Home / Interview

Oct 17, 2023 231 0 Stephanie Gray

BUKOD TANGING PANAYAM: ANG PAGMAMAHAL AY NAGPAPALAYA NG BUHAY!

Kilalanin ang viral na mananalumpati ng Google na si Stephanie Gray habang ibinabahagi niya ang kanyang karanasan bilang isang maka-buhay na aktibista at tagapagsalita.

Kapwa aktibo ang aking mga magulang sa maka-buhay na galawant.  Ang aking ina, isang nars, ay nagboluntaryo sa isang klinika ng pangangalaga sa pagdadalan-tao.  Kaya, nang ako ay maliit pa, pinaglaruan ko ang mga modelo ng fetus at nagkrokis, habang ang aking ina ay nagpapayo.  Sumasama ako sa ospital kapag siya ay nagpunta upang bigyan sila ng post-natal support.  Sinamahan din namin sila sa mga komperensya, martsa, at protesta sa isang lokal na klinika sa pagpapalaglag.  Iyon ang naglatag ng pundasyon ng isang malalim na paniniwala tungkol sa kakilabutan ng aborsyon at ang pangangailangang magsalita laban dito.

Sa pamantasan, dumalo ako sa isang maka-buhay na pagpupulong kung saan ang Amerikanong mananalita na si Scott Klusendorf ay nagturo sa amin ng pag paliwanag ng maging maka buhay; hindi lamang kung bakit tayo maka-buhay, kundi, kung paano ito maipahayag sa magandang paraan para mapasang-ayon ang mga taong hindi sumusunod sa ating mga paniniwala, gamit ang agham at pilosopiya.  Nagulat ako sa pagiging makatwiran ng kanyang mensahe at ninais kong ituro sa iba.  May sinabi si Scott nang katapusan ng linggong iyon na nanatili sa akin: “Mas higit ang mga taong magdamagang kumikilos para pumatay ng mga sanggol kaysa magdamagang kumikilos para iligtas sila.”

Nagbigay siya ng isang seminar na nagpapayo sa amin kung paano itaguyod ang aming mga sarili upang makagawa kami ng pro-life work nang buong maghapon. Nang malaman na namin kung paano makalikom ng pondo, sinimulan namin ang isang samahan na magpadala ng mga full-time na manggagawa at volunteers upang direktang maibahagi ang kultura sa mga mataas na paaralan, pamantassn, at maging sa mga pampublikong lansangan.

Ang mensahe ng maka-buhay ay napakahalaga sapagkat tinataguyod nito ang pangunahing selula ng lipunan—ang pamilya.  Nagtatanggol kami para sa mga pinaka-mahina sa amin—mga bata na hindi pa naisilang, mga may kapansanan, at mga mahihina at matatanda—na siyang nanganganib dahil sa pagkawasak ng mga pamilya.  Sanhi nito, ang kawalan ng paggalang at pagtangkilik para sa maliliit na bata, ina, pag-aasawa, at matatanda ay sumisira sa ugnayan ng pamilya.  Kailangan nating buuin muli ang mga pamilya dahil ang matatag na pamilya ay maaaring magbigay ng aruga para sa mga pinaka-mahina at yakapin ang buhay.

Hindi tayo dapat magulat na ang pagpatay dahil sa awa at tinulungang pagpapakamatay ay tinatanggap na, dahil ang pagsang-ayon sa pagpapalaglag ay nagturo sa lipunan na ang isang taong nangangailanga ay humahadlang sa iyong daan ay walang halaga.  Kung maaalis ng mga magulang ang isang nangangailangang sanggol na di pa isinilang, ang iba nilang anak ay maaaring maglapat ng parehong kaisipan kapag ang kanilang mga magulang ay tumanda at naghikahos.

Kailangan nating salakayin ang hinagap na ang buhay ng tao ang sagabal at kalabisan.  Tiyak, alam natin na ang Diyos ay maawain.  Anuman ang mga pinili nating gawin, kayang tubusin ng Diyos.  Nag-aalok ang Diyos ng kapatawaran at pagpapagaling kapag nagsisi tayo, ngunit may mga kahihinatnan pa din ang mga pagpapasiyang ginawa natin.  Ang mas umiiral na tinulungang- pagpapakamatay at pagpatay dahil sa awa ay isa sa masasamang bunga ng isang saling-angkan na natutunan na ayos lang na patayin ang ating mga kamag-anak.

Kapangyarihan ng Pagpili ng Buhay

Ang mga maka- buhay ay madalas na nagtatanong tungkol sa paggamit ng paglaglag sa kaso ng pagdadalantao na kinalabassn ng panghahalay o pag papadami.  Ang ating unang tugon ay kailangang habag at pakikiramay sa mga biktima ng sekswal na pag-atake.  Mayroon akong ilang mga kaibigan na nabiktima sa ganoong paraan, at dapat nating kilalanin na sila ay naging biktima ng kawalang-katarungan, ng kasamaan.  Walang mga salita upang ilarawan kung gaano karumaldumal ang pagkilos na iyon, at ang mga biktima ay kailangang makatanggap ng habag at kalinga.  Ngunit kailangan din nating itanong:  “Maaalis ba ng pagpalaglag ang panggagahasa sa biktima ng panghahalay?  Maaalis ba nito ang paghihirap na nangyari?” Sa totoo lang, hindi.  Hindi nito maaalis ang naunang paghihirap.  Kaya naman: “Makatarungan bang bigyan ng parusang kamatayan ang isang inosenteng bata?”  Kahit na ang nagkasalang partido ay hindi nakakatanggap ng kaparusahang iyon, kahit na sa mga estado kung saan ligal ang parusang kamatayan.  Ang posibilidad ng parusang kamatayan ay para sa isang taong nakagawa ng pagpatay, hindi panghahalay lamang.  Kaya pinag-uusapan natin ang pagbibigay ng kaparusahan sa isa sa mga inosenteng partido—ang batang di pa sinilang—na hindi man lang naipataw sa may sala.

Makakatulong din na ibahagi ang mga kuwento ng mga kababaihan na naging biktima ng sekswal na pag-atake at nagpasyang ipagpatuloy ang pagdadalantao.  Sa gulang na 12, si Lianna Rebolledo ay kinidnap at brutal na pinagsamantalahan nang ilang araw.  Nang matuklasan ng mga doktor na siya ay nagdadalantao, inalok nila siya ng pagpapalaglag.  Kapansin-pansin, si Lianna, sa murang gulang na iyon, ay may malalim na tanong sa doktor.  Tinanong niya: “Kung magpapalaglag ako, aalisin ba nito ang lahat ng masasamang damdamin?  Magiging malinis ba ang pakiramdam ko?”  Kailangang sagutin iyon ng doktor sa teknikal na paraan, hindi iyon gagawin ng pagpapalaglag.  Nang maglaon ay sinabi ni Lianna: “Hindi ko makita ang punto.  Ang alam ko lang ay may buhay sa loob ko at kailangan ako ng buhay na iyon, at kailangan ko siya.”  Kaya, hindi lamang niya ipinagpatuloy ang kanyang pagdadalantao hanggang sa kabuuan, pinalaki niya ang kanyang anak na babae.  Tunay na siya’y lumaki kasama ang kanyang anak, at ang kanyang anak ay naging matalik niyang kaibigan.  Si Lianna ay nagtatalumpati tungkol sa kapangyarihan ng pagpili ng buhay sa isang napakadilim na oras, at madami pang ibang mga kuwentong tulad niyan.

Sa kabaligtadan, ang aking kaibigan, si Nicole Cooley, ay nagpalaglag nang siya’y magdalantao matapos na siya ay pagsamantalahan.  Sinabi niya sa akin na, “Mas mahirap magpahilom sa pagpapalaglag kaysa sa pagsamantalahan dahil pinili ko ang pagpapalaglag, hindi ko pinili ang pagsamantalahan.”  Dahil ang mga biktima ng pagsasamantala ay madalas na namimighati, hindi sila masisisi sa mga pagpili ng kanilang ginagawa sa gayong kalagayan.  Ngunit tayong mga hindi namighati, na nasa labas na mga partidong tumutulong sa biktima, ay may pananagutan na maging tinig ng katwiran, hindi pumipilit sa kanilang magpalaglag, kundi gabayan sila sa isang pagpapasiya na hindi lamang tama sa panandalian kundi maging sa pangmatagalan.

Pagkatao

Ang paksa ng pagkatao ay napakalaki sa pakikipagtalo tungkol sa pagpapalaglag at kadalasang hinahalo sa simuno kung kailan magsisimula ang buhay.  Ang katawagang “tao” ay isang pang-agham na tanong, isang bagay na maaari nating matukoy sa biyolohikal na paraan gamit ang isang genetic na pagsusuri.  Ngunit ang katawagang “tao” ay hindi isang paksang pang-agham.  Masasabi kong ito ay isang pilosopikal o isang ligal na termino, at sa buong kasaysayan ng nakalipas, ang kahulugan nito ay nagbago.  May mga panahon na may ilang mga tao na hindi tinuring na ang mga babae o mga itim na tao ay mga tao.  Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi itinuring ng mga Nazi ang mga Hudyo bilang mga tao.  Kapag ang isang mas makapangyarihang grupo sa lipunan ay nagnanais na pagsamantalahan o paalisin ang isa pang grupo, sila ay hindi makatarungang pinagkakaitan ng mga pangunahing karapatang pantao dahil sila ay hindi tao dahil sa ilang walang kinalaman na katangian—etnisidad, kulay ng balat, kasarian, o gulang.

Kadalasang pinagtatalunan nila na ang hindi pa sinisilang na bata sa pagpapabunga ay hindi “nagtataglay ng katuwiran, kaalaman o ng kamalayan sa sarili,” ayon sa saligan na anghindi pa sinisilang na bata ay walang utak, na siyang bahagi na kailangan natin upang maging makatuwiran, may kaalaman, at may kamalayan sa sarili.  Ang utak ng hindi pa sinisilang na bata ay nabubuo sa tatlong bahagi nito sa ikaapat na linggo (mula sa paglilihi) at patuloy na sumisibol kahit matapos nang maisilang.  Ang hindi pa naisisilang na bata ng mga taong magulang ay buhay na tao, at kung sa tingin mo ang hindi pa naisisilang na bata ay hindi isang tao dahil hindi siya nagtataglay ng katuwiran, kaalaman, o kamalayan sa sarili, iyon ay dahil sa kung gaano siya katanda.

Kung kaya, dapat bang maging batayan ang katawagang “tao” sa pagiging pantao, o dapat ba itong maging batayan sa pagiging isang naturang edad?  Kung sasabihin nating dapat itong batayan sa pagiging nasa isang naturang edad, paano ito naiiba sa pagsasabi na ang pagkatao ay dapat na batay sa iyong etnisidad, kulay ng balat, o kasarian?  Iyan ang lahat ng mga katangian na naglalarawan sa atin ngunit hindi tumutukoy sa ating karapatan sa buhay.  Ang ating karapatan sa buhay ay dapat batay sa pagiging tao, hindi kung gaano tayo katanda.

Mga Paamaraan ng Pag-uusap

Sa simula pa lang, nang matutunan ko ang mga pro-life apologetics, lahat ng ito ay tungkol sa pangangatwiran at pagtatalo, na mahalaga pa din, ngunit sa paglipas ng mga taon, nakilala ko ang madaming tao na nagbahagi ng madaming sakit—magmula sa mga mapang-abusong tahanan, mula sa matinding kahirapan…Nalaman ko na ang kanilang karanasan ay nakahikayat sa kanilang kahandaang pagtanggap sa mensahe ng pro-life.  Habang mas nadidinig ko ang mga masasakit nilang personal na kwento, mas napagtanto ko na hindi lang ito isang bagay ng pangangatwiran.  Ito ay tungkol sa tunay na pakikinig sa pananaw ng isang tao, at mapang-unawang maipahatid ang pakikiramay sa kanila.  Kahit na ipasantabi ang pangangatwiran at maupo na lang sa kanilang pagdurusa, magsikap na unawain, tulad ng sinasabi ng panalangin ni San Francisco.

Habang ginagawa ko iyon, mas handa akong ipasantabi ang mga pagtatalo na matagal na nating tinalakay at sabihin: “Ikinalulungkot ko ang pagdurusa na nadanasan mo.  Ano ang nais ng isang taong nakadanas ng ganoong sakit na maunawaan ng isang tulad ko?”  Yan ay maaaring magbigay daan sa mga tao na tumigil at mag-isip: “Ah, hindi ko alam. Ano ang nais kong maunawaan mo?”

Nagsimulang mapagtanto ko na hindi lamang ito tungkol sa pagkapanalo ng pagtatalo; ito ay tungkol sa pagpapanalo sa tao, pagbibigay sa kanila ng pakiramdam na ang pro-life movement ay hindi lamang ang tumayo na may kasamang mga paskil.  Sa likod ng mga paskil na iyon ay mga taong nagmamalasakit sa mga tao.  Pinapahalagahan natin ang taong nasa sinapupunan, ngunit nagmamalasakit din tayo sa taong nasa kabilang panig ng paskil—ang galit na tagataguyod ng paglalaglag na maaaring sumisigaw at nagmumura.  Kung masimulan nilang maramdaman na nagmamalasakit tayo sa kanila, na nananatiling mahabagin kahit na sila ay malupit o galit, ang saksing iyon lamang ay magkakaroon ng matinding epekto.  Sa paglipas ng mga taon, nakita ko na kailangan nating ihanda ang ating sarili nang may kapwa malakas na pag-iisip at magiliw na puso.  Doon din nanggagaling ang saligan ng aking ministeryo, “Ang Pagmamahal Ay Nagpapalaya Ng Buhay!.”  Kung ang mga tao ay nakakadanas ng tunay na pag-ibig, iyon ay magpapalaya ng buhay sa loob nila at ganun din ay magliligtas ng mga buhay sa isang napa makatotohanang paraan.

Ang Nagagawa ng Pananampalataya

Karaniwang gumagamit ako ng mga di-relihiyosong argumento na tumitingin sa mga isyu mula sa pananaw ng karapatang pantao.  Kung naniniwala tayong pantay-pantay ang lahat ng tao, kung naniniwala tayong lahat ay may karapatang mabuhay, kung gayon, relihiyoso man o hindi ang isang tao, maaari silang makumbinsi gamit ang agham, pilosopiya, at karapatang pantao na ang preborn na sanggol ay tao at samakatuwid ay may karapatan sa buhay tulad ng mayroon ka o ako.

Sa nasabing iyan, ang pananampalataya kay Hesukristo at sa Kanyang Simbahan ay nasa pinakapuso ng aking sistema ng paniniwala.  Maging tapat tayo sa ating Lumikha at kung paano Niya tayo nilikha.  Mag-isip ng isang magandang burda na larawan.  Sa kabila, ang makikita mo lang ay isang bungkos ng mga buhol.  Ganyan tayo; nakikita natin ang likuran at hindi ang malaking larawan.  Magtiwala na nakikita Niya ang buong larawan at magpasakop sa Kanyang kautusan.

Napakapalad ko na pinalaki sa isang masayang tahanan ng mga magulang na kapwa debotong Katoliko.  Itinuro nila sa amin ang mga doktrina ng pananampalataya ngunit tinulungan din kaming magkaroon ng personal na kaugnayan kay Cristo at sa Kanyang Simbahan.  Lalong lumalim iyon noong nasa unibersidad na ako dahil naging pasya ko na magsimba, o hindi.  Sa awa ng Diyos, nagpatuloy akong magtungo at hanapin ang mga tugon sa anumang tanong ko.

Ang pundasyong iyon ay nakatulong sa aking pro-life work, na nagbibigay sa akin ng paninindigan na magpatuloy kapag ako ay napapagod at nais sumuko.  Ito ay hindi tungkol sa akin o sa ilang humanist na dahilan; ito ay para sa Lumikha na itayo ang Kanyang kaharian sa lupa.  Ang pagkakaroon ng espirituwal na direksyon at suporta at pag-aalaga ng mga Sakramento ay naging instrumento sa pagpapahintulot sa aking trabaho na magbunga.

Stephanie Gray

Stephanie Gray is an international pro-life presenter from Vancouver, Canada. To know more about her visit: loveunleasheslife.com.

Share: