinadalahan niya sila ng mga kumot at pagkain. Ipinagtatanggol niya ang mga kaklase na binu-bully at tinutulungan niya ang mga nangangailangan ng tulong sa takdang-aralin. Ang isang layunin niya ay “magsalita tungkol sa Diyos at tulungan ang iba pa na mapalapit sa Diyos.”
Marahil dahil naramdaman niyang maikli lang ang kanyang buhay, ginamit ni Carlo ang oras ng mabuti. “Nang dumating si Jesus,” komento ni Antonia, “ipinakita niya sa atin kung paano huwag mag-aksaya ng oras. Ang bawat segundo ng kanyang buhay ay pagluwalhati sa Diyos.” Naunawaan itong mabuti ni Carlo at binigyang-diin ang kahalagahan ng pamumuhay sa ngayon. Samantalahin ang araw!,” ang himok niya, “sapagkat ang bawat minutong nasayang ay isang minutong kakulangan para luwalhatiin ang Diyos.” Kaya naman nilimitahan ng teenager na ito ang kanyang sarili sa paglalaro ng isang oras lamang na video game bawat linggo!
Ang atraksiyon ng karamihan na nakabasa tungkol sa kanya ay agad na naramdaman ang paglalarawan tungkol sa buong buhay ni Carlo. “Mula noong bata pa siya, natural na naaakit sa kanya ang mga tao—hindi dahil siya ay isang batang may kulay asul na mata, kung hindi dahil sa kung ano ang nasa loob,” sabi ng kanyang ina. “Mayroon siyang paraan upang kumonekta sa mga tao na hindi pangkaraniwan.”
Kahit sa paaralan siya ay minamahal. “Napansin ito ng mga amang Heswita,” sabi niya. Ang kanyang mga kaklase ay mapagkumpitensyang mga bata mula sa matataas na klase, na nakatuon sa nagawa at tagumpay. “Natural, maraming selosan sa pagitan ng mga magka-kaklase, pero kay Carlo hindi ito nangyari. Tinunaw niya ang mga bagay na iyon tulad ng mahika; dahil sa kanyang ngiti at kadalisayan ng puso ay nalampasan niya ang lahat. May kakayahan siyang pasiglahin ang mga puso ng mga tao, upang painitin ang kanilang malamig na puso.”
“Ang sikreto niya ay si Hesus. Punong-puno siya ni Hesus—araw-araw na Misa, Adorasyon bago o pagkatapos ng misa, debosyon sa Kalinis-linisang Puso ni Maria—na namuhay siya kasama si Hesus, para kay Hesus, at kay Hesus.
“Talagang nadama ni Carlo ang presensya ng Diyos sa kanyang buhay,” sabi ng kanyang ina, “at lubos nitong binago ang pagtingin ng mga tao sa kanya. Naiintindihan nila na may kung anong espesyal dito.”
Ang mga estranghero, mga guro, mga kaklase, isang banal na pari, lahat ay kumilala na may kung anong kakaiba sa batang ito. At ang katangi-tanging iyon ay higit na nakita sa kanyang pagmamahal sa Eukaristiya. “Habang mas tumatanggap tayo ng Eukaristiya,” sabi niya, “mas magiging katulad tayo ni Hesus, upang sa lupa pa lamang ay magkaroon na tayo ng patikim ng Langit.” Buong buhay niya ay nakatingin siya sa Langit at ang Eukaristiya ang kanyang “kalsada patungo sa langit… ang pinaka supernatural na bagay na meron tayo,” sinasabi niya. Mula kay Carlo, nalaman ni Antonia na ang Eukaristiya ay espirituwal na pagkain na tumutulong upang madagdagan ang ating kakayahang mahalin ang Diyos at kapwa—at lumago sa kabanalan. Ang laging sinasabi ni Carlo noon ay “kapag nakaharap tayo sa Araw ay namumula tayo, ngunit kapag tayo ay nakatayo sa harap ni Hesus sa Eukaristiya tayo ay nagiging mga banal.”
Isa sa mga pinakakilalang nagawa ni Carlo ay ang kanyang website na nagsasalaysay ng mga milagro sa Eukaristiya sa buong kasaysayan. Ang isang exhibit na binuo mula sa website ay patuloy na naglalakbay sa mundo mula sa Europa hanggang Japan, mula sa US hanggang China. Bukod sa kahanga-hangang bilang ng mga bisita sa eksibit, maraming mga himala ang naidokumento, kahit na hindi kasing halaga sa marami nitong naibalik sa mga Sakramento at sa Eukaristiya.
Si Carlo ay pinagkalooban at ang kanyang kanonisasyon ay tiyak na, habang hinihintay ang pagpapatunay ng pangalawang himala. Ngunit mabilis na ipinunto ni Antonia na si Carlo ay hindi magiging kanonisado dahil sa mga himala kundi dahil sa kanyang Banal na buhay. Ang kabanalan ay natutukoy sa pamamagitan ng pagsaksi sa buhay ng isang tao, sa kung gaano nila ipinamuhay ang mga birtud—pananampalataya, pag-asa, pag-ibig sa kapwa-tao, kabaitan, katarungan, pagtitimpi, at katatagan ng loob. “Isabuhay ang mga birtud nang buong kabayanihan”—na ang Katesismo ng Katolikong Simbahan ay tumutukoy bilang ‘isang nakagawian at matatag na disposisyon na gumawa ng mabuti’—ay siyang gumagawa ng mga santo.”
At iyon mismo ang pinagsikapang gawin ni Carlo. Siya ay madalas na madaldal, kaya nagsumikap siya na hindi gaanong magsalita. Kung napapansin niya ang kanyang sarili na labis na nagpapakasasa, sisikapin niyang kumain ng mas kaunti. Gabi-gabi, sinusuri niya ang kanyang konsensya tungkol sa kanyang pakikitungo sa mga kaibigan, mga guro, mga magulang. “Naunawaan niya,” sabi ng kanyang ina, “na ang pagbabalik-loob ay hindi isang proseso ng pagdaragdag, kundi ng pagbabawas.” Isang malalim na pananaw para sa isang napakabata. At kaya nagsumikap si Carlo na alisin sa kanyang buhay ang bawat bakas ng maliliit na kasalanan. “Hindi ako, kundi ang Diyos,” ang sinasabi niya. “Kailangang mabawasan ko ang pagkamakasarili para makapag-iwan ako ng mas maraming puwang para sa Diyos.”
Ang pagsisikap na ito ay nagpabatid sa kanya na ang pinakamalaking labanan ay nasa ating sarili. Ang isa sa kanyang pinakakilalang sipi ay nagtatanong, “Ano ang kahalagahan kung manalo ka sa isang libong laban kung hindi ka mananalo laban sa sarili mong mga tiwaling hilig?” Ang pagsusumikap na paglabanan ang mga depekto“ na nagpapahina sa atin sa espirituwal,” sunod ni Antonia, “ay ang puso ng kabanalan.” Bata pa man siya, alam ni Carlo na ang kabanalan ay nakasalalay “sa ating mga pagsisikap na labanan ang mga tiwaling hilig na nasa loob natin dahil sa Orihinal Sin.”
Siyempre, ang pagkawala ng kanyang nag-iisang anak ay isang malaking krus para kay Antonia. Ngunit sa kabutihang palad, sa oras na mamatay siya, natagpuan na niya ang kanyang daan pabalik sa kanyang pananampalataya at nalaman na “ang kamatayan ay isang daanan sa totoong buhay.” Sa kabila ng dagok ng pagkaalam na mawawala sa kanya si Carlo, noong nasa ospital siya, ang mga salitang umalingawngaw sa kanyang kalooban ay yaong mula sa Aklat ni Job: “Si Yahweh ang nagbibigay, Siya rin ang kukuha. Purihin si Yahweh!.” ( Job 1:21 ).
Pagkatapos ng kanyang kamatayan, natuklasan ni Antonia ang isang video na ginawa ni Carlo tungkol sa kanyang sarili sa kanyang Kompyuter. Bagama’t wala siyang alam sa kanyang leukemia noon, sinabi niya sa video na kapag bumaba ang kanyang timbang sa pitumpung kilo, mamamatay siya. Kahit papaano, alam niya. Gayunpaman, nakangiti siya at nakatingin sa langit habang nakataas ang mga braso. Sa ospital, pinabulaanan ng kanyang kagalakan at kapayapaan ang isang nakagigimbal na pananaw: “Tandaan,” sinabi niya sa kanyang ina, “Hindi ako aalis sa ospital na ito nang buhay, ngunit bibigyan kita ng maraming, maraming palatandaan.”
At ang mga senyales na ibinigay niya—isang babaeng nagdasal kay Carlo sa kanyang libing ay gumaling sa breast cancer nang walang kemoterapyai. Isang 44-anyos na babae na hindi pa nagkakaroon ng anak ang nanalangin sa libing at pagkaraan ng isang buwan ay nagbuntis. Maraming pagbabalik-loob ang naganap, ngunit marahil ang pinaka-espesyal na himala “ay ang para sa ina,” sabi ni Antonia. Sa loob ng maraming taon pagkatapos ng kapanganakan ni Carlo, sinubukan ni Antonia na magbuntis uli upang magkaroon pa ng ibang mga anak ngunit hindi ito nagtagumpay. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, si Carlo ay dumalaw sa kanya sa isang panaginip na nagsasabi sa kanya na siya ay magiging isang nanay uli. Sa edad na 44, sa ika-apat na anibersaryo ng kamatayan ni carlo, ipinanganak niya ang kambal—sina Francesca at Michele. Tulad ng kanilang kapatid, parehong dumadalo sa Misa araw-araw at nagdadasal ng Rosaryo, at umaasa na balang araw ay matulungan nila ang misyon ng kanilang kapatid.
Nang tanungin ng kanyang mga doktor kung may masakit ba sa kaniya, sumagot si Carlo na “may mga taong mas naghihirap kaysa sa akin. Iniaalay ko ang aking pagdurusa para sa Panginoon, sa Papa (Benedict XVI), at sa Simbahan.” Namatay si Carlo tatlong araw pagkatapos ng kanyang pagsusuri. Sa kanyang huling mga salita, sinabi ni Carlo na “Mamamatay ako na masaya dahil hindi ako gumugol ng anumang minuto ng aking buhay sa mga bagay na hindi mahal ng Diyos.”
Naturalmente, nananabik sa pagaalaala ni Antonia ang kanyang anak. “Nararamdaman ko ang pagkawala ni Carlo,” ang sabi niya, “pero sa ilang mga paraan, nararamdaman kong mas naririto si Carlo kaysa dati. Nararamdaman ko siya sa isang espesyal na paraan—sa espirituwal. At ramdam ko din ang inspirasyon niya. Nakikita ko ang bungang dulot ng kanyang halimbawa sa mga kabataan. Ito ay isang malaking kasiyahan para sa akin. Sa pamamagitan ni Carlo, ang Diyos ay lumilikha ng isang obra maestra at ito ay napakahalaga, lalo na sa madilim na mga panahong ito na ang pananampalataya ng mga tao ay napakahina, at ang Diyos ay tila hindi kailangan sa ating buhay. Sa tingin ko, napakahusay ng mga ginawa ni Carlo.”
Graziano Marcheschi serves as the Senior Programming Consultant for Shalom World. He speaks nationally and internationally on topics of liturgy and the arts, scripture, spirituality, and lay ecclesial ministry. Graziano and his wife Nancy are blessed with two daughters, a son, and three grandchildren and live in Chicago.
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!