Home/Makatawag ng Pansin/Article

Oct 29, 2021 1496 0 Donna Marie Klein, USA
Makatawag ng Pansin

IKAW AY MAHALAGA

Naniniwala ka ba na ang Diyos ay nandito kasama natin, sa sandaling ito?

“Tiyak mong nakikita ka ng Diyos saan ka man naroon kaya mag-ingat ka sa lahat ng sandali sa iyong mga pagkilos.” Ang talatang ito mula sa ika-apat na kabanata ng Panuntunan ni San Benedicto ay angkop na nagsasalarawan sa isa sa mga pangunahing alituntunin ng Panuntunan: kamalayan na palagi tayong nasa presensya ng Diyos. Ang pagkabatid na tayo ay nasa palagiang sulyap ng Diyos ay parehong pinakadakilang mapagkukunan natin ng lakas laban sa tukso, at pinakamabisang pagpapaalala ng lubos na pagmamahal at pag-aaruga ng Diyos sa atin na Kanyang mga nilikha.

Ang katiyakan na walang kilos ang nakakaligtas sa pagmamatyag ng ating Lumikha ay nagbibigay dahilan na dapat natin laging pakaisipin ang ating pag-uugali at supilin ang ating angking pagkiling sa kalabisan o kawalan ng pagsasagawa; at sa halip pa, tinutulungan tayo nitong ituon ang mga hangarin sa kaluwalhatian ng Panginoon.  Sa taguyod ng mapagmatyag na mata ng Diyos, malamang na di tayo labis iinom ng alak o matutulog nang labis na malalaktawan natin ang pang-umagang panalangin.

Makapukaw-damdaming Panukala!

Ang mga pagkakawanggawa natin ay kayamanang maka-Langit, ngunit kung minsan ang mga ito ay nababahirdan ng pagkamakasarili. Dapat isaisip ang babala ni Hesus sa Ebangelyo ni San Mateo:” Mag-ingat sa paggawa ng makatuwiran sa harap ng kapwa, nang masaksihan nila ito, sapagkat sa gayon ay wala kang gantimpala mula sa iyong Ama na nasa langit.” (6: 1).  Ang paunang salita ng Panuntunan ni San Benedicto ay nagtuturo kung paano gawing dalisay ang ating mga hangarin: “Sa tuwing magsisimula ng mabuting gawain, magmakaawa [sa Diyos] nang may taimtim na panalangin na gawin itong ganap na mahusay.” Ang pagdadasal bago simulan ang pinakamaliit na gawain ay hindi lamang para gamitin ng Diyos ang ating mga kilos nang magawa Niya ang Kanyang mga layunin kundi nagpapaalala din sa atin na sa lahat ng ating gawain, ang Diyos ay kasama natin.

Naniwala si Benedicto na “ang Banal na Presensya ay nasa lahat ng dako, at ang mga mata ng Panginoon ay nakamasid sa mabuti at masama sa bawat lugar” (Panuntunan, Kabanata 19). Yamang dapat nating laging ipalagay na kasama natin ang Dakilang Lumikha, hinahamon tayo ni Benedicto sa naturang kabanata na “isaalang-alang kung paano tayo dapat kumilos sa presensya ng Diyos.” Isang makapukaw-damdaming panukala!

Subalit, naniniwala ba talaga tayo na ang Diyos ay kasama natin dito, sa sandaling ito? Ang totoo, kahit naniniwala tayo dahil sa pananampalataya na ang Diyos ay nasa lahat ng dako, madali nating maiwakli ito, lalo na kapag tayo ay nasabit sa pang-araw-araw na mga gawain. Madaling tayong mapahanga ng matinding Presensya ng Diyos kapag pinanunuod natin ang makapigil-hiningang paglubog ng araw, ngunit mahirap matanti ang Kanyang kapangyarihan at presensya pag inilabas natin ang basura.

Nagiging Ganap na Mahusay sa Pagsasagawa

Ang pagka-sa-lahat-ng-dako ng Panginoon ay hindi lamang isang teolohikal na pag-unawa na dapat nating tanggapin, kundi isang kagawian na kailangan ang paglinang.

Ang patuloy na kamalayan at pagtugon sa Presensya ng Diyos, na kilala bilang isang paggunita, ay isang nakamtang sanay ng pagsasaloob na pinag-ukulan ng ilang taóng pagsasagawa ng madaming santo — marahil kahit ni San Benedicto!

Isang paraan sa pagpapairal sa gayong paggunita ay ang tanungin ang sarili bawat araw kung paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin sa araw na iyon. Habang ginugunita natin ang napakadaming paraan na ipinapakita sa atin ng Diyos ang Kanyang malambing na pag-aaruga at awa, kusang napupuno ng pasasalamat at papuri ang ating mga puso, na magtatanim naman sa ating puso at isip ng taos na pagmamahal sa Diyos. Sa bandang huli, ang pagbibigay-luwalhati sa ating Lumikha, sa isip, salita, at gawa, ay nagiging pangalawang likas nating katangian.

Di-maiiwasang kahit na ang pinaka-magugunitain sa atin ay nawawalan na pananaw sa Diyos sa oras ng kaguluhan at kahirapan ng buhay. Ngunit ang totoo, sa mga oras ng takot at pagkalito kung kailan ang Diyos ay tila malayo, Siya ay talagang mas malapit kailan pa man, “sinusubukan tayo sa apoy” [pagsubok sa gitna ng kagipitan] upang mas mapalapit tayo sa Kanya. Sa gayon, hinihimok tayo ni San Tiago na “ibilang itong isang wagas na kagalakan kapag napaloob sa anumang uri ng pagsubok. Pakaisipin na kapag ang iyong pananampalataya ay sinusubukan, ito ay nagiging matatag”(1: 2-3). Bagaman hindi natin maramdaman ang tunay na kagalakan sa sandaling iyon ng pagsubok, napakalaking halaga ang pagtangka nating harapin ang anumang panganib nang may pananampalataya, na ang Diyos ay kasama natin at magbibigay ng kaginhawahan.

Pagsasamang Punó ng Kaligayahan  

Totoo, sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan na walang alinlangang hindi tayo kailanman iiwang mag-isa ng Panginoon, lalo na sa mga oras ng ligalig. Sa Awit 91, tinitiyak ng Diyos na kapag tayo ay tumawag, Siya ay sasagot:

“Kasama mo ako. Ililigtas [kita] sa pagkabalisa at bibigyan [kita] ng kaluwalhatian” (15).

Sino ang makakalimot sa makabagbag-damdaming mga salita ni Jesus na sinipi mula sa Awit 22 habang Siya ay nakapako sa Krus: “Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?” (2). Gayon pa man ang mismong salmong iyon ay nagtapos sa Isang puno-ng-pag-asang panipi na hindi pa nadidinig ng madami: “Sapagkat hindi Niya pinabayaan o hinamak ang paghihirap ng abang taong ito, hindi Ako tinalikdan, bagkos, pinakinggan Ako nang ako ay sumigaw” (25). Sa totoo, ang huling ikatlong bahagi ng salmo ay isang paanyaya upang purihin ang Diyos!

Ilang oras bago Siya dakpin, sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad na Siya ay itatakwil ng mga ito ngunit gayunpaman ay nagwika, “Hindi Ako kailanman mag-iisa; ang Ama ay kasama Ko”(Juan 16:32). At bago umakyat sa Kanyang Ama, nangako sa atin si Hesus, “Dapat mong malaman na lagi mo akong kasama” (Mateo 28:20).

Ang mga lungkot, hirap, balisa, yamot, kahinaan, tunggali, saway, paghamak — lahat ay maaaring pasanin at tanggapin kapag nakatuon ang pananaw natin Kay Jesus, na si Emmanuel –kasama-natin-ang-Panginoon– (Mateo 1:23). Kapag ang Siyang minamahal natin ay nakapaligid sa atin — sa unahan natin, sa likuran natin, sa ibabaw natin, sa ibaba natin, sa tabi natin — ang mga dating panghihinayang at mga dadating na pag-aalala ay nawawalan ng kapangyarihan. Sa ilalim ng mapagsang-ayon na mga mata ng Amang Makapangyarihan, na ang lahat ay nakikita, ang buhay na kasama si Jesus sa kasalukuyang sandali ay Isang pagsasamang puno ng kaligayahan. “Ngayon ay isang kasiya-siyang sandali; pagmasdan, ngayon ay ang araw ng kaligtasan! (2 Corinto 6: 2).

Share:

Donna Marie Klein

Donna Marie Klein is a freelance writer. She is an oblate of St. Benedict (St. Anselm’s Abbey, Washington, D.C.).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles