Home/Makatagpo/Article

Dec 24, 2022 406 0 Margaret Fitzsimmons
Makatagpo

IKAW AY WALANG KASINGHALAGA

Sa mga nagdaang taon, si Margaret Fitzsimmons ay tiniis ang sukdulang pasakit at kahihiyan hanggang narinig niya ang apat na mga salita na ibinago ang kanyang buhay magpakailanman.

Nasirang Kamusmusan

Ako’y dumating sa mundo sa taong 1945, noong ang digmaang-wasak na Alemanya ay nakikipaghamok sa napinsalang mga gusali at libu-libong mga tao na walang matirhan.  Ang aking ina ay ipinalaki ako bilang isang magulang at tumahak ng sunud-sunod na pakikipag-ugnayan.  Upang makabayad ng upa,  kailangan niyang gampanan ang mga karagdagang tungkulin tulad ng pagwawalis ng mga hagdan ng gusali na sa ilalim nito ay tinirhan namin, at ako’y paroroon na may pandakot upang tumulong.

Ang itinatangi kong naturing na ama ay isang pulis.  Sila’y nakapagbuntis sa pagsasama nila, ngunit ayaw ng inay ang bata, kaya siya’y kusang nagpalaglag, pagkatapos ay nilisan yaong samahan at nagsimulang mamasukan sa mga otel.  Habang si Mama ay nanunungkulan sa baba at nakikipag-inuman sa mga mananangkilik, ako’y nag-iisa sa silid-tulugan sa taas ng kisame.  Kung siya’y lasing, ang ina ko’y sumpungin at naghanap ng mali na walang katuturan kapag siya’y umuwi.  Laging iniwanan niya ako ng mahabang listahan, ngunit hindi ko ito nabuo sa kanyang kaluguran.  Naging masahol ang mga bagay at isang gabi ay humantong siya sa bilangguan matapos makipag-away sa bagong kasintahan ng pulis.

Mula Masama Patungong Higit na Masama

Pagkatapos na mangibangbansa ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki sa Ostralya, ang aking lolo ay inisip na mabuti kapag kapwa ang aking ina at tiyo ay nasa bansang yaon.  Kaya sinundan namin siya sa Ostralya noong 1957 at tumira kaming kasama siya nang maikling panahon.  Si Mama ay nakapaghanap-buhay bilang tagapagluto, at hinugasan ko ang lahat ng mga kaldero at mga kawali.  Kung nadakip niya akong hindi pinapagbuti ang aking gawain, hinahagisan niya ako ng mga bagay, tulad ng pang-ihaw na sambat.  Dahil ako’y labindalawang gulang pa lamang at madalas na nagkakamali, ako’y nagkaroon ng mga peklat sa buong katawan.  Kapag siya’y manhid sa panginginom, ito’y lumalala.  Sinimulan kong kamuhian siya.

Kami ay nakatira sa isang bahay-panuluyan sa panahong yaon, at siya’y nakipagkilala na sa maraming taong nagigiliwang magmaneho patungo sa kabukiran at magsisi-upo sa lilim ng mga puno upang mag-inuman.  Ako’y halos na nasa ikalabintatlong gulang noon, kaya ayaw niya akong iwanan na mag-isa sa bahay, ngunit siya’y pumaparoon sa talahiban at iiwanan akong nakaupo kasama ng kung sino man ang naroroon.  Isa sa mga yaong gabi, ginahasa ako ng mga magkakabarkada, ngunit ako’y napakatakót na ipaalam ito kay Mama.

Isa pang gabi, habang nagmamaneho sa daang-bayan, isang sasakyan ay paulit-ulit kaming nilalagpasan, at sa huli’y napahinto kami sa tabi.  Lumitaw na ito pala ay sikretang pulisya.  Dinala nila kami sa himpilan ng pulis at bawa’t-isa kaming tinanong.  Nang nalaman nilang ako’y napagsamantalahan, dumating ang isang manggagamot upang suriin ako.  Binigyan nila si Mama ng patawag ng hukom para sa isa o dalawang araw nang matapos ito.  Ngunit nang kami ay nakauwi, siya’y nagsimulang mag-impake at naabutan namin ang sumunod na tren paalis ng bayan.  Kami ay napadpad sa isang munting bayan na kung saan siya muling namasukan bilang tagapagluto, at ako’y naatasan bilang katulong.  Ito’y mahirap na buhay, ngunit natuto akong makaraos.

Gipit sa Pag-asa

Si Mama ay kumabit sa lalaking nagngangalang Wilson, at kami ay nanirahan na kasama siya.  Si Wilson ay nagmula na sa pagamutan ng may mga sakit sa isip matapos pumanaw ang unang asawa niya.  Malaot-madaling sinuhulan siya ni Mama, at nagsimula silang mag-away kapag lasing na sila.  Kinamuhian kong mamagitan sa kanilang awayan.  Nang si Mama ay nagbuntis, sinabi niya, “Dalhin natin ang sasakyan ni Wilson at pumaroon sa Sydney at magsimula ng bagong buhay.  Hindi ko talaga nais makasal o maisilang itong sanggol.”  Ako’y kinilabutan.  Sawa na akong mag-isa at nagnais na akong magkaroon ng lalaki o babaeng kapatid nitong mga taon.  Kaya ako’y pumunta at sinabihan si Wilson.  Matapos niyang harapin ang aking Mama, natuloy silang magpakasal, ngunit tinuring niya itong kagagawan ko.  Inatasan niya akong arugain ang bata pagkat ito’y hindi niya ninais.  Ang aking batang kapatid na babae ay ang aking mundo hanggang makilala ko si Tom.

Ako’y sawa na sa lahat ng mga bakbakan at pinangakuhan ako ni Tom na pakasalan pagkarating ko ng sapat na gulang.  Inakala kong ang buhay ay magiging masaya pagkaraan nito, ngunit  hindi. Ang ina ni Tom ay kaibig-ibig.  Talagang sinikap niya na pangalagaan ako, ngunit si Tom ay magpapakalasing, pagkatapos ay uuwi at pagmamalabisan ako.  Palagi siyang nalalasing at nasisibak sa bawa’t pinasukan na hanapbuhay, kaya kami’y parating lumilipat.  Kami ay nakasal, at ako’y nanalig na siya’y magpapakaayos at pakikitunguhan ako nang mabuti-buti, ngunit patuloy niya akong sinasaktan at ang pakikipagkalaguyo sa iba.  Minarapat kong takasan itong dusa, kaya ako’y nag-alsabalutan at lumipat sa Brisbane kung saa’y namasukan ako bilang tagapaghugas.

Isang malalim na gabi, nang ako’y nanaog mula sa bus, nakakita ako ng isang tao na nakatayo sa kabila ng daan.  Alam kong ito’y si Tom.  Bagama’t ako’y nangilabot, ako’y nanatiling malapit sa liwanag kung sakaling mag-akma siyang gumawa ng kaungasan.  Sinundan niya ako, sinabihan ko siya na ayaw kong makipagbalikan at nais kong makipaghiwalay.

Isang Bagong Simula

Nang ako’y nakauwi, inimpake ko ang mga bagahe.  Ako’y lumulan ng tren patungo sa Sydney, at sumakay ng bus palabas ng bayan.  Sa mga sumunod na mga buwan, ako’y nagkaroon ng mga masasamang panaginip na hinahabol niya ako.  Ako’y nagpatibay ng sarili at nakatagpo ng hanapbuhay bilang katulong sa ospital kung saa’y nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.  Mayroong isa pang dalagita na nahihirapan sa wikang Ingles na katulad ko sa maraming bagay.  Kami ay malugod na nagkakasundo at magkasama kaming nagsimula sa pag-aaral ng nursing, at namasukan kami sa ospital nang matapos ang pagsasanay.

Siya’y may kilalang lalaki na nasa Pambansang Paglilingkod ng sandatahang hukbo.  Nang inanyayahan niya ang lalaki sa isang sayawan, isinaayos niya ako sa isang blind date upang kami ay magkatagpo.  Hindi ko nahangaan ang pagtagpuan, ngunit ito’y isang paraan upang makalabas.  Isa sa mga tagapagtustos ng kakanin na kasapi sa hukbo ay nagsimulang bigyan ako ng pansin.  Inakala ko siyang higit na mainam sa blind date, kaya kami’y sumayaw nang iilang ulit at nagkaigihan.  Madalas kaming nakipagkita sa isa’t-isa,  ngunit pagkaraan ng iilang linggo sinabi sa akin ni Peter na siya’y ipadadala ng hukbo para sa pag-aaral ng abiyasyon.  Ako’y sukdulang nabalisa.

Nakapagbahagi na kami ng mga salaysayin sa isa’t-isa, kaya alam niya kung anong nagaganap, ngunit  hindi niya ako tinalikdan at patuloy siyang nakikipagbigay-alam.  Habang nakikilala ko nang lalo ang katauhan niya, lalo ko siyang kinagiliwan, ngunit hindi ko nais na muling magpakasal, pagkaraan ng unang kasawian.  Sa huli, pinakilala niya ako sa kanyang kamag-anakan, at nagkaroon kami ng kasunduan bago niya natapos ang kanyang pagsasanay.  Siya ay inilagay sa Townsville kung saan kami nanirahan ng dati ni Tom.  Bagama’t hindi ko nais na madalaw muli ang mga lagim ng nakaraan, hindi ako makatanggi kay Peter.  Nagsama kami ng halos   dalawang taon bago kami makasal na sang-ayon sa batas.  Si Peter ay napalaking Katoliko ngunit huminto sa pagsasabuhay nito gawa ng masidhing  pangkawal na pagsasanay, kaya kami ay ikinasal sa likod ng aming bakuran.

Mga Salitang Nakapagbago ng Lahat

Paminsan-minsan ay nalulungkot ako kapag si Peter ay napapalayo upang maglingkod sa pag-ayos ng mga elikoptero sa palapagan.  Ako ay nakahanap ng mapapasukan sa mataas na paaralan bilang kawani sa laboratoryo, ngunit napagtanto namin na mayroong isang bagay na nawawala sa aming buhay.  Mayroon kami ng lahat na kinakailangan, ngunit mayroon pa ring kawalan ng laman.  Iminungkahi ni Peter, “Pumunta tayo sa simbahan.”  Sa mga kauna-unahang ulit, kami ay umupo sa likod ng mga bangko, ngunit nang mabuksan ang aming mga puso sa piling ng Panginoon, kami ay lalong napasaloob.  Nakarinig kami ng Marriage Encounter sa katapusan ng linggo at nagpalista.  Ito ay tunay na pangmulat ng mga mata sa aming dalawa.  Ang mga puso namin ay nabigyang-sigla.

Sa katapusan ng yaong linggo, natutunan namin na makipag-usap sa paraan ng pagsusulat ng mga bagay.  Matagal ko nang hindi magawang mailagay ang aking nadama sa pananalita.  Si Mama ay palagi akong sinasabihan na tumahimik, kaya ako’y natutong hindi magsalita at magawang  ipamahagi ang aking mga damdamin.

Nang unang marinig ko ang mga salitang, “ang Diyos ay hindi lumilikha ng basura,” alam kong yaong mga salita ay nauukol sa akin.  Isang alon ng damdamin ang gumapi sa akin.  ‘Ako’y ginawa ng Diyos.  Ako’y maayos. Ako’y hindi basura.’   Lahat ng yaong mga taon, pinupulaan ko ang aking sarili, sinisisi ang aking sarili sa mga masasamang bagay na nangyari—ang pagkagahasa, ang pagpapakasal sa isang lasenggo na dapat na napag-isipan ko ng mabuti, ang paghihiwalay, ang panlalabis ng aking ina…  Ako ay bumalik sa pagkabuhay.  Ang puso ko ay nagbabago nang higit pa tuwing dumadalo ako ng Misa o isang pulong ng panalangin.  Ako’y lubos na napamahal sa Diyos at aking asawa.

Pinapalitan ang Poot ng Pag-ibig

Hanggang sa tagpong ito, wala pa akong napatawad kahit sinoman.  Ikinubli ko ang lahat ng aking dinaramdam sa likuran at ikinulong ko ang mga ito nang palayo na tila hindi nangyari ang mga ito.  Nang kami ni Peter ay nagkaroon ng kasunduang magpakasal, nais kong malaman ito ni Mama.  Ako’y nagpadala sa kanya ng mga sulat ngunit isinauli niya ang mga ito “sa nagpadala,” kaya ako’y tumigil na lang.  Napanagimpan ko ang aking ina na nakasabit mula sa isang punongkahoy.  Ang kanyang matingkad na bughaw na mga mata ay dilát at nakatitig sa akin.  Tumingala ako sa kanya nang may habag at sinabi ko, “O Diyos, kinasusuklaman ko siya, ngunit hindi gaano.”  Kahit papaano, ang yaong panaginip ay pinayuhan akong huwag magalit.  Kahit na sukdulan kong kinamuhian ang ginawa ng isang tao, ang poot ay mali.  Pinatawad ko si Mama nang lubusan, at ito’y nagbukas sa ibang mga pintuan ng biyaya.  Ako’y nagpakahinahon at muling nakipag-abót sa aking ina hanggang siya’y muling sumagot, at kami’y nanatiling kasama siya ng dalawang araw.  Nang ang aking kapatid na babae ay tumawag upang sabihan ako na siya’y biglaang namatay ng atake sa puso, ako’y sumambulat ng mga luha.

Pagkaraan ng kanyang pagpanaw, pakiramdam ko’y hindi ko pa napatawad si Mama nang wasto, ngunit ang pagpapayo at mga dalangin kasama ng isang mabuting pari ay nakatulong sa pagbalik ng aking kapayapaan.  Nang binigkas ko ang mga diwa ng kapatawaran, ang Banal na Ispirito ay lumagos sa aking katauhan, at nalaman kong napatawad ko na siya.

Ang pagpapatawad kay Tom ay isang bagay na paulit-ulit kong ibinalik sa panalangin.  Ito’y inabot ng kahabaan, kinakailangan kong sabihin nang malakas nang higit sa isang ulit na pinatatawad ko si Tom para sa mga panahon na pinagmalabisan niya ako, sa kanyang mga pangangaliwa, at sa kanyang hindi wastong pakikitungo sa akin.  Alam ko na napatawad ko na siya.  Hindi maaalis nito ang mga gunita, ngunit maaalis nito ang pasakit.

Pinupunasan ang Pisara nang Malinis

Ang pagpapatawad ay hindi pang-isahang ulit na bagay.  Kailangan nating magpatawad kapag ang mga hinanakit ay nanunumbalik.  Dapat nating ipagpatuloy ang pagtigil sa pagnanais na magtanim ng mga sama ng loob at ipaubaya ang mga ito kay Jesus.  Ito ang panalangin ko, “Jesus, ipinauubaya ko sa Iyo ang bawa’t bagay, alintanahin Mo ang bawa’t bagay.”  At ginagawa Niya.  Nadadama ko ang lubos na kapayapaan kapag idinasal ko ito ng makailang ulit.

Inabot ng mahabang panahon bago ako nagkalakas upang maidala ang nakahihilom na pagpatawad sa panggagahasa.  Ito’y itinulak ko lamang sa tabi.  Di ko nais na kahit pag-isipan Ito.  Ngunit kahit yaon ay nahilom nang ihinarap ko ito kay Kristo at pinatawad ko ang aking mga manamantala.  Ito’y hindi na ako ginagambala.  Ito’y pinunasan ng Diyos nang malinis, dahil hiniling ko sa Diyos na sumapit at pawiin ang anumang hindi nararapat sa Kanya.

Ngayon, ihinahabilin ko ang mga bagay sa Diyos habang ang mga ito ay nagaganap, at ang kapayapaan ay humuhugas sa akin.  Tayo ay may isang Diyos na kahanga-hanga, na nagpapatawad, umaga, tanghali, at gabi.  Anumang kadiliman ang nasa ating buhay, ang Diyos ay naghihintay para sa atin na magsisi at humiling ng Kanyang tawad, upang tayo ay malinisan Niya at magawang buo.

 

 

 

Share:

Margaret Fitzsimmons

Margaret Fitzsimmons lives with her husband in Brisbane, Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles