Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 19, 2023 478 0 Connie Beckman
Makatawag ng Pansin

IMPOSIBLE GINAWANG POSIBLE

Ang iyo bang mga pakikibaka ay tila walang katapusan? Kapag ang desperasyon ay kumakapit sa iyong puso, ano ang iyong ginagawa?

Nakaupo ako sa isang sobrang laking upuan na pinipiga ang mga kamay ko at hinihintay ang Sikologo na pumasok sa kwarto. Gusto kong bumangon at tumakbo. Binati ako ng Sikologo, nagtanong ng ilang pangunahing katanungan, at pagkatapos ay nagsimula ang sesyon ng pagpapayo. May hawak siyang tableta at panulat. Sa tuwing may sasabihin ako o gumagawa ng mga senyales gamit ang mga kamay ko, nagsusulat siya ng mga tala sa tableta. Pagkaraan ng maikling panahon, alam ko mula sa kaibuturan ng aking puso na malalaman niyang wala ng magagawang tulong para sa akin.

Natapos ang miting na may kasamang mungkahi na uminom ako ng mga pampakalma para matulungan akong makayanan ang kaguluhan ng buhay ko. Sinabi ko sa kanya na pag-iisipan ko ito; ngunit sa kaooban ko alam kong hindi iyon solusyon.

Desperado at Nalulumgkot

Sa mesa ng resepsyonista para magpa iskedyul ng isa pang tipanan, nag-pasikot-sikot ako sa resepsyonista tungkol sa gulo ng buhay ko. Mabait siyang nakikinig at nagtanong kung naisipan kong pumunta sa isang pulong ng Al-Anon. Ipinaliwanag niya na ang Al-Anon ay para sa mga miyembro ng pamilya na ang buhay ay apektado ng alkoholismo ng isang tao. Iniabot niya sa akin ang isang pangalan at numero ng telepono at sinabi sa akin na dadalhin ako ng babaeng Al-Anon na ito sa isang pulong.

Sa aking sasakyan, kasabay ng pag-agos ng aking mga luha sa aking mga pisngi, tinitigan ko ang pangalan at numero ng telepono. Samantalang walang nakuhang tulong mula sa sikologo, sa kaguluhan ng aking buhay, ako ay desperado na subukan ang anumang bagay. Napagpasyahan ko rin na ang sikologo ay nasuri na ako bilang wala ng magagawang tulong na  anumang bagay para sa akin maliban sa mga tabletas. Kaya, tinawagan ko ang babaeng Al-Anon. Iyon ang sandaling pumasok ang Diyos sa kaguluhan ng aking buhay, at nagsimula ang aking paglalakbay sa paggaling.

Masasabi kong ito ay maayos na paglalakbay pagkatapos simulan ang tulong sa 12-hakbang na programa ng Al-Anon, ngunit may mga matatarik na bundok at madilim, malungkot na mga lambak na tatahakin, bagama’t laging may sinag ng pag-asa.

Matapat akong dumalo sa dalawang pulong ng Al-Anon bawat linggo. Ang 12-hakbang na programa ng AL-Anon ay aking naging linya ng buhay. Nagbukas ako sa ibang mga miyembro. Unti unting pumasok sa buhay ko ang sinag ng araw. Nagsimula akong manalanging muli at magtiwala sa Diyos.

Pagkatapos ng dalawang taon ng mga pagpupulong sa Al-Anon, alam kong kailangan ko ng karagdagang propesyonal na tulong. Hinikayat ako ng isang mabait na kaibigang Al-Anon na pumasok sa isang 30-araw na programa sa paggamot sa pasyente sa loob.

Pagpapalaya

Dahil galit ako sa alak, ayaw kong makasama ang alinman sa mga “lasing” sa programang ito ng paggagamot. Sa masidhing panahon ng programa, talagang napapaligiran ako ng maraming alkoholiko at mga adik sa droga. Tila alam ng Diyos kung ano ang kailangan kong pagalingin: nagsimulang lumambot ang puso ko nang masaksihan ko ang personal na sakit ng mga kapwa ko adik at ang matinding sakit na idinulot nila sa kanilang mga pamilya.

Sa panahon ding ito ng pagsuko ko napagtanto ko ang sarili kong alkoholismo. Nalaman ko na uminom ako para matakpan ang sakit na nararamdaman ko. Napagtanto ko na ako rin ay inaabuso ang pag-inom ng alak at mas makakabuti kung ako ay tuluyang iiwas sa pag-inom. Sa buwang ding iyon, iniwan ko ang aking galit sa aking asawa at inilagay siya sa mga kamay ng Diyos. Pagkatapos kong gawin iyon, napatawad ko na rin siya.

Pagkatapos ng aking 30-araw na programa, sa awa ng Diyos, ang aking asawa ay pumasok din sa isang programa sa pagpapagamot para sa kanyang alkoholismo. Bumubuti ang kalagayan ng buhay para sa akin at sa aking asawa at sa aming dalawang tinedyer na lalaki. Nakabalik na rin kami sa Simbahang Katoliko at ang aming pagsasama ay gumagaling nang paisa-isa kada araw.

Makabagbag Damdaming Sakit

Pagkatapos, ang buhay ay nagdulot sa amin ng isang hindi maisip na dagok na dumurog sa aming mga puso sa isang milyong piraso-piraso. Ang aming labing pitong taong gulang na anak na lalaki at ang kanyang kaibigan ay namatay sa isang nakawiwindang na pagkawasak ng kotse. Ang aksidente ay sanhi ng sobrang bilis at pag-inom. Gulantang kami ng ilang linggo. Sa marahas na pagkuha sa amin ng aming anak, ang aming pamilya ng apat ay biglang nabawasan at naging tatlo. Kaming mag-asawa at ang aming 15-taong-gulang na anak na lalaki ay kumapit sa isa’t isa, sa aming mga kaibigan at sa aming pananampalataya. Ang pagtanggap nito nang paisa-isa ay higit pa sa kakayanan ko; Kinailangan kong tanggapin ito ng kada isang minuto, sa bawat isang oras sa bawat isang pagkakataon. Akala ko hindi na kami iiwan ng sakit.

Sa awa ng Diyos, pumasok kami sa mahabang panahon ng pagpapayo. Ang mabait at mapagmalasakit na tagapayo, batid na ang bawat miyembro ng pamilya ay humaharap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay sa kanilang sariling paraan at sa kanilang sariling panahon, ay nakipagtulungan sa bawat isa sa amin upang iproseso ang aming kalungkutan.

Makalipas ang ilang buwan pagkatapos ng kamatayan ng aking anak, ako ay nilamon pa rin ng galit at poot. Nakakatakot para sa akin na mapagtanto na ang aking mga emosyon ay sobrang hindi makontrol. Hindi ako galit sa Diyos sa pagkuha ng aking anak, ngunit sa aking anak dahil sa kanyang iresponsableng desisyon noong gabing siya ay namatay. Pinili niyang uminom ng alak at maging pasahero sa isang sasakyan na minamaneho ng isang nakainom din. Nagalit ako sa alak sa anumang anyo nito.

Isang araw sa aming lokal na supermerkado, nakita ko ang isang hanay ng beer na nakaladlad sa dulo ng isang pasilyo. Sa bawat pagdaan ko sa hanay ng beer na nakaladlad, nakakaramdam ako ng galit. Gusto kong gibain ang hanay ng nakaladlad na beer hanggang sa wala na ditong matira. Nagmamadali akong lumabas ng tindahan bago sumabog ang galit ko sa hindi mapigilang poot.

Ibinahagi ko ang kuwento sa aming tagapayo sa pamilya. Nag-alok siya na dalhin ako sa lugar ng pagbaril kung saan magagamit ko ang kanyang riple para itutok, barilin, at ubusin ang napakaraming walang laman na lata ng mga beer na kailangan kong barilin para ligtas na mailabas ko ang matinding galit na kumokontrol sa akin.

Pag-ibig na nakapagpapagaling

Subalit ang Diyos sa Kanyang walang katapusang karunungan ay may iba pang malumanay na plano para sa akin. Nagpahinga ako ng isang linggo sa trabaho at dumalo sa isang espirituwal na pagbabalik. Sa ikalawang araw ng pagbabalik, nakilahok ako sa isang panloob na pagpapagaling sa pamamagitan ng pagninilay kung saan inilarawan ko si Hesus, ang aking anak, at ako sa isang magandang hardin na napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak, masaganang berdeng damo, at magagandang puno na puno ng mahinang huni ng asul na mga ibon. Ito ay mapayapa at tahimik. Tuwang-tuwa ako na nasa piling ni Hesus at nayakap ang aking pinakamamahal na anak. Si Jesus, ang aking anak, at ako ay maluwag na naglalakad na magkahawak-kamay, tahimik na naramdaman ang isang napakalaking pagmamahal na dumadaloy sa pagitan namin.

Pagkatapos ng pagmumuni-muni, nakaramdam ako ng matinding kapayapaan. Hanggang sa pag-uwi ko mula sa pagbabalik ay saka ko napagtanto na nalusaw na ang aking galit at poot. Pinagaling ako ni Jesus sa aking hindi mapigil na galit at pinalitan ito ng pagbubuhos ng Kanyang biyaya. Sa halip na galit, tanging pagmamahal ang naramdaman ko sa aking pinakamamahal na anak. Nagpapasalamat ako sa pagmamahal, kagalakan, at kaligayahang ibinigay sa akin ng aking anak sa kanyang napakaikling buhay. Ang mabigat kong pasanin ay gumagaan na.

Kapag ang kalunos-lunos na kamatayan ay dumarating sa isang pamilya, ang bawat miyembro ay maaaring madaig ng kalungkutan. Ang pagpoproseso ng pagkawala ay mahirap, na kinakailangan natin na maglakad sa madilim na lambak. Ngunit ang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kamangha-manghang biyaya ay maaaring magbigay ng mga sikat ng araw at pag-asa pabalik sa ating buhay. Ang kalungkutan, na puspos ng pag-ibig ng Diyos ay binabago tayo mula sa loob palabas, na unti-unting nagiging mga taong may pagmamahal at pagkahabag.

Walang maliw na Pag-asa

Sa maraming taon ng pagharap sa mga epekto ng adiksyon at kabaliwan na dulot nito, kasama ng pagdadalamhati sa pagkamatay ng aking anak, kumapit ako kay Jesucristo, ang aking saligan, at ang aking kaligtasan.

Ang aming pagsasama ay lubhang nagdusa pagkatapos ng pagkamatay ng aming anak. Ngunit dahil sa biyaya ng Diyos at sa aming kagustuhang humingi ng tulong, patuloy kami, sa maliliit na hakbang sa bawat araw, sa pagmamahal at pagtanggap sa isa’t isa. Nangangailangan ito ng araw-araw na pagsuko, pagtitiwala, pagtanggap, panalangin at pagkapit sa pag-asa na mayroon tayo kay Hesukristo, ating Tagapagligtas, at ating Panginoon.

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang istorya para ikwento. Kadalasan ito ay isang kuwento ng dalamhati, hamon, at kalungkutan, na may halong saya, at pag-asa. Lahat tayo ay hinahanap ang Diyos, aminin man natin ito o hindi. Gaya ng sinabi ni San Agustin: “Ginawa Mo kami para sa Iyong Sarili, O Panginoon, at ang aming puso ay hindi mapakali hanggang sa ito ay mapanatag sa iyo.”

Sa paghahanap natin sa Diyos marami sa atin ang lumihis at napatungo sa madilim at malulungkot na mga lugar. Ang ilan sa atin ay umiwas sa mga paglihis at naghanap ng mas malalim na kaugnayan kay Jesus. Ngunit anuman ang iyong pinagdadaanan sa kasalukuyan ng iyong buhay, may pag-asa at paggaling. Sa bawat sandali ay hinahanap tayo ng Diyos. Ang kailangan lang nating gawin ay iabot ang ating kamay at hayaan Siyang kunin ito at pamunuan tayo.

“Kapag ikaw ay dumaan sa mga tubig, ako ay kasama mo; sa mga ilog, hindi ka matatangay. Kapag lumakad ka sa apoy, hindi ka masusunog, ni lalamunin man ng apoy. Ako, ang Panginoon, ang iyong Diyos, ang Banal ng Israel, ang iyong tagapagligtas.” Isaias 43:2-3

Share:

Connie Beckman

Connie Beckman is a member of the Catholic Writers Guild, who shares her love of God through her writings, and encourages spiritual growth by sharing her Catholic faith

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles